You are on page 1of 2

TALUMPATI

Lahat tayo ay may kanya-kanyang pangarap sa buhay, mga pangarap na


nais natin makamtan at marating ang tagumpay. Ngunit hindi ito ganun kadaling
marating sapagkat kailangan nito ng hirap at tiyaga, ika nga nila “kung anu ang iyong
itinanim yun din ang aanihin”. Kaya sana sa talumpati kung ito ay mabuksan ko ang
inyong isipan tungo sa praktikal na pananaw sa buhay. Panahon na para patunayan
natin ang kasabihang “Ang kabataan ang Pag-asa ng Bayan” sa pamamagitan ng
pagiging praktikal sa pagpili ng mga bagay-bagay, isa na dito ang pagpili ng kurso
pagdating sa koliheyo.

Paano nga ba naging praktikal ang kursong Bachelor of Science in Business


Administration o BSBA? Kung ang palaging bilin ng ating mga magulang ay “Anak
mag aral ka ng mabuti upang makakuha ng magandang trabaho”? Panahon na para
lawakan at buksan natin ang ating mga isipan sa katutuhanang pinayayaman lamang
natin ang mayayaman mula sa mga kasabihang iyon. Bakit? Simple lang naman,
gagamitin lang nila tayo bilang mga empleyado tungo sa kanilang mas matagumpay
pang kinabukasan kapalit ng iilang sintemong kikitain nila mula sa ating serbisyo.
Kadalasan pa nga mga dayuhan lamang ang yumayaman dito sa ating bansa dahil
tayo pa mismo ang ginagawang mga alipin ng mga dayuhan sa ating sarilinig bansa.
Bakit hindi natin lawakan ang ating isipan at ibahin ang ating pananaw na
kinagisnan kung makakatulong naman. Walang pa pong yumaman dahil lang sa
habang-buhay na pagtatrabaho bilang mga empleyado.

Sa henerasyong ito bakit hindi naman natin gawin ang mga kasabihang “Mag-aral ng
mabuti upang makahanap ng magandang NEGOSYO”?

Narito ako upang imungkahi o ipagbigay alam ang mga nalalaman ko at


napagdaanan ko. Dahil ang Kursong ito maaari kang kumita habang nag-aaral ka. At
habang nag-aaral ka nililinang ang iyong kakayahan sa pagnenegosyo. Siguro iniisip
niyo na napaka kumplikado at mahirap ang ganitong kurso. Ito lang ang masasabi ko
lahat ng kurso ay mahirap ngunit lahat ay napag-aaralan. Piliin niyo ang kursong
demand sa kasalukuyan ang pag-nenegosyo ay kalian man hindi magiging luma. Ito
ang gawin nating basehan maaari ka din maging instructor o profesor pagdating ng
panahon. Maraming uportunidad ang mga maaari mong makuha kapag ika’y
nakapagtapos na. Maaari ka rin makapagtrabaho sa iba’t ibang larangan na
mapapasukan dito sa ating bansa. Mapa opisina man o banko. Maaari mong
pagsabayin ang pagnenegosyo at pagiging empleyado kung iyon ang nais mo. Bago
magtapos ang aking talumpati nais kung mag-iwan ng katanungang tatatak sa isip
niyo! Ano ang mas pipiliin mo? Hawak ang oras mo o hawak ng boss mo ang oras mo!

Maraming Salamat sa inyong pakikinig!

You might also like