You are on page 1of 1

Ang Bulag at ang Pilay

Ang magkaibigang pulubi na bulag at pilay ay nakaisip ng paraan


para sa ikabubuhay nila. Isang araw, sila ay nagtungo sa bayan
upang magpalimos. Wala ni isang tao ang nag-abot sa kanila
kahit singko. Malungkot na napasalampak sa kalsada si Pilay. Si
Bulag naman ay nangalumbaba sa labis nahimutok. Humapdi na
ang sikmura ni Bulag. Patuloy ito sa paghaplos ng tiyan.
Kinausap niya si Pilay na nagsabing siya’y nag-iisip ng paraan
upang sila ay mabuhay. Sa wakas, naka isip din siya ng
gagawin nila ni Bulag. Natitiyak niyang may mapakikinabang sila.
Maya-mayapa ay nakikita na silang naglalakad habang pasan ni
Bulag sa Pilay. Ang mataay si Pilay at ang paa ay si Bulag.
Anong inam na pareho.

You might also like