ANG WIKANG FILIPINO AY PANLAHAT, ILAW AT LAKAS SA TUWID NA LANDAS ni Jennifor L. Aguilar Kalayaan! Kalayaan! Kalayaan!

Isinisigaw, inihihiyaw, ipinaglalaban Buhay man ang maging kabayaran Ibubuwis, ibibigay, maangkin yaring katubusan. Tayo’y mga Ilayano, na bininyagan ng Pilipinong ngalan! Nagmula sa matatapang na liping Silangan Mga Dayak Ibaloy, Kayan, Itneg, Andamanes, Negrito, at Semang Sinaunang lahing likas ang katapangan! Lumaban, Naghimagsik, dugo’t buhay ay inalay! Sina Tanday Lupa Lupa, Agustin Lumandag, Dagohoy, Andres Malong, Mamangkal, Tamblot, Raha Kandole, Datu Puti, Datu Sumakwel, Diego at Gabriela Silang, at mga paring Gomburza, Mga dugo nila’y humihiyaw, sumisigaw ng KALAYAAN! Tatlongdaang taong mahigit na nakikipaglaban Sa paghahangad makamit ganap na kasarinlan Sa iba’t ibang panig ng bansa’y nakikipagpatayan Ngunit pawang kay ilap makamit ang inaasam Iisang pangarap tanging hinahangad Tuluyang makalaya sa mga Mestizong Tamad, ganid, mapagsamantala’t diyos ang inilalantad Ngunit tila hadlang, kawalan ng wikang panlahat! Sinikap buuin wikang maaaring lahat ay mag-aangkin, Magigiting na katipunero’y Tagalog isinulong at idiniin Maging pangulong Quezon, paniniwala’y ganoon din Wikang ito’y magbibigkis sa puso ng Pilipinong naninimdim Pinatatag ng pambansang wika, pwersa ng Katipunan Pinalakas ang damdamin, pinag-alab ang kamalayan Gulok, buho, pistola, puso at wika ang kasangkapan Laban sa malalakas na sandata ng mga dayuhan Ngunit Pambansang wika’y pilit pinabansot, di-pinagamit, ibinabaon sa limot ng lahing Amerikanong sumunod na sa ati’y sumakop wika nila’y pumainbulog, wika nati’y bumulusok Palibhasa’y wika’y makapangyarihan na tunay Sa dugo ng bawat Pilipino’y nananalaytay Nang kasarinlan sa ati’y naibigay Naging matuwid ang bayan patunay diyan, Pangulong Magsaysay

Ngunit nang muling dumilim pahina ng kasaysayan Lumitaw pagkaganid ng pinuno sa kapangyarihan Pambansang Wika’y naging ilaw ng mamamayan Muling pinalaya’t, binigyang ilaw nang matahak ang tuwid na daan Ngayo’y dumako na sa panahong Malaya at sumubra na sa talino At kung sinu-sino ang naghahangad na makapamuno Hindi nagkakaisa’t kani-kaniyang puna at kuru-kuro Lahat gagawin, para sa kapangyariha’t pagluklok sa pwesto Bayan ngayo’y nalulumbay, kumukulimlim, nauubusan ng lakas Muling naghihiwa-hiwalay, kanya-kanya na naman nang nais ipamalas Dalangin namin sa iyo Bathala na siyang tunay na magpapamalas Gamitin yaring wikang Panlahat na maging ilaw at lakas sa tuwid na Landas

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful