You are on page 1of 3

2019 PAMBUNGAD NA TALUMPATI

PAMBUNGAD NA TALUMPATI PARA SA PAGDIRIWANG NG BUWAN NG WIKANG PAMBANSA

Mensahe mula sa
Tanggapan ng Kataas-taasang Opisyal ng Kampus

Sa ating kagalang-galang na Panauhing Pandangal, (Pangalan ng Panauhin)

sa pagdiriwang na ito, mga opisyal ng pamantasan na naririto (opsyunal), mga

direktor at tagapanguna ng iba’t ibang tanggapan ng kampus (banggitin ang kanilang

panagalan kung kinakailangan), dekano at dekana ng mga kolehiyo (banggitin ang

pangalan bilang pagkilala), mahuhusay at mapagmahal na mga guro at manggagawa ng

linangang ito, tagapag-ugnay ng lingkod mag-aaral (OSDW Coordinator) Gng. Maria Donna

B. Macadangdang, mga tagapayo ng iba’t ibang samahang pang-mag-aaral sa pangunguna

ng tagapayo ng Campus Student Council, G. Roldan D. Sawadan, mga lider-mag-aaral, mga

lingkod-bayang nakiiisa sa pagdiriwang ngayong araw na ito, mga magulang at iba pang

bisita, malugod ko po kayong binabati ng isang magandang araw sa inyo mga kapwa

Pilipino.

Sa buwan na ito, muli na naman nating ginugunita ang kadakilaang nagawa ng ating

Dating Pangulong Manuel L. Quezon, ang ama ng Wikang Pambansa na siyang nanguna sa

gawain na magkaroon ng isang wikang Pambansa ang bansa. Itinakda niya ang Surian ng

Wikang Pambansa o ang tinawag ngayon na Komisyon ng Wikang Filipino na binubuo ng

mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay

at magtataguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at

pagpapanatili sa Filipino at iba pang wikang rehiyunal.


2019 PAMBUNGAD NA TALUMPATI

Ngayong araw ang itinakda ng ating linangan upang ipagdiwang ang Buwan ng

2
Wikang Pambansa na tampok ang temang “Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang

Filipino.”

Sa inilabas na kalatas ng Komisyon ng Wikang Filipino, binanggit ang dahilan kung

bakit ang pokus ng pagdiriwang ay hinggil sa mga katutubong wika. Anila, pakikiisa ito ng

KWF sa proklamasyon ng UNESCO ng 2019 International Year of Indigenous Languages

(IYIL). Higit pa dito, ang pagdiriwang ay isang mahalagang suhay sa ipinatutupad ng KWF

na Medyo Matagalang Plano 2017-2020 sa pamamagitan ng mabisang pagpapatupad ng

mga pambansang programa para sa patuluyang pagpapaunlad, pagpapayaman, at

pagpapalaganap ng mga katutubong wika na makapag-aambag sa higit na kagalingan at

kalinangang pambansa ng mga Pilipino.

Kaya sa pagdiriwang na ito, ay maisakatuparan sana ang mithiing mapahalagahan

ang ating katutubong wika na kaakibat ngayon sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Sa

pagdiriwang na ito mabubuhay muli ang nawawalang tradisyon, pagkakapatiran, at

pagkakaisa dahil tayo’y nasa isang bansang malaya. May pangarap tayong makibahagi sa

representasyon ng kaganapang global tungo sa isang bansang Filipino. Dapat nating

mahalin ang wikang Filipino at lahat ng wikang umiiral sa ating bansa ngayon, sapagkat ito

ang daan patungo sa ating pag-unlad bilang nag-kakaisang bansa. Ngayong araw, sabay-

sabay nating salubungin nang buong kasiyahan at pagkamakabayan ang buwang ito at

ipagdiwang natin ang Buwan ng Wika sa taong ito. Pakinggan, unawain, at isabuhay sana

natin ang mga aral na ibabahagi ng ating Panauhing Pandangal ngayong araw.

Sa ngalan ng Cagayan State University – Lal-lo, makabayan ko po kayong inaanyayahan at

idinedeklara ang opisyal na pagbubukas ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2019 sa ating


2019 PAMBUNGAD NA TALUMPATI

unibersidad! Mabuhay ang Pambansang Wika ng Pilipinas! Mabuhay ang Filipino! Mabuhay

ang Cagayan State University! Mabuhay tayong lahat!”

You might also like