You are on page 1of 1

PAMBUNGAD NA PANANALITA

Para sa ating pinagpipitagang punong guro Ginoong Danilo B. Montoy,


MAEM, mga guro, kapwa ko mag-aaral, mga panauhin isang magandang
umaga/hapon sa ating lahat.

Sa taong ito, ayon sa Komisyon ng Wikang Filipino o KWF, ang tema ng


Buwan ng Wika ngayong Agosto 2019 ay: WIKANG KATUTUBO: TUNGO SA
ISANG BANSANG PILIPINO. Hindi na lingid sa ating kaalaman na tuwing buwan ng
Agosto ay ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Wikang Pambansa, bilang paggunita
sa ating kasaysayan at pagpapahalaga sa mga naging karanasan ng ating mga
ninuno na upang ang wikang Filipino ay maisabatas bilang Pambansang wika ng
Pilipinas.

Ang wika ay laging kaakibat ng ating kasaysayan, ito ay isang salik sa


tagumpay at kabiguan ng ating mga ninuno. Ang pagkakaroon ng iba’t ibang
dayalekto sa ating bansa ay naging sanhi ng hindi pagkakaunawaan at kawalan ng
pagkakaisa. Kung kaya’t sa buwang ding ito ay lagi nating ginugunita ang
kadakilaang nagawa ng ating Dating Pangulong Manuel L. Quezon, ang ama ng
Wikang Pambansa na siyang nanguna sa gawain na magkaroon ng isang wikang
Pambansa ang ating bansang Pilipinas. Itinakda niya ang Surian ng Wikang
Pambansa o ang tinawag ngayon na Komisyon ng Wikang Filipino na binubuo ng
mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-
uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad,
pagpapalaganap at pagpapanatili sa Filipino at iba pang wika.

Kung kaya’t sa pagdiriwang na ito, ay maisakatuparan sana ang mithiing mas


mapaunlad pa at mabigyan natin ng pagpapahalaga ang ating sariling wika. Dapat
nating mahalin ang wikang Filipino, sapagkat ito ang daan patungo sa ating pag-
unlad bilang nagkakaisang bansa.

Maraming salamat po!

You might also like