You are on page 1of 2

PANGWAKAS NA PANANALITA (Linggo ng Wika)

Para sa Linggo ng Wika

Sa ating mahal na Punong-Guro Gng. RowenaO. Rojas, sa mga nangungulo sa mga ibat ibang
departamento , G. Oscar O. Rombo, Bb. Mary Jane Macawili, Gng. Ofelia S. Cinco at G. Gerardo
Sabulao butihing guro at tagapayo, at sa mag-aaral, isang maalab na pagbati po ng mainit na
hapon sa inyong lahat.

Sa mga nakita at narinig natin sa palatuntunang ito, marahil ay maitatanong natin sa ating mga
sarili kung ano nga ba ang kabuluhan ng pagkakaroon ng Pambansang Wika. Ano nga ba ang
maitutulong nito sa ating buhay bilang isang Pilipino? Ang palatuntunanang ito ay ginagawa
upang bigyang halaga ang pagkakaroon ng wikang pambansa.

Alam natin na ang bansang Pilipinas ay isang arkipelago na mayroong pitong libo isang daan at
pitong (7,107) isla. Mga isla na magkakahiwalay na hinahati ng tatlong malalaking isla – ang
Luzon, Visaya at ang Mindanao.

Ang mga isla na ito ay mayroong kanya-kanyang kasaysayan, paniniwala at


pananalita. Bagamat ang lahat ay isang Pilipino ay mayroon tayong mahigit sa walumpung (80)
dayalekto ngunit kahit nagkakaiba ang ating mga salita ay mayroong isang salita na
nagbubuklod sa atin, nagkakaintidihan tayo – ang wikang Filipino.

Kapag ang isang Pilipino na taga-Mindanao ay nagpunta sa Maynila, hindi magiging sagabal ang
kanyang lenguwahe dahil tayong mga Pilipino, kahit saan man naroon ay maaari tayong mag-
usap at magkaintidihan dahil sa ating pambansang wika. Kaya sinisikap ng mga eksperto at
nagmamalasakit sa wika na magpasok ng mga salita mula sa iba’t ibang wikang katutubo sa
ating pambansang wika.

Dito tayo nagkakaisa at nagkakaunawaan na mahalagang bagay upang tayo ay


umunlad. Kailangan nating magkaintidihan tungo sa iisang adhikain – ang umunlad. Bilang
isang bansa ay mahalaga na magkaroon tayo ng isang wika na siyang mag-uugnay at
magsisilbing bigkis sa ating lahat.

Magkakaiba man tayo sa maraming bagay ay nauunawaan naman natin ang isat-isa dahil
naipapahayag natin ang ating nararamdaman sa ating kapwa. Sa pagkakaunwaan na ito ay
naipaparating natin ang ating kagustuhan na maging mapayapa ang ating bayan at bansa. Dahil
sa iisang wika na ating pinagkakaintidihan ay nasasabi natin ang nais nating pagbabago para sa
pag-unlad.

Mahalaga na magkaintindihan at magkaisa ang bawat isa. Dahil sa pamamagitan nito ay


maisusulong nating Pilipino ang inaasam na pag-unlad at kapayapaan. Ipagmalaki natin sa
buong mundo ang wikang Katutubo: Tungo sa isang Bansang Filipino.
Bago ko wakasan ang aking talumpati taos puso akong nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa sa
pagdiriwang sa mga mag-aaral , sa mga guro, sa aking mga kaagapay Zyra, Roxanne, Kim, at
Edward,

Sa inyong lahat. Maraming salamat.

You might also like