You are on page 1of 12

KALAGAYAN NG WIKANG FILIPINO SA KASALUKUYANG PANAHON

(Talumpati)

Maluwalhating umaga sa inyong lahat mga kapwa Pilipino, mag-aaral, kaibigan, mahuhusay at
mapagmahal na mga guro, butihing at maunawaing prinsipal at administrador. Purihin ang
Panginoong Hesus  sa isang napakagandang umaga! Wikang Filipino, wika ng bawat Pilipino. Ikaw,
ako, tayo.. iisa. Sa mundong pilit kang binabago. Ang pinakamahalagang aspeto ng bawat kultura ay
ang wika. Sa lahat ng antas ng tao sa lipunang kinagagalawan ito ang ginagamit na basehan. Ito ang
bumubuklod sa mamamayang Pilipino sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Sa unang panahong pagsisimula ng paggamit ng mga Pilipino ng wikang tagalog, binuhay nito ang
sibilisasyon. Ito ay paraan ng pagkakaisa ng mga Pilipino sa mas ikabubuti ng ating bansa. Paraan
din ito upang magkakaintindihan ang bawat pangkat dahil sa pagkakaroon ng isang wika na
naiintindihan ng lahat. Mas mapabilis ang naging daan para sa transportasyon at komunikasyon na
nagbigay daan para mas dumami ang ideya at opinyon. Talaga ngang wala ng ibang magmamahal sa
Wikang Filipino, kundi tayo ring mga Pilipino, kaya’t halina’t pagyabungin natin ang isa sa mga
pinaka-iingatang yaman ng ating bansa Ang wikang Filipino. Wika Mo, Wika ko, at Wikang nating
Lahat.  

Maraming Salamat! Nawa'y mamutawi sa ating mga puso na ang pagiging tunay na mamamayan ng
bansang Pilipinas. Muli, Maraming Salamat.
Maluwalhating umaga sa inyo mga kapwa Pilipino, Purihin si Hesus at si Maria!
Wikang Filipino, wika ng bawat Pilipino. Ikaw, ako, tayo.. iisa. Sa mundong pilit kang binabago, may
nananatili pa nga bang matatag? Tila marahil sa pagdaan ng panahon tayo ata ay nakalilimot ng
lumingon sa ating pinanggalingan, nakatikim lang ng Hershey’s chocolate, nakalimutan na ang
Chocnut, nakapagsuot lang ng sa Rusty Lopez, nalimutan na ang sapatos na gawang Marikina, at
nakapunta lang ng ibang bansa, tila ayaw ng umuwi at kinamumuhian na ang sariling bansa, natuto
lang mag ingles, hindi na marunong mag Filipino. Tama, nakalulungkot mang isipin ngunit iyon ang
katotohanan,katotohanang dapat natin harapin at pagtuunang pansin, kung minsan nga’ y ikinahihiya
pa natin mag Filipino kaya nga’t kahit mali ang grammar at nagbubuhol-buhol na ang dila pinipilit
parin mag ingles.

Tunay ngang masasabing kayamanan ang pagkakaroon ng sariling wika, Ang wikang Filipino ang
ginagamit natin tungo sa pambansang kaunlaran. Wikang ating kasangkapan sa pagkakaunawaan at
pagkakaisa ng mga mamamayang Pilipino saan mang panig ng Pilipinas.
Talaga ngang wala ng ibang magmamahal sa Wikang Filipino, kundi tayo ring mga Pilipino, kaya’t
halina’t pagyabungin natin ang isa sa mga pinaka-iingatang yaman ng ating bansa Ang wikang
Filipino. Wika Mo, Wika ko, at Wikang nating Lahat.
Maraming Salamat sa inyong pagbasa at naway mamutawi sa ating mga puso ang pagiging tunay na
mamamayan ng bansang Pilipinas. Muli, Maraming Salamat.
KAHALAGAHAN NG WIKA

Katatapos lang ganapin ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa ating bansa. Ipinagdiriwang ito upang
maipahayag sa mga mamayanang pilipino na dapat natin mahalin ang ating sariling wika. Ang
Wikang Filipino ay isa sa mga natanggap natin mula sa ating mga ninuno. Tayong mga Pilipino ay
likas na mayaman sa kultura ng wika na naging daan kung bakit tayo’y maraming uri ng wika at
dayalektong ginagamit sa ating pamumuhay.

Napakahalaga ng wika sa kasaysayan at kultura ng bawat lugar sa ating bansa. Ito ang ating gabay
sa pakikipagtalsatasan, sa pagpapahayag ng ating mga damdamin, ideya, pananaw at pagbibigay ng
opinion. Sa pamamagitan nito malinaw nating naipaparating ang ating mga mensahe, sa pagsulat
man o sa pananalita.

Ang ating wika ay isang napakahalagang aspeto sa ating bansa. Ang ating wika ay dapat gamitin sa
wasto ng may buing pusong ipagmalaki. Dahil kahit saan mang dako sa mundo tayo mapadpad ay ito
an gating pagkakakilanlan bulang isang tunay na mamayanang Pilipino. 
Talumpati Tungkol Sa Wika

Ang wika ay bahagi ng ating kasaysayan at kultura. Ito ay isang napakaimportanteng parte ng ating
buhay.
Noon pa man bago dumating ang mga iba’t-ibang lahi na sumakop sa ating bansa ay sadyang
mayaman na ang ating wikang kinagisnan.
Bilang isang bansa na binubuo ng maraming mga kapuluan, tayo rin ay mayroong samu’t-saring mga
dayalekto at linggwaheng ginagamit.

Ito ang mga salitang sumisimbolo at nagbibigay ng tatak sa ating mga pagkakakilanlan sa kung
saang lipi at lahi tayo nabibilang.

Marami man kung ating bilangin ang uri ng ating mga wika, ngunit sa kalaunan ay nagbubuklod-
buklod pa rin tayo dahil sa pagkakaroon ng isang sariling wikang Pambansa – ang wikang Pilipino.
Wikang Filipino: Wikang panlahat, ilaw at lakas, sa tuwid na
landas
Ngayong buwan ng Agosto, ating ginugunita at ipinagdiriwang ang Buwan ng wika bilang
pagbibigay ng kahalagahan sa ating wika, ang Filipino at ang kontribusyon nito sa ating
mga buhay. Ipinapaalala nito na napaka-importante sa isang bansa na magkaroon ng
pambansang wika upang lubos na makilala ang yaman ng ating kultura. Pero ano ba ang
kahalagahan ng pagkakaroon ng iisang wika?

“Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda; kaya ating
pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala.” Ito ang tanyag na katagang
nagmula sa ating pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal na nagbibigay kahalagahan sa
wika sa buhay ng isang tao. Isang inspirasyonal na kataga at kapupulutan ng aral tungkol
sa pagpapahalaga ng wika. Kahit maraming wikang banyaga ang alam na sabihin ni Rizal,
hindi niya tinalikuran ang kanyang bansa at pinalagahan ang wikang Tagalog na isa sa
mga parating ginagamit ng mga Pilipino noon.

Ang ating wika ay sumisimbolo ng isang bansang matatag at nagkakaisa dahil kung hindi
magkaintindihan ang bawat mamamayan nito dahil sa mga pansariling wika, hindi uunlad ang ating
bayan at patuloy pa rin sa paglayo ang inaasam nating pagbabago. Kung may iisang wika,
magkakaintindihan ang lahat at magkakaroon ng iisang hangarin at ito ay bumangon mula sa mga
pinagdaanang problema. Nawa’y ating gamitin ng wasto ngayong buwan ng wika ang Filipino at taas-
noo tayong magsalita sa ating sariling wika!
Wika
“Makahihigit ay wala, kahit anumang sandata, makapagtitibay sa bansa, paggamit ng
sariling wika, ang ating tanging tanikala.”

Malaya na tayong mga Pilipino sa pang-aalipin ng ibang bansa. Masasabi na nating ganap
na ang ating pagkabansang Pilipino. May sarili na tayong watawat, mayroon na ring
pambansang awit at mayroon pang pambansang wika… ang Wikang Filipino.

Sinasabing wika ang sagisag ng pagkalahi… tatak ng isang bansang malaya. Ang mga
bansang malaya ay yaong mga gumagamit sa sariliing wika. Sinasabing, kapag walang
wika, walang kultura. At kapag walang kultura, walang wika.Sinasabing wika ang matibay
na tanikala sa pagkakaisa ng isang bansa.

Wikang Filipino ang sentro ng Pilipinas na pinanggagalingan ng lakas para mapatatag ang
ating bansa. Ito ang bumibigkis sa mga Pilipino upang magkaisa para sa ikauunlad nitong
bansa.

Wika; sagisag ng kabansaan, sagisag ng kalayaan, sagisag ng karangalan, susi sa


pagkakaunawaan, tungo sa kaunlaran, nitong ating Lupang Tinubuan.
Filipino, Bilang Wikang Pambansa
Ang wika ay isang mahalagang aspeto ng bawat kultura. Kasangkapang ginagamit ng
lahat ng antas ng tao sa lipunang kinagagalawan. Ang pagsilang ng wika ay nagibibigay
buhay sa sibilisasyon. Sa pamamagitan nito, malinaw na nailalarawan ang bawat karanasan
at damdamin ng bawat tao. At sa pagkakaroon ng sariling wika ay lubusang naipapahayag
ng nakararaming mamamayan ang kanilang kaisipan.

Isang layunin ang pagkakaroon ng isang wikang pambansa ang pagpapalaganap ng


pagkakaisang pambansa, ang pagkakaroon ng heograpiko at politikal na pagkakapatiran
at maging ang pagkakaroon ng isang sumasagisag na pambansang wika ng isang bansa.

Dapat lamang at napakahalaga na magamit natin ang ating wikang pambansa sa lahat ng
kaparaanan. Hinggil sa ating pakikipagtalastasan saan man tayong rehiyon nabibilang,
dahil bilang isang mamamayan sa bansa nakapaluob sa ating wikang pambansa ang
saliring kulturang tinataglay na pagkikilanlan ng ating sariling bayan, tungo sa pag-unlad
ng ating pang-economiya at katatagang politika. Gamitin natin ang wikang Filipino tungo sa
ating tuwid na daan, bilang mabuting mamamayan ng Pilipinas.
TALUMPATI – (Filipino: Wikang Mapagbago)

Nakatagpo ka pa ba ng taong matatas manalita sa wikang tatak atin? Nagsasalita ka pa ba ng purong


Filipino bilang medyum ng pakikipagtalastasan? Nagagawa mo pa bang kumustahin ang wikang
Filipino? Huwag magtataka na baka isang araw, mamumulat ka na lamang sa katotohanang ang
ating wika ay nabaon na sa limot ng nakararaming mga Pilipino.

Masalimuot ang naging buhay ng ating wika. Maraming salita ang namatay kasabay ng paglipas ng
panahon. Nakakalungkot man sa parte ng mga paparating na siglo ngunit huwag pangangamba
sapagkat hindi maaalis ang katotohanang upang umunlad at marating ang tagumpay kung minsan
mayroong kailangang bitawan at isakripsiyo habang naglalakbay na maabot ang tagumpay na ito.
Upang hindi mapag-iwanan ng panahon, gaya ng taong patuloy na nakikipagsapalaran sa mabilis na
pagbago ng lipunan, ang wika ay kinakailangan din makipagsabayan sa pagbabagong ito. Kung
kaya’t hindi maiiwasan ang hindi pagkakaintindihan kapag ito na ang ating pinag-uusapan ngunit
hindi natin maikakaila na dahil sa wikang ito, nagkakabuklod pa rin tayo. Isa sa ating ipinagmamalaki
ang yaman ng ating wika.

Ang napakaraming baryedad na patuloy na sumisibol ang siyang mas nagpapaganda sa wikang atin.
Patuloy tayo na mangangahas na lagutin ang kolonyal na prinsipyo na gumagapos sa ating wika at
isipan. Magbago man ang lahat lahat, wag lamang ang pagmamahal natin sa wikang tatak atin. Sa
pakikibaka na marating ang tuktok ng tagumpay nating Pilipino, huwag sana nating kalilimutan sa
mga panahong iyan na isigaw ang wikang Filipino.
Sabayang Pagbigkas

WIKANG FILIPINO’Y ‘WAG BAGUHIN

ni Emmanuel F. Del Rosario

Sa pag-agos ng ilog na hindi na muli pang babalik,

Bawat sandali’y dapat nating ikasabik,

Ngunit paano kung ang ating dapat ipanhik,

Nilamon ng modernismo’t sa kawala’y inihasik.

Ang wikang Filipino sa ‘tin halaga’y mumunti,

Binabago, binubura, pilit nating pinaiikli,

Kung mga ‘Kano’y may Ingles;ang Pinoy may Filipino rin,

Ngunit bakit ngayon wikang Filipino’y Ingles na din!

Bansa’y di nagkakaisa, walang pagkakaintindihan,

Dahil wikang pambansa, nasa ilalim ng kahapisan,

Ito ay regalo ng Maykapal, at kanyang inaasahan,

Na bawat isa’y dapat natin itong linangin at pagsaluhan.

Kung gusto natin ng pagbabago, wika’y ‘wag baguhin,

Dapat bawat Pinoy ito’y paunlarin,

Wika ang susi sa pagkakaisa ng bansa,

Kaya dapat natin ito’y taas noong ibandila!


Ako’y Wika
Orihinal na tagalog na tula ni: Kiko Manalo

Wikang Filipino ang aking pangalan,


Ipinanganak ko itong kalayaan,
Ako ang ina at siyang dahilan,
Ng pagkakaisa at ng kasarinlan!
Sapagkat ako nga ang siyang tumanglaw
Sa bansang tahanang iyong tinatanaw,
Katulad ng inang sa iyo ay ilaw,
Nagbibigay-sigla’t buting sumasaklaw!
Ako rin ang ama at naging haligi,
Ng mga sundalo at mga bayani,
Sa digmaan noon sa araw at gabi,
Ako ang sandatang nagtaas ng puri!
Pagkat akong wika ang lakas mo’t tuwa
Ako’y lakas nitong bisig mo at diwa
Sa pamamagitan ng aking salita,
Ligtas ka sa uring luksong masasama!
Sinalita ako at gamit ng lahat,
Upang mga taksil ay maisiwalat,
Sa Luzon, Visayas, sa lahat ng s’yudad,
Pati sa Mindanao, ako ay nangusap!
At nakamit mo na ang hangad na laya,
Mula sa dayuhang sakim at masama,
Dilim na sumakop sa bayan at bansa,
Dagling lumiwanag, pintig ay huminga!
Wikang Filipino, ginto mo at hiyas,
Panlahat na wika saan man bumagtas,
Ilaw na maalab sa dilim ay lunas
At lakas patungo sa tuwid na landas
TATAG NG WIKANG FILIPINO, LAKAS NG PAGKA-PILIPINO
Poy Aguilar
 
Wikang Pambansa, Wikang Filipino,Wika ng magigiting na lahing Pilipino,
Wika baga ito ng matatapang na taoWikang matatag, lakas ng pagkalahi ko!
Pundasyon mo’y dugo’t pawis ng mga ninuno na tanging iniisip, kapakanan ng inapo
di-alintanang kamatayan, pag-aglahi sa pagkatao maitawid, maihatid, wikang angkin sa panahong ito

Sinubok kang itatag sa Biak na BatoPinaglaban, isinulong ng mga Katipunero


Sa pagnanasang pag-isahin ang bayang ito
Nang tuluyang makalaya sa mga Ilustrado!
Ngunit nang magpalit ng bagong gobyerno,
Ibinenta’t ibinilin sa mga Amerikano
 
Wika’y binansot ibinaon sa limot
Pilit nag-iingles nang pabalu-baluktot
Muli tayong nangarap, Kasarinla’y makamtan
Kay Pangulong Quezon, maisasakatuparanBinalangkas ang konstitusyon ng sambayanan

Wika’y kaagapay, kapatid ng tagumpay


Mula sa katutubong wika ng mga Pilipino
Hahanguin, pipiliin, pambansang Wika Ko,
Mayamang balangkas, gamit ng nakararaming tao,

Suportado sa panulat ng mga bayaning Pilipino!


Palibhasa’y wikang Tagalog
nagtatamo nitoIpinasya ng batas na gamitin at ituro
Nang lumao’y nagpalit ng katawagang bago
 
Pambansang wika’y naging Wikang Pilipino
Unti-unting umunlad ang bayang PilipinasGamit ang wikang pinatatatag, pinatatalas
Nang demokrasya’y ikinubli’t naghari ang dahas
Wika’y sa kaakibat ng mga nag-aaklas

Nang muling bumangon, napatalsik ang diktador


Nagbunga ang buhay na ibinuwis ng Senador hinabi, binuo bagong konstitusyon
Wikang Filipino na ang gamit ng buong Nasyon
Bicolano, Maranao, Hiligaynon, Cebuano,Waray-waray,
Kapampangan, Maguindanaoan, ChavacanoPangasinense,
Tagalog, Tausug, Ilocano,Mga Wikang matatatatag saligan ng Filipino
Pinanday ng panahon, tatag ng Wikang Filipino
Hinubog ng kasaysayan, lakas ng pagka-Pilipino
Wikang Filipino, wika ng bayan ko
Lahing Pilipino, taas noo sa buong mundo!
Wikang Filipino: Kahapon, Ngayon at Bukas
Ni Glorivel H. Glomar

“Ako’y isang Pinoy!” -mga simpleng salita na may malalim na kahulugan kung lubusang susuriin. Paano nga
ba natin mapapatunayan ang ating tunay na pagmamalaki bilang isang Pilipino? Kung ating titingnan,
maraming paraan hindi ba? Subalit ang pinakamahalaga ay ang paggamit natin ng ating sariling wika. Bilang
panimula, nais kong itanong kung batid nga ba natin ang kahulugan ng salitang “wika” ? Ano bang wika ang
ginagamit mo? Mahalaga ba ang wika sa buhay ng bawat tao?

Maraming pagkakataon na hindi sapat ang simbolo, galaw, kumpas at iba pa upang maipahayag ang tunay na
kahulugan ng isang bagay. Dito pumapasok ang kahalagahan ng wika – ito ang pangunahing midyum upang
maipahayag natin ang ating saloobin at opinyon ayon sa nilalaman ng ating isip at damdamin sa ating kapwa.
Ito ang ginagamit natin sa pang-araw-araw partikular na sa komunikasyon. Kung wala ang wika, paano natin
mapapanindigan ang ating mga prinsipyo at paniniwala sa buhay? Hindi ba’t napakahalaga ng wika? Tunay
nga naman! Sapagkat sa pamamagitan nito magagampanan natin ang isa sa pangunahing tungkulin dito sa
mundong ibabaw at ito ay ang magbahagi ng kaalaman.

Bawat bansa sa dito sa mundo ay may kanya-kanyang wika na ginagamit upang matalos ang malawak na
pagkakaintindihan ng bawat isa.Dito sa Pilipinas, “Wikang Filipino” ang tawag sa pangunahing wika o “mother
language” ng bansa. Bawat mga mamamayan sa iba’t-ibang dako ng Pilipinas ay mayroon ding sariling wikang
kinagisnan Maraming salita ang ginagamit sa bansa. Subalit namumukod tangi pa rin na ang WIKANG
FILIPINO na nagsisilbing buklod ng sangkapilipinuhan upang makamit ang kaunlaran at kapayapaan na ating
pinapangarap. Ito ang landas tungo sa pagkakaisa.

Wika mo! Wika ko! Wika natin ay wikang Filipino! Anuman ang lahi mo. Iba man ang kultura at kulay ng balat
ko, Ikaw, Ako, Tayo ay tunay na mga Pilipino! Saan mang panig ng mundo ako tumungo. Iba’t-ibang lagi man
ang aking makahalubilo. Taas noo kong ipagmamalaki na ang dugong nananalaytay sa akin ay dugong
Pilipino. Wikang Filipino: Noon, Bukas ay sa darating na Henerasyon.

You might also like