You are on page 1of 1

WIKANG KATUTUBO: TUNGO SA ISANG BANSANG PILIPINO

JENNIFOR AGUILAR

Hinuhubog, Binubuo, nilililok


Bansang sa panahon ay sinubok
Napakaraming dayuhan ang saati’y sumakop
Niyurakan, nilapastangan, tayo’yinilugmok

Namangha sa kagandahang binubuo ng mgapulo


Sa angkin nating yamang puro’t dalisay na ginto
Maging sa mga wikang iba-iba at katutubo
Taglay ng mamamayang matitikas at tribo-tribo

Hinati-hati, pinagwatak-watak, ginrupo-grupo


Nagsipangalat mga katutubong Pilipno
Itinaguyod kani-kaniyang tribo
Nalimot ang pagkalahi ng iisang dugong Pilipino

Nilapastangan ng mgadayuhan, binihisan ng pagbabago


Relihiyon at edukasyon pilit sa ating pinasubo
Niyurakan ang kultura’twinasak ang pagkatao
Nilihis ang landas ng lahing Pilipino

Ivatan, Itneg, Ibanag, Ilocano


Tagalog, Bicolano, Waray at Cebuano
Ilan sa mga katutubong wikang bumubuo sa Filipino
Pinipigil, sinusupil, pinapatay ng pagbabago

Binabansot, nililimot, unti-unting naglalaho


Wikang banyaga’y, lumalaki’t lumalago
Ikinikintal sa utak ng mga Pilipino
Wika ng Bayan ko, saan kaya magtatagpo?

Linangin, payabungin, pagyamanin ang wikang Filipino


Ibatay sa mga Wikang umiiral sa bayan ko
Mga wikang angkin, mga wikang katutubo
Tungo sa pagtataguyod ng isang bansang Pilipino

Paunlarin at suportahan MTB-MLE sa bawat baryo


Wikang katutubo ang gamitin sa pagtuturo
Buwagin at ibasura CMO-20 sa Kolehiyo
Ibalik ang mgaasignaturang Filipino

Patatagin ang bansasapamamagitan ng wika


Wikanggamitsakomunikasyon at pag-unawa
Wikangnakaugatpagkalahinati’tkultura
Upangmapag-isaminamahalnatingbansa

Mga wikang katutubong maliliit man at iba-iba


Hitik naman sa yaman ng gawinati’tkultura
Kung bibigyang pansin at pahahalagahan ng madla
Mabisang kasangkapan upang maging isang Pilipinong Bansa

You might also like