You are on page 1of 1

ULAT SALAYSAY sa PAGDIRIWANG ng BUWAN ng WIKA 2019

(Agosto 29, 2019)

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, alinsunod sa Memorandum


Pansangay Blg. 135 s. 2019, ang paaralang Elementarya ng Sto. Niño ng Paombong ay magdaraos ng
Tagisan ng Talento sa iba’t ibang gawain o paligsahan mula Kinder hanggang Ika-6 na Baitang. Ang tema
ng pagdiriwang sa taong ito ay “Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino.”

Ang layunin ng tagisan ay ganap na maisasakatuparan ang Pampanguluhang Proklamasyon Blg.


1041, s.1997, mahikayat ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na makiisa sa mga programang
pangwika at maganyak ang mga mamamayang Pilipino na pahalagahan ang wikang pambansa sa
pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga gawaing kaugnay ng BUwan ng Wikang Pambansa.

Ang pampaaralang paligsahan ay binubuo ng Sayaw Pinoy, Birit Bulilit (Katutubo/Rehiyunal na


Awit), Bida Best, ang Aking Rehiyon, Kuwentong Bulilit (Madulang Pagkukuwento), Isahang Bigkasang
Tula, Talumpati, Sulat Bigkas ng Tula sa pagtuturo at pagsubaybay ng mga gurong tagapayo, mga
magulang at aming Punong-guro, G. Armando P. Valencia.

Nagsimula ang programa sa pag-awit ng pambabansang awit na kinumpasan ni Gng. Rowena M. Santos
at sinundan ng panalangin sa pangunguna ni Gng. Fiona Blanca L. Balboa. Nagbigay ng pambungad na
pananalita ang Punong-guro II ng paaralan, G. Armando P. Valencia. Ibinigay ng Gurong Tagapag-ugnay
sa Filipino na si Gng. Meldrid M. Olis ang mekaniks ng mga paligsahan bago ito mag-umpisa.

Nagpakita ng kani-kanilang angking galing at talento ang lahat ng mga kalahok. Dumagundong
ang palakpakan sa covered court, hindi alintana ng lahat ang biglang pagbuhos ng malakas na ula. Tunay
ngang napakaganda ng kultura ng iba’t ibang katutubo sa ating bansa at marapat lamang na ito’y ating
ipagdiwang at ipagmalaki.

Iginawad sa mga nagwaging kalahok ang sertipiko bilang pagkilala sa kanilang husay at galing.

Matagumpay na naidaos ang patimpalak sa paaralan sa pakikipagtulungan ng lahat ng mga guro,


stakeholders, mga magulang at mag-aaral.

You might also like