You are on page 1of 9

Department of Education

Region VI – Western Visayas


Division of Aklan
District of Malinao
LILO – AN NATIONAL HIGH SCHOOL
Lilo –an, Malinao, Aklan

NARATIBONG-ULAT SA PAGDIRIWANG NG BUWAN NG WIKA


2022

“Filipino at mga Katutubong Wika: Kasangkapan sa Pagtuklas at Paglika” Ito ang


tema ngayon sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika na kung saan, ginigising nito ang
damdaming Makabayan at maka-Pilipino ng mga sambayanang Pilipino. Sa pamamagitan ng
pagdiriwang na ito ay ipinapakita natin ang pagtingkilik at pagmahahal sa sariling atin.

Kaugnay nito, ang Lilo-an National High School ay buong-pusong nagtipon-tipon


para makiisa sa paggunita ng Buwan ng Wikang Pambansa at pagyamanin pa ang Wikang
Filipino. Isa sa mga layunin ng nasabing pagdiriwang ay upang ipamalas ng mga mag-aaral
ang angking galing sa pagsulat, pag-awit, pagsalita, pagsayaw at tagisan ng talino na may
pagka-Pilipino.

Agosto 30, 2022, ganap ng 9:20 nang umaga ay nagkaroon ng patimpalak sa pagsulat
ng sanaysay (Filipino-Akeanon) at paglika ng tula (Filipino-Akeanon). Ang patimpalak ay
hinati sa dalawa, mula sa Departamento ng Junior High at Departamento naman ng Senior
High. Ang pagsulat ng bawat mag-aaral ay biglaan na kung saan sa araw ng patimpalak na
iyon lamang ibinigay ang paksang pagkukuhanan nila ng sulatin.

Agosto 31, 2022, araw ng Kulminasyon ng Buwan ng Wika na kung saan sinimulan
ang palatuntunan ng isang Panalanging Awitin na inihandog ng mga mag-aaral mula sa
Ikasampung Baitang na sinundan ng Pambansang Awit, Himno ng Aklat at Himno ng
Paaralan na itinaguyod ni Ginoong Eudes Rey I. Lesigues. Bilang pambungad na mensahe ay
masiglang binuksan ni Ginang Susan N. Domingo, Punong-guro, ang palatuntunan.
Nagbigay din ng mga mahahalagang kaisipan ang Panauhing Pandangal na si Ginang Margie
R. Hallares na tiyak na may naiuwing intelektuwal na kaalaman ang mga mag-aaral pati na
rin ang mga nanood sa patimpalak. Nagkaroon din ng Tagisan ng Talento ang mga mag-aaral
mula Ikapitong Baitang hanggang Ikalabindalawang Baitang. Nagpakita ng isang katutubong
sayaw ang mga mag-aaral sa Ikapitong Baitang na sinanay ni Ginoong Nicolas ay Molo,
isang awitin mula sa Ikawalong Baitang na kinatawanan ni Bb. Rosal na sinanay ni Ginoong
Eudes Rey I. Lesigues, Interpretatibong sayaw naman sa Ikasiyam na Baitang na sinanay
Ginoong Nicolas I. Molo, isang Interpretatibong Pagbasa naman ang nasa Ikasampung
Baitang na sinanay ni Bb. Pamela Joie S. Revicente, nagtalumpati naman si Bb. Gwen
Antonette I. Genilsa, mag-aaral mula sa Ikalabing-isang Baitang na sinanay ni Ginoong
Christian F. Tambong at nagpamalas naman ang kinatawan ng Ikalabindalawang taon ng
isang Klasikong Awitin na si Shanelle Sandara N. Domingo na sinanay ni Bb. Christia Mari
D. Ibardolaza. Nagkaroon din ng patalasan ng isip sa Departamento ng Senior High kung
saan ipinamalas nila ito sa Dagliang Talumpati. Sa araw din na ito, iginawad ang mga nanalo
sa patimpalak sa Pagsulat ng Sanaysay at Tula (Filipino-Akeanon).

Bilang pagtatapos naman ng Palatuntunan, nagbigay ng pangwakas na mensahe


bilang pasasalamat, si Bb. Pamela Joie S. Revicente Pampaaralang Tagapag-ugnay sa
Filipino.

Naging maganda at matagumpay ang daloy ng palatuntunan dahil sa pagtutulungan ng


mga mag-aaral at mga guro ng Lilo-an National High School at tagapagdaloy na palatuntunan
na si Bb. Christia Mari D. Ibardolaza na pinangunahan ng pangkalahatang tagapangasiwa na
si Ginang Susan N. Domingo.

Inihanda ni:

PAMELA JOIE S. REVICENTE


Pampaaralang Tagapag-ugnay sa Filipino

Napansin ni:

SUSAN N. DOMINGO
Punong-guro 1

Agosto 30, 2022

PATIMPALAK SA PAGSULAT NG SANAYSAY AT TULA (FILIPINO-AKEANON)


Agosto 31, 2022

Bb. Christia Mari D. Ibardolaza,


Tagapagdaloy ng Palatuntunan

Mga mag-aaral ng Ikasampung


Baitang sa Awiting Panalangin.
Ang pagbigay pugay sa watawat ng Pilipinas, pag-awit sa Himno ng Aklan at
ng Paaralan na isinagawa ni Ginoong Eudes Rey I. Lesigues.
Ginang Susan N. Domingo, Punong-guro 1, na nagbigay ng Pambungad na Mensahe.
Ginang Margie R. Hallares, Panauhing Pandangal

Dagliang Talumpati
Pangwakas na Mensahe

You might also like