You are on page 1of 5

Sa isang buwan sa isang taon, pinapahalagahan ng mga Pilipino

ang kanilang kariling wika. Ipinagdiriwang ito sa buwan ng Agosto. Sa


taong ito, ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika ay may temang Filipino:
Wika ng Karunungan. Hindi naman nagpahuli ang Montealegre National
High School sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Sa unang linggo pa
lamang ng Agosto, 2016, sinimulan na ang pinakaaabangang
pagbubukas ng Buwan ng Wika. Nagkaroon ng maikling programa sa pagbubukas. Dito ibinahagi
ang kahulugan at kahalagahan ng selebrasyon at ng tema. Sa araw na ito rin ipinaalam ang iba’t
bang paligsahang gaganapin sa buong buwan at ang panunumpa ng mga opisyales sa Filipino Club.

Sa bawat linggo ng Agosto, nagkaroon ng paligsahang sinalihan ng

mga mag-aaral ng MNHS. Sa sumunod na


linggo, may paligsahan ng paggawa ng
poster at islogan. Dito, dalawang mag-
aaral ang magtutulungang gumawa ng
isang Poster at Islogan na may
konseptong “ Filipino: Wika ng Edukasyon
at Kalinangan.
Sa ikatlong linggo nagkaroon sa paaralan ng isang munting exhibit. Dito binatay ang konsepto
sa temang “Intelekwalisadong Wikang Pambansa, Wika ng Umuunlad na Bansa” at ang temang “Ang
Wikang Filipino ay Wika ng Saliksik” Ang Ikapitong Baitang ay nagpakita ng kanilang gawang Alamat
pati rin ang Ikasiyam na Baitang. Ang Ikawalong Baitang naman ay gumawa ng Poster sa Ang
Tuwaang. Ang Ikasampung Baitang ay nagpakita ng gawa nilang poster sa kaibahan at pagkakatulad
ng France at Pilipinas, mga gawang moral values.

Nagkaroon din ng pagpapakita ng mga SARILING gawang maiikling pelikula at pagsasadula


ng mga mag-aaral.
Noong ika-30 ng Agosto, 2016, nagkaroon ng Pista ng Wika ang buong Dibisyon ng Probinsya
ng Cebu na idinaos sa Consolacion NHS, Consolacion, Cebu. Sumali an gaming paaralan,

Montealegre NHS sa patimpalak sa Paggawa ng Islogan.

Hindi matatapos ang buwan ng Agosto kung walang Pampinid na Programa ang aming
paaralan. Sa ika-31 ng Agosto, 2016, ginanap an gaming pinakahihintay na pagtatapos ng Buwan ng
Wika. Sa araw na ito, nagkaroon ng Paligsahan sa Pag-awit ng Isinaling Kanta. Ang Kanta ay Ingles
na isinalin mismo ng mga mag-aaral ng aming paaralan at ginawan pa ito ng sarili nilang
Pagpapaaninaw. Sa araw ring ito iginawad ang mga parangal sa mga nanalo sa bawat paligsahan.
Sa pagtatapos ng buwan ng Agosto, hindi lamang napapahalagahan ng mga mag-aaral ang
wika ng bansa kundi pati na rin ang kultura ng Pilipinas. Naipakita rin ng mga mag-aaral ang kanilang
mga talento at napaunlad ito.

Inihanda at ipinasa nina:

Gng. Magdalena P. Moniño Bb. Annie Rose M. Pakingan Gng. Ma. Kiefer M. Pesiao

Mga Guro sa Filipino ng Montealegre NHS

You might also like