You are on page 1of 2

Ang San Gabriel National High School ay muli na namang ipinagdiwang ang isa sa mga

pinakahihintay na okasyon ng mga mag-aaral upang ipamalas ang kanilang kakayahan o talento
sa mga ibat-ibang uri ng pagpapahayag sa pamamagitan ng sariling wika na alinsunod ito sa
paksang diwa: “Wikang katutubo: Tungo sa isang bansang Filipino”

Hangad ng tema sa taóng ito na maikintal sa pambansang kamalayan ang halaga at


gampanin ng wikang Filipino at mga katutubong wika sa pagbuo ng isang bansang
nagkakaunawaan. Mangunguna ang natatanging ahensiyang pangwika ng pamahalaan sa
pagtataguyod ng mga proyekto at programang nakatuon sa pagpapaunlad, preserbasyon, at
pagpapalaganap ng wikang Filipino at mga katutubong wika ng Pilipinas.Kabilang ang wika sa
pamanang pangkultura o intangible heritage ng isang lahi. Sa wika matatagpuan ang mga
kayamanang pangkultura tulad ng identidad, gunita, oral na tradisyon, at panitikang nakasulat.

Ang unang patimpalak a nilahukan ng lahat ng may kakayahan


ay ang Paggawa ng Poster at Slogan n ginanap mooomg ika 9 ng
Agosto,2019. Ito ay pinangunahan ni ginoong Jesimiel Roque,
guro sa MAPEH at ginanap ang paligsahan sa SGNHS covered

court.

Dala dala ng mga kalahok ang mga


kagamitan at puhunan nila ang kanilang
pagkamalikhain at talino upang epektibong
maipahayag ang kanilang ideya sa tema ng
pagdiriwang.

Sumunod na patimpalak naman ang Pagsulat ng


Tula na sinalihan ng lahat ng may kakayahan. Ito ay
ginanap noong ika 16 ng Agosto sa isang silid sa
pangunguna ni Ginoong Jayson Palermo. Sinundan
ito ng patimpalak na Interpretatibong Pagbasa. Ang
bawat seksyon ay bumuo ng isang grupo na may
anim na myembro. Pinangunahan ito ni Bb. Shiela
Marie A. Santiago.
Ika 22 ng Agosto, 2019 ay ginanap ang
Balagtasan sa pangunguna ni Bb. Beverly Perez.
Bumuo ang bawat seksyon ng grupo na may tatlong
myembro at kinabisa ang pyesa. Naghanda din sila ng mg apananamit na akma sa patimpalak.
Patimpalak sa kantahan ang huling hirit para sa
Pagdiriwang ng Buwanng Wika. Ika 23 ng Agosto eksaktng
alauna ng hapon ginanap ang patimpalak. Sa pangunguna ni
Bb. Amalia Anecleto Tinipon ang mga mag-aaral sa covered
court upang tunghayaan ang patimpaak sa kantahan.
Mayroong dalampu ang kalahok na nagpakita ng kanilang
talent sa pagkanta at umabot ng halos dalawang oras ang
patimpalak.

Tinapos ang Buwan ng wika sa paggawad ng


parangal sa mga kalaho na nagpakita ng kanilang
kakaibang galing at husay sa bawat patimpalak.
Nasungkit ng 7 purity ang pinakamataas na parangal
sa paggawa ng slogan at poster. 8 Aster naman ang
nagwagi interpretatibong pagbasa. Sila John Neil
Loyola, Michella San Martin at Fredelyn Vallotya
naman ay tinanghal na pinakamahusay na
mambabalagtas. Si Fredelyn Vallota ang nakasungkit
ng unang pwesto sa paligsahan sa pag-awit. Tinapos
ang programa sa panghihiklaya sa mga mg-aaral na
hindi lámang sa buwan ng Agosto, na makiisa at manguna sa mga proyektong nakatuon sa pagpapasigla
ng paggamit at pagtangkilik sa mga katutubong wika ng Pilipinas.

You might also like