You are on page 1of 2

PAMPAARALANG PAGDIRIWANG NG BUWAN NG WIKANG

PAMBANSA
Ika-28 ng Agosto, 2018
Pinanguhaan ng koordineytor sa filipino na si Rona P.
Lozada ang pagdiriwang ng Buwan ng wikang Pambansa . Ang
Mababang Paaralan ng Egmedio Fernando ay nakiisa sa
adhikaing lalong pagyamanin ang lahing Pilipino at palawakin
pa ang paggamit ng wikang Filipino at Tunay na
pinahaalagahan ng paaralang ito ang pagdiriwang ng Buwan ng
wika. May ibat ibang palatuntunan at patimpalak na ginawa
gaya ng paggawa ng poster, pagsulat ng islogan,tagisan ng talino
at pakikinig sa kwento. Ang unang ginawa para sa selebrasyong
ito ay ang pagpapaawit sa mga bata ng mga awiting Pilipino.
Sinundan ito ng pagtalakay sa tema ng Buwan . Nagkaroon din
ng pagkukwento ang ikalawang baitang. DEklamasyom ang
nasa ikatatlong baitang. Nagkaroon din ng paligsahan ng
katutubong sayaw ang ika-apat na baiting. Namigay ng
maraming papremyo sa mga batang nakasagot sa mga tanong ng
taga kwento. Sinundan ito ng iba’t ibang patimpalak. Matindi
ang naging tungalian sa bawat patimpalak. Bawat isa ay
nagtangkang sungkitin ang unang parangal.Marami ang
ipinamigay na mga papremyo sa bawat batang nanalo at sumali.
Natapos ang palatuntunan ng masaya ang bawat isa lalo na ang
mga bata. Naipaliwanag sa kanila ang kahalagan ng wikang
Filipino. Naipaunawa sa kanila na dapat mahalin ang ating wika
ng buong puso.Hindi lang sa salita kundi pati na rin sa gawa.

Inihanda ni :
RONA P. LOZADA
Filipino Coordinator
PICTORIALS

You might also like