You are on page 1of 2

BUWAN NG WIKA 2017

(A Narrative Report)

Ang Mababang Paaralan ng Del Pilar ay muli na namang ipinagdiwang ang isa sa mga
pinakahihintay na okasyon ng mga mag-aaral upang ipamalas ang kanilang kakayahan o talento
sa mga ibat-ibang uri ng pagpapahayag sa pamamagitan ng sariling wika na alinsunod ito sa
paksang diwa: Filipino: Wikang Mapagbago

Ang nasabing tema ng buwan ng wika ay nagsilbing ugat ng programa upang gisingin ang
kamalayan ng mga musmos na kaisipan ang kahalagahan ng ating Inang Wika sa kanilang araw-
araw ng pagsasalamuha sa lipunan.

Sa maiklling programang inihanda para sa naturang selebrasyon, sinanay na ang mga mag-
aaral sa ikaanim na baiting na siyang tagapamahala ng programa. Ito ay nag-umpisa sa panalangin
na pinangunahan ng mga mag-aaral sa Ikalimang Baitang sa pagsasanay ni Gng. Marites G.
Migullas. Sinundan ng pag-awit ng Pambansang Awit sa pagkumpas ni Gng. Jenyl Q. Dotillos.
Ibat’ibang talento ng mga mag-aaral ang ipinakita katulad halimbawa ng sayaw sa Kindergarten
kung saan ang bawat kilos ng katawan sa kumpas ng musika ay nagbibigay ngiti sa bawat
magulang na sumaksik at nanood sa naturang programa. Ang mga mag-aaral sa una at ikalawang
baiting naman ay nagpapakita ng kanilang galing sa pagtula na ang nilalaman ay naayon sa tema.
Ang ikatlong baiting naman ay nagpapaakita ng naiibang istilo ng ng pagkukuwento kung saan
parang teleserye ng programa sa telebisyon ang nasaksihan at nakita ng mga manonood. Ang mga
mag-aaral naman sa Ikaapat na baiting ay nagpapakita ng kanilang kahusayan sa pagtatalumpati
at deklamasyon. Sinundan ito ng isang debate ng mga mag-aaral sa Ikalimang Baitang at ng isang
sayaw ng mga mag-aaral sa Ikaanim na Baitang, ang “ Makalumang Yugyog sa Makabagong
Tugtog”`

Sadyang naiiba talaga ang mga kabataang Pilipino. Sa talent at pag-arte talagang
naipapakita natin ang tatak “pinoy”. Kitang-kita sa mata ng bawat manonood ang pagkagiliw sa
mga presentasyon para sa buwan ng wika.

Isa rin sa mga mahahalagang pangyayari kaakibat ng programa para sa paggunita ng


Buwan ng Wika ay ang pagbibigay pugay sa mga mag-aaral na nakakuha ng mataas na marka sa
unang Markahang Pasulit. Binibigyan ng sertipiko ng parangal ang mga mag-aaral na nakakaangat
sa kanilang mga kaklase. Ito’y ginagawa bilang isa sa mga paraan upang lalo pa silang
magsusumikap para mapanatili ang marka kundiman madagdagan pa ito at ang iba na hindi
nagawa sa unang pagsusulit ay magsusumikap pa lalo para makatunton din sa entablado.

Produktibo ang ginawang palatuntunan upang lalo pang masanay an gating mga kabataan
at maipunla sa kanilang mga puso at isipan na an gating Pambansang Wika, ang Wikang Filipino
ay kabahagi nan g ating buhay lalung-lalo na sa ating araw-araw na pakikipag-ugnayan.

Ginawa at Ipinisa ni:

JENEL G. TARUC
Ulong Gu
Pictorials……….

You might also like