You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION XIII - CARAGA
SCHOOL DIVISION OF SURIGAO DEL SUR
DAPDAP ELEMENTARY SCHOOL

Buwan ng Wika Ulat Pasalaysay

Ang paaralang elementarya ng Dapdap ay nagdiiriwang ng isang palatuntunan upang pag-


alala sa Ama ng Wikang Pambansa na si Manuel L. Quezon sa pamamagitan nito nagkaisa ang mga
Pilipino sa pagkakaroon ng sariling wika at itanghal ang mga talento ng bawat mag-aaral sa
pamamgitan ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika na may temang ”Filipino at mga Katutubong Wika
Kasangkapan sa Pagtuklas at Paglikha”.
Ang palatuntunan ay sinimulan sa pamamagitan ng pambansang awit sa pagkumpas ni
Ginang Boleth G. Rivas, na kaagad sinundan ng isang panalangin na ginampanan ni Ginang Ruby M.
Quilisadio. Nagbigay ng kanyang panimulang pagbati si Ginang Ludecita B. DIngding ang school
coordinator sa Filipino at ang mensahe tungkol sa pagmamahal sa sariling wika at kung paano ito
gamitin sa adhikain para sa wika ng pambansang karunungan.
Matapos ang unang yugto ng palatuntunan ay isa-isang nagpakita ng kanilang mga
natatanging talento ang bawat baiting pinangungunahan nito ng mga mag-aaral sa Kindergarten na
umawit ng Ako’y isang Pinoy at sinundan naman ng pagmalas ng unang baiting sa kanilang pag-awit
ng Ako ay Pilipino. At sinundan ng ikalawang baiting sa pagpapakita sa kanilang poster making
hingil sa tema at sumunod naman ang ikatlong baiting sa kanilang poster making din. Ibinahagi din ng
Ikaapat na baiting ang kanilang presentasyon sa tugtuging Pilpino. At nagpalabas naman ang Ikalima
at ikaanim na baiting sa kanilang sabayang pagbigkas.
Sabay-sabay na sumayaw ang lahat ng mag-aaral ng Galaw ng Pilipinas na pinangungunahan
ng Ika-anim na baiting.
At ang selebrasyon ay natapos sa isang pang wakas na panalangin ni Ginang Imarie Grace V.
Almodovar.

Inihanda ni:

LUDECITA B. DINGDING
Filipino Coordinator

Address: Purok 3 Dapdap, Barobo, Surigao del Sur, 8309


Contact No: 09207400268
Email Address: 132577@deped.gov.ph

You might also like