You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region X
Division of Lanao del Norte
Kauswagan District
UPPER TUGAR ELEMENTARY SCHOOL

 NARRATIVE REPORT SA ARALING PANLIPUNAN FESTIVAL 

Pinangungunahan ng koordineytor sa Araling Panlipunan na si Gng. Geraldine S.


Rivas ang pagdiriwang ng Araling Panlipunan Festival. Ito ay alinsunod sa isang Division
Memorandum Bilang 379 series 2019 na kung saan ito ay naglalayong makakatulong sa
paghubog at pagpakita sa iba’t-ibang angking kakayahan ng mga batang kalahok, at para
maipakita din ang mabuting pakikisama sa kapwa pagdating sa isang kompetisiyon.

Ipinagdiriwang ang Araling Panlipunan District Festival noong nakaraang ika-13 ng


Setyembre, 2019 na kung saan ang mga kalahok ay ang mga piling mag-aaral sa
labintatlong paaralan sa Distrito ng Kauswagan. Ang pagtitipon ay ginanap sa paaralan ng
Kauswagan Central Elementary School.

Ang selebrasyong ito ay nagtataglay ng iba’t-ibang uri ng mga patimpalak o


kompetisiyon gaya ng tagisan ng talino o Quiz Bee, Isahang Tinig, Interpretatibong Sayaw,
paggawa ng poster o Poster Making Contest, at larong lahi na kung saan ang mga ito ay
may mga kaakibat na mga mechanics.

Ang unang ginawa para sa selebrasyon ito ay ang pagpupugay sa bandila at


pagpupuri sa ating Panginoon. Sinundan naman ito ng pambungad na pananalita ng District
Lead Principal sa Araling Panlipunan na si Gng. Ashlima Racmat. Kasunod agad nito ay ang
tagisan ng galing at talento ng mga piling mag-aaral sa bawat paaralan na kalahok Ang mga
presentasyon o paligsahan ang nagsisilbing paraan upang mahasa at maipagmalaki ang
mga natatanging kakayahang taglay ng bawat isa.

Ang mga guro, magulang at mga mag-aaral ay galak na galak na ipinagdiwang ang
selebrasyong ito lalo na ang mga nakatanggap ng mga sertipiko bilang simbolo ng kanilang
pagkapanalo.

Naging matagumpay ang selebrasyon dahil sa pagkakaisa ng bawat isa para


makamit ang layunin.

Prepared by:

ELYN N. CULANCULAN
ARALING
PANLIPUNAN
COORDINATOR
Noted by:

MARK P. PAGUIDOPON
PRINCIPAL 1

You might also like