You are on page 1of 3

Department of Education

Region III
Division of Zambales
STA. CRUZ SOUTH HIGH SCHOOL
Lipay, Sta. Cruz, Zambales
School ID: 307114
307114@deped.gov.ph

ACTIVITY COMPLETION REPORT

Title of Activity: BUWAN NG KASAYSAYAN 2019

Date: September 11, 2019

Venue: STA. CRUZ SOUTH HIGH SCHOOL

Budget Allocation:

Source of Fund:

NARATIB
Alinsunod sa Proclamation No. 339 s.2012 na pinirmahan ni dating pangulong
Aquiono na naglalayong gawing Agosto ang buwan ng kasaysayan sa kadahilanang lahat ng
mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas ay naganap sa buwan ng Agosto. Ang
Mataas na Paaralan ng Timog Sta. Cruz ay nakiisa sa pagdiriwang na ito na may tema
ngayong taon na ‘KASAYSAYAN: Bahagi ng ating Nakaraan, Gabay sa Kinabukasan’.

Iba’t ibang aktibidad ang isinagawa bilang pakikibahagi sa nasabing pagdiriwang.


Isinagawa ang Flag Quiz na nilahukan ng lahat ng baiting mula pito hanggang baiting labing-
isa. Lahat ng mga kalahok ay nagpakita ng kanilang galing at kahusyan sa pagtukoy sa flag
ng mga bansa sa Asya. Itinanghal na panalo ang baiting siyam pangkat Cicero na talagang
ibinigay ang husay at talas ng kaisipan sa nasabing patimpalak. Kasunod nito nagsagawa din
ng Capital Quiz na nilahukan din ng mga mag-aaral mula pito hanggang baiting labing –isa.
Naging madikit ang labanan sa pagitan ng pangkat Cicero, Voltaie at Bonifacio, ganunpaman
itinanghal muli na nanalo sa patimpalak ang baiting siyam pangkat Ciciro. Hindi
matatawaran ang galing ng mga mag-aaral sa pagsasaulo ng mga capital ng mga bansa sa
Asya.Pinatunayan lamang nila na mahalaga pa rin sa kanila ang pag-aaral sa kasaysayan.

Isinagawa naman sa pangwakas na gawain nuong Setyembre 11 taong 2019, ang


iba’t –ibang patimpalak. Isa na rito ang ‘Bayani Ko,Kalook Alike Ko’ na ang layunin ay muling
sariwain ang ating mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa bayan. Nakilala natin at muling
narinig ang mga tanyag na winika nila Jose Rizal, Lapu-Lapu,Emilo Jacinto, Sultan Kudarat, at
iba pang mga bayani ng Pilipinas. Nakilahok sa nasabing patimpalak ang mga mag-aaral mula
baiting pito hanggang siyam. Hinusgahan sila ng magaling na guro mula sa Don Marcelo
Marty Elementary School na si Sir Jaira Alop, at ang dalawang guro ay galing sa ating
paaralan na sila Sir Jeffrey Autor at Sir Alfie Manzano. Nagpakita sila ng galing at talas sa
pagsagot sa mga katanungan tungkol sa bayaning kanilang ipinapakita. Itinanghal na nanalo
bilang 2nd runner up si Roelan Mayor sa ika siyam na baiting pangkat Voltaire,1 st runner
naman si Rayven Peralta mula sa ika-walong baiting pangkat Jefferson, at ang nagwagi
bilang bayani ko,kalook alike ko 2019 ay nanggaling sa ika-walong baiting pangkat Homer na
si Sean Serafin.

Kasunod naman ay ang patimpalak sa Mutya at G. Kasaysayan 2019 na nilahukan ng


mga mag-aaral sa ika –sampung at ika-labing isang baiting. Naging sentro ng patimpalak ang
naggagandahang malikhaing kasuotan ng mga kalahok,na kung saan ipinakita nila ito gamit
ang mga recycled materials. Lahat ay nakitaan ng galing at husay sa pagsagot sa Question
and Answer Portion. Ipinakita rin nila ang kanilang galing sa pagpapakita ng kanilang mga
talento na likas sa ating mga Pilipino. Sa patimpalak na ito itinanghal na nanalo bilang 3 rd
runner-up sina Ernest John Mirador at Jaelou Magpili, 2 nd runner-up sina Bryan Maypay at
Sunria Panabang, 1st runner-up sina Danica Montero at Michael Ren Queruela, samantalang
itinanghal naman na Mutya at Ginoong Kasaysayan 2019 sina Jenny Pelicane ng baiting
sampu pangkat Pascal at si Raymart Mauro baiting sampu pangkat Phythagoras.

Ipinakita ng mga mag-aaral ang kanilang husay at galing sa nasabing mga gawain
bilang tugon sa pagdiriwang ng Buwan ng Kasaysayan 2019. Lahat ng mga mag-aaral ay
nakiisa at nakibahagi sa nasabing pagdiriwang bilang pag-alala sa mga nagawa ng ating mga
bayani upang makalaya ang bansang Pilipinas. Sa tulong ng mga guro ng Araling Panlipunan
naisakatuparan ang nasabing pagdiriwang at sa gabay ng mga gurong tagapayo naging
matagumpay ang mga nasabing gawain.

Prepared by:

EVANGELINE S. OFIAZA
A.P. Coordinator
Noted:

RUSSEL M. ELGINCOLIN
Principal 1
Pictures during Flag and Capital Quiz

You might also like