You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV-A CALABARZON
Division of Bacoor
MOLINO ELEMENTARY SCHOOL

Lesson Exemplar in Araling Panlipunan 4 Using the IDEA Instructional Process

LESSON School Grade Level Four


EXEMPLA Name of Teacher Learning Area Araling Panlipunan
R Teaching Date and Time Quarter First (5 Araw)

I. LAYUNIN Sa araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:


 Nakapagbubuo ng kahulugan ng bansa
 Naipapaliwanag na ang Pilipinas ay isang
bansa.
 Natutukoy ang relatibong lokasyon(relative
location) ng Pilipinas batay sa mga
nakapaligid ditto gamit ang pangunahing at
pangalawang direksyon.

A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang pang-unawa o pagkakakilanlan ng


bansa ayon sa katangian heograpikal gamit ang
mapa.

B. Pamantayan sa Pagganap Naipamamalas ang kasanayan gamit ang mapa sa


pagtukoy ng iba’t ibang lalawigan ng bansa.

C. Pinakamahalagang Kasanayan sa Natutukoy sa mapa ang kinalalagyan ng bansa sa


Pagkatuto (MELC) (Kung mayroon, isulat rehiyong Asya at mundo (5 araw)
ang pinakamahalagang kasanayan sa
pagkatuto o MELC
D. Pagpapaganang Kasanayan • Nakapagbubuo ng kahulugan ng bansa
(Kung mayroon, isulat ang pagpapaganang • Naipapaliwanag na ang Pilipinas ay isang bansa.
kasanayan.) •Natutukoy ang relatibong lokasyon(relative location)
ng Pilipinas batay sa mga nakapaligid ditto gamit ang
pangunahing at pangalawang direksyon.

II. NILALAMAN Relatibong Lokasyon


III. KAGAMITAN PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro Curriculum Guide AP4AAB-Ic-4, Patnubay ng Guro pp
4-9, MELC 2

b. Mga Pahina sa Kagamitang Pangmag- Modyul 2 Araling Panlipunan


aaral
c. Mga Pahina sa Teksbuk Araling Panlipunan Kagamitang ng Mag-aaral
pp 8-14

d. Karagdagang Kagamitan mula sa https.//lrmds.deped.gov.ph/k_to_12


Portal ng Learning Resource
B. Listahan ng mga Kagamitang Panturo para Mapa ng Asya at Mundo, globo. Power point
sa mga Gawain sa Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. Introduction (Panimula) Alamin:

Pinapayuhan ang mga magulang o tagapag-


alaga na gabayan ang mag-aaral sa bahay sa
pagbabasa at pagtuklas ng nilalaman ng bahaging ito
ng aralin. Ang mga mag-aaral ay inaasahan
mababasa ang mga layunin na nakapaloob sa modyul
na kanilang pag-aaralan at sasagutan.

Ang Pilipinas ay may sariling teritoryo na


mahalaga sa pagtugon ng pamahalaan sa mga
pangangailangan ng mga tao at pagpapanatili ng
kalayaan ng bansa.

Bilang isang Pilipino, mahalagang matukoy mo ang


lokasyon ng Pilipinas sa Asya at sa mundo batay sa
mga nakapaligid dito. Magagamit mo sa pagtukoy
ang mga pangunahin at pangalawang direksiyon na
natutuhan mo

Suriin:

Pag-aralan ang task card sa ibaba.

1 – Ang mga bagay na hahanapin mo ay nasa timog,


timogsilangan, at kanluran ng Pilipinas. (Hanapin ang
mga bagay sa lugar na tinukoy.)

2 – Ang mga bagay na hahanapin mo ay nasa


silangan, timogkanluran, at hilaga ng Pilipinas.
(Hanapin ang mga bagay sa mga lugar na tinukoy.)

3 – Ang mga bagay na hahanapin mo ay nasa


hilagang-silangan, hilagang-kanluran, at kanluran ng
Pilipinas. (Hanapin ang mga bagay sa mga lugar na
tinukoy.)

4 – Ang mga bagay na hahanapin mo ay nasa timog-


hilaga, at timog-silangan ng Pilipinas (Hanapin ang
mga bagay sa mga lugar na tinukoy.)
B. Development (Pagpapaunlad) Subukin:

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap.


Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel

1.Ang Pilipinas ay matatagpuan sa ___________ ng


asya
A. hilagang-kanluran
B. timog-silangan
C. timog-kanluran
D. hilagang

2. Ang Pilipinas ay tinaguriang ________ bilang


bahagi ito ng kontinente.
A. Pintuan ng Asya
B. Pintuan ng mga Pilipino
C. Pintuan ng mga Dayuhan
D. Pintuan ng kayamanan

3. Paano matutukoy ang kinalalagyan ng Pilipinas?


A. batay sa kaugnay na kinalalagyan
B.batay sa saligang batas
C. batay sa mga bansa
D. batay sa globo at mapa

4. Kung pagbabatayan ang pangunahing direksyon


ano-ano ang mga anyong lupa nakapaligid dito?
A. China,Taiwan,Vietnam
B. Amerika,Thailand,Singapore
C. Taiwan,Indonesia, Vietnam
D. Hongkong,Thailand,Vietnam
5. Kung pagbabatayan ang pangunahing direksyon
ano-ano ang mga anyong tubig na nakapaligid dito?
A. Bashi Channel,Pasipiko,Celebes,Timog China
B. Ilog Nile,Paracel,Borneo,kanlurang China
C. Pasipiko,Paracel Celebes,Ilog Nile
D.Timog China, Celebes Paracel, Ilog Nile

6. Ilan ang pangunahing direksyon na


pinagbabatayan sa pagtukoy ng relatibong lokasyon?
A. 4 C. 8
B. 6 D. 10

7. Ano ang pinakamahalagang kagamitan sa


pagtukoy ng mga relatibong lokasyon ng isang
bansa?
A. Larawan C. Direksyon
B. Mapa O Globo D. Hangin

8. Ang Pilipinas ay napapaligiran ng karagatan at


kalupaan ,Anong karagatan ang nasa Hilaga ng
bansa?
A. Karagatang Pasipiko C. Dagat Sulu
B. Bashi Channel D. Dagat tsina

9. Ilan ang pangalawang direksyon na


pinagbabatayan sa pagtukoy ng mga bansa sa
pagitan nito?
A. 5 C. 3
B. 4 D. 6

10. Ang pagtukoy sa relatibong lokasyon ay mahalaga


upang_________
A. madaling matukoy ang isang bansa
B. madaling marating ang isang bansa
C. madaling mailarawan ang isang bansa
D. madaling malampasan ang mga bansa

Tuklasin:

Pag-aralan ang mapa


Kung pangunahing direksiyon ang pagbabatayan, ang
Pilipinas ay napapaligiran ng mga sumusunod ,mga
anyong lupa sa hilaga ay Taiwan, timog Indonesia,
kanluran ay Vietnam,ang mga anyong tubig ay ang
bashi channel sa hilaga, karagatang pasipiko sa
silangan,dagat Celebes at dagat sulu sa timog at
dagat timog tsina sa kanluran

Sa pagitan ng mga pangunahing direksiyon ay ang


mga pangalawang direksiyon. Kung natatandaan mo
pa, ito ang hilagang-silangan, timog-silangan,
hilagang-kanluran, at timogkanluran. Kung
pagbabatayan ang mga pangalawang direksiyon,
matutukoy rin ang kinalalagyan ng Pilipinas na
napapaligiran ng Dagat ng Pilipinas sa hilagang-
silangan, mga isla ng Palau sa timog-silangan, mga
isla ng Paracel sa hilagang-kanluran, at Borneo sa
timog-kanluran nito.

Tanong:

1. Ano-ano ang pumapalibot na anyong tubig


O anyong lupa sa Pilipinas kung pagbabatayan ang
mga pangunahing direksyon?

2. Ano-ano ang pumapalibot sa Pilipinas kung


pagbabatayan ang pangalawang direksyon?

3. Saang bahagi ng Asya matatagpuan ang Pilipinas?

Pagyamanin:

Isulat sa bawat direksyon ang mga anyong lupa at


anyong tubig na nakapaligid sa Pilipinas.
H-----------------

----------------K S-------------
T---------------

C. Engagement (Pagpapalihan) Isagawa::

Gamitin ang mapa ng mundo.Hanapin ang mga


anyong lupa at anyong tubig na nakapaligid sa
Pilipinas. Gamitin ang pangunahin at pangalawang
direksyon. Isulat ang sagot sa tsart.

Pangunahing
Direksyon Anyong lupa Anyong tubig
Hilaga
Silangan
Timog
Kanluran

Pangalawang
Direksyon Anyong lupa Anyong tubig
Hilagang
Silangan
Timog-
Silangan
Timog-
Kanluran
Hilagang-
Kanluran

Linangin:

Ilagay sa bawat kahon gamit ang pangalawang


direksyon ang mga anyong tubig na nakapaligid sa
Pilipinas

K S
T

Isagawa:

Iguhit sa loob ng kahon ang mapa ng


Pilipinas.Tukuyin ang Pangunahin at Pangalawang
Direksyon isulat sa bahagi ng mapa.

D. Assimilation (Paglalapat)
Isaisip:

Ang relatibong lokasyon o kaugnay na kinalalagyan


ng bansa ay ang direksiyon o lokasyon ng isang lugar
batay sa kinalalagyan ng mga katabi o kalapit nitong
lugar.

• Ang Pilipinas ay matatagpuan sa


rehiyong Timogsilangang Asya sa
kontinente o lupalop ng Asya.

• Kung gagamitin ang mga


pangunahing direksiyon, ang Pilipinas ay
napapaligiran ng bansang Taiwan at Bashi Channel sa
hilaga, Karagatang Pasipiko sa silangan, mga
bansang Brunei at Indonesia at mga dagat Celebes at
Sulu sa timog, at ng bansang Vietnam at Dagat
Kanlurang Pilipinas sa kanluran.

• Kung ang mga pangalawang


direksiyon ang gagamitin,
napapaligiran ang bansa ng Dagat ng Pilipinas
sa hilagang-silangan, mga isla ng Palau sa timog-
silangan, mga isla ng Paracel sa hilagang-kanluran, at
Borneo sa timog-kanluran

Tayahin:

Panuto: Isulat ang tamang sagot sa patlang upang


matukoy ang relatibong lokasyon ng Pilipinas.

Ang Pilipinas ay matatagpuan sa


rehiyong (1) _________________ sa kontinente
o lupalop ng Asya. •Kung gagamitin ang mga
pangunahing direksiyon, ang Pilipinas ay
napapaligiran ng bansang (2)_________ at Bashi
Channel sa hilaga, (3)______________ sa silangan,
mga bansang (4)_________________ at
(5)____________ at (6)_______ sa timog, at ng
bansang (7)__________ at (8)_________________
sa kanluran. •Kung ang mga pangalawang
direksiyon ang gagamitin, napapaligiran ang bansa ng
(9) _____________ sa hilagang-silangan, mga isla ng
Palau sa timog-silangan, mga isla ng Paracel sa
hilagang-kanluran, at Borneo sa
(10)____________________ .
V. PAGNINILAY Magsusulat ang mga bata sa kanilang kwaderno,
journal o portfolio ng kanilang nararamdaman o
realisasyon gamit ang mga sumusunod na prompt:

Naunawaan ko na

Nabatid ko na

You might also like