You are on page 1of 15

DAILY Schools Division of Passi City Baitang Grade 5

Paaralan Mulapula E/S - Annex Asignatura Aral. Pan. 5


LESSON Guro Reymund P. Lara Markahan Ikalawa
PLAN Oras 8:50-9:30 A.M. Petsa October 4, 2016

Pamantayang Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa sa konteksto,ang bahaging ginampanan


Pangnilalaman ng simbahan sa, layunin at mga paraan ng pananakopng Espanyolsa Pilipinas at ang
epekto ng mga ito sa lipunan.
Pamantayan sa Nakapagpapahayag ng kritikal na pagsusuri at pagpapahalaga sa konteksto at
I. LAYUNIN Pagganap dahilan ng kolonyalismong Espanyol at ang epekto ng mga paraang pananakop sa
katutubong populasyon
Pamantayan sa 1. Naiisa-isa ang mga pamamaraan ng pamamalakad ng mga
Pagkatuto prayle sa pagpapaunlad ng sinaunang Pilipino.
Mga Pamamaraan ng Pamamalakad ng
II. NILALAMAN
mga Prayle sa Pagpapaunlad ng Sinaunang
Pilipino

Sanggunian : AP5PKE-IIg-h-8 ( 8.1.1 )


Ang Pilipinas sa Iba’t-Ibang Panahon ph. 62
Kasaysayan at Pamahalaan ng Pilipinas ph. 79 - 80
III. KAGAMITAN Isang Lahi … Isang Mithi V ph. 47- 48

Kagamitan : task kard , tsart ng teksto / pagsasanay ,


plaskard

Balik Aral/Panimulang Gawain:


Ayon samga mananaliksik ng kasaysayan ng ating bansa, tumutol ang marami sa
ating mga ninuno sa pananakop ng mga Espanyol. Malaking hirap, pagmamalupit at pang-
aabuso ang dinanas ng mga Pilipino noon kaya nag-alsa sila. Mahigit sa 100 pag-aalsa ang
isinagawa nila sa loob ng 333 taong pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas.
Pangganyak:
Magkakaiba ang naging reaksyon ng mga Pilipino sa mahabang panahon ng
pananakop ng mga Espanyol. Ang kanilang naging kilos bilang tugon sa pagtrato sa kanila
ng mga dayuhan ayon sa kanilang personal na motibo o pansariling naisin sa buhay.
Sa araling ito inaasahang:
1. Masusuri ang mga naunang pag—aalsa ng mga makabayang Pilipino
2. Matatalakay ang sanhi at bunga ng mga rebelyon at iba pang reaksyon ng mga
Pilipino sa kolonyalismo (halimbawa : pagtutol ng mga katutubong Pilipino laban sa
Kristyanismo , pagmamalabis ng mga Espanyol)

Sino-sino ang mga Pilipinnong nag-alsa laban sa mga Espanyol?


Anu-ano ang mga dahilan ng pag-aalsa ng mga katutubo laban sa mga Espanyol?

Pagtalakay ng Aralin:
IV. PAMAMARAAN
Mga Dahilan ng Pag-aalsa ng mga Katutubo Laban sa mga Espanyol
Mga Dahilan ng Rebelyon ng mga Pilipino
1. Pagbawi sa nawalang kalayaan
2. Pang-aabuso at masamang gawain ng mga pinunong Espanyol
3. Pangangamkam ng mga lupain ng mga pinunong Espanyol
4. Sapilitang paggawa
5. Kahigpitan sa relihiyon
6. Paniningil ng labis na buwis

Paglunsad ng mga Rebelyon

Rajah Sulayman Diego Silang Magat Salamat


Francisco Dagohoy Tamblot Hermano Pule
Larawan ng ilan sa mga namuno sa rebelyon
Ang pag-aalsa o paggamit ng armas ay unang naging pagtugon ng mga Pilipino sa pagtrato
sa kanila ng mga Espanyol. Tulad ng ginawa ni Lapu-lapu noong 1521, ipinasiya ng ibang Pilipino na
tapatan ng dahas ang hindi maayos na pagtrato sa kanila ng mga Espanyol.
Magkakaiba ang mga dahilang nagbunsod sa mga Pilipino sa kanilang paglulunsad ng
rebelyon. Pag-aralan ang tsart sa ibaba.

Nag-alsa Lugar Taon Dahilan


1. Lakandula at Sulayman Maynila 1564 Di-pagtupad ng mga Espanyol sa kan
pangakong hindi sila magbabayad ng
buwis

2. Tamblot Bohol 1621 Nais niyang bumalik sa dating


pananampalataya

3. Bancao Leyte 1622 Nais niyang itakwil ang Kristyanismo

4. Sumuroy Samar 1649-1650 Tutol sa polo o sapilitang paggawa

5. Andres Malong Pangasinan 1660-1661 Tutol sa polo o sapilitang paggawa

6. Tapar Panay 1663 Hinadlangan ni Fr. Francisco de Mesa


pagtatag niya ng isang relihiyong hang
sa Kristiyanismo na naging dahilan ng
pagkakapatay niya sa pari.

7. Francisco Dagohoy Bohol 1744 Tumanggi ang mga paring Heswitang


bigyan nang Kristiyanong libing ang
kanyang kapatid na isang kawani dah
namatay ito sa duwelo.

8. Diego Silang Ilocos 1762 Labis na pagbabayad ng buwis

9. Gabriela Silang Ilocos 1763 Ipinagpatuloyang pag-aalsa ng asawa


niyang si Diego Silang

10. Apolinario dela Cruz Tayabas 1840 Tinanggihan siyang magpari dahil hind
(Hermano Pule) (Quezon) siya Espanyol

11. Magalat Cagayan 1596 Pagtutol sa pagpataw ng buwis ng m


Espanyol

12. Mga Gaddang Cagayan 1621 Pagtutol sa pagpataw ng buwis at


sapilitang pagtatrabaho na ipinatutupa
ng mga Espanyol
13. Francisco Maniago Pampanga 1660 Pang-aabuso ng mga opisyales ng
Espanyol sa mga Pilipino gaya ng di
pagbabayad sa pagtatrabaho sa pagp
ng mga puno.

Resulta ng Rebelyon
Pawang bigo ang mga inilunsad na rebelyon sanhi ng iba’t-ibang kadahilanan. Unang
dahilan ang kawalan ng pagkakaisa. Wala pa sa kamalayan noon ng mga Pilipino na silang lahat ay
nagmula sa iisang lahi lamang, kaya nararapat magtulungan. Magkakaiba ang kanilang diyalekto,
kaya hindi nila maunawaan ang isa’t-isa. Naging madali para sa mga Espanyol na gamitin ang
taktikang “divide and rule” Upang supilin ang pag-aalsa sa isang lalawigan, hindi na kailangan ang
mga puwersang Espanyol mula sa Maynila. Nakakukuha sila ng tulong sa ibang karatig na pook.
Nang ilunsad ni Tamblot ng Bohol ang kanyang pag-aalsa,300 mandirigmang Cebuano ang nakuha
ng mga Espanyol para tumulong sa kanila.
Pangalawang dahilan ng pagkabigo ng mgarebelyon ay ang kakulangan nila sa armas.
Kadalasan ang gamit lamang ng mga nag-aklas ay itak, sibat, at pana na walang kalaban-laban
sa kanyon at baril ng mga kalaban.
Pangatlong dahilan ay ang kawalan nila ng maayos na estratehiya at pagpaplano. Ang mga
pag-aaklas ay agad na inilulunsad nang walang isinasagawang mahusay na pagpaplano. Ang ilan sa
kanilang mga lider ay wala ring mahusay na pagsasanay sa paghawak ng aramas
Pang-apat na dahilan ay ang pagiging maliliit ng kanilang grupo. May mga pag-aalsa na
isinasagawa sa pansariling dahilan, kaya binuo lamang ng maliit na bilang ng mga mandirigma.
Naging madali para sa mga Espanyol ang pagsupil sa kanila.
Sagutin:
1. Sino-sino ang mga Pilipinong nag-alsa laban sa mga Espanyol?
2. Bakit naghimagsik ang mga Pilipino laban sa mga Espanyol?
3. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa kahigpitan ng mga Espanyol sa
relihiyon at pananampalataya ng mga Pilipino?

Mga Gawain:
Piliin mula sa kahon ang bayaning tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa inyong notbuk.
Hermano Pule Francisco Dagohoy Tapar
Gabriela Silang Tamblot
_____________________1. Asawani Diego Silang na namuno rin sa pag-aalsa sa Ilocos.
_____________________2. Tinanggihan siyang magpari dahil hindi siya Espanyol.
_____________________3. Tumanggi ang mga paring Heswitang bigyan nang Kristiyanong
libing ang kanyang kapatid na isang kawani dahil namatay ito sa
duwelo.
_____________________4. Nais niyang bumalik sa dating pananampalataya.
_____________________ 5.Hinadlangan ni Fr. Francisco de Mesa ang pagtatag niya ng
Isang relihiyong hango sa Kristiyanismo na naging dahilan
ng pagkakapatay niya sa pari.
Paglalahat:
Nagpahayag pag-aalsa ang matinding galit ang mga Pilipino laban sa pananakop ng Espanyol.
Nagsagawa sila ng mahigit na 100 pag-aalsa o rebelyon laban sa mga ito. Ilan sa mga dahilan ng
pag-aalsa ng mga katutubo laban sa mga Espanyol ay ang mga sumusunod:
 Pagbawi sa nawalang kalayaan
 Pang-aabuso at masamang gawain ng mga pinunong Espanyol
 Pangangamkam ng mga lupain ng mga pinunong Espanyol
 Sapilitang Paggawa
 Kahigpitan sa Relihiyon
 Paniningil ng labis-labis naa buwis

Paglalapat:
Paano tayo makapagpapahayag ng damdamin o makahingi ng pagbabago sa pamahalaan nang hindi
nag-aalsa?
Pagtataya:
Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Sino ang nag-alsa nang hindi binigyan ng pagkakataon na maging pari?

A. Tamblot
B. Dagohoy
C. Bangkaw
D. Hermano Pule
2. Anu-ano ang naging dahilan ng pag-aalsa nina Lakandula, Diego Silang at Dagohoy?
1. Pananakit 3. Sapilitang Paggawa
2. Tributo 4. Relihiyon
a. 1, 2 c. 1, 3
b. 2, 3 d. 1,4
3. Alin sa sumusunod ang mga dahilan ng pagkakabigo ng mga isinagawang pag-aalsa sa
Pilipinas?
1. Kakulangan ng Armas 3. Kakulangan ng Edukasyon
2. Kakulangan ng Pagkakaisa 4. Kakulangan ng Pagpapalano
a. 1, 2, 3 c. 1, 3, 4
b. 2, 3, 4 d. 1, 2, 4
4. Ano ang resulta ng pag-aalsa nina Malong at Tapar?
A. Sila ay nagtagumpay
B. Sila ay nabihag at ipinapatay
C. Sila ay nagtago sa kabundukan
D. Siya ay pinugutan ng ulo.
5. Bakit nabigo ang pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa mga mananakop?
A. Wala silang pagkakaisa
B. Wala silang sapat na dahilan
C. Wala silang armas
D. Wala silang pinuno

V. MGA TALA Mastery Level: Instructional Decision:_________________

VI.PAGNINILAY
DAILY Schools Division of Passi City Baitang Grade 5
Paaralan Mulapula E/S - Annex Asignatura Aral. Pan. 5
LESSON Guro Reymund P. Lara Markahan Ikalawa
PLAN Oras 8:50-9:30 A.M. Petsa October 5, 2016

Pamantayang Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa sa konteksto,ang bahaging ginampanan


Pangnilalaman ng simbahan sa, layunin at mga paraan ng pananakopng Espanyolsa Pilipinas at ang
epekto ng mga ito sa lipunan.
Pamantayan sa Nakapagpapahayag ng kritikal na pagsusuri at pagpapahalaga sa konteksto at dahilan
I. LAYUNIN Pagganap ng kolonyalismong Espanyol at ang epekto ng mga paraang pananakop sa katutubong
populasyon
Pamantayan sa 1. Naiisa-isa ang mga pamamaraan ng pamamalakad ng mga
Pagkatuto prayle sa pagpapaunlad ng sinaunang Pilipino.
Mga Pamamaraan ng Pamamalakad ng
II. NILALAMAN
mga Prayle sa Pagpapaunlad ng Sinaunang
Pilipino

Sanggunian : AP5PKE-IIg-h-8 ( 8.1.1 )


Ang Pilipinas sa Iba’t-Ibang Panahon ph. 62
Kasaysayan at Pamahalaan ng Pilipinas ph. 79 - 80
III. KAGAMITAN Isang Lahi … Isang Mithi V ph. 47- 48

Kagamitan : task kard , tsart ng teksto / pagsasanay ,


plaskard

Balik Aral/Panimulang Gawain:


Sa nagdaang aralin ay tinalakay natin kung paano pinalaganap ng mga Espanyol ang relihiyong
Kristiyanismo sa ating bansa.
Pangganyak:
Ang isang dahilan kung bakit sinakop ng mga Espanyol ang ating bansa ay upang
palaganapin ang pananampalatayang Kristiyanismo. Ginamit nila ang “Krus at Espada” upang
matupad ang kanilang layunin. Ang krus ay sumasagisag sa pagpapalaganap ng relihiyon at ang
espada ay sa pananakop at pagpapalawak ng lupain at kolonya ng Espanya.
Sa araling ito, inaasahang:
1. Masusuri mo ang reaksyon ng mga Pilipino sa relihiyong Kristiyanismo.
Ano kaya ang reaksyon ng mga katutubong Pilipino sa Kristiyanismo?
Pagtalakay ng Aralin:

Balikan natin ang nangyari sa Cebu noong 1521 nang dumating si Ferdinand Magellan. Sina
Raha Humabon at ang kanyang asawang si Juana ay nagpabinyag sa Katolisismo kay Padre
Valderama. Maraming katutubo ang nagpabinyag at maluwag na tinanggap ang mga aral, at paniniwala
ng Katolisismo nang dumating sina Miguel Lopez de Legazpi at Padre Andres de Urdaneta. Kasabay ng
paglaganap ng relihiyong Katolisismo ang pagtatag naman ng pamahalaan hanggang sa lumawak ang
mga lupaing nasasakupan ng mga Espanyol.

IV. PAMAMARAAN Nang lumaon, may mga Pilipinong Kristiyano na namuno sa mga pag-aalsang panrelihiyon.
Iba-iba ang dahilan ng kanilang pag-aalsa.

Noong 1621, hinikayat ni Tamblot, na isang babaylan, ang mga katutubo ng Bohol na
manumbalik sa dati nilang paniniwala.

Sina Bankaw, datu ng Limasawa at Pagali, isang babaylan, ay tumalikod sa Kristiyanismo


upang manumbalik sa dati nilang pananampalataya. Maraming katutubo ng Leyte ang nakumbinsi nila.

Noong 1625, hinikayat naman nina Miguel Lanab ng Cagayan at Alababan ng Apayao ang mga
Itneg na bumalik sa bundok at doon nila ipagpapatuloy ang kanilang kinagisnang pananampalataya.
Sinunog nila ang mga simbahan at kinuha ang maaari nilang gamitin.

Pinamunuan ni Tapar sa Oton, Iloilo noong 1663 ang pakikipaglaban. Nais ni Tapar na
magtatag ng bagong relihiyon batay sa Kristiyanismo ngunit tinutulan ito ng mga prayle.

Pinamunuan naman ni Francisco Dagohoy, na isang cabeza de barangay ang


pinakamahabang pag-aalsa sa Pilipinas dahil tumanggi ang prayle na bigyan ng Kristiyanong libing ang
kanyang kapatid na namatay sa duwelo. Nagsimula ang pag-aalsa noong 1744 at nagtapos noong
1829.

Sa lalawigan ng Quezon, noong 1841, itinatag ni Apolinario de la Cruz na kilala sa tawag na


Hermano Pule ang Cofradia de San Jose . Bilang isang debotong Katoliko, nais ni Hermano Pule na
maging pari ngunit siya ay tinanggihan dahil sa siya’y isang indio. Dahil dito, itinatag niya ang nasabing
samahan at maraming nahikayat na sumapi dito.
May mga Pilipino rin na tahimik na bumalik sa dating paniniwala.
Ang mga Muslim at Ifugao ay hindi nahikayat ng mga pari sa pagiging Katoliko. Matatag
ang mga Muslim at hindi nila ipinagpalit ang Islam. Ang mga Ifugao naman ay nagpakalayu-layo
upang hindi marating ng pari.
Ang mga Pilipinong nakatira sa liblib na pook tulad ng Negrito at Igorot ay hindi narating ng
mga pari dahil wala silang paraan upang makipagtalastasan.
Apat ang naging reaksiyon ng mga Pilipino sa pagtatatag ng Katolisismo sa Pilipinas : (1)
Sumampalataya nang lubos, (2) Nag-alsa, (3) Tahimik na bumalik sa dating pananampalataya, at,
(4) Nagpakalayu-layo para hindi marating ng mga pari.
Sagutin:
1. Bakit iba-iba ang naging pananaw ng mga Pilipino sa Katolisismo?
2. Bakit nag-alsa ang ilang Kristiyanong Pilipino?
3. Bakit hindi narating ng mga Espanyol ang ibang lugar tulad ng Cordillera?
Gawain A

Lagyan ng tsek ( ) ang kahon kung tama ang isinasaad ng pangungusap at (X) naman
kung mali.

1. Dumating si Ferdinand Magellan sa Cebu noong 1521.

2. Si Tamblot ang nanghikayat sa mga katutubo ng Bohol na bumalik sa dating


paniniwala.

3. Pinamunuan ni Tapar sa Oton, Iloilo noong 1636 ang pakikipaglaban sa mga


Español.

4. Noong 1841, itinatag ni Apolinario de la Cruz ang Cofradia de San Jose.

5. Ang mga Pilipinong nakatira sa liblib na pook tulad ng Negrito at Igorot ay


hindi narating ng mga pari dahil wala silang paraan upang makipagtalastasan.

Gawain B

Iguhit ang simbahan sa papel.


Isulat sa loob ng simbahan ang apat
na naging reaksiyon ng mga Pilipino
pagtatatag ng Katolisismo sa 1. 2.
Pilipinas. Ipaliwanag ang bawat isa.

3. 4.

Mga Gawain:
Gumawa ng tsart tulad ng nasa ibaba sa iyong kuwaderno. Punan ng mga datos na kinakailangan. Sa
ikalawang hanay, isulat ang dahilan ng pag-aalsa at sa ikatlong hanay isulat ang katwiran kung sang-
ayon ka o hindi sang-ayon.
Taong Nag-alsa Dahilan Katwiran

1. Tamblot

1. Bankaw

2. Lanab
3. Tapar

4. Dagohoy

5. Apolinario de la Cruz
III. Bilang isang mag-aaral, paano mo ipinakikita ang iyong pananampalataya sa iyong relihiyon? Isulat
sa kuwaderno ang iyong sagot.
Paglalahat:
Iba-iba ang reaksiyon ng mga katutubo sa Kristiyanismo o Katolisismo:
- May mga nagsipag-alsa nang hindi masiyahan sa ginawa ng pari.
- May sumampalataya.
- May mga tahimik na bumalik sa dating paniniwala.
- May nagpakalayu-layo para hindi marating ng mga pari.
Paglalapat:
Isulat ang mga nawawalang titik sa bawat kahon upang mabuo ang salitang hinihingi
ng bawat pangungusap.

1. Relihiyong pinalaganap ng mga Español sa Pilipinas


K T Y M
2. Isang Babaylan na nanumbalik sa dating paniniwala.
A B T

3. Ang asawa ni Raha Humabon


U A

4. Ang relihiyon ng mga Muslim


I L

5. Mga katutubong hindi nahikayat ng mga pari sa relihiyong Katoliko.


E R T

Pagtataya:
I. Isulat sa kuwaderno ang titik ng wastong sagot.
1. Sino ang kauna-unahang Pilipino na nagpabinyag sa Katolisismo?
A. Diego at Gabriela
B. Raha Humabon at Juana
C. Andres at Gregoria
D. Felipe at Maria
2. Sino ang nag-alsa nang hindi binigyan ng pagkakataon na maging pari?
A. Tamblot
B. Hermano Pule
C. Dagohoy
D. Bangkaw
3. Sino ang nag-alsa nang hindi binigyan ng Kristiyanong libing ang kapatid?
A. Dagohoy
B. Bangkaw
C. Tamblot
D. Hermano Pule
4. Bakit hindi nahimok sa Katolisismo ang mga taga-Cordillera?
A. Malayo ang mga bayan sa Cordillera
B. Lubos na binabantayan ng mga katutubo para walang makapasok.
C. Magaling makipaglaban
D. Marami silang guwardia
5. Sino ang nag-alsa nang hindi siya pinayagan na magtayo ng bagong relihiyon?
A. Pagali
B. Tapar
C. Miguel Lanab
D. Alababan

V. MGA TALA Mastery Level: Instructional Decision:_________________

VI.PAGNINILAY
DAILY Schools Division of Passi City Baitang Grade 5
Paaralan Mulapula E/S - Annex Asignatura Aral. Pan. 5
LESSON Guro Reymund P. Lara Markahan Ikalawa
PLAN Oras 8:50-9:30 A.M. Petsa October 6, 2016

Pamantayang Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa sa konteksto,ang bahaging ginampanan


Pangnilalaman ng simbahan sa, layunin at mga paraan ng pananakopng Espanyolsa Pilipinas at ang
epekto ng mga ito sa lipunan.
Pamantayan sa Nakapagpapahayag ng kritikal na pagsusuri at pagpapahalaga sa konteksto at dahilan
Pagganap ng kolonyalismong Espanyol at ang epekto ng mga paraang pananakop sa katutubong
I. LAYUNIN populasyon
Pamantayan sa  Nasusuri ang mga naging reaksyon ng mga Pilipino sa
Pagkatuto
Kristiyanismo.
Reaksyon ng mga Pilipino sa
II. NILALAMAN Kristiyanismo

Sanggunian : AP5PKE-IIg-7 ( 7.1 )


Ang Pilipinas sa Iba’t Ibang Panahon V p. 74-75
https://www.youtube.com/watch?v=bP_-
HxYOJAk

https://www.youtube.com/watch?v=ah8Xw17iwsA
III. KAGAMITAN
Kagamitan : jumbled letters , video clip na kaugnay ng
pananampalataya , mga larawan
ng tungkol sa relihiyon , task kard , tsart
ng pagsasanay

Pagpapahalaga : Paggalang sa relihiyon ng iba


Balik Aral/Panimulang Gawain:
1. Balitaan
( balita tungkol sa relihiyon )

2. Balik – Aral - “ Jumbled Letters “


Ipaayos sa mag-aaral ang mga titik upang mabuo ang angkop na salita tungkol
sa kristiyanismo

a. Isang reaksyon ng maraming Pilipino sa


kristiyanismo

a p a l u m a t a
s m s a a y

sy t l p d s m
i u a a a a a a
IV. PAMAMARAAN
c. kanilang damdamin sa relihiyong Katoliko

o a e s

R k y n
d. naniniwala sila sa relihiyong Islam

u i
Pangganyak:
- “ Kilalanin Ninyo Ako “
Ipabasa sa mag-aaral ang komik strip at ipalahad ang relihiyong
kinabibilangan.
Kayo naman ang maglahad ng
tungkol sa relihiyon ninyo .

Ako ay Katoliko. Ako ay ______


Naniniwala ako sa
kristiyanismo.
_____________
Sumasampalataya
ako sa relihiyong
______ .
kinabibilanganko.

Pagtalakay ng Aralin:
1. Gawain 1 “ Video Clip “
a. Ipapanood ang video na nagpapakita ng
paniniwala sa kristiyanismo at paraan ng
pagsamba ng mga Muslim
b. Magsagawa ng malayang talakayan gamit ang
mga sumusunod na tanong:
 Ano ang nilalaman ng unang video na inyong
napanood ? ikalawang video ?
 Ilarawan ang paraan ng kanilang pagsamba ?
 Ano-ano ang mga naging reaksyon ng mga
katutubong Pilipino sa kristiyanismo?
Lahat ban g mga Pilipino ay tinanggap ang
kristiyanismo? Pagatwiranan
Gawain 2 “ Kilala mo ba ako ?
Ipasuri ang mga larawan sa ibaba . Ipalarawan ang
mga reaksyon ng mga Pilipino sa Kristiyanismo.
2. Pagsusuri - “ Data Retrieval Chart “
 Ano ang reaksyong ipinahihiwatig ng unang video na
inyong napanood ? ikalawang video ?
 Bakit ganoon ang kanilang reaksyon ?
 Ano naman ang ipinahiiwatig ng unang pangkat ng
mga larawan ? ikalawa , ikatlo ?
 Ilarawan ninyo ang mga reaksyong ito ng mga Pilipino
sa Kristiyanismo ?
Para higit na maunawaan ng mag-aaral ang
reaksyon ng mga Pilipino sa kristiyanisasyon , ipabasa
ang teksto sa ibaba.

Iba –iba ang naging reaksyon ng mga Pilipino sa kristiyanismo. May


sumasampalataya at di- sumasampalataya. Mayroong naging Kristiyano na nagbalik
sa dati nilang relihiyon . May nag-alsa naman laban sa pamamalakad ng simbahan.

May mga Pilipinong sumasampalataya sa pamamagitan ng pagpapabinyag at


paggamit ng pangalang Kristiyano. Umabot na halos sa 500 000 Pilipino ang
bininyagan sa Kristiyanismo. Ang paniniwala sa kapangyarihan ng Diyos at pagsunod
sa kautusan ng relihiyong Katoliko ay tanda rin ng pagsampalataya .

Marami pa ring Pilipino ang hindi sumampalataya sa relihiyong Katoliko at


naniwala sa mga aral ng Kristiyanismo. Ang mga Muslim ay pangkat ng mga Pilipino na
hindi sumasampalataya sa Kristiyanismo. Matibay ang kanilang paniniwala sa
relihiyong Islam. Tulad na lang ng mga Maranao , sila ang mga Muslim na naninirahan
sa mga teritoryo na ngayon ay Lanao Del Sur, Lanao Del Norte at bahagi ng Misamis
Oriental. Naniniwala ang mga Maranao na ang kanilang lupang tinitirahan ay buhat pa
sa kanilang ninuno. Pinalalagay nila na ang kanilang teritoryo ay tahanan ng Islam.

Palagyan ng datos na nakalap buhat sa tekstong binasa.


Reaksyon Paglalarawan

Sumang-ayon

Di – Sumang-ayon

Mga Gawain:
Ipasagot ang katanungan sa pamamagitan ng
pagbibigay ng sariling opinyon.
Kung ako ay bibigyan ng pagkakataong baguhin
ang aking kasalukuyang relihiyon _______________________
Paglalahat:
Gabayan ang mag-aaral sa pagbuo ng konseptong
natutunan.

* Iba’t iba ang naging reaksyon ng mga sinanuang Pilipino sa Kristiyanisasyon.

 May mga Pilipinong tumanggap sa kristyanismo.


 May mga nanatili sa kanilang katutubong paniniwala.
Paglalapat:
Gumawa ng grap ng bilang ng mga bata sa inyong pangkat
na sumasampalataya at di-sumasampalataya sa kristiyanismo.
Pagtataya:
Pasagutan sa mag-aaral ang pagusulit.
Panuto: Isulat ang tsek ( / ) kung sumampalataya at ekis ( x )
kung di - susampalataya sa kristiyanismo .
______1. Pagpapabinyag at paggamit ng pangalang kristiyano
______2. Matibay na paniniwala ng mga Muslim sa relihiyong
Islam.
______3. Paniniwala kay Alah bilang Panginoon
______4. Pagsunod sa kautusan ng relihiyong katoliko
______5. Paniniwala sa relihiyong Islam
______6. Paniniwala sa kapangyarihan ng Diyos
______7. Di- paniniwala sa aral ng kristiyanismo
______8. Paglilimbag ng babasahin tungkol sa relihiyong Katoliko
______9. Pakikinig ng sermon ng pari
______10.Pagtuturo ng katekismo

V. MGA TALA Mastery Level: Instructional Decision:_________________

VI.PAGNINILAY
DAILY Schools Division of Passi City Baitang Grade 5
Paaralan Mulapula E/S - Annex Asignatura Aral. Pan. 5
LESSON Guro Reymund P. Lara Markahan Ikalawa
PLAN Oras 8:50-9:30 A.M. Petsa October 4, 2016

Pamantayang Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa sa konteksto,ang bahaging ginampanan


Pangnilalaman ng simbahan sa, layunin at mga paraan ng pananakopng Espanyolsa Pilipinas at ang
epekto ng mga ito sa lipunan.
Pamantayan sa Nakapagpapahayag ng kritikal na pagsusuri at pagpapahalaga sa konteksto at dahilan
I. LAYUNIN Pagganap ng kolonyalismong Espanyol at ang epekto ng mga paraang pananakop sa katutubong
populasyon
Pamantayan sa 1. Naiisa-isa ang mga pamamaraan ng pamamalakad ng mga
Pagkatuto prayle sa pagpapaunlad ng sinaunang Pilipino.
Mga Pamamaraan ng Pamamalakad ng
II. NILALAMAN
mga Prayle sa Pagpapaunlad ng Sinaunang
Pilipino

Sanggunian : AP5PKE-IIg-h-8 ( 8.1.1 )


Ang Pilipinas sa Iba’t-Ibang Panahon ph. 62
Kasaysayan at Pamahalaan ng Pilipinas ph. 79 - 80
III. KAGAMITAN Isang Lahi … Isang Mithi V ph. 47- 48

Kagamitan : task kard , tsart ng teksto / pagsasanay ,


plaskard

Balik Aral/Panimulang Gawain:


1. Balitaan – “ Mock TV Patrol “
Magkaroon ng balita tungkol sa paraan ng
Pamamalakad ng namumuno sa bansa / bayan / barangay .
2. Balik – Aral - “ Kilalanin mo “
Magpakita ng mga larawan ng reaksyon ng mga Pilipino
sa kristiyanismo at ipasabi sa bata kung ano ang nilalaman ng
larawan.
Larawan ng mga taong Larawan ng isang paring
nagsisimba sa nagbabasbas
simbahang Katoliko

Larawan ng taong Larawan ng mga Muslim


nagdarasal na sumasamba
Pangganyak:
Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang alam
nila sa salitang prayle ? pamamalakad
IV. PAMAMARAAN
P
R
A pamamalakad
Y
L
E
Pagtalakay ng Aralin:

1. Gawain - “ Teks ko basahin mo “

Ang Mga Misyonero

Mahalagang papel ang ginampanan ng mga prayle o misyonerong pari sa pagpapalaganap


ng Kristiyanismo sa Pilipinas. Tinanggap ng mga katutubo ang bagong relihiyon at ang
Pilipinas ang naging una at nag-iisang bansang Katoliko sa Asya.
Ang mga unang misyonerong dumayo sa Pilipinas kasama niLegazpi ay kabilang sa
ordeng Agustino. Sila ay sinundan ng mga Pransiskano , Dominikano, , at mga Heswita. Ang
mga Rekoletos ang pinakahuling dumating sa Pilipinas . Ang mga kagawad ng mga ordeng
gaya nito ay tinatawag na mga “ paring regular “. Pananagutan ng pamahalaan ang
anumang pangangailangan ng mga prayle kapalit ng pagpapalaganap ng kanilang misyon.

Nagtatag ng misyon ang mga Agustino sa rehiyon ng Ilocos , Pangasinan , Pampanga


, at Bisaya ; ang mga Dominikano , sa Cagayan at Pangasinan ; ang mga Franciscano , sa
Camarines at sa lugar na sakop ng Laguna de Bay ; ang mga Heswita , sa Maynila , Cebu ,
Leyte , Samar , Bohol at iba pang mga pulo sa Bisaya ; ang mga Rekoleto , sa Mindanao at
ilang lugar sa Maynila.

Nagtatag aang mga misyonero ng mga paaralan at ospital , mga gusali , tanggulan ,
daan ,tulay at sila rin ay nagkawanggawa . Marami sa kanila , lalo yaong mga nabigyan ng
parokya para subaybayan , ay lubhang nasiyahan sa kanilang kapangyarihan at
impluwensiya kaaya hinangad na magkaroon ng higit pa rito. Nalimutan nila ang kanilang
misyong panrelihiyon at nasangkot sa mga gawaing pampulitika. Di nagtagal , umabuso at
naging tinik sa mga Pilipino ang mga prayle.
Gumamit ang mga prayle ng alok na pakikipagkaibigan upang mapaamo ang mga
katutubo. Ipinakita nilang mabuti anghangarin sa pagdayo sa bansa. Ang pagpapaunlad ng
pamumuhay ng mga Pilipino at ang pagpapalaganap ng relihiyong nagbibigay ng kaligtasan
sa lahat ang naging katwiran nila sa pananakop.
Ang mga Pilipino naming tumangging magpasakop sa mga Kastila ay ginamitan ng lakas
sa pamamagitan ng mas maunlad na uri ng sandata sa pakikidigma .
Pamunuan ng Simbahan
Kung sentralisado ang kolonyal na pamahalaang Espanyol , gayundin ang simbahang
Espanyol . Ang Arsobispo ng Maynila ang pinakamataas na opisyal ng simbahan . Itinalaga
siya ng Papa , batay sa rekomendasyon ng Hari ng Espanya.
Nahati sa apat na diyosesis ang Pilipinas , at ang bawaat isaay pinamahalaan ng
isnag Obispo. Kabilang dito ang Cebu, Nueva Caceres ( Bicol ) , Nueva Segovia ( Cagyan )
at Jaro ( Iloilo ). Dahil ang Maynila aang sentro ng pamahalaan at simbahan , mayroon din
itong sariling obispo.
Ang mga diyosesis naman ay hinati sa mga parokya na pinamunuan ng kura-paroko.
Ang arsobispo ang nagtatalaga ng mga kura-paroko , batay sa tagubilin at rekomendasyon
ng gobernador-heneral.

a. Ipabasa ang teksto ng tungkol sa pamamaraan


ng pamamalakadng mga prayle.
b. Magsagawa ng malayang talakayan gamit ang
sumusunod na tanong :
 Ano ang nilalaman ng talata ?
 Sino ang naatasang magpalaganap ng kristiyanismo sa
bansa ?
 Ano - ano ang naitatag ng mga misyonerong dumayo
sa Pilipinas ?
 Mahalaga ba ang papel ng mga prayle sa pagsakop ng
ating bansa ? Bakit ?
 Sino ang pinakamataas na opisyal ng simbahan
Mga Gawain:
Magsagawa ng pangkatang gawain tungkol sa
pamamaraan ng pamamalakad ng mga prayle sa
pagpapaunlad ng sinaunang Pilipino
Sumulat ng reaksyon ninyo sa paraan ng pamamalakad ng mga
Prayle sa mga sinaunang Pilipino.
Paglalahat:
Gabayan ang mag-aaral sa pagbuo ng ng konseptong
natutunan.
* May mga pamamaraan ng pamamalakad ang
mga prayle sa pagpapaunlad ng sinaunang Pilipino .
 Nakipagkaibigan ag mga prayle sa mga katutubo
 Ginamitan ng armas ang tumangging magpasakop
 Nagtatag ng mga misyong panrelihiyon
 Nagtatag ang mga misyonero ng mga paaralan at ospital
Nagkawanggawa sila abot ng kanilang makakaya.
 Nagmalabis Sa kanilang tungkulin
 Nagmay-ari sila ng mga lupain sa pahintulot ng hari sa pag-aakalang
makatutulong sa pagapalaganap ng Kristiyanidad.
Paglalapat:
Pasagutan sa mga mag-aaral ang pagsusulit.
Basahing mabuti ang sumusunod na pahayag tungkol sa
pamamalakad ng mga prayle. . Piliin at isulat ang titik ng
tamang sagot.
A. Ang mga prayle ay may pamamaraan ng pamamalakad
sa pagpapaunlad ng mga sinaunang Pilipino .
B. Iniutos ng hari na kaibiganin ang mga Pilipino upang higit
na madaling maipaliwanag ang kristiyanismo .
c. Hangad lang hari na sakupin at pahirapan ang mga
Pilipino .
D. May misyong panrelihiyon na naitatag ang mga prayle sa
mga Pilipino .
E. Kulang ang oras at panahon ng mga misyonera sa
pamamalakad sa bansa.
F. Nagtataa ang mga prayle ng mga paarala at ospital na
nakatulong ng Malaki sa mga sinaunang Pilipino.
G. Ang pagkakawanggawa ay isa ring paraan ng
pamamalakad sa mga prayle.
Pagtataya:
 Anong pananagutan ng kaharian ng Espanya sa mga
misyonerong ipinadadala sa Pilipinas ?
 Ano - ano ang pamamaraan ng pamamalakad ng mga prayle sa
pagpapaunlad ng sinaunang Pilipino ?
 Ang mga pamamaraan bang ito ay nakatulong sa pag-unlad ng
sinaunang Pilipino ?
 Paano nagkaroon ng malalawak na lupain ang mga prayle?
 Anong sistema ang kanilang ginawa upang pamahalaan ang
kanilang mga lupain ?

V. MGA TALA Mastery Level: Instructional Decision:_________________

VI.PAGNINILAY
DAILY Schools Division of Passi City Baitang Grade 5
Paaralan Mulapula E/S - Annex Asignatura Aral. Pan. 5
LESSON Guro Reymund P. Lara Markahan Ikalawa
PLAN Oras 8:50-9:30 A.M. Petsa October 7, 2016

Pamantayang Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa sa konteksto,ang bahaging ginampanan


Pangnilalaman ng simbahan sa, layunin at mga paraan ng pananakopng Espanyolsa Pilipinas at ang
epekto ng mga ito sa lipunan.
Pamantayan sa Nakapagpapahayag ng kritikal na pagsusuri at pagpapahalaga sa konteksto at dahilan
I. LAYUNIN Pagganap ng kolonyalismong Espanyol at ang epekto ng mga paraang pananakop sa katutubong
populasyon
Pamantayan sa 1. Naiisa-isa ang mga pamamaraan ng pamamalakad ng mga
Pagkatuto prayle sa pagpapaunlad ng sinaunang Pilipino.
Mga Pamamaraan ng Pamamalakad ng
mga Prayle sa Pagpapaunlad ng Sinaunang
II. NILALAMAN
Pilipino

Sanggunian : AP5PKE-IIg-h-8 ( 8.1.1 )


Ang Pilipinas sa Iba’t-Ibang Panahon ph. 62
Kasaysayan at Pamahalaan ng Pilipinas ph. 79 - 80
III. KAGAMITAN Isang Lahi … Isang Mithi V ph. 47- 48

Kagamitan : task kard , tsart ng teksto / pagsasanay ,


plaskard

Balik Aral/Panimulang Gawain:


1. Balitaan – “ Mock TV Patrol “
Magkaroon ng balita tungkol sa paraan ng
Pamamalakad ng namumuno sa bansa / bayan / barangay .
2. Balik – Aral - “ Kilalanin mo “
Magpakita ng mga larawan ng reaksyon ng mga Pilipino
sa kristiyanismo at ipasabi sa bata kung ano ang nilalaman ng
larawan.
Larawan ng mga taong Larawan ng isang paring
nagsisimba sa nagbabasbas
simbahang Katoliko

Larawan ng taong Larawan ng mga Muslim


nagdarasal na sumasamba
Pangganyak:
Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang alam
IV. PAMAMARAAN nila sa salitang prayle ? pamamalakad
P
R
A pamamalakad
Y
L
E
Pagtalakay ng Aralin:

1. Gawain - “ Teks ko basahin mo “

Ang Mga Misyonero

Mahalagang papel ang ginampanan ng mga prayle o misyonerong pari sa pagpapalaganap


ng Kristiyanismo sa Pilipinas. Tinanggap ng mga katutubo ang bagong relihiyon at ang
Pilipinas ang naging una at nag-iisang bansang Katoliko sa Asya.

Ang mga unang misyonerong dumayo sa Pilipinas kasama niLegazpi ay kabilang sa


ordeng Agustino. Sila ay sinundan ng mga Pransiskano , Dominikano, , at mga Heswita. Ang
mga Rekoletos ang pinakahuling dumating sa Pilipinas . Ang mga kagawad ng mga ordeng
gaya nito ay tinatawag na mga “ paring regular “. Pananagutan ng pamahalaan ang
anumang pangangailangan ng mga prayle kapalit ng pagpapalaganap ng kanilang misyon.

Nagtatag ng misyon ang mga Agustino sa rehiyon ng Ilocos , Pangasinan , Pampanga


, at Bisaya ; ang mga Dominikano , sa Cagayan at Pangasinan ; ang mga Franciscano , sa
Camarines at sa lugar na sakop ng Laguna de Bay ; ang mga Heswita , sa Maynila , Cebu ,
Leyte , Samar , Bohol at iba pang mga pulo sa Bisaya ; ang mga Rekoleto , sa Mindanao at
ilang lugar sa Maynila.

Nagtatag aang mga misyonero ng mga paaralan at ospital , mga gusali , tanggulan ,
daan ,tulay at sila rin ay nagkawanggawa . Marami sa kanila , lalo yaong mga nabigyan ng
parokya para subaybayan , ay lubhang nasiyahan sa kanilang kapangyarihan at
impluwensiya kaaya hinangad na magkaroon ng higit pa rito. Nalimutan nila ang kanilang
misyong panrelihiyon at nasangkot sa mga gawaing pampulitika. Di nagtagal , umabuso at
naging tinik sa mga Pilipino ang mga prayle.
Gumamit ang mga prayle ng alok na pakikipagkaibigan upang mapaamo ang mga
katutubo. Ipinakita nilang mabuti anghangarin sa pagdayo sa bansa. Ang pagpapaunlad ng
pamumuhay ng mga Pilipino at ang pagpapalaganap ng relihiyong nagbibigay ng kaligtasan
sa lahat ang naging katwiran nila sa pananakop.
Ang mga Pilipino naming tumangging magpasakop sa mga Kastila ay ginamitan ng lakas
sa pamamagitan ng mas maunlad na uri ng sandata sa pakikidigma .
Pamunuan ng Simbahan
Kung sentralisado ang kolonyal na pamahalaang Espanyol , gayundin ang simbahang
Espanyol . Ang Arsobispo ng Maynila ang pinakamataas na opisyal ng simbahan . Itinalaga
siya ng Papa , batay sa rekomendasyon ng Hari ng Espanya.
Nahati sa apat na diyosesis ang Pilipinas , at ang bawaat isaay pinamahalaan ng
isnag Obispo. Kabilang dito ang Cebu, Nueva Caceres ( Bicol ) , Nueva Segovia ( Cagyan )
at Jaro ( Iloilo ). Dahil ang Maynila aang sentro ng pamahalaan at simbahan , mayroon din
itong sariling obispo.
Ang mga diyosesis naman ay hinati sa mga parokya na pinamunuan ng kura-paroko.
Ang arsobispo ang nagtatalaga ng mga kura-paroko , batay sa tagubilin at rekomendasyon
ng gobernador-heneral.

a. Ipabasa ang teksto ng tungkol sa pamamaraan


ng pamamalakadng mga prayle.
b. Magsagawa ng malayang talakayan gamit ang
sumusunod na tanong :
 Ano ang nilalaman ng talata ?
 Sino ang naatasang magpalaganap ng kristiyanismo sa
bansa ?
 Ano - ano ang naitatag ng mga misyonerong dumayo
sa Pilipinas ?
 Mahalaga ba ang papel ng mga prayle sa pagsakop ng
ating bansa ? Bakit ?
 Sino ang pinakamataas na opisyal ng simbahan
Mga Gawain:
Magsagawa ng pangkatang gawain tungkol sa
pamamaraan ng pamamalakad ng mga prayle sa
pagpapaunlad ng sinaunang Pilipino
Sumulat ng reaksyon ninyo sa paraan ng pamamalakad ng mga
Prayle sa mga sinaunang Pilipino.
Paglalahat:
Gabayan ang mag-aaral sa pagbuo ng ng konseptong
natutunan.
* May mga pamamaraan ng pamamalakad ang
mga prayle sa pagpapaunlad ng sinaunang Pilipino .
 Nakipagkaibigan ag mga prayle sa mga katutubo
 Ginamitan ng armas ang tumangging magpasakop
 Nagtatag ng mga misyong panrelihiyon
 Nagtatag ang mga misyonero ng mga paaralan at ospital
Nagkawanggawa sila abot ng kanilang makakaya.
 Nagmalabis Sa kanilang tungkulin
 Nagmay-ari sila ng mga lupain sa pahintulot ng hari sa pag-aakalang
makatutulong sa pagapalaganap ng Kristiyanidad.
Paglalapat:
Pasagutan sa mga mag-aaral ang pagsusulit.
Basahing mabuti ang sumusunod na pahayag tungkol sa
pamamalakad ng mga prayle. . Piliin at isulat ang titik ng
tamang sagot.
A. Ang mga prayle ay may pamamaraan ng pamamalakad
sa pagpapaunlad ng mga sinaunang Pilipino .
B. Iniutos ng hari na kaibiganin ang mga Pilipino upang higit
na madaling maipaliwanag ang kristiyanismo .
c. Hangad lang hari na sakupin at pahirapan ang mga
Pilipino .
D. May misyong panrelihiyon na naitatag ang mga prayle sa
mga Pilipino .
E. Kulang ang oras at panahon ng mga misyonera sa
pamamalakad sa bansa.
F. Nagtataa ang mga prayle ng mga paarala at ospital na
nakatulong ng Malaki sa mga sinaunang Pilipino.
G. Ang pagkakawanggawa ay isa ring paraan ng
pamamalakad sa mga prayle.
Pagtataya:
 Anong pananagutan ng kaharian ng Espanya sa mga
misyonerong ipinadadala sa Pilipinas ?
 Ano - ano ang pamamaraan ng pamamalakad ng mga prayle sa
pagpapaunlad ng sinaunang Pilipino ?
 Ang mga pamamaraan bang ito ay nakatulong sa pag-unlad ng
sinaunang Pilipino ?
 Paano nagkaroon ng malalawak na lupain ang mga prayle?
 Anong sistema ang kanilang ginawa upang pamahalaan ang
kanilang mga lupain ?

V. MGA TALA Mastery Level: Instructional Decision:_________________

VI.PAGNINILAY

You might also like