You are on page 1of 16

5

Sining
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Pag-ukit ng Disenyo gamit ang
Linoleum, Goma at Kahoy
Sining – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 2: Pag-ukit ng disenyo gamit ang Linoleum, Goma at Kahoy
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

ELEMENTARY MODULE DEVELOPMENT TEAM


Awtor : Jennifer O. Dela Rosa
Co-Awtor - Content Editor : Sherry Ann C. Caragay
Co-Awtor - Language Reviewer : Lolita R. Cruz
Co-Awtor - Illustrator : Alpha Joy P. Azcona
Co-Awtor - Layout Artist : Diosdado P. Dominguez

DISTRICT MANAGEMENT TEAM:


District Supervisor, Assigned District : Ruel D. Lingad, EdD
Principal District LRMDS Coordinator : Charito D. Corpus
Teacher District LRMDS Coordinator : Gemma V. Sonza
District SLM Content Editor : Charito D. Corpus
District SLM Language Reviewer : Charito D. Corpus
District SLM Book Designer : Diosdado P. Dominguez

DIVISION MANAGEMENT TEAM:


Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, Learning Area : Maria Teresa C. Perez
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon - Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
5

Sining
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Pag-ukit ng Disenyo gamit ang
Linoleum,Goma at Kahoy
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay nagpapakita ng kakayahan gumawa ng isang likhang-sining


na nagpapakita kung paano kahusay ang mga Pilipino kalakip nito ay ang tamang
paggamit ng mga kagamitan upang maiwasan ang mga sakuna.

Matapos ang modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang:


• Aralin 2 – Naipakikita ang kakayahan sa likhang paglilimbag gamit ang
linoleum, goma at kahoy na may tamang paggamit ng kagamitang pang-ukit.

( A5PL-IIId )

Subukin

Tukuyin kung Wasto o Di-Wasto ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang
inyong sagot sa sagutang papel.

___________ 1. Ihanda muna ang mga kagamitan bago magsimula sa paggawa.

___________ 2. Ang linoleum, goma, o malambot na kahoy ay ang mga kagamitan na


maaaring gamitin sa pag-ukit.

___________ 3. Gumuhit sa linoleum, goma o malambot na kahoy ng isang


magandang imahinasyon na kaya ninyong gawin.

___________ 4. Maging maingat sa paghawak ng mga kagamitang pang-ukit.

___________ 5. Hayaang nakakalat ang mga kagamitan sa lugar ng pagawaan.

1
Aralin Pag-ukit ng Disenyo gamit
2 ang Linoleum, Goma at
Kahoy
Ang mga Pilipino ay kilala sa larangan ng sining. Higit na napapaganda at
nabibigyang buhay ang kanilang natatanging gawa dahil sa husay na kanilang
ipinamamalas sa pamamagitan ng paggawa ng malikhaing sining at malalawak na
imahinasyon.

Ang pag-ukit ay isang halimbawa ng masining na gawain. Ipinapakita dito ang


malikhaing paggawa ng isang obra. Maari ring gamiting disenyo ang mga bagay sa
paligid. Ipinapakita rin dito ang maayos at maingat na paggamit sa mga kagamitan.

Balikan

Pagsunud-sunurin ang mga sumusunod na hakbang sa paglilimbag. Lagyan ng


bilang 1-5. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

______ Lagyan ng kulay upang lalong maging kaakit-akit sa paningin.

______ Ipaskil ang iyong ginawang likhang sining.

______ Ihanda ang mga kagamitan at ilagay sa tamang lalagyan pagkatapos gamitin.

______ Iligpit ang mga kagamitan at ilagay sa tamang lalagyan pagkatapos gamitin.

______ Gumuhit o maglimbag ng mga larawan na maaaring mapakinabangan o


makatutulong upang maipakita ang pagiging malikhain.

2
Tuklasin

Ang Sining ng Pag-ukit


Ang mga Pilipino ay may kakayahan sa paglikha ng likhang-sining mula sa mga
pag-ukit ng mga disenyo gamit ang ibat-ibang kagamitan tulad ng linoleum, rubber
o malambot na kahoy.

Ang pagiging malikhain ay tunay na kahali-halina lalo na kung ikaw ay may


kakayahan sa paggawa ng mga ito. Gayun paman dapat nating tandan na kahit na
tayo ay bihasa sa paggamit ng mga ito ay dapat pa ring maging maingat upang
maiwasan ang anumang sakuna.

Tingnan ang mga halimbawa ng mga likhang sining sa paglilimbag n amula sa


inukit na disenyo sa linoleum, rubber at malambot na kahoy.

Inukit na disenyo mula sa Linoleum Inukit na disenyo mula sa Rubber

bB bulakla
bulaklak hugis/letra

Inukit na disenyo mula sa kahoy

tao /hayop

3
Suriin

Ang pag-ukit ay isang malikhaing sining na dapat nating maunawaan. Dapat


mong malaman kung paano ito maisasagawa upang maging matagumpay ang
likhang sining o disenyong gagawin. Tinatawag na pag-uukit ang pagbubuo o
paghuhubog ng isang bagay na maaaring kahit anong laki at kahit anong angkop na
material.

Maraming patapong bagay ang maaaring gamitin sa pagukit ng disenyong


panglikhang-sining sa paglilimbag. Ang pag-uukit ng ibat-ibang disenyo ay maaaring
gawin gamit ang mga sumusunod.

a. linoleum

b. rubber o goma
c. malambot na kahoy

Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ano ang pag-uukit?
2. Bakit kailangang malaman kung paano ito isinasagawa?
3. Ano-ano ang mga bagay na maaaring gamitin sa pag-ukit ng disenyo?

4
Pagyamanin

Gawin at ihanda ang mga kagamitan na gagamitin, sundin ang mga hakbang
sa paggawa:

Kagamitan:

Lapis, linoleum, rubber o goma, malambot na kahoy,


Carving tools o gamit na pang-ukit

Mga hakbang sa paggawa:


1. Ihanda ang mga kagamitan tulad ng mga linoleum, rubber/goma o malambot
na kahoy.
2. Gumuhit sa linoleum, rubber/goma o malambot na kahoy ng isang
magandang imahinasyon na kaya ninyong gawin.
3. Gamit ang mga pang-ukit, ukitin ang mga iginuhit sa linoleum,rubber/goma
o malambot na kahoy sa maingat na pamamaraan ng paghawak sa mga
kagamitang pang-ukit.
4. Gamit ang rubrics sa ibaba, markahan ang sariling gawa.

Mga Sukatan Nakasusunod sa Nakasusunod Hindi


pamantayan sa pamantayan nakasunod sa
nang higit sa subalit may pamantayan
inaasahan ilang
pagkukulang

5 3 2

1. Nagamit ang
imahinasyon sa pagbuo ng
disenyo

2. Nakapagpakita ng
kahusayan sa malikhaing
pagpapahayag

3. Naipakita ko ang
pagiging maingat sa mga
kagamitang ginamit

5
4. May kumpleto at
detalyadong pagkaunawa
sa paksa

5. Maayos na pagliligpit sa
pinag gawaan

Isaisip

Ang pagiging malikhain ay tunay na kahali-halina lalo na kung ikaw ay may


kakayahan sa paggawa ng mga ito. Gayunpaman dapat nating tandaan na kahit na
tayo ay bihasa sa paggamit ng mga ito ay kailangan pa rin natin ang ibayong pag-
iingat upang maiwasan ang anumang sakuna.

6
Isagawa

Gamit ang linoleum, rubber o goma, o malambot na kahoy pumili ng tatlong


disenyo na kayang iukit sa mga ito. Gamit ang rubrics sa ibaba, markahan ang
sariling gawa.
a. bahay
b. bulaklak
c. halaman
d. hayop
e. ibon
f. puno

Mga Sukatan Nakasusunod sa Nakasusunod Hindi


pamantayan sa pamantayan nakasunod sa
nang higit sa subalit may pamantayan
inaasahan ilang
pagkukulang

5 3 2

1. Nakagawa ng simple at
kakaibang disenyo

2. Naipakita ang pagiging


malikhain sa pag-ukit

3. Naipakita ko ang
pagiging maingat sa mga
kagamitang ginamit

4 Nakatapos ng gawain sa
inilaang oras

5. Maayos na pagliligpit sa
pinag gawaan

7
Tayahin

Pumili sa kahon sa ibaba ng tamang salita na bubuo sa bawat pahayag ng bawat


bilang. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.

1. Laging __________ sa paggamit ng mga kagamitan sap ag-uukit.

2. Ang ____________ ay pagbubuo o paghuhubog ng isang disenyo sa isang


bagay na maaaring kahit anong laki.

3-5 Ang ____________, _____________, _______________________ ay maaaring gamitin


sa pag-uukit ng disenyo para sa isang likhang-sining.

a. linoleum
b. malambot na kahoy
c. mag-iingat
d. pag-uukit
e. rubber

8
Karagdagang Gawain

Gumuhit ng iyong paboritong disenyo sa isang linoleum, rubber o goma, o


malambot na kahoy. Ukitin ito ng tama at maingat na gamitin ang gamit pang-ukit.
Lagyan ito ng tali at isabit sa bahay at gawin itong disenyo.Gamit ang rubrics sa
ibaba, Markahan ang sariling gawa.

Mga Sukatan Nakasusunod sa Nakasusunod Hindi


pamantayan sa pamantayan nakasunod sa
nang higit sa subalit may pamantayan
inaasahan ilang
pagkukulang

5 3 2

1. Nakapag-ukit ng
paboritong disenyo

2. Naipakita ang pagiging


malikhain sa pag-ukit

3. Naipakita ko ang
pagiging maingat sa mga
kagamitang ginamit

4 Nakatapos ng gawain sa
inilaang oras

5. Maayos na pagliligpit sa
pinag gawaan

9
10
Subukin Balikan Tayahin
1. W 1. 3 1. Mag-iingat
2. W 2. 5 2. Pag-uukit
3. W 3. 1 3. linoleum
4. W 4. 4 4. rubber/goma
5. DW 5. 2 5. malambot na
kahoy
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

DepEd (2016). Halinang Umawit at Gumuhit 5. Manwal ng Guro

DepEd (2016). Halinang Umawit at Gumuhit 5. Batayang Aklat

DepEd (2016). K to 12 Curriculum Guide. Sining

Rubber Art: https://mymodernmet.com/wp/wp-content/uploads/2017/08/rubber-stamps-


viktoria-astrom-1.jpg
Linoleoum Sculpture-Design ideas for Lino - Zieler design ideas for lino printing
Wood Scuplture : Hand Carved Suar Wood Sculpture - Abstract Rest | NOVICA

11
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

You might also like