You are on page 1of 41

PAMUMUHAY NG MGA

SINAUNANG PILIPINO
PANAHONG
PALEOLITIKO
(TINATAYANG MULA
500 000–7000 BCE)
Sa Panahong Paleolitiko, nabuhay
ang mga sinaunang tao sa ating
kapuluan sa pamamagitan ng
pagpapalipat-lipat sa mga lugar na
may makakalap na pagkain.
Ang kanilang pebble tools ay
nabubuo sa pamamagitan
ng chipping o pagtatapyas ng mga
bato, tulad ng mga batong-ilog (river
stones), upang makuha ang matalim
na bahagi ng mga ito.
Bukod sa flint, gumamit din
silang chert o volcanic glass, isang
uri ng natunaw na bato dahil sa init
ng bulkan. Ito ay may matalim na
bahagi 
kung tinapyas. Bukod sa mga
kagamitang bato, gumamit din ang
mga sinaunang tao ng mga
kagamitang gawa sa kahoy.
Ang tahanan naman ng mga
sinaunang tao sa ating kapuluan ay
binubuo ng mga dahon na itinayo sa
pamamagitan ng patpat. Ang
halimbawa nito ay ang tirahan ng
mga Dumagat sa silangang Luzon.
Tumira rin ang ating mga ninuno
sa mga yungib bilang permanente
nilang tirahan. Nahukay sa yungib
ng Callao sa Peñablanca, Cagayan
ang pinakamatandang labi ng tao sa
bansa.
Tinatayang nabuhay ang taong ito
67,000–50,000 taon na ang
nakalilipas. Ang ikalawang
pinakamatandang labi ng sinaunang
tao sa bansa ay ang nahukay na
bahagi ng bungo at bagang
( jawbone) sa yungib ng Tabon sa
Palawan, na tinatayang nabuhay
22,000 taon na ang nakalilipas.
PANAHONG NEOLITIKO
(TINATAYANG MULA
5000–500 BCE)
Sa Panahong Neolitiko, ay
umunlad ang paggamit ng ating mga
ninuno sa mga bato. Patunay rito
ang ilang mga kagamitang bato na
natuklasan ng mga dalubhasa.
Halimbawa, natagpuan sa yungib ng
Guri ng Lipuun Point, Palawan ang
pinakinis ( polished) na kagamitang
bato na nahulma sa pamamagitan ng
pagkiskis ng bato sa halip na
pagtapyas dito. Tinatayang ang mga
kagamitang batong ito ay mula pa
noong 7,000–3500 BCE.
Sa Panahong Neolitiko rin
nagsimula ang agrikultura sa
Pilipinas na tinatayang naganap mga
taong 5,000 BCE. Nagsimulang
magtanim ang mga unang tao upang
madagdagan ang kanilang pagkain
na nakukuha nila sa pangangaso at
pangangalap.
Isinagawa sa panahong ito ang dry
agriculture tulad ng pagkakaingin.
Noong 3,000 BCE, pinaniniwalaang
nagsimula ang wet rice agriculture o
ang pagtatanim ng palay sa mga
payew.
Ito ang nagpausbong sa pagbuo ng
mga hagdan-hagdang palayan tulad
ng mga makikita hanggang sa
ngayon sa Ifugao. Ang mga pader
ng terraces ay yari sa bato at lupa.
Hindi lamang sa Ifugao may mga
hagdan-hagdang palayan.
Makikita rin ang mga labi nito sa
Rizal sa Luzon at sa ilang mga
bahagi ng Mindanao. Pagsapit
naman ng 100 BCE, napaunlad din
ang wet rice agriculture sa mga
kapatagan at dito nagsimulang
mabuo ang rice paddies.
Sa Panahong Neolitiko, natuto rin
ang ating mga ninuno ng
pagpapalayok ( pottery) na
tinatayang nagsimula noong
3,000 BCE.
Ginamit ang pagpapalayok (tulad ng
mga banga) hindi lamang sa
pagluluto o pag-iimbak ng pagkain,
kundi maging sa paglilibing ng mga
patay. Naganap ang gawaing ito mga
1000 BCE.
Sa mga taong 3,000 BCE,
nagsimulang mabuo ang mga
pamayanan sa mga bunganga ng
ilog at tabing dagat. Kumalat din sa
kapuluan ang mga mandaragat mula
sa iba’t ibang bayan. Naging
mahalaga ang mga ilog sa ugnayan
ng mga pamayanan at
pakikipagkalakalan.
Dahil sa mga pagbabagong
naganap sa Panahong Neolitiko,
naging mas maunlad ang mga
pamayanan sa tabi ng mga daang-
tubig. Nabuo ang kulturang kaugnay
sa tubig at isa na rito ang
pamayanang tinawag na barangay.
Sa Panahong Neolitiko, may mga
pamayanan ding nabuo sa
kabundukan. Ang mga ito ay
matatagpuan malapit sa mga sapa
kung saan ginagamit ang tubig
bilang inumin at panustos sa
irigasyon.
PANAHON NG METAL
(TINATAYANG MULA
2000 BCE–200 CE)
Nagsimula ang Panahon ng Metal
sa bansa mga 800 BCE. Tinatawag
din ito bilang 
incipient period na tumagal mula
500 BCE hanggang 900 CE. Sa
panahong ito ay napayabong ang
mga pamayanang barangay.
Dati-rati ay binubuo ang barangay
ng kalipunan ng mga pamilya at ng
ilang mga magkakamag-anak.
Kalaunan, sumanib na rin dito ang
magkakaibang barangay na bumuo
sa higit na malalaking pamayanan.
Karaniwang matatagpuan ang
malalaking pamayanan sa mga tabi
ng mga anyong-tubig tulad ng sa
Maynila, Jolo, at Butuan.
Ang mga pinuno ng pamayanan
ay nahirang dahil sa kanilang
katapangan, kayamanan, lakas, at
talino. Bukod sa pagiging pinuno ng
pamayanan, nagsisilbi rin silang
pinunong pandigma sa panahon ng
digmaan at hukom sa mga sigalot sa
loob ng pamayanan.
Ang posisyon ng isang pinuno ng
pamayanan ay maaaring mamana
mula sa ama patungo sa anak o
naililipat sa nakababatang kapatid.
Maaari ring maging pinuno ng
pamayanan ang kababaihan lalo na
kung walang tagapagmanang lalaki
ang pinuno.
Bukod sa pag-unlad ng mga
pamayanan, umunlad din ang
teknolohiya sa Panahon ng Metal.
Natuto ang mga tao na magpanday
ng bakal upang gawing kagamitan at
armas. Natuto na rin ang mga tao na
gumawa ng alahas na yari sa
ginto, jade, carnelian, at iba pang
materyales.
Ang mga pinapanday na ginto ay
mula sa mga ilog habang ang bakal
naman ay galing sa pagmimina o
pakikipagkalakalan sa mga dayuhan.
Nagsimula na rin ang teknolohiya ng
paghahabi at pag-ukit sa kahoy sa
mga taong 200 CE.
Karamihan sa mga kalakalan ay
isinasagawa sa pamamagitan ng
sistemang 
barter. Gumagamit na rin ng mga
perang ginto na sa panahon ng mga
Espanyol ay tinawag na piloncitos.
Nagsimula na rin ang
pakikipagkalakalan sa malalayong
lugar. Dahil dito, napaunlad ang
paggawa ng sari-saring sasakyang-
pandagat para sa iba’t ibang gamit
tulad ng caracoa na ginagamit sa
digmaan.
Ang mga sasakyangpandagat naman
na tinawag na proa, vinta, kumpit,
lapis, temper, kasko, at bangka ay
ginamit sa pakikipagkalakalan.
Itinuturing na emergent
period ang mga taong 900 hanggang
1,400 na sakop pa rin ng Panahon ng
Metal. Napagtibay sa panahong ito
ang mga etnolingguwistikong
pangkat.
Nabuo ang mga pangkat na ito
dahil sa pakikipagugnayan ng isang
pangkat sa iba pang pangkat at sa
interaksiyon nila sa kanilang
kapaligiran. Ilan sa mga
etnolingguwistikong pangkat ay ang
mga Tagalog, Pampango, Ilokano, at
Bikolano sa Luzon;
ang mga Waray, Sugbuhanon, at
Ilonggo sa Visayas; at ang mga
Mandaya, Tiruray, Tausug, Samal,
Yakan, Subanon, at B’laan sa
Mindanao. Nagkaroon ang mga
pangkat na ito ng pagkakatangi sa
isa’t isa na ipinakikita ng kanilang
naiibang wika, ugali, at pamumuhay.
ang mga Waray, Sugbuhanon, at
Ilonggo sa Visayas; at ang mga
Mandaya, Tiruray, Tausug, Samal,
Yakan, Subanon, at B’laan sa
Mindanao. Nagkaroon ang mga
pangkat na ito ng pagkakatangi sa
isa’t isa na ipinakikita ng kanilang
naiibang wika, ugali, at pamumuhay.
Kasama sa pagbuo ng sariling
wika, napaunlad din ng mga
etnolingguwistikong pangkat ang
kani-kanilang musika at panitikan.
Umiral ang mga epikong tulad
ng Biag ni Lam-ang ng mga Ilokano,
ng Hudhud ng mga Ifugao,
ng Ibalon ng mga Bikolano,
ng Hinilawod ng mga Sulod, at
ng Darangan ng mga Maranao.
Mayroon ding mga awit tulad
ng Kumintang at Dalit. Bukod sa
awit, nagkaroon din ang ating mga
ninuno ng mga instrumentong
pangmusika tulad ng gong,
kulintang, kudyapi, at tambol na yari
sa mga lokal na materyales.
Mayroon na ring sistema ng
pagsulat ang mga katutubo noon.
Tinawag itong baybayin 
na mula sa pinaghalong
impluwensiyang Javanese at Indian
na galing sa Sanskrit. 
Naisulat ito sa mga piraso ng
kawayan, dahon, at naukit sa mga
palayok.
Ang nasusulat lamang noon ay ang
mahahalagang gawain tulad ng
panganganak, ukol sa utang, at
usaping pampolitika. Wala itong
kinalaman sa panitikan.
Matibay na ebidensiya ng sistema
ng pagsulat ng ating mga ninuno ang
Laguna copperplate. Ayon sa
pagkakasalin ay nalamang ito ay
isang deklarasyon ng pagpapatawad
ng utang ng isang tao. Ang Laguna
Copperplate ay nakalagak sa
Pambansang Museo.
Thank you very much for listening
to us!!!

You might also like