You are on page 1of 15

5

ARALING PANLIPUNAN
QUARTER 1 – MODULE 4

Pamumuhay at Kabuhayan ng
mga Sinaunang Pilipino Sa
Panahong Pre- Kolonyal
Alamin

Isinulat ang modyul na ito para sa iyo. Hangad naming sa pamamagitan nito ay matutukoy
at masusuri ang pamumuhay at kabuhayan ng mga sinaunang Pilipino noong Pre-Kolonyal. Ang
mga pagsasanay na ginamit dito ay tiyak na mapapalawak pa ang iyong kaalaman bilang mag-
aaral sa ikalimang baitang. Mahalagang malaman at matukoy kung paano namuhay ang ating mga
ninuno noon bago dumating ang mga mananakop. Ang modyul na ito ay tumatalakay sa:

1. Panahong Prehistoriko ng Pilipinas


2. Mga Antas Panlipunan ng mga Sinaunang Pilipino
3. Kalagayang Pampolitika sa Sinaunang Lipunang Pilipino
4. Kabuhayan ng mga Sinaunang Pilipino

MELC (Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto)

1. Nasusuri ang paraan ng pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino sa panahong Pre-


kolonyal.
2. Nasusuri ang pang-ekonomikong pamumuhay ng mga Pilipino sa panahong pre-
kolonyal a. panloob at panlabas na kalakalan b. uri ng kabuhayan (pagsasaka,
pangingisda, panghihiram/pangungutang, pangangaso, slash and burn, pangangayaw,
pagpapanday, paghahabi atbp).
K TO 12 Curriculum Guide: AP5PLP-If-6, AP5PLP- Ig-7

Matapos mong basahin at sundin ang mga gawain sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. matutukoy ang mga yugto sa panahong prehistoriko ng Pilipinas;


2. maiisa-isa ang mga antas ng katayuan sa lipunan ng mga sinaunang Pilipino;
3. masusuri ang kalagayang pampolitika ng ating mga ninuno sa lipunan at
4. maipapaliwanag ang kahalagahan ng kabuhayan ng mga sinaunang Pilipino upang
matustusan ang kanilang pangangailangan.

1
Tuklasin

Panahong Prehistoriko ng Pilipinas

Panahong Paleolitiko o Panahon Noong Panahon ng Bato ay natutuhan ng mga


ng Lumang Bato (500,000 – 6000
sinaunang tao ang paggamit ng mga kasangkapang bato.
B.C.E)
Dito nagsimulang umusbong ang mga pamayanan at
sinaunang kultura ng mga Pilipino tulad ng masasalamin
mula sa mga natagpuang labi at kasangkapan sa mga
yungib sa Palawan at Cagayan.
Ito ang panahong nabuhay ang mga Taong Tabon.
Nanirahan sila sa mga yungib at gumamit ng mga tinapyas
na bato na magagaspang bilang kasangkapan. Nabuhay
sila sa pangangaso at pangangalap ng pagkain.
https://bit.ly/3dItsaq

Panahong Neolitiko o Panahon ng Ito ang panahon na nilisan ng mga sinaunang tao
Bagong Bato (6000 – 500 B.C.E)
ang mga yungib at nagsimulang paunlarin ang kanilang
pamumuhay ayon sa kanilang pangangailangan at hamon
ng kapaligiran. Hinasa at pinakinis nila ang dati ay
magaspang na mga kasangkapang bato. Nagsimula silang
manirahan sa tabi ng mga dagat at ilog.
Natutuhan din nilang magsaka at mag-alaga ng
hayop. Natuto pa silang gumamit ng irigasyon sa
pagsasaka ng palay, taro, nipa, at iba pa. Ang pagkakaroon
ng tiyak na mapagkukunan ng pagkain ng mga sinaunang
tao sa pamamagitan ng pangingisda at pagsasaka ang
dahilan ng pagiging sedentaryo o permanente ng kanilang
paninirahan.Natuto rin silang gumawa ng mga banga at
https://bit.ly/3AwGtxK palayok ang mga sinaunang Pilipino sa panahong ito.
Ginamit nila itong imbakan ng mga sobrang pagkain at
sisidlan ng mga buto ng kanilang mga yumao.( Gabuat, et.
al, 2016, ph. 65-66 )

2
Maagang Panahon ng Metal (800-
Nang lumaon ay natuklasan ng ating mga ninuno ang
250 B.C.E)
paggamit ng metal. Nahati ito sa dalawa: ang Maagang
Panahon ng Metal at ang Maunlad na Panahon ng Metal.
Ilang halimbawa ng mga kasangkapan noong
Maagang Panahon ng Metal (800 – 250 B.C.E.) ay
natagpuan sa Palawan, Masbate, at Bulacan tulad ng sibat,
palaso, at kutsilyo. Gawa ang mga ito sa tanso at bronse.
Ang tanso ay maaaring namina nila sa mga kabundukan
ng Pilipinas. Samantala, pinaniniwalaan ng mga
antropologo na ang bronse ay buhat sa mga
mangangalakal ng Timog-silangang Asya na
nakipagkalakalan sa mga sinaunang Pilipino.Nahukay rin
https://bit.ly/3AoNQat
ang ilang palamuti tulad ng ling-ling-o at ilang yari sa
jade.

Maunlad na Panahon ng Metal Noong Maunlad na Panahon ng Metal, higit na


napaghusay ng mga sinaunang Pilipino ang kanilang mga
kasangkapang metal. Patunay rito ang mga nahukay na
talim ng sibat, kampit, gulok, kutsilyo, at iba pang sandata
sa Kalanay sa Masbate at Novaliches sa Quezon City.

https://bit.ly/3qP43B

Mga Antas Panlipunan ng mga Sinaunang Pilipino


Maginoo at Datu Ang pinakamataas na antas ng tao sa lipunang Tagalog at
Bisaya ay ang maginoo o datu. Maaaring maging datu ang
isang kasapi ng barangay sa pamamagitan ng katapangan,
katalinuhan, pagmamana o kayamanan. Nasusukat ang
yaman ng isang datu sa dami ng kaniyang alipin, dami ng
kaniyang pagmamay-aring ginto ng kaniyang pamilya at
lawak ng kaniyang pagmamay-aring
lupain. (Gabuat, et. al, 2016 ,ph.67-68)
https://bit.ly/3jLNq85

3
Simbolo ang ginto ng mataas na katayuan sa sinaunang
lipunan. Sa sinaunang lipunang Tagalog, ginamit bilang
tanda ng paggalang at pagkilala ang salitang “Gat” o
“Lakan” upang tumukoy sa mga maginoo.
Maharlika at Timawa
Tinatawag na bagani ang mahuhusay na mandirigma.
Marami sa mga ito ay mula sa pangkat ng mga maharlika.
Tungkulin ng mga maharlika na tulungan ang datu sa
pagtatanggol at pagpapanatili ng kapayapaan sa barangay.
Wala silang pananagutang magbayad ng buwis sa datu.
Ang mga mandirigmang Bisaya ay nakikilala sa
kanilang mga tato sa katawan. Ang dami ng tato sa kanilang
katawan ay bilang ng mga napaslang nilang kaaway. Ang
pinakamatapang na mandirigmang Tagalog naman ay

https://bit.ly/3qQfN6D nakikilala sa suot niyang pulang putong o maliit na piraso


ng tela sa kaniyang ulo.
Timawang Bisaya Ang mga timawa ay ang malalayang tao at mga taong
lumaya mula sa pagkaalipin. Ito ang mga inaanak o inapo ng
mga datu mula sa kanilang ikalawang asawa. Sila ay
maaaring magmay-ari ng lupa at may karapatang hindi
magbigay ng tributo sa datu mula sa kanilang ani.Tungkulin
ng timawa na sundin ang ano mang utos ng datu tulad ng
pagtulong sa pagtatanim at pag ani ng sakahan, pangingisda,
pagsama sa paglalakbay ng datu at pagsasagwan ng bangka
nito.
Sa lipunang Bisaya, nagbabayad ng buwis ang mga
timawa ngunit may karapatan silang lumipat ng datung
paglilingkuran. Ang mga timawang ito ay nagsilbing
kasama ng datu sa digmaan, tagasagwan ng bangka,
tagatikim ng alak ng datu o sugo sa pakikipagkasundo sa
https://tinyurl.com/9drdb474 kasal ng mga anak ng datu. (Gabuat, et. al, 2016, ph.69 )

4
Alipin at Oripun Ang alipin (sa mga Tagalog) at oripun (sa mga
Bisaya) ang bumuo sa pinakamababang antas panlipunan
noon. Maaaring naging alipin ang isang tao bilang
kaparusahan sa krimen, kawalan ng bayad sa nagawang
krimen at nahuling pumasok sa teritoryo ng datu. Sa mga
Tagalog, ang taong tumubos sa pagkakautang o krimen ng
isang alipin ay maaaring maging panginoon nito.
(Gabuat, et. al, 2016 ph. 69-70)

https://bit.ly/3Aw4HrH

Mga Alipin sa Sinaunang Lipunang Tagalog at Bisaya


Mga Uri ng Alipin Mga Uri ng Oripun
Aliping Namamahay Ayuey
*nakatira sa sariling bahay *pinakamababang pangkat ng oripun
*nagbigay ng taunang tributo na katumbas ng 2 *nanilbihan kailanman naisin ng datu
salop ng palay, lahat ng buto ng kanilang pananim
at malaking tapayan ng quilan (alak na mula sa Tumarampuk
tubo) * nanilbihan ng isang araw sa isang linggo sa
*tumulong sa paghahanda ng mga datu
kakailanganin sa paglalakbay ng datu *maaaring magbayad ng palay kapalit ng
*katulong sa pagdaraos ng mga pagtitipon kaniyang paninilbihan
*maaaring magkaroon ng sariling ari-arian
Aliping Saguiguilid Tumataban
*naninirahan sa tirahan ng datu; maaaring *nanilbihan sa datu tuwing may piging o
bumukod kapag nakapag-asawa at manilbihang pagtitipon
aliping namamahay
*nagsisilbi araw at gabi sa datu
*hindi maaaring magkaroon ng sariling ari-
arian. (Gabuat, et. al, 2016 ph. 70)

5
Kalagayang Pampolitika sa Sinaunang Lipunang Pilipino
Dalawa ang uri ng pamahalaan na umiral sa sinaunang panahon sa Pilipinas – ang barangay
at ang sultanato.
Barangay

Datu Lumaganap ito sa mga pamayanan sa Luzon at Visayas. Ito ay


salitang halaw sa balangay na tumutukoy sa sasakyang pandagat na
ginamit noon ng mga sinaunang Pilipinong nanirahan sa kapatagan. Ang
barangay ay isang yunit pampolitika, panlipunan, at pangkabuhayan noon
sa Pilipinas. May mga pagkakataong nagbubuklod – buklod ang mga
barangay at bumuo ng mga alyansa.
Karaniwang binubuo ng 30 hanggang 100 pamilya ang isang
barangay. Pinammumunuan ng isang datu. Siya ang kinikilalang
pinakamalakas, pinakamatapang at pinakamayamang lalaki sa barangay.
https://tinyurl.com/nr5tkvvz
Siya at ang kaniyang pamilya ay kabilang sa pinakamataas na antas ng
Umalohokan o
Tagapagbalita lipunan noon. Itinuturing ang datu bilang ama ng barangay kaya’t
malawak ang sakop ng kaniyang katungkulan at kapangyarihan.
Nakasalalay sa kanya ang kapakanan ng buong barangay. Tungkulin
niyang magpatupad ng mga batas at ipagtanggol ang kaniyang barangay
laban sa mga kaaway tuwing may digmaan.
May dalawang uri ng batas na umiiral sa barangay noon. Ang batas
na nakasulat at batas na hindi nakasulat. Ang mga batas na nakasulat ay
mga pag-uutos na ginawa ng datu kasama ang lupon ng matatanda sa
barangay na nasisilbing tagapayo ng datu. Napapaloob sa mga nakasulat
https://tinyurl.com/ja7vdtm8
na batas ang mga usapin tungkol sa diborsiyo, krimen, pagmamay-ari ng
Sanduguan mga ari-arian, at iba pa. Matapos itong mapagtibay, ay ipinagbibigay –
alam sa isang pagtitipon sa pamamagitan ng umalohokan o
tagapagbalita. Sa Visayas, ang umalohokan ay isa ring pinunong
inihahalal ng mga datu sa tuwing may malaking away na kailangang
ayusin. Siya ang inaasahang maglilitis hanggang sa magkasundo ang mga
nagkaalitan. Kapag natapos na ang gulo, ay tapos na rin ang trabaho niya.
(Gabuat, et. al, 2016 ph. 71-74)
May sariling pamahalaan ang bawat barangay ngunit sinikap pa
rin ng mga ito na makipag-ugnayan sa isa’t isa upang palaganapin ang
https://tinyurl.com/4xynch4e

6
katahimikan at kapayapaan sa loob at labas ng barangay. Ang sanduguan
ay isinasagawa sa pamamagitan ng paghiwa sa bisig gamit ang punyal at
pagpapatulo ng dugo sa kopang may alak. Ang pag-inom ng magkabilang
panig sa pinaghalong alak at dugo ang magsisilbing simbolo ng kanilang
pagkakaibigan.

Sultanato

Sultan Sharif Ul- Hashim


Ang sultanato ay isang sistema ng pamamahala na batay sa
katuruan ng Islam. Ang sultan ang pinakamataas na pinuno sa isang
sultanato.Si Sharif ul-Hashim ang nagtatag ng unang sultanato sa
Pilipinas at tumayo ring sultan nito.
Noong 1478, itinatag naman ni Sharif Kabungsuan ang sultanato
sa Mindanao. Bukod sa Sulu at Mindanao, may itinatag ding sultanato sa
Cotabato at Lanao.
Taglay ng sultan ang sumusunod na katangian: may angking
https://tinyurl.com/33zxhkvz
kayamanan, mataas na bilang ng mga tagasunod, at may mahalagang
ambag kaugnay sa pagpapahalaga ng lipunang Muslim halimbawa ng
pagpapakita ng katapangan at husay sa pakikidigma. Ito ay namamana na

Sultan Sharif Kabungsuan ang batayan ay mapatunayang ang kaniyang pinagnunuan ay galing sa
linya ni Muhammad. Si Muhammad ang huling propeta at tagapagtatag
ng Islam. Ang tarsila (salsila) ang nagsasalaysay sa pinagmulan ng lahi
ng mga sultan.
Bilang pinuno, ang pangunahing pananagutan ng sultan ay ang
kapakanan ng kaniyang mga nasasakupan sa panahon man ng kapayapaan
o ng digmaan. Siya ang nagtatakda at nagpapatupad ng mga batas at ang
pasya niya ay hindi na maaaring magbago. Katulong niya sa
pagpapatupad ng batas ang ruma bichara na nagsisilbing tagapayo na
binubuo ng mga makapangyarihan at mayayamang pinuno sa mga
https://tinyurl.com/ejffar3k
pamayanang nasasakupan ng sultanato. Ang mga batas ay batay sa adat
(customary laws), sharia (Islamic law) at Qur’an. Siya din ang
nagsisilbing hukom na paglilitis sa mga lumalabag sa batas at tumatayong
kinatawan ng kaniyang mga nasasakupan sa anomang pakikipag-
ugnayan. (Gabuat, et. al, 2016 ph. 74-75)

7
Kabuhayan ng mga Sinaunang Pilipino
Ang kapuluan ng Pilipinas ay sagana sa likas na yaman. Ito ay nagtataglay ng iba’t ibang
anyong lupa at anyong tubig na nagbibigay ng kabuhayan sa mga naninirahan dito. Ang mga
sinaunang Pilipino ay natutong makiangkop sa kanilang kapaligiran at nagtatag ng mga
permanenteng tirahan. Natutuhan din nilang humanap ng pamamaraan upang matustusan ang
kanilang mga pangangailangan. Nabuo ang iba’t ibang uri ng mga pamayanan ayon sa uri ng
kanilang mga ikinabubuhay.
Kabuhayang Agrikultural

Pagsasaka Ang pagsasaka ang isa sa kanilang mga naging


pangunahing kabuhayan. May dalawang paraan ng pagsasaka –
ang pagkakaingin at ang pagbubungkal ng lupa. Palay, niyog, tubo
at saging ang ilan sa mga kanilang mga itinatanim.

Pangingisda rin ang isa sa pangunahing kabuhayan noon.


Lambat, bingwit, basket at lason ang mga pangunahing kagamitan
https://tinyurl.com/8ybsrfy9
sa panghuli ng isda. Ang lason na kanilang ginamit ay mula sa
Pangingisda
katas ng ugat at dahon ng halaman. Bukod dito, naninisid sila sa
ilalim ng dagat upang manguha ng perlas.

Nag-alaga rin sila ng mga hayop tulad ng baboy, kalabaw,


manok at kambing. Ayon sa Filipinong historyador na si Teodoro
Agoncillo, maaaring nag-alaga ang mga sinaunang Pilipino ng
elepante. Ito ay batay sa pagkakaroon ng salitang tagalog para sa
elepante na mula sa Malay na “gadya”. Nangangaso sila gamit ng
https://tinyurl.com/8ybsrfy9
bitag o patibong tulad ng mga hukay upang makahuli ng mga ligaw
Pagmimina
at malalaking hayop.
Ang pagmimina ay isa pang gawaing ekonomiko noong
unang panahon. Ginto ang pangunahing minimina nila. Sa
Visayas, halimbawa, isinasagawa ang placer mining o pagmimina
sa batis gamit ang kahoy na kawali at kahoy na batya ayon sa
Amerikanong historyador na si William Henry Scott.
(Gabuat, et. al, 2016 ph. 75-77)
https://tinyurl.com/8ybsrfy

8
Mga Industriya

Pagpapalayok Nakatuklas ang mga sinaunang Pilipino ng ibang paraan ng


paggamit sa mga hilaw na materyales. Nabuhay ang iba’t ibang
industriya gaya ng pagpapalayok, paghahabi, paggawa ng
sasakyang- pandagat at iba pa. Kabilang sa ginagawang iba’t
ibang bangka noon ang balangay, caracao, virey, at parau na gawa
sa kahoy na lawaan upang maging matibay.
Sa Visayas, kababaihan ang nagpapalayok gamit ang
https://tinyurl.com/8ybsrfy9
tinatawag na anvil-and-paddle technique o paggamit ng patpat
Caracao at sangkalan sa paghubog ng luwad. Ang nabuong palayok ay
pinapatuyo sa araw at masusing niluluto o pinapaapuyan na hindi
ginagamit ang hurno o kiln. Iba’t ibang produkto ang nagawa sa
luwad tulad ng palayok, balanga (kawaling ginagamit sa
pagpriprito), banga (lalagyan ng tubig) at dulang (isang malaking
plato).
https://tinyurl.com/8ybsrfy9

Pakikipagkalakalan

Sinaunang Kalakalan Ang mga sobra sa pangangailangan ay natutunan ng mga


sinaunang Pilipinong ipagpalit para sa ibang produkto sa ibang
pamayanan o barangay at nang lumaon sa mga karatig na lugar
sa Timog- Silangang Asya. Ang pagpapalitan ng produkto na
ito ang tinawag na sistemang barter. Sa kalaunan, gumamit
sila ng ginto at kabibe bilang salapi at nagkaroon din sila ng
mga kasangkapang panimbang at panukat para sa pagtataya ng
https://tinyurl.com/abea22kx
dami at halaga ng bilihin. Hindi nagtagal, naitatag ang paggamit
ng salapi sa sistema ng pakikipagkalakalan. Naging sentro ng
kalakalan ang maliliit na barangay. Kalimitang palay, isda,
kopra, niyog, troso at ginto ang ikinakalakal at ito ay napalago.
Maliban sa pakikipagkalakalan, lumawak ang pakikipag-
ugnayan ng mga sinaunang Pilipino sa mga mangangalakal sa
India, Indonesia, China at Arab. (Gabuat, et. al, 2016 ph. 77-79)
https://tinyurl.com/abea22kx

9
Gawain 1
Panuto: Punan ng wastong sagot ang sumusunod na patlang. Piliin ang sagot sa loob ng kahon at
isulat sa sagutang papel.

Panahong Paleolitiko Panahong Neolitiko Maagang Panahon ng Metal


Maunlad na Panahon ng Metal Makabagong Panahon

_____________1. Nabuhay ang Tabon Man.


_____________2. Natutong magsaka at maghayupan ang mga sinaunang Pilipino.
_____________3. Nakagawa ng ilang palamuti sa katawan tulad ng ling-ling-o at pulseras.
_____________4. Nagawa ang mga talim ng sibat, gulok, kutsilyo at iba pang sandata.
_____________5. Gumawa ng mga banga at palayok na ginamit bilang imbakan ng mga sobrang
pagkain.
Gawain 2
Panuto: Piliin sa hanay B ang tinutukoy nito sa hanay A. Isulat ang letra ng wastong sagot sa
sagutang papel.
A B

____1. Mahuhusay na mandirigma at tagapagtanggol A. alipin


ng barangay.
____ 2. Ang pinakamataas na antas ng tao sa lipunang B. bagani
Tagalog at Bisaya.
_____3. Tagatikim ng alak ng datu kung may ginaganap C. datu
na piging o handaan.
_____4. Pinunong inihalal ng mga datu sa tuwing D. sanduguan
may malaking away na kailangang ayusin.
_____5. Rituwal na isinasagawa bilang simbolo ng E. timawa
pakikipagkaibigan ng mga sinaunang Pilipino.
F. umalohokan
Gawain 3
Panuto: Suriin kung tama o mali ang bawat pahayag. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.
_____1. Ang kalakalan noon ay kilala sa tawag na sistemang barter.
_____2. Walang kaalaman sa pagmimina ang mga sinaunang Pilipino.
____ _3. Ang mga likas na yaman ay napakahalaga sa pamumuhay ng mga katutubong Pilipino.

_____4. Kabilang sa ginagawang iba’t ibang bangka noon ang balangay, caracao, virey, at parau
na gawa sa kahoy na narra upang maging matibay.
10
_____5. Ang mga palay, mais, niyog at iba pang punongkahoy ang ilan sa mga pangunahing
pananim ng mga sinaunang Pilipino.

Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag o katanungan. Isulat sa sagutang papel ang letra
ng tamang sagot.
______1. Panahon natutunan ng mga sinaunang tao ang paggamit ng mga tinapyas na batong
magaspang.
A. Panahong Neolitiko B. Panahong Paleolitiko
C. Maagang Panahon ng Metal D. Maunlad na Panahon ng Metal
______2. Ang pinakamataas na antas ng tao sa lipunang Tagalog at Bisaya.
A. alipin B. datu C. manggagawa D. timawa
______3. Sila ang kinikilalang mga mahuhusay na mandirigma mula sa pangkat ng mga
Maharlika.
A. bagani B. bayani C. pulis D. sundalo
______4. Pangunahing produkto na minimina ng mga sinaunang Pilipino.
A. bronse B. ginto C. jade D. tanso

______5. Ito ang paraan para mapalakas at mapagtibay ang kasunduan ng bawat barangay?

A. pagbabayad B. pag-eespiya C. pananakop D. sanduguan


______6. Ang naatasan ng datu para ibalita ang mga kaganapan sa kanyang barangay lalo na kung
may pagtitipon.
A. bagani B. gat C.lakan D. umalohokan
______7. Ang salitang barangay ay hango sa salitang balanghai o balangay na tumutukoy sa -
_____________.
A. sasakyang panlupa B. sasakyang pandagat
C. sasakyang de-makina D. sasakyang panhimpapawid
_____8. Umunlad ang pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino nang matuto ang mga ito sa ____.
A. pamamangka at paglalayag
B. pagpalipat- lipat ng mga tirahan
C. paggamit ng magaspang na bato
D. pagtatanim ng iba’t ibang halaman at pagpapaunlad ng pagsasaka

11
_____9. Ang dahilan ng pagkakaroon ng tiyak na mapagkukunan ng pagkain ng mga ninuno.
A. pagtira nila sa mga yungib B. pagkakaroon nila ng maraming ginto
C. pagiging pagala-gala nila D. pagkakaroon nila ng permanenteng tirahan
_____10. Paano magpasya ang datu kung nagbibigay ng hatol sa mga nagkasalang miyembro ng
barangay?
A. pinapatay agad B. tumatawag sa Diyos
C. kumukuha ng tagahatol D. isinasailalim sa mga pagsubok

______11. Ang hindi naging kabuhayan ng mga sinaunang Pilipino?


A. pagsasaka B. pangingisda C. pangangalakal D. pagpasok sa opisina

______12. Alin sa sumusunod ang hindi kilala ang mga sinaunang Pilipino?

A. paghahabi B. pagpapalayok
C. paggawa ng mga telang seda D. paggawa ng sasakyang pandagat

_______13. Ang mga batas ay patnubay ng mga tao upang maging maayos ang kanilang
pamayanan at pakikipag-ugnayan sa isa’t isa. Ang ilan sa mga batas noon ay ang
paggalang at pagsunod sa datu, pagiging masipag at matapat at pagbibigay ng
karampatang parusa sa mga nagkakasala. Ano ang isinasaad ng mga batas na ito?
A. Ang pagplano ng pamilya at pagbubuklod ng mag-anak ay mahalaga.
B. Ang pagbabayad ng buwis at paglilingkod sa pinuno ay lubos na mahalaga.
C. Ang paggalang sa kapangyarihan at respeto sa kapwa ay lubos na mahalaga
D. Ang pagpapahalaga sa buhay, paggalang sa kapangyarihan, pagiging matapat at
masipag ay lubos na mahalaga.

_____14. Ano ang mabuting epekto ng pagsasagawa ng seremonyang sanduguan


at pakikipagkalakan sa ibang barangay?
A. nagdulot ng pagkakasundo ng mga barangay
B. nagbigay ng katarungan sa mga sinaunang Pilipino
C. nagbigay ng kapayapaan dulot ng pakikipagkaibigan
D. nagdulot ng kapayapaan at maunlad na pamumuhay sa mga sinaunang
Pilipino.
______15. Kung nabuhay ka noong pre- kolonyal at ang iyong trabaho ay paggawa
ng mga sandata mula sa bakal, ano ang tawag sa iyo?
A. karpentero B. latero C.mason D. panday

12
Sagot sa mga Gawain
5.T 5.D 5. Panahong Neolitiko
4.M 4. F 4.Maunlad na Panahon ng Metal
3.T 3.E 3. Maagang Panahon ng Metal
2.M 2. C 2.Panahong Neolitiko
1.T 1. B 1Panahong Paleolitiko

Gawain 3 Gawain 2 Gawain 1

Sanggunian:
A. Aklat
Gabuat, Maria Analyn P. et. al, 2016, Araling Panlipunan 5 Pilipinas Bilang Isang
Bansa Quezon City, Philippines, Vibal Group Inc. ph. 213-216
Department of Education, Alternative Delivery Mode ADM

B. Website/s
https://tinyurl.com/abea22kx https://tinyurl.com/8ybsrfy9 https://tinyurl.com/ejffar3k
https://tinyurl.com/33zxhkvz https://tinyurl.com/4xynch4e https://tinyurl.com/ja7vdtm8
https://tinyurl.com/nr5tkvvz https://bit.ly/3Aw4HrH https://tinyurl.com/9drdb474
https://bit.ly/3qQfN6D https://bit.ly/3qP43Bl https://bit.ly/3jLNq85
https://bit.ly/3AoNQat https://bit.ly/3AwGtxK https://bit.ly/3dItsaq

BUMUO SA PAGSUSULAT NG MODYUL

Manunulat: Venusha B. Austria


Tagasuri:
A. Pangdistrito
Dr. Neil V. Gavina Dr. Zenaida L. Baterna Dr. Virgilio J. Diso
Myrna B. Paras Marissa S. Quinto Analisa M. Mulato

B. Pangdibisyon
Dr. Marlyne S. Asuncion Myrna B. Paras Dr. Lea C. Cacayan
Nida C. Bautista Marissa S. Quinto Luzviminda S. Dizon
Dr. Jacqueline D. Calosa Analisa M. Mulato Dr. Olivia L. Delos Santos

Tagapamahala:
Dr. Danilo C. Sison Dr. Jerome S. Paras
Dr. Wilfredo E. Sindayen Dr. Maybelene C. Bautista
Dr. Cornelio R. Aquino

13
Sagot sa Tayahin

1.A 6.D 11.D


2.B 7.B 12.C
3.B 8.D 13.D
4.C 9.D 14.D
5.D 10.C 15.D

14

You might also like