You are on page 1of 26

Pamumuhay ng mga

sinaunang Pilipino sa
Panahong Pre-Kolonyal
Ano ang Pre-Kolonyal?
Ito ay ang panahon bago
dumating ang mga banyagang
mananakop sa Pilipinas.
Nahati sa ibat-ibang yugto ang panahong
pre-kolonyal. Tinawag ang mga yugtong
ito ng kasaysayan bilang Panahon ng
Bato at Panahon ng Metal
Ibinatay ang katawagan ng
panahong pre-kolonyal sa mga uri
ng gamit na natuklasan ng mga tao.
Panahon ng Bato
1 Panahong Paleolitiko
(Lumang Bato)

2 Panahong Neolitiko
(Bagong Bato)
1
Panahong Paleolitiko
(Lumang Bato)
 Naninirahan sa mga
yugib at gumagamit ng
mga tinapyas na
batong magaspang
bilang kasangkapan.
1
Panahong Paleolitiko
(Lumang Bato)

 Nabuhay sila sa
pangangaso at
pangangalap ng
pagkain.
2
Panahong Neolitiko
(Bagong Bato)
 Hinasa at pinakinis ng mga sinaunang tao ang
dating magaspang na kasangkapang bato.
2
Panahong Neolitiko
(Bagong Bato)

 Nagsimula silang
manirahan sa tabing
dagat at ilog
2
Panahong Neolitiko
(Bagong Bato)
 Nagsimula din silang
magsaka at mag alaga ng
hayop. Gumamit din sila
ng irigasyon sa
pagsasaka.
2
Panahong Neolitiko
(Bagong Bato)

 Natuto ding gumawa ng


banga at palayok ang mga
sinaunang Pilipino sa
panahong ito.
2
Panahong Neolitiko
(Bagong Bato)
 Ang mga palayok
ay ginamit na
imbakan ng
pagkain o sisidlan
ng buto ng
kanilang mga
yumao.
Nagkaroon sila ng mga espesyalisasyon
sa paggawa, tulad ng pagsasaka,
pangingisda, at pangangaso, gayundin ang
paghahabi, paggawa ng bangka, at
pagpapalayok.
Nang lumaon ay natuklasan ng ating
mga ninuno ang paggamit ng metal.
Tinawag itong Panahon ng Metal.
Panahon ng Metal
1 Maagang Panahon ng Metal

2 Maunlad ng Panahon ng Metal


1
Maagang Panahon ng Metal

 Ilang halimbawa ng
mga kasangkapan sa
panahon na ito ay
natagpuan sa:
1
Maagang Panahon ng Metal

 Gawa ang mga ito sa


tanso o bronse na
maaring namina sa
mga kabundukan ng
Pilipinas.
Pinaniniwalaan ng mga Antropologo na
ang mga bronse ay buhat ng mga
mangangalakal mula sa Timog-Silangan
Asya.
1
Maagang Panahon ng Metal

 Natagpuan ang ibat


ibang kasangkapan
gaya ng sibat, palaso,
at kutsilyo.
1
Maagang Panahon ng Metal

 Nahukay rin ang ilang palamuti tulad ng ling-


ling-o at ilang yari sa jade.
2
Maunlad na Panahon ng Metal

 Higit na napaghusay ang kanilang mga


sinaunang Pilipino ang kanilang kasangkapang
metal, patunay dito ang mga nahukay na talim
ng sibat, kampit, gulok, at kutsilyo sa
Kalanay , Masbate at Novaliches, Quezon
City.
Gawin natin!
Panuto: Suriin at piliin ang tamang paraan
ng pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino
sa panahon ng Pre-Kolonyal. Isulat ang
wastong sagot sa talahanayan gamit ang
sagutang papel.
 Nanirahan ang mga tao sa mga yugib
 Gumamit ng irigasyon
 Gumawa ng sibat, palaso, at kutsilyo gamit ang tanso o bronse
 Hinasa at pinakinis nila ang dati ay magaspang na mga
kasangkapang bato.
 Nabuhay sa pangangalap ng pagkain
 Natutong magsaka at maghayupan ang mga Pilipino
 Natuto silang gumawa ng banga at palayok
 Gumamit sila ng mga kasangkapang yari sa tanso at bronse
 Gumamit ang mga tao ng magaspang na kasangkapang bato
 Nanirahan ang mga tao sa tabi ng mga dagat at ilog

You might also like