You are on page 1of 2

Panahong Paleolitiko, Panahong Neolitiko,at Panahong Metal, nasasalamin sa mga panahong ito

kung paano ang mga karaniwang pamumuhay ng ating mga ninuno.

Tinatayang taong 500000 hanggang 7000 BCE umusbong ang panahong Paleolitiko na kung saan
ang mga sinaunang tao ay walang permanneteng tirahan na kanilang matutuluyan. tanging sa mga
yungib lamang ang nagsisilbing kanilang mga bahay. Sila ay nabubuhay sa pamamagitan ng paggamit ng
mga kasangkapang magaspang na batong tinapyas.Ito'y kanilang ginagamit sa paghuhuli o pagpatay ng
anumang uri ng hayop upang magkaroon sila ng pagkain. Bukod sa paggawa ng mga matatalim na
tinapyas na bato, gumagamit din ang mga ito ng mga kagamitang gawa sa kahoy. Patuloy parin ang
paggamit ng mga kasangkapang tinaoyas na bato hanggang sa panahon ng Neolitiko, ngunit ito'y mas
napabuti sapagkat sa halip na pagtatapyas ang paggawa nito, ito'y hinuhulma sa pamamagitan ng
pagkiskis para ito'y kuminis. Pagdating naman sa kanilang mga tinutuluyan, ang dahil yungib na kanilang
tinirhan ay kanila nang nilisan at nasgsimula ng manirahan sa tabi ng mga ilog at dagat. Sa panahong ito
ay umusbong ang agricultura sa tinatayang taong 5000 BCE. Ang pagtatanim ang isa sa kailang mga
ginawang pamamaraan upang madagdagan ang kanilang makakain bukod sa pangangaso at sa paghuhuli
ng mga isda. Dahil sa pagkakaroon ng kaalaman sa pagtatanim, taong 3000 BCE ay nagsimula ang wet
rice agriculture o ang pagtatanim ng palay sa mga payew o mas kilala sa tawag na hagdan-hagdang
palayan na hanggang ngayon ay matatanaw sa bandang ifugao. Hanggang sa ang ating mga ninuno ay
natuto na rin sa paggawa ng mga palayok(pottery). Ginagamit ang mga palayok sa pagluluto, imbakan ng
mga pagkain at maging sa paglilibing ng mga patay ay gamit na gamit din ito. Dahil sa malaking
pagbabagong naganap sa panahong Neolitiko, nagismulang nabuo ang mga pamayanan sa mga
bunganga ng ilog at tabing dagat. Ang mga mandaragat ay mas lalong umusbong ,ula sa iba't ibang
bayan na naging sanhi ng mga ugnayan ng mga pamayanan at pakikipagkalakalan. Kasapi na rin dito ang
kulturang nabuo kaugnay sa tubig at isa na rito ang pamayanang tinatawag na barangay. Sa taong 800
BCE naman nagsimula ang panahong Metal sa ating bansa. Ang pamayanang barangay ay mas laong
yumabong sa panahong ito na dat-rati ay kalipunan ng mga pamilya at ilang mga magkakamag-anak
lamang. Ang pagsanib ng mga magkakaibang barangay ang siyang nagpaunlad sa pamayanan na
karaniwang matatagpuan sa Maynila, Jolo at Butuan. Bukod sa pag-unlad ng mga pamayanan, umunlad
din ung teknolohiya sa pamamagitan ng pagpapanday ng mga bakal upang gawing kagamitan at armas
na kanilang ginagamit sa digmaan at hukom sa mga sigalot sa loob ng pamayanan. Hindi lamang sa
paggawa ng mga armas ang kanilang natutunan pati na rin ang paggawa ng mga alahas na yari sa ginto,
jade, carnellian at iba pang materyales. Nagsimula na rin ang teknolohiya ng paghahabi at pag-ukit sa
kahoy sa mga taong 200 CE. Karamihan sa kalakalan ay isinasagawa sa pamamagitan ng sistemang
barter. Dahil sa pakikipagkalakalan napaunlad ang paggawa ng mga sasakyang pandagat para sa iba't
ibang gamit sa panahong ito ang ginagamit sa digmaan. Napagtibay sa panahong ito ang mga
etnolingguwistikong pangkat, pakikipagugnayan at ang interaksiyon nila sa kapaligiran ang maging daan
kung bakit nabuo ang pangkat na ito. Tagalog, Pamoango, Ilokano at Bikolanosa luzon; ang mga Waray,
Sugbuhanon, at Ilonggo sa Visayas; at ang mga Mandaya, Tiruray, Tausug, Samal, Yakan, subanon, at
B'laan sa Mindanao. nagkaroon ang mga pangkat na ito ng pagkakatangi sa isa't isa na ipinakikita ng
kanilang naiibang wika, ugali at pamumuhay. Kalakip ang sariling wika sa pagpapaunlad ng mga
etnolingguwistikong pangkat ang kani-kanilang musika at panitikan. Bukod sa mga magagandang awitin,
nagkaroon din ang ating mga ninuno ng mga instrumentong pangmusika tulad ng gong, kalitang,
kudyapi at tambol na yari sa mg alokal na materyales sa panahong ito ay nagkaroon na rin ng sistema ng
pagsusulat ang mga katutubo. Baybayin ang tawag sa unag alpabeto na isinusulat sa mga piraso ng
kawayan, dahon at naukit sa mga palayok. Kawayan ang karaniwang ginagamit upang iukit ang mga titik
na kadalasang pinapahiran ng abo upang mas lalo itong makita at ang paggamit ng mga matutulis na
patpat ang siyang ginagamit pagguhit.

You might also like