You are on page 1of 21

Araling Panlipunan

Ikalawang Markahan
Konsepto at Katangian ng Kabihasnan

ANG KABIHASNAN AT SIBILISASYON

Sa payak na kahulugan ang kabihasnan ay tumutukoy sa isang yugto ng pag-unlad at pagbabago


sa lipunan. Isa itong konsepto ng pagiging dalubhasa o kagalingan o pagiging bihasa ng mga
tao sa isang kulturang nakasanayan, nakagisnan, nalinang at kulturang tinanggap na resulta sa
paninirahan sa isang partikular na lugar o kapaligiran. Nakikilala natin ang kultura sa
pamamagitan ng wika, sining, edukasyon, arkitektura atbp.
Mula sa salitang Latin na civitas na nangangahulugang lungsod, ang sibilisasyon ay
tumutukoy sa estado ng pamumuhay sa isang lungsod o lugar. Mayroon sistema ng pag-
iisip, pagkakaisa, pamumuhay at pagkilos ang mga tao sa isang lugar. Ang sibilisasyon ay
masalimuot na pamumuhay sa lungsod.

MGA SALIK SA PAGBUO NG KABIHASNAN

Ang isang kabihasnan ay isang lipunan na mayroon mataas na antas ng pamumuhay. Ang
pagkakaroon ng organisado at sentralisadong
pamahalaan na nagpapatupad ng batas ay lubhang mahalaga upang mapanatili ang
kaayusan. Kadalasan na hindi mababa sa 5,000 katao ang miyembro ng isang lipunan. Ito
ang nagkokontrol ng hanapbuhay at gawain ng mga mamamayan.
Naitatala ang mga pangyayari noon sa pamamagitan ng sistema ng pagsulat. Mayroong
mga scribe na nagsusulat ng mga mahalagang pangyayari. Ang cuneiform ng mga
Sumerian ang
pinakaunang uri ng sistema ng pagsulat. Ito ay binubuo ng mga pictograph na nakasulat
sa luwad at ginagamitan ng stylus, calligraphy ang tawag sa pagsulat na nalinang sa
kabihasnang Tsino at pictograph naman ang sa kabihasnang Indus .
Ang kabihasnan ay mayroong mataas na antas ng kaalaman sa teknolohiya, sining, at
arkitektura na nagpapatunay ng kaunlaran. Halimbawa, ang pagkakaimbento ng
kalendaryo, ziggurat, sandata , palamuti , mga metal, potter’s wheel , dike at iba pa. Ito
ay naging mahalaga para sa pagsulong ng ekonomiya.
Ang pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay ng sinaunang kabihasnan subalit mayroon
ding espesyalisasyon sa mga gawaing pang-ekonomiya . Ito ang batayan ng uring
panlipunang kinabibilangan ng sinaunang tao. Pinakamataas na antas ang hari at pari,
kasunod ang mga opisyal ng templo, mangangalakal, sundalo , magsasaka at mga alipin.
Polyteismo ang tawag sa relihiyon ng sinaunang tao dahil sa maraming diyos na sinasamba.
Ang namumuno na matataas na pari ay kinikilala na diyos dahil sa kaalaman at kakayahan
na kausapin ang diyos at diyosa. Mayroong masalimuot na relihiyon ang sinaunang
kabihasnan. Nagsasagawa sila ng mga ritwal bilang pagsamba. Pinaniniwalaang sumisimbolo
ito ng pwersa ng kalikasan.

Ang NEOLITHIC REVOLUTION ay isang pagbabagong agrikultural. Natutunan ng


sinaunang tao ang pag-aalaga ng hayop at pagtatanim. Nagkaroong ng seguridad sa pagkain
at natutunan ng tao ang pag-aararo. Nalinang ang iba pang gawaing pangkabuhayan tulad ng
pangangakal at paggawa ng mga palayok na lalagyan ng mga pagkain.
Ang URBAN REVOLUTION ay pagbabago sa kanilang kabuhayan at
pagkakaroonng permanenteng tirahan. Sa pagkatuto ng tao sa pagsasaka at pagpapaamo
ng mga hayop ay nagsimula ang pagtira ng permanente sa isang lugar at kalaunan ay
nabuo ang mga pamayanan

Ang pamumuhay ng sinaunang tao ay dumaan sa mahabang proseso at iba’t ibang yugto
bago nakamit ang kaunlaran. Ang Panahong Paleolitiko (500,000-10,500 BCE) ay ang
panahon na ang mga kasangkapan tao ay gawa sa kahoy at madaling masira. Ang mga
Australopithecine ay gumagamit ng bato bilang kasangkapan. Laganap ang pangangaso at
pangangalap ng pagkain. Ang mga sinaunang tao ay tinuturing na nomadic o lagalag.
Nagsimula ang panahong Mesolithic bandang 8000 BCE at tumatagal nang libo-
libong taon. Namatay sa panahong Paleolithic ang malalaking hayop na nagsilbing
pagkain ng mga tao. Napalitan ito ng mga hayop na nakikita na rin natin sa kasalukuyan.
Tinagurian itong transisyonal na panahon. Natunaw ang makakapal na yelo sa pagtatapos
ng panahong Pleistocene kaya mas lumawak ang lupa. Nanatiling bato ang mga
kasangkapang gamit ng mga tao ngunit lumiit at mas pino. Nanirahan na ang mga tao sa
pampang at nadagdagan ang mga uri ng pagkain nito.
Sa panahong Neolitiko nagkaroon ng malaking pagbabago sa pamumuhay ng mga
tao. Pinakinis na bato na ang kasangkapan, paggawa ng palayok, agrikultura at
pagpapaamo ng mga hayop ang naging gawaing pangkabuhayan. Nagsimula ang
pagpapalayok at pag-iimbak ng mga pagkain. Permanente na din ang paninirahan.
Natutuhan ang paggawa ng mga bagay na gawa sa putik tulad ng bricks na ginagamit sa
paggawa ng bahay. Natutunan ding pakinisin ang mga magagaspang na bato at ginawa
itong iba’t ibang hugis at laki ayon sa kanilang gamit. Nagsimula ang sistemang Barter o
ang pagpapalitan ng produkto ng mga pangkat ng tao at nagsimula na din ang konsepto ng
palengke. Ang kabihasnang Mesopotamia ang gumamit ng buto ng cacao bilang
pambayad o pamalit sa mga produkto sa palengke.
Ang Panahon ng Metal ay nahahati naman sa tatlong yugto: tanso, bronse at bakal.
Naging mabilis ang pag-unlad dahil sa tanso, ngunit patuloy pa rin ang paggamit ng bato.
Nalinang ang pagpapanday at paggamit ng mga alahas mula sa metal. Ang bronse ay
pinaghalong tanso at lata na ginawa upang makalikha ng mas matigas na kagamitan tulad
ng kutsilyo, punyal, martilyo at sibat. Natuto ang mga tao na makipagkalakalan sa mga
karatig pook. Mga Hittites ang nakatuklas ng paggamit ng bakal na naging sikreto nila sa
pagwawagi sa mga labanan. Nang lumaon ay lumaganap na din ang paggamit nito sa iba
pang kabihasnan. Sa China, gumagawa sila ng mga kagamitang bariles at mga pang-alay
sa diyos na yari sa mga bronse.
Ang MESOPOTAMIA, INDIA(Indus), at SHANG (Tsino) ang mga sinaunang kabihasnan na
matatagpuan sa kalakhang Asya. Nagkaroon ng mga lungsod at nagbunga ng paglaki ng
populasyon ng tao, paglakas ng kalakalan at pagdami ng pagkain, kung kaya’t naging simbolo na
rin ito ng pag-unlad. Umunlad ang karanasan ng mga tao sa larangan ng pamumuno, paglinang
ng mga kaalaman at kasanayan, at maging sa kanilang pakikipag-ugnayan sa isa’t isa upang
matugunan ang kanilang mga pangangailangan. Ang mga sinaunang kabihasnan ay nagtatag ng
pamayanan malapit sa mga lambak- ilog. Ang mga ilog ay napagkukunan ng pagkain at inumin
ng tao at alagang hayop. Mataba ang mga lupa sa mga lugar na malapit sa ilog dahil sa taunang
pagtaas ng tubig na nag-iiwan ng mga mineral na nakatutulong sa mga pananim at pagsasaka ang
naging pangunahing hanapbuhay ng mga tao. Ang ilog ay nagsilbing daluyan, daanan ng mga
kalakal, irigasyon at patubig para sa mga taniman. Sa Panahong Neolitiko, ang mga lagalag na
tagapag-alaga ng hayop o pastol ang nanirahan sa katimugang bahagi ng Mesopotamia. Nagtayo
sila ng mga imbakan ng tubig o irigasyon at mga dike upang mapigilan ang pag apaw o pagtaas
ng tubig ng ilog sa kanilang sakahan. Gumawa ng mga kanal mula sa ilog patungong sakahan
sa hilagang lupain. Nakihalubilo ang mga pangkat sa mga magsasaka, hindi naglaon tinawag na
Sumer ang lugar na tinirahan nila. Ang ilog Tigris at Euphrates ay makikita sa Mesopotamia
samantala ang ilog Huang Ho at Yangtze naman ay sa Shang at ang ilog Indus ay sa
kabihasnang Indus.

MODYUL 2 - MGA SINAUNANG KABIHASNAN SA ASYA

KABIHASNANG SUMER

Bago pa man umusbong ang mga lungsod-estado ng kabihasnang Sumer


ay may mga pamayanang neolitiko na ang lumitaw sa labas ng Mesopotamia. Ito ay
ang Jericho na matatagpuan sa Israel, Catal Huyuk at Hacilar na nasa Anatolia o
Turkey naman sa kasalukuyan. Tinatayang 7000 B.C.E unang umusbong ang mga
pamayanan dito. Bandang 6000 B.C.E naman nang umusbong ang pamayanang
agrikultural ng Catal Huyuk sa Katimugang bahagi ng Anatolia. Ito ay
pinaniniwalaang naging sentrong pangkalakalan na ang pangunahing produkto ay
obsidian, isang uri ng salamin mula sa bulkan na maaaring gamitin bilang salamin,
kutsilyo at iba pang matatalas na kagamitan. Ang lungsod-estado naman ng Hacilar
ay lumitaw bandang 5700 B.C.E sa talampas ng Anatolia. Katangi-tangi ang mga
palayok na natagpuan sa lugar. May palatandaan din na ang mga tao rito ay
nagtanim ng trigo, barley, gisantes, mais at blackberries. Nag-alaga rin sila ng aso.

Kalaunan ay naglaho ang mga lungsod- estado na ito sa Kanlurang Asya. Ayon
sa mga eksperto, maaaring hindi naging sapat ang kapaligiran nito upang suportahan
ang paglago ng kabihasnan. Ito ang nagbigay-daan sa pag-usbong ng Kabihasnang
Sumer sa lambak-ilog ng Tigris at Euphrates.

Itinuturing na pinakauna at pinakamatandang kabihasnan sa mundo ang


Sumer. Tinatayang 3500-3000 B.C.E nang umusbong ang mga lungsod sa Sumer.
Itinatag ito ng mga Sumerian sa Mesopotamia. Ang Mesopotamia ay lupain sa pagitan
ng dalawang ilog, ang Tigris at Euphrates. Tinatawag din itong Fertile Crescent
sapagkat ito ay hugis sangkapat ng buwan at may matabang lupa na dulot ng pag-
apaw ng mga ilog na nag-iiwan ng banlik na mainam sa mga pananim. Gumawa ang
mga Sumerian ng mga dike at kanal upang kontrolin ang pag-apaw ng ilog at 2 na
lungsod-estado na pinaghiwa-hiwalay ng mga kanal at mga hangganang bato. Ang
mga ito ay ang Ur, Uruk, Eridu, Lagash, Nippur, Kish Girsu, Umma, Hamazi, Adab,
Mari, Akshak, Akkad I at Isin. Karaniwang parihaba ang mga lungsod sa Sumer na
may malalapad na kalsada at napalilibutan ng matataas at malalapad ding mga
pader. Nakasentro ang bawat lungsod-estado sa isang gusali na tinatawag na ziggurat
na iniuukol sa kanilang mga diyos o diyosa na siya ring patron ng bawat lungsod.
Pinamumunuan ng paring-hari (patesi) ang bawat lungsod na may tungkulin bilang
tagapamahalang ispiritwal at pulitikal na lider at ito ay tintawag na Teokrasiya.

Nalinang ng mga Sumerian ang unang sibilisasyon sa daigdig. Ang kanilang


pangunahing lungsod ng Ur na nasa lawa ng Golpo ng Persia ay nagpasulong ng
kalakalan at nagpaunlad ng ekonomiya ng Sumer. Naging sentro ito ng kalakalan
dahil sa lokasyon nito na malapit sa dagat at ilog. Si Haring Ur-Nammu ang unang
haring Sumerian na nakilala sa kasaysayan, siya rin ang nagpagawa ng malaking
ziggurat ng Ur.

Ang espesyalisasyon sa trabaho ng mga Sumerian ay nagbigay-daan sa pag-


usbong ng uring panlipunan kung saan nasa tuktok ang mga pinunong pulitikal at
ispiritwal. Sumunod ang matataas na opisyal at kanilang pamilya. Kasunod nito ang
mga mangangalakal, artisano, scribe o tagasulat at mabababang opisyal. Sinusundan
ito ng mga nakararaming magsasaka at pinakamababang uri ang mga alipin.

Maraming kontribusyon ang Sumerian sa kabihasnan sa daigdig. Isa sa


pinakamahalaga rito ay ang sistema ng pagsulat na tinawag na cuneiform na iniuukit
ng mga scribe sa mga luwad ng putik (clay tablet) upang makapagtala. Dahil sa
sistemang ito ng pagsulat ay naitala nila ang mga batas, epiko, dasal at kontrata ng
negosyo. Sa katunayan, ang pinakaunang epiko sa daigdig na Epiko ni Gilgamesh ay
sinulat ng mga Sumerian. Naimbento rin nila ang araro, kariton na may gulong,
pagpapalayok gamit ang gulong, bronse, paggamit ng perang pilak, decimal system,
360 degrees, kalendaryong lunar, at mga batas.
Subalit dahil sa agawan sa kapangyarihan, teritoryo at tubig, ay madalas ang
sigalot ng mga lungsod-estado. Hindi rin matibay ang kanyang depensa mula sa mga
mananakop na galing sa labas kaya madali silang nasakop ng ibang grupo.

Narito ang ilan sa mga mahahalagang imperyo at sibilisasyong umusbong sa


Kanlurang Asya:

1. Akkadian (Circa 2700 - 2230 B.C.E.) - Si haring Sargon na buhat sa


Akkad ay sinalakay ang Sumer at nagtatag ng lungsod-estado upang
mapag-isa ang mga mamamayan. Pinalawak niya ang teritoryo ng Akkad
sa pamamagitan ng pananakop. Pinaunlad niya ang sistema ng pagsulat
kung kaya’t maraming literatura ang naisalin at umusbong sa imperyong
ito. Madali silang nasalakay ng mananakop dahil sa mahinang sistema
ng pagtatanggol. Nawalan ng tiwala ang mga mamamayan kaya lumikas
sila sa ibang lugar.
2. Babylonian (Circa 1790 – 1595) - Pinalawak ni Haring Hammurabi ng
Amorite ang kanyang kaharian na umabot sa Gulpo ng Persia. Ang Code
of Hammurabi na binubuo ng 282 batas ay isa sa mga mahahalagang
ambag ng sinaunang tao sa kabihasnan. Pagkamatay ni Hammurabi ay
sunod-sunod na pananakop ng ibang grupo ang naganap na siyang
nagpabagsak sa imperyo. Ito ang nagtulak upang maitatag ang
pamayanang Hittite sa Babylonia.
3. Assyrian (Circa 745 – 612 B.C.E.) - Gamit ang dahas, estratehiya at
bakal ay lumakas ang puwersa ng Assyrian. Sila ang unang grupo ng tao
na nakabuo ng epektibong sistema ng pamumuno, serbisyong postal at
magandang kalsada. Nagkaisa ang Chaldean, Medes at Persian noong
612 B.C.E na magtulungan upang itaboy ang malupit na pamumuno ng
Assyrian. Nilusob ni Alexander the Great ang Assyria paglipas ng 300
taon at walang iniwang karangyaan sa imperyo. Nakilala rin bilang
nagpatayo ng kaunaunahang silid- aklatan sa buong mundo - ang sild-
aklatan ng Patan.
4. Chaldean (612 – 539 B.C.E.) - Ang mga natatanging ambag ng imperyo
ay ang Hanging Gardens of Babylon na isa sa kahangahangang tanawin
ng sinaunang panahon. Ito ay may taas na halos 75 talampakan na
ipinagawa ni Haring Nebuchadnezzar para sa kanyang asawang si
Amytis. Isa pa sa ambag ng imperyong ito ay ang zodiac at horoscope at
ziggurat na umaabot ng halos 300 talampakan na pinangalanang
etemenanki at itinuring na Tore ni Babel sa Bibliya.
5. Lydian (680 – 547 B.C.E.) - Sila ang nagpasimula ng barter, isang
sistema ng pakikipagkalakalan sa pamamagitan ng pakikipagpalitan ng
produkto sa ibang estado o bansa. Sila rin ang grupo ng tao na unang
gumamit ng barya.
6. Phoenician (Circa 1200 – 800 B.C.E.) - Dito nagsimula ang konsepto
ng kolonyang pang-ekonomiya kung saan ang kolonya ang nagiging
bagsakan ng kalakal. Sa kabihasnan ding ito nagmula ang alpabeto na
naging batayan ng kasalukuyang alpabeto at ang paggawa ng malalaking
sasakyang pandagat. Sila ay tinaguriang “Tagapagdala ng Kabihasnan” o
Traders of Antiquity sapagkat ibinahagi nila ang kanilang pamumuhay sa
ibang lugar na kanilang pinupuntahan. Hindi nabigyang-pansin ang
pagpapalakas ng sandatahang lakas at pamahalaan kung kaya madali
itong nasakop ng ibang grupo mula sa labas.
7. Hebreo (Circa 1000 – 722 B.C.E.) - Pinakamahalagang ambag ng
sibilisasyong ito ang Bibliya na naging pundasyon ng
pananampalatayang Hudaismo at Kristiyanismo. Sila rin ang
nagpasimula ng paniniwalang Monoteismo o paniniwala sa iisang Diyos
at pagtakwil sa mga diyos-diyosan na naging batayan ng maraming
batas sa kasalukuyan. Ang pagrerebelde ng mga anak ni Solomon na
nagresulta sa pagkakawatak-watak ng mga Hebreo dahil sa pagpapataw
ng mataas na buwis ni Haring Reheboam at ang pagsamba iba’t ibang
diyos na dala ng maraming asawa ni Haring Solomon na nasusulat din
sa Lumang tipan ang mga dahilan ng pagbagsak ng kabihasnan.
8. Hittite (Circa 1600- 12 B.C.E.) - Ang pagtuklas at paggamit ng bakal
ang isa sa mahalagang ambag ng kabihasnan. Nakagawa sila ng iba’t
ibang kagamitan at sandata na nagpaunlad at nakatulong sa mabilis na
pananakop ng mga imperyo.
9. Persian (Circa 550-350 B.C.E.) - Ilan sa mahahalagang ambag ng
kabihasnan ay ang paggawa ng isang mahabang kalsada na nagdugtong
sa mga lungsod ng Persia mula Susa hanggang Ephesus sa Asya minor
na may habang 2,400 km. Gumamit din sila ng baryang pilak at ginto sa
pakikipagkalakalan, nagdagdag ng satraphy sa kanilang imperyo upang
mamuno sa mga lalawigan at magsilbing mata at tainga ng hari. Ang
pagkakaroon ng satrap ay nakatulong sa pagbuo ng sentralisadong
pamahalaan. Nagpatayo rin sila ng magagandang gusali at palasyo tulad
ng Persepolis. Nabigyan diin din ang karapatan ng mga mamamayan sa
mga lupaing sinakop. Isa sa mga dahilan ng pagbagsak ng imperyo ay
ang kawalan ng isang mahusay na pinuno at ang lawak ng sakop na
teritoryo nito.

KABIHASNANG INDUS
Sa lambak-ilog ng Indus at Ganges umusbong ang sinaunang kabihasnan sa
Timog Asya, ang Kabihasnang Indus. Ang mga ilog na ito ay taon-taon ding umaapaw
dahil sa pag-ulan at pagkatunaw ng yelo sa Himalayas na nag-iiwan ng banlik na
nagpapataba sa lupa na mainam sa agrikultura ng kabihasnan. Tinatayang taong
3500 B.C.E. pa lamang ay mayroon nang mga pamayanang Neolotiko na umusbong sa
labas ng kabihasnang Indus. Ito ay ang pamayanang Mergarh na may sedentaryo at
agrikultural na pamumuhay batay sa mga nahukay na labi ng pamayanan. Nabuo
ang ilang lungsod sa Indus bandang 2700 B.C.E. Lima ang lungsod na nahukay at
dalawa sa mga ito ang namumukod-tangi: ang Harappa at Mohenjo-Daro. Salat sa
mga likas na yaman tulad ng metal, kahoy at mga semi precious stone ang
kabihasnan. Pagsasaka ang kanilang pangunahing gawain. Ayon sa mga eksperto,
ang mga Dravidian ang bumuo ng kabihasnan na may halos 40,000 katao. Sila ay
sumasamba sa mga puno at hayop. Base sa mga nahukay na labi, planado at
organisado ang mga lungsod na ito. Ang mga kalsada ay nakadisenyong kwadrado at
pare-pareho ang sukat ng bloke at mga kabahayan. May isa o higit pang banyo o
palikuran na nakakonekta sa sentralisadong sistema ng imburnal at tubo sa ilalim ng
lupa. Gumawa sila ng irigasyon kanal at dike upang makontrol ang pag-apaw ng tubig
mula sa ilog -Indus.

Ang kabihasnang Indus ay pinamunuan ng mga haring- pari. Sila ay


pinaniniwalaang may herarkiya ng uring Panlipunan o sistemang caste kung saan
nasa pinakamataas na posisyon ang mga haring pari (Brahma), opisyal ng lungsod at
mga eksperto (Kshatriyas). Sa ilalim nito ay ang mga mangangalakal, artisano at mga
magsasaka (Vaishyas) at ang pinakamababang uri ng tao sa lipunan ay ang mga
Sudras. Ang mga untouchables ay hindi kabilang sa sistemang caste at pinamaruming
tao sa kanilang lipunan. Sila ay natutong makipagkalakalan at pinaniniwalaang ang
mga mangangalakal na ito ang unang gumamit ng sistema ng pagsulat na tinawag na
pictogram. Ito ay mga selyo na may larawan upang kilalanin ang mga paninda. Subalit
hanggang sa kasalukuyan, marami pa ring misteryo ang hindi nasasagot ukol sa
kabihasnan sapagkat hindi pa rin maintindihan ng mga eksperto ang mga simbolo sa
pagsulat ng Indus. Wala ring tala ukol sa mga pangalan ng kanilang hari o reyna at
maging ng pagbubuwis o kahit anumang literatura. Mayroon din silang iisang sistema
ng panukat at panimbang. Patunay nito ang pare-parehong sukat ng bloke, mga
kabahayan at kalsada. Sila ay pinaniniwalaang may mataas na antas ng kaalaman sa
matematika at agrimensura.

Bandang 1750 B.C.E. pinaniniwalaang unti-unting naglaho ang


pamamayagpag ng kabihasnan. Iba-iba ang paliwanag ng mga eksperto dito. Ilan sa
mga inilahad na dahilan ay ang pagkaubos ng puno, labis na pagbaha o biglaang
pagbabago ng klima. May ebidensiya ng maraming putik sa kalsada ng Mohenjo-Daro.
Nakahukay din ang mga eksperto ng mga labi na nagpapakita ng marahas na
kamatayan ng mga mamamayan dito. Maaari ring nagkaroon ng malalakas na
paglindol at pagsabog ng bulkan. Ang posibilidad na may dumating na grupo ng tao
at napalitan ang dating istilo ng mga tapayan ay isa rin sa pinag-aaralan ng mga
eksperto. May mga ebidensiya rin na nagpapakita ng pagdating ng iba’t ibang pangkat
nomadiko –pastoral na nagmula sa Gitnang Asya at nakatawid sa mga lagusan sa
kabundukan ng Hindu Kush. Kabilang sa mga ito ang mga Aryan. Sila ang posibleng
sumagupa sa mga Dravidian ng kabihasnang Indus na naging sanhi upang lisanin ng
mga Dravidian ang mga lungsod ng Harappa at Mohenjo-Daro noong 1500 B.C.E. Sa
paglipas ng panahon ay unti-unting natabunan ng putik ang mga lungsod at nawala
na sa alaala ng mga taong noo’y nanirahan dito.

KABIHASNANG TSINA

Ang Kabihasnang Shang ay sumibol sa lambak-ilog ng Huang Ho sa Silangang


Asya. Ang ilog na ito ay tinatawag ding Yellow River dahil sa kulay dilaw na lupa na
naiiwan matapos ang pagbaha. Ang taunang pagdating ng tag-ulan sa buwan ng
Hulyo hanggang Oktubre ay nagdudulot ng pag-apaw ng ilog na nag-iiwan ng dilaw na
lupa o loess at nagsisilbing pataba sa lupain malapit dito. Ang mataas na pagbaha na
sumisira ng ari-arian at kumikitil sa buhay ng mga naninirahan malapit sa ilog ang
dahilan kung kaya’t binansagan itong “Pighati ng Tsina”. Natutuhan ng mga tao na
magtanim ng mga halamang kokontrol sa baha at magtayo ng mga dike. Kalaunan,
ang mga neolitikong pamayanan malapit sa ilog ay naging lungsod ng kabihasnang
Shang. Noong 1920 ay nahukay ng mga arkeologo ang mga neolitikong pamayanan na
ito sa lambak-ilog ng Huang- Ho at hinati sa dalawang panahon—ang kalinangang
Yangshao at Lungshan.

Tinatayang taong 3000 hanggang 1500 B.C.E nang lumitaw at namayagpag ang
Kalinangang Yangshao. Bagaman pagtatanim ang kanilang pangunahing gawain ay
hindi sila nananatili sa isang lugar. Pana-panahon ay lumilipat ang pamayanan sa
lugar na maaaring hawanin at linangin. Karaniwang nakaayos ng pabilog ang mga
kabahayang bahagyang nakabaon sa lupa, natatakpan ng luwad ang pader at may
bubungang pawid o kugon. Gumagawa sila ng tapayan na iniinit sa pugon. Ang
kanilang tapayan ay kulay itim at pula na may disenyong geometrical. Sila ay naghabi
ng tela mula sa seda at hemp at gumawa ng mga kagamitan tulad ng kutsilyo,
bingwit, pait, palakol at iba pang gamit na gawa sa buto o bato.

Ang Kalinangang Lungshan naman ay sumibol pagitan ng taong 2500


hanggang 2000 B.C.E. Mas malawak ang teritoryo ng Lungshan kaysa Yangshao.
Pareho ang disenyo ng kanilang kabahayan sa Yangshao subalit mas malalaki at
permanente ang kanilang pamayanan. Sila ay nagtanim ng millet at palay. Umunlad
din ang kanilang teknolohiya sa paggawa ng tapayan nang maimbento ang potter’s
wheel. Gumawa sila ng maiitim at maninipis na tapayan at mga kopitang may
hawakan, paa at bibig. Ang Lungshan ang naging daan sa pagkakatatag ng
Kabihasnang Shang.

Tinatayang 1700 B.C.E. nang lumitaw ang Kabihasnang Shang. Lumago ang
kanilang populasyon mula sa mga naunang pamayanang neolitiko at umunlad ang
kanilang kaalaman sa agrikultura at teknolohiya. Wala mang gaanong irigasyon ay
sagana naman ang kanilang pananim dahil sa deposito ng dilaw na lupa o loess, tubig
ng ilog at tubig ulan. Pito ang lungsod na nahukay sa Shang at ang Anyang ang
pinakatanyag sa mga ito. Nakaayos ang kabahayan at istruktura at nasa gitna ng
lungsod ang mga pampublikong gusali at tirahan ng mga opisyal. May lugar para sa
pagawaan ng mga artisano at iba pang mangangalakal. Ang buong lungsod ay
napalilibutan ng matataas na pader. Sa labas ng lungsod ay nakahukay ang mga
arkeologo ng sementeryo kung saan nakalibing ang mga hari at matataas na opisyal
ng Shang. Nahukay nila ang malaking kabaong ng hari na gawa sa kahoy at mga
kagamitang bronse, bato at buto na tinawag na oracle bones at pinaniniwalaang
ginamit sa mga ritwal o panghuhula. Nakatagpo rin sila ng mga pugot na bangkay ng
mga alipin na nakahiwalay sa ulo na nasa kabilang bahagi.

Naniniwala ang mga mamamayan ng kabihasnang Shang na maaaring


makausap ang mga diyos ng kalikasan. Ang mga hari ng Shang ay may tungkuling
pulitikal at panrelihiyon. Sila ay nagsasagawa ng mga ritwal, pagsasakripisyo at dasal
upang humingi ng masaganang ani, pagbabago ng panahon at pananalo sa digmaan.
Ipinadadaan ng hari ng Shang ang kanyang panalangin sa mga namatay na ninuno
na silang tagapamagitan ng mga nabubuhay at ng diyos na lumikha at hari ng langit
na si Shang Di. Isinusulat ng hari ang kanyang mga tanong sa batong orakulo o
oracle bones at inilalagay sa apoy hanggang magkaroon ng lamat ang buto. Binabasa
at ipinaliliwanag ng hari ang mga hugis ng lamat. Ang mga simbolo at batong orakulo
ang mga unang ebidensiya ng pagsulat upang mabuo ang kasaysayan ng
Kabihasnang Shang. Ang iisang sistema ng pagsulat ng Shang na tinawag na
calligraphy ang nagsilbing tagapag-isa ng mga Tsino sa kabila ng iba’t ibang wikang
ginagamit sa bawat lugar.

Ayon sa mga nahukay na labi ng mga tirahan at libingan ay mayroong pag-uuri


ng tao sa lipunang Shang -- ang mga aristokrasya at mababang uri. Ang mga
aristokrasya na binubuo ng mga pamilya ng hari at mga maharlika na nakatira sa
sentro ng lungsod kung saan malapit ito sa mga templo at altar. Ang tirahan ng hari
ay nasa ibabaw ng mataas na plataporma. Ang mga mabababang uri naman ay
binubuo ng mga mangangalakal, artisano, magsasaka at alipin na nakatira sa bahay
na bahagyang nakabaon sa lupa at may pawid na bubong sa labas ng lungsod. Gawa
lamang sa bato ang kanilang mga kagamitan. Monopolisado ng mga aristokrasya ang
paggamit ng bronse. Marangya ang libingan ng hari o kasapi ng aristokrasya at may
mga pabaon na kagamitan at alipin sa mga libingan nito samantalang walang
gaanong paghahanda sa paglilibing sa mababang uri.

Ang paring hari na pinuno ng Shang ay namumuno rin sa hukbo na


gumagamit ng mga sandatang bronse at sasakyang chariot o sasakyang may dalawa o
apat na gulong na hinihila ng kabayo at ginagamit sa labanan. Mahalaga ang
pagkakaroon ng hukbo sa Shang upang mapanatili ang kapangyarihan ng hari
sapagkat madalas ang rebelyon at digmaan. Si Wu Ding ang isa sa kilalang hari ng
kabihasnan at ang kanyang asawang si Fu Hao ay magaling ding pinunong militar.
Mahihina ang mga sumunod na hari kung kaya bumagsak ang Shang. Itinayo ni Wu
ang sumunod na dinastiya sa Tsina, ang dinastiyang Zhou na namayani nang halos
800 taon sa Hilagang China.

MODYUL 3 – IMPLUWENSYA NG KAISIPANG ASYANO

Ang Sinosentrismo ng China


Ayon sa mga Tsino ang kanilang imperyo, sarili at kultura ay nasa sentro o
gitna ng lahat ng tao at bagay sa daigdig. Ito ay tinatawag na Sinosentrismo. Naging
gabay ito sa pang araw araw na pamumuhay ng mga Tsino. Dahil sa pag-unlad ng
kanilang sibilisasyon naniniwala ang mga Tsino na sila lamang ang karapatdapat na
tawaging estado at ang mga estado sa labas ng Tsina ay mga barbaro. Kinilala noon
ang mga dayuhan na barbaro at mas mababang uri. Ang mga dayuhan ay kailangan
magpugay sa emperador sa pamamagitan ng Kowtow bilang paggalang at pagkilala sa
kapangyarihan ng pinuno. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng pagpapatirapa sa
harapan ng hari. Ang ugnayan sa pagitan ng Tsino at ng mga dayuhan ay tributaryo.
Nangangahulugan ito na kailangan mag-alay ng tributo o regalo sa emperador ang
mga dayuhan. Ang emperador ay itinuturing na anak ng langit (Son of Heaven).
Pinaniniwalaang pinili siya ng langit na maging pinuno sa kalupaan. Ang isang
emperador ay maaring mamuno hangga’t may basbas ng langit (Mandate of Heaven).
Maaring mabawi ng kalangitan ang kapangyarihan ng isang emperador kapag naging
mapang-abuso at masama sa siya sa kanyang nasasakupan. Sa ganitong sitwasyon,
ang pagiging pinuno o emperador ay ipagkakaloob sa susunod na taong puno ng
kabutihan o birtud.

Ang Divine Origin ng Japan


Kinilala ng mga Hapones si Amaterasu bilang diyos ng araw. Si Amaterasu
ang sinasamba sa relihiyong Shintoismo - ang orihinal na relihiyon ng mga Hapon. Si
Jimmu Tenno ang unang emperador ng Japan. Namuno siya noong 660 BCE at
itinuturing na apo ni Amaterasu. Ang alahas, espada, at salamin ang kinikilalang
banal na sagisag ng emperador hanggang sa ngayon. Naniniwala ang mga Hapones na
ang kanilang emperador ay banal at nagmula sa lahi ng kanilang diyos. Mataas ang
paggalang ng mga Hapon sa kanilang emperador. Ito ang paniniwalang banal na
pinagmulan o Divine Origin. Subalit kung ihahambing sa China, walang mandate of
heaven sa Japan. Samakatuwid, hindi maaring labagin at tanggalin sa puwesto ang
kanilang emperador. Sa ngayon, bagamat hindi na diyos ang pananaw ng mga
Hapones sa kanilang emperador, nanatili ang kanilang paggalang at pagmamahal dito.
Noon at ngayon, simbolo ng pagkakaisa ng mga Hapones ang kanilang emperador.
Ang Banal na Pinagmulan ng Korea

Ang mga Koreano ay naniniwala din sa banal na pinagmulan ng kanilang


emperador. Si Prinsipe Hwanung ay namuno sa Korea na pinaniniwalaang anak ng
diyos ng kalangitan na si Hwanin. Si Prinsipe Hwanung ay bumaba sa kalupaan at
itinatag ang lungsod ng diyos. Tinuruan niya ang mga tao ng iba’t ibang kaalaman sa
agrikultura, medisina, pangingisda, pagkakarpintero, paghahabi at iba pa.
Nagpatupad siya ng batas at nagturo tungkol sa tama at mali sa panahon ng kanyang
pamumuno. Sa kasaysayan ng Korea si Dangun Wanggeom o Tangun ay apong lalaki
ng kalangitan na nagtatag ng maalamat na Gojoseon, ang unang kaharian ng Korea.
Ang Devaraja at Cakravartin ng India at mga Bansa sa Timog-Silangang Asya
Sa India, ang mga hari ay kinilala bilang Devaraja (haring diyos). Ang ibig
sabihin ng deva ay diyos at ang raja ay hari. Naniniwala sila na ang kanilang
kinikilalang diyos ay nagmula at nabuo sa pamamagitan ng pinagsamasamang diyos
ng buwan, araw, hangin, tubig, kayamanan at kamatayan. Sa alamat ng India, ang
unang hari nila ay si Manu na nabuo sa pamamagitan ng pagsamasama ng mga
bahagi na sinisimbolo ng iba’t ibang diyos. Ito ay ang buwan, apoy, araw, hangin,
tubig, kayamanan, at kamatayan. Kinikilala ang hari na diyos at walang kapantay
dahil hindi lamang iisang diyos ang kanyang taglay, kaya tinatawag itong Devaraja.
Sa relihiyong Hinduismo o Budhismo, ang hari ay kinikilala bilang Cakravartin
o hari ng sansinukob o daigdig. Tulad ng mga Tsino, natatangi ang pinuno ng mga
Indian at naghahari ito sa buong daigdig. Nangangako ng katapatan ang kanyang mga
taong nasasakupan habang ang hari ay nangangako rin ng pamumuno na
makatuwiran at mapagkalinga sa mamamayan at relihiyon. Si Haring Asoka ng India
na naghari noong 273 hanggang 232 B.C.E ay isang halimbawa ng Cakravartin, isang
mandirigma na tinalikuran ang karahasan, tinanggap at sumuporta sa Budhismo.
Ang paniniwala tungkol sa hari ay nakarating din sa Timog-Silangang Asya
tulad ng Vietnam at Cambodia. Ang Vietnam ay may paniniwalang ang mga diyos ay
dating hari namga ginawang banal sa kanilang pagkamatay. Pinaniniwalaan na ang
mga haring Khmer sa Cambodia tulad ni Jayavarman II ay mga Cakravartin o hari ng
buong daigdig na nasa pagkalinga at proteksiyon ni Shiva, ang diyos ng pag-aanak na
nangangalaga naman sa haring Khmer bilang hari ng kalupaan.

MODYUL 4 – MGA KAISIPANG ASYANO NA NAGBIGAY DAAN SA PAGHUBOG NG MGA


KABIHASNAN SA ASYA

Ang Asya ang itinuturing na lundayan ng mga pangunahing relihiyon sa mundo. Ang
salitang relihiyon ay nagmula sa salitang Latin na “re-ligare” na ang ibig sabihin ay
pagbubuklod at pagbabalik-loob. Ito rin ay isang organisadong sistema ng
pananampalataya, pamimitagan, paggalang, kaugalian at pananalig na nakasentro sa
isa o higit pang kinikilalang Diyos. Ang salitang pilosopiya ay hango sa salitang
Griyego na philo na nangangahulugang “pagmamahal” at sofia na ang ibig sabihin
ay “karunungan”, samakatuwid ang pilosopiya ay nangangahulugang “pagmamahal
sa karunungan”.

MGA RELIHIYON SA KANLURANG ASYA

JUDAISMO
● Isang monoteistikong relihiyon (pagkilala sa iisang Diyos)
● Itinatag ng mga Hudyo(Jews) o Israelites sa Israel.
● Si Yahweh ang kinikilalang nag-iisang Diyos.
● Torah ang tawag sa banal na aklat na ang ibig sabihin ay
“batas at aral” at naglalaman ng limang aklat ni Moses.
Nakasaad din sa aklat na ito ang mga aral at salita ni Yahweh.
larawan:svgsilh.com

● “Star of David” o “Shield of David”ang simbolo ng Judaismo na sumisimbulo ng


pagpapahalaga kay David na namuno sa kahariang Israel noong 1000
hanggang 962BCE.
● Ang Purim (pagdiriwang sa pagkakaligtas ng mga Jews sa mga Persian),
Sabbath (banal na araw), Pesach o Passover (naganap na Exodus mula Egypt),
Rosh Hashanah (bagong taon ng mga Hudyo), at Hanukkah (pagkabalik ng
Jerusalem mula sa mga Syrian) ang ilan lamang sa mga mahahalagang
pagdiriwang na may kaugnayan sa kanilang relihiyon.
● Nakapaloob sa Sampung Utos ang mga aral ng Judaismo na nagsisilbing gabay
ng mga Hudyo o Jews sa wastong pagkilos at pamumuhay. Ito ay ang mga
sumusunod:
1. Ibigin mo nang lubos ang Diyos nang higit sa lahat.
2. Huwag kang sasamba sa mga diyos-diyosan.
3. Ipangilin mo ang araw ng Sabbath.
4. Igalang mo ang iyong ama at ina.
5. Huwag kang papatay.
6. Huwag kang makikiapid sa hindi mo asawa.
7. Huwag kang magnanakaw.
8. Huwag kang magbibintang at huwag kang magsisinungaling.
9. Huwag kang magnanasa sa hindi mo pag-aari.
10. Huwag kang magnanasa sa hindi mo asawa.

KRISTIYANISMO


Isang monoteistikong relihiyon na nagmula sa relihiyong
Judaismo. Pinaniniwalaan ang pagkilala sa Santisima
Trinidad (Tatlong persona sa iisang Diyos) na pinagtibay
ng
Simbahang Katoliko.
● Itinatag ni Hesuskristo na tinuturing na Mesias at
larawan:pixabay.com manunubos.

● Palestina ang banal na lupain at Jerusalem ang lugar kung saan ipinanganak
si Hesukristo.
● Bibliya ang banal na aklat na nahahati sa dalawang bahagi - Luma at Bagong
Tipan.
● Krus ang simbolo na nagpapaalala ng pagmamahal ni Kristo sa sangkatauhan.
● Panalangin, pag-awit,pagbasa ng banal na aklat, at pangaral ng pari ay bahagi
ng seremonya ng simbahang Katoliko. Ang Araw ng Palaspas ay hudyat ng
pagsisimula ng Banal na Linggo sa Kristiyanong kalendaryo.
● Ang Sampung Utos ng Diyos at mga kautusan ng simbahan na nagmumula sa
Papa sa Roma (pinakamataas na pinuno ng Simbahang Katoliko) ang batayan
ng pananampalatayang Kristiyano.

PAMPROSESONG TANONG:
1.Paano nalilinang ng mga pagpapahalaga o pangaral
ng Sampung Utos ng Diyos ang asal, kilos,at pag-uugali
ng mga Asyano?

2.Paano ipinakikita ng mga Kristiyano ang matinding


larawan:shutterstock.com pananampalataya sa kanilang relihiyon?

ISLAM
● Monoteistikong relihiyon na tinatag ni Muhammad sa
Medina, Saudi Arabia.
● Galing sa salitang Arabic na salam na nangangahulugang
kapayapaan, pagsunod at pagsuko kay Allah.
commons.wikimedia.org

● “Walang ibang Diyos kundi si Allah, si Muhammed ang “Propeta ng Diyos”, ito
ang pahayag ng pananalig ng mga Muslim. Si Allah lamang ang kinikilalang
Diyos at tagapaglikha ng mga Muslim.
● Qur’an o Koran ang kanilang banal na aklat na nagsisilbing gabay sa
pangaraw-araw na buhay ng mga Muslim.
● Crescent moon ang simbolo ng Islam na may kaugnayan sa bagong buwan na
pagsisimula ng kalendaryong Lunar ng mga Muslim.
● Eid Ul Fitr o “Night of Power” - pinakamahalagang huling gabi ng Ramadan na
ayon sa paniniwalang Muslim ito ang gabi kung saan nagpakita at kinausap si
Muhammed ni Anghel Gabriel.
● Itinuturo ng Islam ang pagkakaroon ng mabuti at masama sa daigdig at ang
bawat indibidwal ay may pananagutan sa kanyang mga kilos at uri ng
pamumuhay na kanyang tinatahak. Hindi sila kumakain ng baboy at umiinom
ng alak, ang lalaki ay maaring magkaroon ng apat na asawang Muslim.
Tunguhin nila ang pagkakaroon ng kapayapaan, kawalan ng kaguluhan,
pluralism at consultative system of leadership.
● Ang Limang Haligi ng Islam o “Five Pillars” ang pundasyon ng Islam na
inaasahan na maisasagawa ng bawat Muslim. Ito ay ang mga sumusunod:
⮚ Shahadah o Pananalig - pagpapahayag ng katagang “Walang ibang diyos
kundi si Allah at si Muhammed ang kanyang Propeta”.
⮚ Salah o Panalangin - pagdarasal ng limang ulit sa loob ng isang araw.
⮚ Zakat o Pagbibigay ng limos/pagtulong sa kapwa (pagbabahagi ng bawat
Muslim ng bahagi ng kanyang kita o kayamanan sa mahihirap).
⮚ Saum o Pag-aayuno - hindi pagkain, hindi pag-inom at pagpigil sa
seksuwal na relasyon ng mag-asawa sa buong buwan ng Ramadam na
magsisismula sa ika-6 ng umaga hanggang ika-6 ng gabi.
⮚ Hadji o Paglalakbay patungo sa Mecca (The Black Stone of Kaaba) kahit
isang beses man lamang sa kanyang buhay.

ZOROASTRIANISMO
● Tinuturing na isa rin sa pinakamatandang relihiyon sa
daigdig (600B.C.E.) na itinatag sa Persia (Iran).
● Zarathustra na kilala rin siya bilang Zoroaster sa
Greece at Zarathosht sa India at Persia (Iran)
● Zoroaster ang kinikilalang propeta.
● Ahura Mazda - tagapaglikha at tagapag-taguyod ng
daigdig. Siya nga Diyos ng Zoroastrianismo.
commons.wikimedia.org

● Zend Avesta ang banal na aklat na naglalaman ng mga pangaral at awit ng


relihiyon.
● Itinuturo ng relihiyong ito ang paggawa ng mabuti at pag-iwas sa paggawa ng
masama sa kapwa.

RELIHIYON MULA SA SILANGANG ASYA

SHINTOISMO
● Tradisyunal na relihiyon sa Japan. Ito ay nangangahulugang
“kami no mihi” o “way of gods”.
● “Kami” ang tawag sa Diyos na pinaniniwalaang nananahan sa
kalikasan tulad ng bundok, ilog, hangin, halaman, puno,
bato at iba pang aspekto ng kalikasan.
Commons.wikimedia.org

● Ang Mt.Fuji ang isa sa mga sinasamba nilang kami. Itinuturing din nilang kami
ang mga mahuhusay nilang namatay na emperador, pinuno at samurai at
kanilang ninuno.
● Musuhi ang tawag sa kapangyarihan ng kami na gamit sa paglikha ng mabuting
ugnayan ng tao at kalikasan, at pagbibigay ng mabuting kalooban sa tao na
tinatawag na makoto.
● Pinahahalagahan ang paglilinis at pagtatanggal ng masamang ispiritu kung
saan ang panlabas na katawan ay nililinis sa pamamagitan ng paghuhugas ng
bibig at kamay gamit ang tubig bago ang ritwal samantalang ang panloob na
ritwal ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagsamba sa mga kami sa
pamamagitan ng pagsayaw, pag-awit at pag-aalay ng pagkain.
● Ang Matsuri ay mahalagang pagdiriwang kung saan nagpapasalamat sila sa
kanilang mga kami sa pamamagitan ng pag-aalay ng pagkain, musika at sayaw.
Mahalaga din ang pagbubuklod ng pamilya kung kaya’t karaniwang nauugnay
sa pamilya ang mga selebrasyon o pagdiriwang.
MGA RELIHIYON SA TIMOG ASYA

HINDUISMO
● Politeistikong relihiyon (pagkilala sa maraming diyos) na
nagmula sa hilagang-kanlurang bahagi ng India kung
saan
umusbong ang kabihasnang Indus na itinatag ng mga
Aryan.
● Sagradong aum ang simbolong Hinduismo, kung saan ang
commons.wikimedia.org a ay simula; u ay pag-unlad; at ang m ay hangganan. Sa

kabuuang ang aum ay nangangahulugang


“ang kapangyarihan ng paglikha, pagpapaunlad,at paggunaw

ng mundo ay magmumula lamang sa Panginoon”.

● Ang Veda o Vedas ang banal na aklat ng mga Hindu na naglalaman ng mga
panalangin, awit at mga pilosopiya. Itinuturo sa aklat na ito kung paano
magkakaroon ng mahaba at mabuting buhay ang tao.
● Brahma (Tagapaglikha), Vishnu (Tagapangalaga) at si Shiva (Tagawasak) ang
mga pangunahing diyos ng mga Hindu.
● Ang Holi at Divali ay ang makukulay na pagdiriwang ng mga Hindu.
● Naniniwala sila sa pagsasama at pagkakaisa ng mga bagay sa kapaligiran na
nagdadala ng pagkakaisang ispirituwal. Ang konsepto ng karma o “isang bagay
na nilikha o bunga ng gawi ng isang tao” ay nagmula din sa mga Hindu.
● Naniniwala ang mga Hindu sa Reinkarnasyon o siklo ng kapanganakan at
kamatayan na kapag namatay ang isang tao, ang kaluluwa ay muling
mabubuhay na nakabatay sa kanyang karma na kung siya ay mabubuhay muli
sa mas mataas o mas mababang antas o uri ng nilalang.
● Naniniwala sila sa Nirvana o tunay na kaligayahan at kapayapaan. Ito ang
sukdulan na layunin ng mga Hindu ay makawala sa siklo ng Reinkarnasyon at
makamit ang ganap na katiwasayan at kalinisan ng kaluluwa.

BUDDHISMO
● Nagsimula sa India noong ikaanim na siglo B.C.E. na
nakabatay sa mga aral at katuruan ni Siddhartha
Gautama o mas kilalang Buddha “Ang Naliwanagan”.
● Ang “Gulong ng Buhay”o “Wheel of Life” ang simbolo ng
Budhismo na sinasabing pinagalaw ni Buddha nang una
commons.wikimedia.com siyang nangaral.

● Ang “Four Noble Truths” o ang apat na ideya ang pinangaral ni Buddha na
binubuo ng mga sumusunod:
o puno ng pagdurusa ang buhay ng tao;
o nagmumula ang pagdurusa sa masidhing paghahangad;
o magwawakas ang pagdurusa sa pagwawakas ng paghahangad; at
o mawawakasan ang pagdurusa sa pagsunod sa Eightfold Path na
tinatawag ding Middle Path na nagsisilbing gabay ng tao upang makamit
ang Nirvana (paraiso o kaluwalhatian) na kung saan ito ang sukdulang
layunin ng mga Budista.
▪ Eightfold Path
● tamang pag-iisip;
● tamang pananaw;
● tamang intensiyon;
● wastong pagsasalita;
● wastong pagkilos;
● wastong konsentrasyon;
● wastong hanapbuhay, at
● wastong pagpupunyagi.
● May dalawang uri ng sekta ng Budhismo: ang Hinayana o Theravadana na
lumaganap sa Timog Silangang Asya (Sri Lanka, India, Tibetan) at ang
Mahayana o Vajrayanan na lumaganap sa Tsina at Japan.

JAINISMO
● Itinatag sa India ni Rsabha, ngunit ang pinakapinuno ay si
Mahavira o Vhardamana.
● Kamay at gulong ang simbolo ng Jainismo na kung saan
mababasa ang ahimsa, ang banal na panata ng mga Jain
sa kawalang karahasan.

commons.wikimedia.org

● Naniniwala sa reincarnation. Nakasentro ang kanilang pangaral sa buhay na


walang karahasan hindi lamang sa kapwa tao maging sa halaman at hayop.
Ipinagbabawal ang pananakit sa anumang uri ng may buhay. Ito ay tinatawag
na ahimsa o kawalan ng karahasan.
● Pinahahalagahan din ng Jainismo ang asetismo o pagpapasakit at mahigpit na
penitensya upang mapaglabanan ang kasakiman ng katawan.
SIKHISMO
● Monoteistikong relihiyon na nagmula sa Punjab, India
noong ika-15 siglo.
● Itinatatag ni Guru Nanak, ”Tagasunod”o “disipulo” ang
kahulugan ng Sikh. Naniniwala sila sa iisang diyos na
kilalang walang kamatayan at hugis. Kilala ang relihiyong ito
na
kombinasyon ng elementong Islam at Hindu.
pixabay.com

● Ang mga aral ng Shikh ay nagbibigay-diin sa pagkapantay-pantay,


paglilingkod, at pagbibigay proteksyon sa mahihirap laban sa walang
katarungan, pagsunod sa mga itinakdang alituntunin kasama ang pagiging
vegetarian o pagkain lamang ng mula sa halamang tanim.

MGA PILOSOPIYA SA ASYA

CONFUCIANISMO

● Tinatag ni Confucius na kilala rin bilang K’ung-fu-tzu


na ang ibig sabihin ay “Master King”.

● Nakatuon ang mga aral o turo sa pagkakaroon ng tamang


asal at moralidad at pagsusulong ng mabuting
pamamahala.
● Binibigyang diin din ang pag-aaral para sa mga kalalakihan
upang mapaunlad ang kanilang kaalaman at maging mabuting
commonswikimedia.org mamamayan. Ayon sa kanya, ang lalaking nakapag-aral ay
magtataglay ng jen (kagandahang loob), li (kagandahang asal at decorum) at xiao
(paggalang sa magulang). Kung taglay ito ng isang lalaki, magiging karapat-dapat
siyang maglingkod at mamuno sa pamahalaan, samantalang ang mga hindi nakapag-
aral ay gagamitin ang lakas-katawan upang maglingkod sa lipunan.

● Nakapaloob sa Five Classics ang mga aral o turo ni Confucius.


● Ang Pagsusulit sa Serbisyo Sibil (Civil Service Examination) ay isa sa
mahalagang ambag ng pilosopiyang Confuciasmo.

TAOISMO
● Tinatag ni Lao Zi (Lao Tzu) na nangangahulugang “Old Master”,
sa China sa panahon ng dinastiyang Zhou.
● Nakabatay ang Taoism sa “Tao” na nangangahulugang “daan”
na siyang nag-uugnay at nag-iisa sa lahat ng bagay sa
sanlibutan.
● Kabilang sa turo ng Taoismo ay: “kapag gumawa ka ng
masama ang katumbas ay dapat gumawa ka ng kabutihan,
commonswikimedia.com ang buhay at kamatayan ay magkasama, mga birtud ng

pagpipigil sa sarili, pagpapasensiya at pagpapakumbaba at ang estado ay nararapat


na primitibo, pasibo at mapayapa”. Ang “Tao Teching” ay sinulat ni Lao Tzu na
naglalaman ng pangunahing aral ng Taoismo.

LEGALISMO
● Naitatag sa China sa panahon ng dinastiyang Zhou (4 BCE)
nina Shang Yang (mahusay na adminitrador) at
Han
Feizi (bumuo ng kaisipan sa pagpapatakbo ng
pamahalaan)
● Nakabatay ang Legalismo sa pagpapalawak,
pagpapatatag at pagpapalakas ng puwersa ng estado.
● Naniniwala rin sila na mahalaga ang mahigpit na batas sa
pamahalaan at estado upang ang lahat ng
miyembro ng
lipunan ay kumilos at gumawa ng mabuti at mahusay.
commonswikimedia.org Mahalaga ang paglilingkod ng mga mamamayan sa estado at
karangalan ang maging sundalo at maging magsasaka. Ang mahigpit at malupit na
pamumuno o paggamit ng “Kamay na Bakal” ay itinataguyod ng pilosopiyang ito.

Modyul 5:
Kalagayan at Bahaging Ginampanan ng Kababaihan mula sa Sinaunang
Kabihasnan at Ikalabing-anim na Siglo

Ang karanasan ng mga Kababaihang Asyano sa sinaunang panahon ay dumaan sa iba’t ibang
bahagi upang maitaas ang kanilang antas sa lipunan. Ito ang naging daan kung bakit halos
kapantay na ng mga kababaihan ang mga kalalakihan ngayon. Bagama’t noong una sila ay
nasa tahanan lamang at mababa ang posisyon sa lipunan, malaki naman ang papel na kanilang
ginampanan sa pag-unlad Kabihasnang Asyano

KALAGAYAN AT BAHAGING GINAMPANAN NG MGA KABABAIHANG ASYANO:


SINAUNA at IKA-16 NA SIGLO
Ang kababaihang Asyano sa kasalukuyan ay makikita na aktibo sa iba’t ibang propesyon, larangan
at mga gawain sa lipunan. Hindi naging madali sa mga kababaihan ang pag-angat nito sa lipunan. Sa
sinaunang panahon, ang mga kababaihan ay nasa loob lamang ng tahanan at itinuturing na mahina batay
sa mga nakagawaiang kaugalian, relihiyon, mga tradisyon ng lipunan o impluwensiya ng mga
mananakop.
Sa pag-aaral ng ating kasaysayan at sibilisasyon, tayo ay namulat sa patriyarkal na kalagayan o ang
higit na pagpapahalagang ibinibigay sa mga kalalakihan sa pamilya man o sa lipunan. Sa Asya o sa ibang
panig ng mundo, ang mga kababaihan sa sinaunang lipunan ay itinuturing na nasa mababang antas na
may pangunahing tungkulin na maging asawa at maging ina lamang.
May mga kababaihan din naman sa sinaunang panahon na nagpakita ng kanilang talino, husay at
galing ngunit hindi ito naging sapat upang pumantay sila sa pagtingin sa mga kalalakihan. Sa madaling
salita, ang mga kababaihan ay hindi binigyan ng mataas na pagpapahalaga sa sinaunang lipunan.

Timog Asya
Ang epiko ng Ramayana na nakilala sa sibilisasyong Aryan ay isang kuwentong nagtatampok ng
kalagayan ng mga kababaihan sa sinaunang Timog Asya. Ipinapakita dito na ang babae ay kailangang
magpasailalim sa kanyang asawa, maging tapat at dalisay. Ang relihiyong Budhismo at Hinduismo ay
naging daan din ng mga kababaihan sa naging kalagayan nila sa pamilya at lipunan. Ilan sa mga ito ay
ang pagiging tapat at pagsuko sa lalaki sa lahat ng pagkakataon. Ipinagkait din sa mga kababaihan ang
pagtatamasa ng nirvana o tunay na kaligayahan sapagkat
makakamit lamang nila ito kung sila ay magiging lalaki
sa kanilang susunod na buhay o reincarnation.
Sa India, pinairal ng mga Hindu ang Sati o
Suttee. Isa itong tradisyon kung saan boluntaryong
tatalon ang biyudang asawa sa nasusunog na bangkay ng
asawang lalaki. Naniniwala ang mga Hindu na ang
magbibigay ng magandang kapalaran sa pamilya kapag
sumama siya sa namatay na asawa.
Larawan mula sa commons.wikimedia.org

Ipinatupad din ang pagsusuot ng purdah sa mga kababaihan. Ito ang tawag sa pagtatakip sa
buong katawan upang mga mata lamang ang makikita. Ayon sa tradisyon, hindi maaaring ipakita ang
kanilang mga mukha, makihalubilo at lumabas ng tahanan. Isinisisi din sa babae ang pagkamatay ng
asawa.
Sa pagpapakasal, nakagawian ng sinaunang lipunang Indian ang pagbibigay ng dote o dowry sa
babaeng kaniyang mapapangasawa. Maaari din itong ipasa sa kanyang magiging anak na babae. Ito ay sa
paniniwalang magiging dalisay ang babae sa kanyang asawa. Ang pagsuko at pagsunod sa asawang lalaki
ay kinakailangan dahil kapag hindi niya ito magampanan ay hindi siya makararating sa langit. Samantala,
ang mga babaeng hindi nag-asawa ay itinuturing na kasumpa-sumpa. Itinuturing din na malaking
kahihiyan ang pagkakaroon ng babaeng anak kung kaya’t nagsasagawa din sila ng female infanticide o
pagkitil sa buhay ng sanggol na babae.
Kanlurang Asya
Ang kalagayan ng mga kababaihan sa Kanlurang Asya ay mababa sapagkat ito ay itinatakda ng
relihiyong Islam. Kinikilala ang pagkakaroon ng maraming asawa o polygamy.
Isinasagawa din ng mga Muslim ang kaugaliang
purdah sa pamamagitan ng pagsuot ng isang maluwag
at mahabang damit na may kasamang belo na tumatakip
sa buong katawan o burka. Ito ay tanda na sa lalaki
lamang ang kanyang asawang babae at pagmamayari
niya ito.
Nakabatay ang papel ng mga babae at lalaki sa
Saudi Arabia sa Sharia (batas Islamiko) at nakabatay
ang batas sa Koran at hadith (mga turo ni Muhammad).
Sa bansang ito, kailangan ng isang babae ng mag-
aalagang lalaki na kadalasan ay ama, kapatid o asawa
nito. Isang tradisyon din ang Hijab o paghihiwalay sa
Larawan mula sa commons.wikimedia.org
mga babae. Maaaring kasuhan ng prostitusyon ang
babaeng nakikisalamuha sa lalaking hindi niya kamag-anak.
Sa Islam, itinuturing na awrah (hindi dapat ihantad) ang mukha ng babae, ngunit sa Saudi Arabia,
maliban sa mata at kamay, ang buong katawan ang itinuturing na awrah. Hindi maaaring makipag-
ugnayan maging sa mga pagdiriwang ang mga babae sa mga lalaki. Marami silang pamamaraan upang
maihiwalay ang mga lalaki sa mga babae sapagkat pinoprotektahan nila ang kadalisayan at karangalan ng
babae sa pamilya.

Mababa man ang pagtingin sa mga sinaunang kababaihan, may mga kakabaihang Asyano pa rin ang
matatapang na ipinakita ang kanilang kakayahan. Ilan sa mga ito ay sina Tz’u-his na mas kilala bilang
Cixi. Tumulong siya sa naganap na Rebelyong Boxer sa China at naging Empress Dowager. Si Fu Hao
ay nakilala sa pamumuno sa mga ekspedisyon at nagsimula bilang konsorte ni Emperador Wu Ding.
Namuno naman sa Japan si Emperadora Sujun at ipinalaganap ang Budismo sa Hapon bilang
pangunahing relihiyon ng bansa.
Sa Pilipinas, bago dumating ang mga Kastila, mataas ang antas ng mga kakabaihan. Maaari silang
maging pinuno ng mga barangay kung walang tagapagmanang lalaki, manggagamot, pari, at astrologo.
Ipinaglaban din nila ang kanilang kahalagahan at nagkaroon ng mahalagang papel sa pag-aalsa ng mga
Larawan mula sa en.wikipedia.org (Ci Xi)
Pilipino laban sa mga Kastila. Ilan sa mga ito ay sina Melchora Aquino at Gabriela Silang.

Mataas man ang pagtingin sa mga kalalakihan sa sinaunang panahon, patuloy pa din ipinapakita
ng mga kababaihan ang kanilang lakas at talino sa maraming bagay. May iba ding kababaihan ang
nakilala sa larangan ng pagsusulat at pagpipinta.
Larawan mula sa commons.wikimedia.org
Tradisyunal na Bahaging Ginampanan ng mga Kababaihan sa Asya(Melchora Aquino)
Limitado ang papel na ginampanan ng mga kababaihan sa sinaunang Asya. Itinuturing ang mga
kababaihan bilang mga “mabuting asawa” na isusuko ang sarili sa asawa at “mabuting ina” na
magsisilang ng anak. Sila ang nag-aalaga sa mga anak, nagsisilbi sa mga asawa, nagbabadyet, gumagawa
ng mga desisyon at istilo ng pamumuhay ng kanilang pamilya. Makikita din na ang pangunahing papel ng
mga kakabaihan ay nakabatay sa konsepto ng relihiyon, pilosopiya, tradisyon at paniniwala ng lipunan.
Ito ang nagtakda sa papel at tungkulin ng mga kababaihan sa lipunan.
Sa pangkalahatan, malaki ang bahaging ginampanan ng mga kababaihan sa sinaunang Asya. Ang
pananatili nila sa loob ng tahanan ay nagbigay daan sa pagpapanatili ng pagpapahalagang Asyano at
pagiging buo ng isang pamilya. Ang pagtupad ng mga kababaihan sa mahahalagang tungkulin sa loob at
labas ng tahanan ay naging daan din upang mapangalagaan ang kaayusan ng lipunan at maisulong ang
pag-unlad ng sinaunang kabihasnan. Masasabi rin na napakahalaga ng papel na ginampanan ng
kakabaihan sa tagumpay ng mga kalalakihan at pag-unlad ng kabihasnang Asyano.

You might also like