You are on page 1of 37

MGA SINAUNANG

KABIHASNAN
NG DAIGDIG
Anu-ano ang nangyari o pagbabago
sa paglipas ng panahon?
Konsepto at Kahulugan
ng Kabihasnan at
Sibilisasyon
SIBILISASYON
Ang sibilisasyon ay mula sa
salitang-ugat na civitas
na salitang Latin na ang
ibig sabihin ay lungsod.
Ito ay nangangahulugang
masalimuot na pamumuhay
sa lungsod.
KABIHASNAN
Ang kabihasnan ay nagmula sa
salitang-ugat na bihasa na ang ibig
sabihin ay eksperto.
Ito ay pamumuhay na
nakagawian ng maraming pangkat
ng tao. Kasama rito ang wika,
kaugalian, paniniwala at sining.
Mga Sinaunang
Kabihasnan

Kabihasnang Kabihasnang
Sumer Shang
Kabihasnang
Indus
KABIHASNANG
SUMER
KABIHASNANG SUMER
Ang Mesopotamia ang
kinilala bilang cradle of
civilization dahil dito
umusbong ang unang
sibilisadong lipunan ng tao.
Matatagpuan ang
Mesopotamia sa Gitnang
Silangan na tinawag na
Fertile Crescent kung saan
matatagpuan ang kambal-
ilog na Tigris at Euprates.
Sistemang Pampulitika at
Pang-ekonomiya

Ilan sa mga
pinakamahalagang
lungsod na lumitaw
sa Sumer ay ang Ur,
Uruk, Eridu, Lagash,
Nippur, at Kish.
Sistemang Pampulitika at
Pang-ekonomiya

Pagtatanim, pangangalakal,
pangangaso at pag-aalaga ng hayop ang
pangunahing hanapbuhay ng mga
Sumerian.
Sistemang Panrelihiyon
Ang pinakamalaking
gusali sa Sumer ay ang
templo na tinatawag na
Ziggurat.
Pinamunuan ng mga
haring pari ang mga
lungsod dito.
Sistemang Panlipunan
Sa usaping pamumuhay may
espesyalisasyon ang mga Sumerian na
nagbigay-daan sa pag-usbong ng uring
panlipunan. Mataas ang tingin sa mga
pinunong hari, kasunod nito ang mga
mangangalakal, artisano, at mga scribe,
at sa huli ay mga magsasaka at alipin.
Mga Ambag ng Sumerian

Isa sa mga ambag ng mga


Sumerian ay ang sistema ng pagsulat
na tinawag ba cuneiform kung saan
naitala ng mga scribe sa mga clay
tablet ang mga mahahalagang
pangyayaring naganap.
Iba pang kontibusyon
• Epic of Gilgamesh
• Araro at mga kariton na may gulong
• Palayok
• Perang pilak
• Lunar calendar
• Decimal system
KABIHASNANG
INDUS
KABIHASNANG INDUS
Sa Timog Asya makikita ang
lambak-ilog ng Indus at Ganges.
Dito umusbong ang kabihasnang
Indus.
Sistemang Pampulitika at Pang-
ekonomiya

Mohenjo-Daro at Harappa
Sistemang Pampulitika at
Pang-ekonomiya
May dalawang importanteng lungsod ang
umusbong dito, ang Harappa at Mohenjo-
Daro. Planado at organisado ang mga lungsod
na ito na ipinakita sa mga lansangang
nakadisensyo sa kuwadrado (grid-patterned)
at pare-pareho ang sukat ng bloke ng
kabahayan.
Sistemang Pampulitika at
Pang-ekonomiya
• Pinalagay na ang mga Dravidian ang
bumuo ng kabihasnang Indus.
• Pinamunuan ang kabihasnang ito ng
mga haring pari.
• Pagsasaka ang ikinabuhay ng mga tao
dito.
• Natuto rin silang makipag-
kalakalan sa mga karatig lungsod.
Sistemang Panrelihiyon

Sinasamba ng mga Dravidian


ang maraming Diyos na
sumisimbolo sa pwersa ng
kalikasan.
Mga Ambag
Ang mga Dravidian ay
gumamit ng mga
pictogram bilang sistema
ng pagsulat, ngunit
hanggang ngayon ay wala
PICTOGRAM
pa ring nakakaalam kung
ano ang kahulugan ng
mga ito.
KABIHASNANG INDUS
Naging mahiwaga ang paglaho ng
kabihasnang Indus . May paliwanag ang iskolar
dito. Ayon sa kanilang teorya :
1. Kalamidad
2. Pananakop
Ngunit walalang matibay na ebidensyang
naipakita sa mga paliwanag na ito.
KABIHASNANG
SHANG
KABIHASNANG SHANG
Ito ang kabihasnang nagsimula sa lambak ng
Huang Ho sa China na tinawag ding Yellow River
dahil pagkatapos ng pagbaha ang tubig nito ay
nag-iiwan ng loess o dilaw na lupa na
nagsisilbing pataba sa lupaing agrikultural na
malapit dito.
Sistemang Pampulitika at
Pang-ekonomiya
May mga pamayanan ng umusbong dito bago
ang Shang. Ito ang kalinangan ng Yanshao (3000
BCE – 1500 BCE) at Lungshan (2500 BCE -2000
BCE). Pagtatanim ang pangunahing gawain sa
panahong ito.
Sistemang Pampulitika at
Pang-ekonomiya
Ang Lungshan ay naging transisyon tungo
sa Kabihasnang Shang. May hinalang may
naunang dinastiya na natatag dito, ang Xia
subalit wala itong matibay na basehan
ebidensyang arkeolohikal.
Mga Ambag

ORACLE BONES CALLIGRAPHY

Calligraphy ang sistema ng kanilang


pagsulat na nagsilbing taga pag-isa sa mga
Tsino. Gianamit na simbolo ng pagsulat ang
mga oracle bone.
Maikling Pagsusulit
Panuto: Basahin at unawain ang bawat
pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang sumasaklaw sa
kahulugan ng kabihasnan?

A. Pamumuhay na nakagawian at pinaunlad ng       


      maraming pangkat ng tao
B. Pamumuhay na pinaunlad ng tao gamit ang 
bagong teknolohiya
C. Pamumuhay na nakagawian bunga ng pagtira 
     sa mga ilog at lamba
D. Pamumuhay na nabago ng kapaligiran
2. Ano ang pinakamahalagang kontribusyon ng
Sumerian sa kabihasnang pandaigdig?

A. Sistema ng pagsulat na tinawag na


cuneiform
B. Ang pagkatuklas ng pottery wheel
C. Mga seda at porcelana
D. Pagkakatuklas ng paggamit ng decimal
system
3. Ano ang tawag sa templong dambana na
itinatag ng mga Sumerian na kinilala nila bilang
dambana ng kanilang diyos o diyosa?

A. Great Wall of China


B. Taj Mahal
C. Ziggurat
D. Hanging Garden
4. Ito ang sistema ng pagsulat na ginagamit ng
kabihasnang Shang.

A. cuneiform
B. pictograph
C. calligraphy
D. oracle bones
5. Ito ang pinakamahalagang lungsod sa
Kabihasnang Indus.

A. Tigris at Euphrates
B. Ur at Uruk
C. Huang Ho at Yang tze
D. Mohenjo-Daro at Harrapa
Sagot:
1. A
2. A
3. C
4. C
5. D

You might also like