You are on page 1of 22

Oo

O
HINDI
CHALLENGE
Ano nga ba ang
kahulugan ng
kabihasnan at
sibilisasyon?
•Ang kabihasnan ay masalimuot na pamumuhay
sa lungsod kasingkahulugan ng sibilisayon.
•Kapag ang isang tao ay nagkaroon ng kasanayan
sa isang bagay ay masasabi nating bihasa siya o
nagiging magaling katulad ng mga nangyari sa
mga asyano nainirahan sila sa lambak at ilog.
•Nalinang nila ang pamumuhay tulad ng
pangingisda at pagsasaka dahil sa kapaligiran na
kanilang permanenteng tirahan.
• Tumutugon sa pamumuhay ng mga lipunang umusbong sa mga lambak at
ilog tulad ng Sumer, Indus at Shang.
Pana-panahon

• 400,000-8500 BCE
• Nomadiko ang ganitong pamumuhay
• Kahit ganito ang kanilang sistema nalinang ang
kanilang kasanayan nila sa paggawa ng kasangkapang
yari sa mga matutulis na bato at kalaunay magamit sa
pangangaso
• Pinakamahalagang ambag nila ang pagkatuklas ng
apoy.
• Gumawa ng mga damit na galing sa mga
balat ng hayop bilang proteksyon sa
kanilang katawan.
• 7000-3000 BCE
• Malawakan ang naging pagtatanim kayat
tinawag itong REBOLUSYONG NEOLITHIC
Nabuo ito 4000 BCE
Ang mga kasangkapang yari sa bato ay
napalitan ng metal at paglaon ay napalitan
ng tanso.
Ngunit dahil sa salat sa mapakukunan ng
tanso napalitan ng bakal na siyang ginagamit
pa rin sa kasalukuyang panahon.
Mga Sinaunang
kabihasnan sa
Asya
KABIHASNANG SUMER
Ang Mesopotamia ang kinilala bilang “Cradle of Civilization”.
Dahil dito umusbong ang unang sibilisadong lipunan.
Ang Mesopotamia ay matatagpuan sa Gitnang silangan na tinatawag na
Fertile Crescent (Iraq).
Matatagpuan ang ILOG TIGRIS AT EUPRATES.
Noong panahon ng paleolitiko naitatag ang ilang pamayanan sa labas ng
rehiyon ng Mesopotamia at ito ay ang Jericho sa Israel, at Catal Huyuk at
Hacilar sa Anatolia(Turkery sa kasalukuyan, 6000 BCE) na pawang
pamayanang agrikultural.
Pamumuhay-pagtatanim ng trigo at barley, natutong mangaso at mag alaga
ng mga hayop.
Ang mga nasabing pamayanan ay hindi rin nagtagal.
 (3500-3000 BCE) umusbong ang kabihasnang Sumer na itinuring na
pinakamatanda at pinakaunang kabihasnan sa Asya.
Nagsimulang umusbong ang ibat-ibang lungsod tulad ng Ur, Uruk,
Eridu,,Lagash , Nippur at Kish.
 Naitatag ang Ziggurat dahil sa mga pinagsanib na kakayahan at paniniwala
sa mga diyos. Ang Ziggurat ang pinakamalaking templo sa Sumer.
 Nauuri ang tao sa lipunan sa tatlong uri
1. Mataas na uri/Upper class- Haring pari at opisyales ng kanilang Gobyerno
2. Gitnang uri/Middle class- artisano, mangangalakal at scribe
3. Mababang uri/Lower class- mga alipin at magsasaka
 CUNEIFORM- ang tawag sa sistema ng pagsulat kung saan naitatala ng
mga scribe sa mga clay tablet ang mga mahahalagang pangyayaring
nagaganap.
 Nagkaroon ng pag unlad sa kanilang sining at naitala ang
mahalagang tradisyon at epiko. (EPIKO NI GILGAMESH).
 May mga mahahalagang ambag rin sila:
1. Araro
2. Kariton na may gulong
3. Paggawa ng mga palayok at paggamit ng perang papel
4. Lunar Calendar
5. Decimal system
Subalit sa kabila ng natamo nilang pag-unlad ay hindi
naiwasang may grupong naiingit sa kanila upang sakupin
ang kanilang lupain na dahilan ng kanilang pagbagsak.
KABIHASNANG INDUS
 Sa timog Asya makikita ang lambak-ilog ng INDUS AT GANGES. Ito ay
umaapaw taon-taon.
 Bago pa man umunlad ang kabihasnang ito ay may pamayanan nang
naitatag noong panahon ng Neolitiko. Ito ay ang MHERGAH(3500 BCE) na
nasa kanluran ng ilog Indus.
 May dalawang importanteng lungsod ang umusbong dito ito ay ang;
 Pinalagay na ang mga Dravidian ang bumuo ng kabihasnang
Indus. Ito rin ay sumasamba sa mga hayop.
 Pinamumunuan ito ng mga naghaharing uri sa lipunan tulad ng
mga haring pari.
Pagsasaka ang tanging ikinabubuhay sapagkat salat sa mga
punongkahoy at metal.
PICTOGRAM ang tawag sa sistema ng kanilang pagsulat.
 Naging mahiwaga ang paglaho ng kabihasnang Indus noong
(1750 BCE).
Ayon sa iskolar, nagkaroon ng mga kalamidad na naganap o
maaring nagkaroon ng pagsakop sa lugar na pinaniniwalaang mga
Aryan.
KABIHASNANG SHANG
 Naging tagpuan ng Kabihasnang Shang ang Ilog Huang Ho na
tinatawag na Yellow River.
 Dahil nagiiwan ito ng loess o dilaw na lupa na nagsisilbing pataba
sa lupaing agrikultural na malapit dito. Ang pag apaw ng ilog ay
kumikitil ng maraming buhay.
May 2 pamayanang umusbong dito ito ay ang kalinangang
Yangshao at Lungshan (2500 BCE-2000 BCE).
Pagtatanim ang pangunahing pamumuhay.

May mga nahukay ang mga arkeolohiya na nagpatunay sa


kabishanang ito noong dekada 1920 isa na rito ang mga oracle
bones o butong orakulo na ginagamit sa panghuhula.
Ang kabihasnan ay pinamumunuan ng mga paring hari na naging organisado
sa pagsasaayos ng kanilang lungsod na napapalibutan ng mga matataas na
pader na naging paghahanda sa mga madalas na digmaan sa kanilang lupain.

Nauuri ang tao sa lipunan sa dalawang uri ito ay ang aristokrasya at ang
mabang-uri

CALIGRAPHY ang tawag sa sistema ng pagsulat na kung saan nagsilbing


tagapag isa ng Tsino.

Ipinalagay ng mga tsino na ang kanilang kabihasnang umusbong sa Huang


Ho ang isa sa mga sinaunang kabihasnan at pinakamatandang nabubuhay na
kabihasnan sa daigdig. Ang pananaw nilang ito ay nagpatuloy sa pagtatag ng
mga imperyo.
PAUNAHAN
CHALLENGE
Panuto:
Ang klase ay hahatiin sa tatlong pangkat. Ang
bawat pangkat ay bibigyan ng tigiisang illustration
board na magsisilbing sulatan ng sagot. Ang Guro ay
may ibibigay na katanungan na nakategorya sa tatlo;
Una Madali(2pts) Pangalawa Katamtaman (3pts) at
Mahirap (5pts). Kung sino ang pangkat ang unang
makapagtaas ng tamang sagot ay bibigyan ng
karampatang puntos at kung sinong makakuha ng
pinakamaraming puntos ay siyang tatanghaling
panalo.
PAGSUSULIT
Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung wasto ang pahayag at MALI naman
kung hindi wasto.

1. Nakadepende lamang sa kapaligiran ang mga sinaunang tao sa


panahon ng paleolitiko.
2. Rebolusyong Neolithic ang tawag sa malawakang pagtatanim nang
panahong Neolithic.
3. Cuneiform ang tawag sa sistema ng pagsulat sa kabihasnang Shang.
4. Ang kabihasnan ay tinatawag na masalimoot na pamumuhay sa
lungsod.
5. Sa timog Asya makikita ang lambak-ilog ng Indus at Ganges.
Takdang Aralin:
1.Alin sa mga sinaunang kabihasnan ang
sa palagay mo ang may
pinakamahalagang kontribusyon sa
sangkatauhan?Ipaliwanag
2.Magsaliksik at pag-aralan ang mga
kaisipang Asyano

You might also like