You are on page 1of 8

TEKSTONG

ARGUMENTATIBO
-Ay nakatuon sa layuning manghikayat sa pamamagitan
ng pangangatwiran batay sa katotohanan o lohika.
-Maari itong tungkol sa pagtatanggol ng manunulat sa
kaniyang paksa o panig o pagbibigay ng kasalungat o
ibang panig laban sa nauna ,gamit ang mga ebidensiya
mula sa kaniyang sariling karanasan,nabasa mula sa
ibang teksto o akda, mga halimbawa buhat sa
kasaysayan at pananaliksik na susuporta sa kaniyang
argumento.
Mga halimbawa ng mga sulatin o akdang gumagamit
ng tekstong argumentatibo.

•Tesis
•Posisyong papel
•Papel na pananaliksiksik
•Editoryal
•petisyon
TEKSTONG NANGHIHIKAYAT TEKSTONG ARGUMENTATIBO
• Nangungumbinsi batay sa • Nangungumbinsi batay sa
Opinyon datos o sa totoong
• Walang pagsasaalang-alang sa ebidensiya
kasalungat na pananaw
• May pagsasaalang-alang sa
• Nanghihikayat sa pamamagitan
ng apela sa emosyon at kasalungat na pananaw.
nakabatay ang kredebilidad sa • Ang paghihikayat ay
karakter ng nagsasalita, at hindi nakabatay sa katwiran at
sa merito ng ebidensiya at mga patunay na inilatag
katwiran • Nakabatay sa lohika
• Nakabatay sa emosyon
Mga lihis na Pangangatwiran o Fallacy.

1. Argumentum and Hominem (Argumento laban sa karakter)


- lihis na pangangatwiran sapagkat nawawalan ng katotohanan
ang argumento dahil ang pinagtutuunan ay hindi ang isyu kundi kredebilidad
ng taong kausap.
Halimbawa:
1. Hindi dapat pinaniniwalaan ang sinasabi ng taong iyan dahil iba ang
kaniyang relihiyon at mukha siyang terorista.
2. Bakit ko sasagutin ang alegasyon ng isang abogadong hindi magaling at
tatlong beses umulit ng bar exam?
2. Argumentum ad Baculum (Pagamit ng puwersa o
Pananakot)

Halimbawa:
• Sumanib ka sa aming relihiyon kung hindi ay hindi ka maliligtas at
masusunog ka sa dagat-dagatang apoy.
• Bata: Bakit ko kailangang pag-aralan pati ang mga paksang hindi
pa naming tinatalakay?
Magulang: Kapag hindi mo iyan pinag-aralan, papaluin kita.
3. Argumentum ad Misericordiam (Paghingi ng awa o simpatya)- Ang
pangangatwiran ay hindi nakasalig sa katatagan ng argumento o kundi sa awa
at simpatya ng kausap.
Halimbawa:
• Maam, ipasa niyo na po ako. Kailangan ko pong magtrabaho para
mapagamot ang nanay ko na may TB dahil karpintero lang po ang trabaho
ng tatay ko, at pinag-aaral pa po ang apat kong batang kapatid.

4. Argumentum ad Numeram ( Batay sa dami ng naniniwala sa argumento)


-Ang paninindigan sa katotohanan ng isang argumento ay batay sa sa
dami ng naniniwala rito.
Halimbawa: Marami akong kakilalang malakas uminom ng Coke pero wala
silang diabetes kaya naman hindi ako naniniwalang masama ito sa kalusugan.
5. Argumentum ad Igonarantian ( Batay sa kawalan ng sapat na ebidensiya)
- Ang propos

You might also like