You are on page 1of 7

TEKSTONG

ARGUMENTATIBO
Proponents:
Justin Palenzuela
Gino Maravillas
Lester Soratorio
Ano ang Argumentatibo?
Nakatuon sa layuning manghikayat sa pamamagitan ng pangangatwiran
batay sa katotohanan o lohika.Maari itong tungkol sa pagtatanggol ng
manunulat sa kanyang paksa o panig o pagbibigay ng kasalungat o ibang
panig laban sa nauna,gamit ang mga ebidensiya mula sa kaniyang saliring
karanasan, nabasa mula sa ibang teksto o akda, halimbawa buhat sa
kasaysayan, at pananaliksik na suporta sa kanyang mga argumentatibo.
Halimbawa ng mga sulatin o akdang gumagamit ng tekstong argumentatibo:
• Thesis o Tesis
• Posisyong papel
• Papel na pananaliksik
• Editoryal
• Petisyon
TEKSTONG NANGHIHIKAYAT Tekstong argumentibo

• Nakabatay sa opinion • Nakabatay sa totoong ebidensiya


• Walang pagsasaalang-alangsa • May pagsasaalang-alang sa
kasalungat na pananaw. kasalungat na pananaw
• Nanghihikayat sa pamamagitan ng • Ang panghihikayat ay nakabatay
apela sa emosyon at nakabatay sa katwiran at mga patunay na
ang kredibilidad sa karakter ng inilatag
nagsasalita, at hindi sa merito ng • Nakabatay sa lohika
ebidensiya at katwiran.
• Nakabatay sa emosyon.
KARANIWANG LIHIS NA PANGANGATWIRAN

1. Argumento laban sa karakter – Lihis ang ganitong uri ng pangangatwiran


sapagkat nawawalan sa katotohanan ang argumento dahil ang
pinagtutuunan ay hindi ang isyu kundi ang kredibilidad ng taong kausap.
Halimbawa:
• Hindi dapat pinaniniwalaan ang sinabi ng taong iyan dahil iba ang
kaniyang relihiyon at mukha siyang terorista.
2. Paggamit ng puwersa o panakot
Halimbawa:
• Sumanib ka saaming relihiyon kung hindi ay hindi ka makakaligtas at
masusunog sa dagat dagatang apoy.
3. PAGHINGI NG AWA AT SIMPATYA – Ang pangangatwiran ay hindi
nakasalig sa katatagan ng argumento kundi sa awa at simpatya ng
kausap.
Halimbawa:
• Ako ang inyong iboto dahil tulad ninyo ay isa lamang akong anak-
mahirap. Inaalipusta at minamaliit ako ng aking mga kalaban. Ang
gusto ko lamang ay maglingkod. Ako lamang ang nakakaunawa sa
kalagayan ninyo ngunit patuloy ang paninira nila sa akin ng mga
bagay na walang katotohanan.”
4. BATAY SA DAMI NG NANINIWALA SA ARGUMENTO – Ang panininigan sa
katotohanan ng isang argumento ay batay sa dami ng naniniwala rito.
Halimbawa:
• Lahat naman ng tao ay nagsisinungaling kaya walang masama kung
magsinungaling paminsan-minsan.

You might also like