You are on page 1of 20

FILIPINO 6

Naiisa-isa ang mga argumento sa


binasang teksto
ARGUMENTO O PANGANGATWIRAN
-Ito ay pagtataglay ng paniniwala o paninindigang
maaaring maging tama o mali.
- Maaaring hango ito sa iba’t ibang obserbasyon,
paniniwala o sa isang umiiral na katotohanan.
- -Layuning makalikha ng partikular na konklusyon
sa tulong ng isang opinyon na maaaring sumang-
ayon o di kaya ay sumasalungat.
TEKSTO
• Tinatawag na teksto ang mga
pangunahing salita sa anumang
babasahin na nagtataglay ng iba’t ibang
impormasyon. Maaari din itong
nagbibigay ng mensahe o damdamin ng
sinuman sa paraang pasulat o
nakalimbag.
Uri ng Teksto

1. Tekstong Impormatibo
2. Tekstong Deskriptibo
3. Tekstong Naratibo
4. Tekstong Prosidyura
5. Tekstong Persweysib
6. Tekstong Argumentatibo
TEKSTONG ARGUMENTATIBO

• Ay isang uri ng teksto na ang pangunahing layunin ay


makapaglahad ng katuwiran. Sa tekstong ito, ang
manunulat ay kailangang maipagtanggol ang kaniyang
posisyon sa paksa o isyung pinag-uusapan. Kinakailangang
may matibay na ebidensya ang manunulat upang
mapatunayan ang katotohanan ng kaniyang ipinaglalaban.
Ang ilan sa mga ebidensya na pwede niyang gamitin ay
sariling karanasan, kasaysayan, kaugnay sa mga literatura,
at resulta ng empirikal na pananaliksik.
TANDAAN:
• Ang argumento ay may layuning manghikayat ,
mang-akit at mapaniwala sa mungkahi o
kaisipang nais ipakita. Maaaring hango ito sa
iba’t ibang obserbasyon, paniniwala o sa isang
umiiral na katotohanan.
• Ang argumento ay ang paglalahad ng mga
dahilan at ebidensya upang maging
makatuwiran ang isang panig.

You might also like