You are on page 1of 22

Tekstong

Argumentatibo

Inilalahad ng Pangkat
Mga leksyon:

1 2 3 4
Katangian at Listahan ng mga
Kahulugan ng Elemento ng Karaniwang uri
Tekstong Nilalaman ng
Isang Tekstong ng Lihis na
Argumentatibo Mahusay na
Argumentatibo Pangangatwiran
Tekstong o Fallacy sa
Argumentatibo Ingles
Sa pang-araw araw nating
pamumuhay, hindi man natin
namamamalayan ay palagi
tayong nangangatwiran upang
igiit ng sariling panig o
kagustuhan. Sa bawat
pagkakataong ito ng
pangangatwiran, humahanap tayo
ng mga ebidensya at gumagawa
matibay na argumento upang
maging matibay ang
pangangatwiran.
1

Kahulugan ng
Tekstong
Argumentatibo
Tekstong Argumentatibo
- isang uri ng teksto na nangangailangang pagtanggol ng
manunulat ang posisyon sa isang tiyak na paksa o usapin
gamit ang mga ebidensya mula sa personal na karanasan,
kaugnay na mga literatura at pag-aaral, ebidensyang
kasaysayan, at resulta ng empirikal na pananaliksik.
Ang empirikal na pananaliksik ay tumutukoy sa
pangongolekta ng datos sa pamamagitan ng
pakikipanayam, sarbey, at eksperimentasyon (De Laza,
2019).
Tekstong Argumentatibo
Atanacio et al., 2016 “ang tekstong argumentatibo ay
nakatuon sa layuning manghikayat sa pamamagitan ng
pangangatwiran batay sa katotohanan o lohika. Maaari
itong tungkol sa pagtatanggol ng manunulat sa kaniyang
paksa o panig o pagbibigay ng kasalungat o ibang panig
laban sa nauna, gamit ang mga ebidensya mula sa
kaniyang sariling karanasan, nabasa mula sa ibang teksto
o akda, mga halimbawa buhat sa kasaysayan, at
pananaliksik na susuporta sa kaniyang mga argumento.”
Tekstong Argumentatibo

Naglalayon itong hikayatin ang mambabasa na ibahin ang


kanilang pananaw, tanggapin, o sang-ayunan ang inilahad
na panig, o hikayatin silang kumilos ayon sa ipinararating
na argumento.
Tekstong Argumentatibo

Nangangailangan ang pagsulat ng tekstong


argumentatibo ng masusing imbestigasyon kabilang na
ang pangongolekta at ebalwasyon ng mga ebidensya.
Mula nito ay paninindigan ang isang posisyon na isusulat
sa maikli ngunit malaman na paraan. Sa pamamagitan ng
detalyadong pag-aaral sa paksa o isyu, mas nauunawaan
ang iba't ibang pananaw o punto de bista at nakapipili ang
mananaliksik ng posisyong may matibay na ebidensya.
Tekstong Argumentatibo

Kailangang may malinaw na tesis at ginagabayan ng


lohikal na pangangatwiran ang tekstong argumentatibo,
kahit pa ang ang pangunahing layunin nito ay ipahayag
ang opinyon ng manunulat sa isang tiyak na isyu.
llan sa mga halimbawa ng mga sulatin o akdang
Papel na
gumagamit ng tekstong argumentatibo ang:
pananaliksik
Tesis

Posisyong
papel

Editoryal Petisyon
2

Elemento ng
Isang Tekstong
Argumentatibo
Elemento ng Isang Tekstong
Argumentatibo
Naiiba ang tekstong argumentatibo sa tekstong
nanghihikayat dahil, batay ito sa lohikal na
pangangatwiran at suportado ng mga impormasyong
hango sa pananaliksik upang mapatunayan ang punto
para manaig ang posisyon. Sa kabilang banda, ang
tekstong nanghihikayat naman ay kinakailangang
makapanghimok sa pamamagitan ng pag-apela sa
damdamin.
Tekstong Nanghihikayat Tekstong Argumentatibo
Nakabatay sa opinyon Nakabatay sa mga totoong
Walang pagsasaalang- ebidensya
alang sa kasalungat na May pagsasaalang-alang sa
pananaw kasalungat na pananaw
Nanghihikayat sa Ang panghihikayat ay
pamamagitan ng apela sa nakabatay sa katwiran at
emosyon at nakabatay ang mga patunay na inilatag
kredibilidad sa karakter ng Nakabatay sa lohika
nagsasalita, at ng hindi sa
merito ebidensya at
katwiran
Nakabatay sa emosyon
3
Katangian at
Nilalaman ng
Mahusay na
Tekstong
Argumentatibo
Mahalaga at napapanahong paksa.
Maikli ngunit malaman at malinaw na
pagtukoy sa tesis sa unang talatang teksto.
Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan
ng mga bahagi ng teksto
Maayos na pagkakasunod-sunod ng talatang
naglalamanng mga ebidensya ng argumento
Matibay na ebidensyang para sa argumento.
4
Listahan ng mga
Karaniwang uri
ng Lihis na
Pangangatwiran
o Fallacy sa
Ingles
1 Argumentum ad Hominem (argumento laban sa karakter)-lihis ang
ganitong uri ng pangangatwiran sapagkat nawawalan ng
katotohanan ang argumento dahil ang pinagtutuunan ay hindi ang
isyu kundi ang kredibilidad ng taong kausap.
Hal: Hindi dapat pinaniniwalaan ang sinasabi ng taong iyan dahil
iba ang kaniyang relihiyon at mukha siyang terorista.

2 Argumentum ad Baculum (Paggamit ng pwersa o pananakot)


Hal: Sumanib ka sa aming relihiyon kung hindi ay hindi ka maliligtas
at masusunog sa dagat-dagatang apoy.

3 Argumentum ad Misericordian (Paghingi ng awa o simpatya)-ang


pangangatwiran ay hindi nakasalig sa katatagan ng argumento
kundi sa awa at simpatya ng kausap.
Hal: Huli siya sa klase ngayon, dahil pinagalitan siya ng kanyang ina
kahapon.
4 Argumentum ad Numeram (Batay sa dami ng naniniwal sa
argumento) -ang paninindigan sa katotohanan ng isang argumento
ay batay sa dami ng naniniwala rito.
Hal: Lahat naman ng tao ay nagsisinungaling kaya walang masama
kung magsinungaling paminsan-minsan.

5. Argumentum ad Igonarantian (batay sa kawalan ng sapat na


5 mm ebidensya)-ang proposiyon pahayag ay pinaninindigan dahil
hindi pa napatutunayan ang kamalian nito at walang sapat na
patunay kung mali o tama ang pahayag.
Hal: Kung wala nang tanong ang buong klase, ibig sabihin ay alam
na alam na nila ang aralin at handa na sila sa mahabang
pagsusulit.
6 Cum Hoc ergo proper Hoc (batay sa pagkakaugnay ng dalawang
pangyayari)-ang pangangatwiran ay batay sa sabay na
pangyayari; ang isa ay dapat dahilan ng isa o may ugnayang
sanhi at bunga agad ang dalawang pangyayaring ito.
Hal: Masuwerte sa akin ang kulay pula. Sa tuwing nakapula ako ay
laging mataas ang benta ko.

7 Post Hoc ergo proper Hoc( batay sa pagkakasunod ng mga


pangyayari) - ang pagmamatuwid ay batay sa magkakasunod-sunod
na pattern ng mga pangyayari, ang nauna ay pinaniniwalaang dahilan
ng kasunod na pangyayari.
Hal: Tumilaok na ang manok. Ibig sabihin ay umaga na.

8 Non Sequitur (Walang Kaugnayan)-ang kongklusyon ay walang


lohikal na kaugnayan sa naunang pahayag.
Hal: Ang cute ng aso mo. Mayroon akong tatlong maliliit na
kapatid na lalaki.
9 Circular Reasoning (paikot-ikot na pangangatwiran)-paulit-ulit ang
pahayag at walang malinaw na punto.
Hal: Ang pangulo ng Pilipinas ay isang mahusay na pinuno dahil
siya ang pinuno ng bansa.

10 Hasty Generalization (padalos-dalos na paglalahat)- paggawa ng


panlahatang pahayag o konklusyon batay lamang sa iilang patunay o
katibayang may kinikilingan.
Hal: Ang isang tao ay naglalakad sa isang bayan at nakilala niya
ang mga magalang na bata, kaya naisip niya na ang lahat ng mga
bata sa bayang iyon ay magalang.
Mga Tinalakay:

1 2 3 4
Katangian at Listahan ng mga
Kahulugan ng Elemento ng Karaniwang uri
Tekstong Nilalaman ng
Isang Tekstong ng Lihis na
Argumentatibo Mahusay na
Argumentatibo Pangangatwiran
Tekstong o Fallacy sa
Argumentatibo Ingles
Maraming Salamat sa
Pakikinig!

You might also like