You are on page 1of 5

Republic of the

Philippines
Department of
Education
Region VII, Central Visayas
Division of Cebu
ARGAO NATIONAL HIGH SCHOOL
Canbanua, Argao, Cebu
 (032) 485-0644 •  302985argaonhs@gmail.com

Paaralan: Argao National High School District: Argao I


Kwarter: 3rd Week: Week 5 & 6

Self - Learning Home Task (SLHT)

sa
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t
Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik

Tekstong Tesktong Argumentatibo Argumentatibo

1
Sa pang-araw araw nating pamumuhay, hindi man natin namamamalayan ay palagi
tayong nangangatwiran upang igiit ng sariling panig o kagustuhan. Sa bawat
pagkakataong ito ng pangangatwiran, humahanap tayo ng mga ebidensya at
gumagawa ng matibay na argumento upang maging matibay ang pangangatwiran.
Ang tekstong argumentatibo ay isang uri ng teksto na nangangailangang
pagtanggol ng manunulat ang posisyon sa isang tiyak na paksa o usapin gamit ang
mga ebidensya mula sa personal na karanasan, kaugnay na mga literatura at pag-aaral,
ebidensyang kasaysayan, at resulta ng empirikal na pananaliksik. Ang empirikal na
pananaliksikay tumutukoy sa pangongolekta ng datos sa pamamagitan ng
pakikipanayam, sarbey, at eksperimentasyon (De Laza 2019).
Dagdag pa ni Atanacio et 2016, ang tekstong argumentatibo ay nakatuon sa
layuning manghikayat sa pamamagitan ng pangangatwiran batay sa katotohanan o
lohika. Maaari itong tungkol sa pagtatanggol ng manunulat sa kaniyang paksa o panig
o pagbibigay ng kasalungat o ibang panig laban sa nauna, gamit ang mga ebidensya
mula sa kaniyang sariling karanasan, nabasa mula sa ibang teksto o akda, mga
halimbawa buhat sa kasaysayan, at pananaliksik na susuporta sa kaniyang mga
argumento.
Naglalayon itong hikayatin ang mambabasa na ibahin ang kanilang pananaw,
tanggapin, o sang-ayunan ang inilahad na panig, o hikayatin silang kumilos ayon sa
ipinararating na argumento.
Nangangailangan ang pagsulat ng tekstong argumentatibo ng masusing
imbestigasyon kabilang na ang pangongolekta at ebalwasyon ng mga ebidensya. Mula
nto ay paninindigan ang isang posisyon na isusulat sa maikli ngunit malaman na
paraan. Sa pamamagitan ng detalyadong pag-aaral sa paksa o isyu, mas nauunawaan
ang iba’t ibang pananaw o punto de bista at nakapipili ang mananaliksik ng posisyong
may matibay na ebidensya. Kailangang may malinaw na tesis at ginagabayan ng
lohikal na pangangatwiran ang tekstong argumentatibo, kahit pa ang ang pangunahing
layunin nito ay ipahayag ang opinyon ng manunulat sa isang tiyak na isyu.
Ilan sa mga halimbawa ng mga sulatin o akdang gumagamit ng tekstong
argumentatibo ang
• Tesis - Ang tesis o disertasyon ay isang dokumentong ipinasa bilang suporta sa kandidatura
para sa isang akademikong antas o propesiyonal na kwalipikasyon na nagpapakita ng
nasaliksik at natuklasan ng manunulat.

• Posisyong papel - Ang isang posisyong papel ay isang salaysay na naglalahad ng kuro-
kuro hinggil sa isang paksa at karaniwang isinulat ng may-akda o ng nakatukoy na entidad,
gaya ng isang partido pulitikal.

• Papel na pananaliksik - Ang pananaliksik o imbestigasyon ay ang "sistematikong


pagsusuri o pagsisiyasat ng isang paksa, pangyayari, at iba pa." Malikhain at sistematikong
gawain ang pananaliksik, na ginagawa upang lumawak ang kaalaman." Saklaw nito ang
2
pangongolekta, pag-oorganisa, at pagsusuri sa mga impormasyon para mapalawak pa nang
husto.

• Editoryal - Ang editoryal o pangulong-tudling ang pangunahing tudling ng kuru-kuro ng


isang pahayagan. Kumakatawan ito sa sama-samang paninindigan ng patnugutan ng
pahayagan kaya sinasabing kaluluwa ito ng publikasyon.

• Petisyon - pormal na kahilingang nakasulat, lalo na ang nilagdaan ng pangkat ng mga tao at
nananawagan sa may kapangyarihan para sa ilang kadahilanan.

Elemento ng Isang Tekstong Argumentatibo

Naiiba ang tekstong argumentatibo sa tekstong nanghihikayat dahil, batay ito sa


lohikal na pangangatwiran at suportado ng mga impormasyong hango sa pananaliksik
upang mapatunayan ang punto para manaig ang posisyon. Sa kabilang banda, ang
tekstong nanghihikayat naman ay kinakailangang makapanghimok sa pamamagitan ng
pag-apela sa damdamin.

Tekstong Nanghihikayat Tekstong Argumentatibo


• Nakabatay sa opinion • Nakabatay sa mga totoong
• Walang pagsasaalangalang sa ebidensya
kasalungat na pananaw • May pagsasaalang-alang sa
• Nanghihikayat sa pamamagitan kasalungat na pananaw
ng apela sa emosyon at • Ang panghihikayat ay
nakabatay ang kredibilidad sa nakabatay sa katwiran at mga
karakter ng nagsasalita, at hindi patunay na inilatag
sa merito ng • Nakabatay sa lohika
ebidensya at katwiran
• Nakabatay sa emosyon

Atanacio et al 2016

Pinakamahalagang elemento ng tekstong argumentatibo ang malinaw na paghahayag


ng tesis nito. Nilalagom sa tesis ang posisyon ng mayakda tungkol sa isang usapin na
sinusuportahan ng mga ebidensya na hindi bababa sa tatlong suportang detalye. Ito
3
ang magsisilbing argumento ng teksto. May mga pagkakataon na hindi ito tahasang
nakahayag bilang isang pangungusap ngunit ipinahihiwatig ng lahat ng suportang
pahayag tungkol dito.

Mahalagang kasanayan ng isang manunulat ang pagtukoy sa mga lihis na


pangangatwiran ng isnag argumento. Ang lihis na pangangatwiran ay isang estratehiya
sqa argumento upang malinlang ang katunggali upang hindi makita ang linaw at
katotohanan ng isang pahayag.

Listahan ng mga karaniwang uri ng Lihis na Pangangatwiran o Fallacy sa Ingles


1. Argumentum ad Hominem (argumento laban sa karakter)-lihis ang ganitong
uri ng pangangatwiran sapagkat nawawalan ng katotohanan ang argumento
dahil ang pinagtutuunan ay hindi ang isyu kundi ang kredibilidad ng taong
kausap.
Hal: Hindi dapat pinaniniwalaan ang sinasabi ng taong iyan dahil iba ang
kaniyang relihiyon at mukha siyang terorista.

2. Argumentum ad Baculum (Paggamit ng pwersa o pananakot) Hal: Sumanib


ka sa aming relihiyon kung hindi ay hindi ka maliligtas at masusunog sa dagat-
dagatang apoy.

3. Argumentum ad Misericordian (Paghingi ng awa o simpatya)-ang


pangangatwiran ay hindi nakasalig sa katatagan ng argumento kundi sa awa at
simpatya ng kausap.

4. Argumentum ad Numeram ( Batay sa dami ng naniniwal sa argumento) -ang


paninindigan sa katotohanan ng isnag argumento ay batay sa dami ng
naniniwala rito
Hal: Lahat naman ng tao ay nagsisinungaling kaya walang masama kung
magsinungaling paminsan-minsan.

5. Argumentum ad Igonarantian (batay sa kawalan ng sapat na ebidensya)-ang


proposiyon o pahayag ay pinaninindigan dahil hindi pa napatutunayan ang
kamalian nito at walang sapat na patunay kung mali o tama ang pahayag.
Hal: Kung wala nang tanong ang buong klase, ibig sabihin ay alam na alam na
nila ang aralin at handa na sila sa mahabang pagsusulit.

6. Cum Hoc ergo proper Hoc (batay sa pagkakaugnay ng dalawang


pangyayari)-ang pangangatwiran ay batay sa sabay na pangyayari; ang isa ay

4
dapat dahilan ng isa o may ugnayang sanhi at bunga agad ang dalawang
pangyayaring ito.
Hal: Masuwerte sa akin ang kulay pula. Sa tuwing nakapula ako ay laging
mataas ang benta ko.

7. Post Hoc ergo proper Hoc( batay sa pagkakasunod ng mga pangyayari) ang
pagmamatuwid ay batay sa magkakasunodsunod na pattern ng mga pangyayari,
ang nauna ay pinaniniwalaang dahilan ng kasunod na pangyayari
Hal: Tumilaok na ang manok. Ibig sabihin ay umaga na.

8. Non Sequitur (Walang Kaugnayan)-ang kongklusyon ay walang lohikal na


kaugnayan sa naunang pahayag.

9. Circular Reasoning (paikot-ikot na pangangatwiran)-paulit-ulit ang pahayag


at walang malinaw na punto

10.Hasty Generalization ( padalos-dalos na paglalahat)- paggawa ng panlahatang


pahayag o konklusyon batay lamang sa iilang patunayo katibayang may
kinikilingan.

Katangian at Nilalaman ng Mahusay na Tekstong Argumentatibo 


Mahalaga at napapanahong paksa.
• Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa tesis sa unang talatang
teksto.
• Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi ng teksto
• Maayos na pagkakasunod-sunod ng talatang naglalamanng mga ebidensya ng
argumento
• Matibay na ebidensyang para sa argumento.

You might also like