You are on page 1of 5

SELF-LEARNING HOME TASK (SLHT)

Asignatura: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


Taon: 11 Kwarter: Ikatlo Linggo: 6
MELC: Kowd:
- Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng tekstong arumentatibo F11PS-IIIB-91
- Nakasusulat ng isang halimbawang tekstong Argumentatibo F11PU-IIIb-89
- Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa F11PB-IIId-99
sarili, pamilya, komunidad, bansa, at daigdig
I. Paglalahad ng Aralin/ Mga Nilalaman

Tekstong Argumentatibo
Sa pang-araw araw nating pamumuhay, hindi man natin namamamalayan ay palagi tayong
nangangatwiran upang igiit ng sariling panig o kagustuhan. Sa bawat pagkakataong ito ng
pangangatwiran, humahanap tayo ng mga ebidensya at gumagawa ng matibay na argumento upang
maging matibay ang pangangatwiran.
Ang tekstong argumentatibo ay isang uri ng teksto na nangangailangang pagtanggol ng manunulat
ang posisyon sa isang tiyak na paksa o usapin gamit ang mga ebidensya mula sa personal na karanasan,
kaugnay na mga literatura at pag-aaral, ebidensyang kasaysayan, at resulta ng empirikal na pananaliksik.
Ang empirikal na pananaliksikay tumutukoy sa pangongolekta ng datos sa pamamagitan ng
pakikipanayam, sarbey, at eksperimentasyon (De Laza 2019).
Dagdag pa ni Atanacio et 2016, ang tekstong argumentatibo ay nakatuon sa layuning manghikayat sa
pamamagitan ng pangangatwiran batay sa katotohanan o lohika. Maaari itong tungkol sa pagtatanggol ng
manunulat sa kaniyang paksa o panig o pagbibigay ng kasalungat o ibang panig laban sa nauna, gamit
ang mga ebidensya mula sa kaniyang sariling karanasan, nabasa mula sa ibang teksto o akda, mga
halimbawa buhat sa kasaysayan, at pananaliksik na susuporta sa kaniyang mga argumento.
Naglalayon itong hikayatin ang mambabasa na ibahin ang kanilang pananaw, tanggapin, o sang-
ayunan ang inilahad na panig, o hikayatin silang kumilos ayon sa ipinararating na argumento.
Nangangailangan ang pagsulat ng tekstong argumentatibo ng masusing imbestigasyon kabilang na
ang pangongolekta at ebalwasyon ng mga ebidensya. Mula nto ay paninindigan ang isang posisyon na
isusulat sa maikli ngunit malaman na paraan. Sa pamamagitan ng detalyadong pag-aaral sa paksa o isyu,
mas nauunawaan ang iba’t ibang pananaw o punto de bista at nakapipili ang mananaliksik ng posisyong
may matibay na ebidensya. Kailangang may malinaw na tesis at ginagabayan ng lohikal na
pangangatwiran ang tekstong argumentatibo, kahit pa ang ang pangunahing layunin nito ay ipahayag ang
opinyon ng manunulat sa isang tiyak na isyu.
Ilan sa mga halimbawa ng mga sulatin o akdang gumagamit ng tekstong argumentatibo ang
 Tesis
 Posisyong papel
 Papel na pananaliksik
 Editoryal
 Petisyon
Elemento ng Isang Tekstong Argumentatibo

Naiiba ang tekstong argumentatibo sa tekstong nanghihikayat dahil, batay ito sa lohikal na
pangangatwiran at suportado ng mga impormasyong hango sa pananaliksik upang mapatunayan ang
punto para manaig ang posisyon. Sa kabilang banda, ang tekstong nanghihikayat naman ay
kinakailangang makapanghimok sa pamamagitan ng pag-apela sa damdamin.

Tekstong Nanghihikayat Tekstong Argumentatibo


 Nakabatay sa opinyon  Nakabatay sa mga totoong ebidensya
 Walang pagsasaalang-alang sa kasalungat na  May pagsasaalang-alang sa
pananaw kasalungat na pananaw
 Nanghihikayat sa pamamagitan ng apela sa  Ang panghihikayat ay nakabatay sa
emosyon at nakabatay ang kredibilidad sa katwiran at mga patunay na inilatag
karakter ng nagsasalita, at hindi sa merito ng  Nakabatay sa lohika
ebidensya at katwiran

1
 Nakabatay sa emosyon
Atanacio et al 2016
Pinakamahalagang elemento ng tekstong argumentatibo ang malinaw na paghahayag ng tesis nito.
Nilalagom sa tesis ang posisyon ng may-akda tungkol sa isang usapin na sinusuportahan ng mga
ebidensya na hindi bababa sa tatlong suportang detalye. Ito ang magsisilbing argumento ng teksto. May
mga pagkakataon na hindi ito tahasang nakahayag bilang isang pangungusap ngunit ipinahihiwatig ng
lahat ng suportang pahayag tungkol dito.

Mahalagang kasanayan ng isang manunulat ang pagtukoy sa mga lihis na pangangatwiran ng isnag
argumento. Ang lihis na pangangatwiran ay isang estratehiya sqa argumento upang malinlang ang
katunggali upang hindi makita ang linaw at katotohanan ng isang pahayag.
Listahan ng mga karaniwang uri ng Lihis na Pangangatwiran o Fallacy sa Ingles
1. Argumentum ad Hominem (argumento laban sa karakter)-lihis ang ganitong uri ng pangangatwiran
sapagkat nawawalan ng katotohanan ang argumento dahil ang pinagtutuunan ay hindi ang isyu
kundi ang kredibilidad ng taong kausap.
Hal: Hindi dapat pinaniniwalaan ang sinasabi ng taong iyan dahil iba ang kaniyang relihiyon at
mukha siyang terorista.
2. Argumentum ad Baculum (Paggamit ng pwersa o pananakot)
Hal: Sumanib ka sa aming relihiyon kung hindi ay hindi ka maliligtas at masusunog sa dagat-
dagatang apoy.
3. Argumentum ad Misericordian (Paghingi ng awa o simpatya)-ang pangangatwiran ay hindi
nakasalig sa katatagan ng argumento kundi sa awa at simpatya ng kausap.
4. Argumentum ad Numeram ( Batay sa dami ng naniniwal sa argumento) -ang paninindigan sa
katotohanan ng isnag argumento ay batay sa dami ng naniniwala rito
Hal: Lahat naman ng tao ay nagsisinungaling kaya walang masama kung magsinungaling
paminsan-minsan.
5. Argumentum ad Igonarantian (batay sa kawalan ng sapat na ebidensya)-ang proposiyon o
pahayag ay pinaninindigan dahil hindi pa napatutunayan ang kamalian nito at walang sapat na
patunay kung mali o tama ang pahayag.
Hal: Kung wala nang tanong ang buong klase, ibig sabihin ay alam na alam na nila ang aralin at
handa na sila sa mahabang pagsusulit.
6. Cum Hoc ergo proper Hoc (batay sa pagkakaugnay ng dalawang pangyayari)-ang pangangatwiran
ay batay sa sabay na pangyayari; ang isa ay dapat dahilan ng isa o may ugnayang sanhi at bunga
agad ang dalawang pangyayaring ito.
Hal: Masuwerte sa akin ang kulay pula. Sa tuwing nakapula ako ay laging mataas ang benta ko.
7. Post Hoc ergo proper Hoc( batay sa pagkakasunod ng mga pangyayari) ang pagmamatuwid ay
batay sa magkakasunod-sunod na pattern ng mga pangyayari, ang nauna ay pinaniniwalaang
dahilan ng kasunod na pangyayari
Hal: Tumilaok na ang manok. Ibig sabihin ay umaga na.
8. Non Sequitur (Walang Kaugnayan)-ang kongklusyon ay walang lohikal na kaugnayan sa naunang
pahayag.
9. Circular Reasoning (paikot-ikot na pangangatwiran)-paulit-ulit ang pahayag at walang malinaw na
punto
10. Hasty Generalization ( padalos-dalos na paglalahat) paggawa ng panlahatang pahayag o
konklusyon batay lamang sa iilang patunayo katibayang may kinikilingan.
Katangian at Nilalaman ng Mahusay na Tekstong Argumentatibo
 Mahalaga at napapanahong paksa.
 Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa tesis sa unang talatang teksto.
 Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi ng teksto
 Maayos na pagkakasunod-sunod ng talatang naglalamanng mga ebidensya ng argumento
 Matibay na ebidensyang para sa argumento.
Mga Paalala sa Pagsulat ng Tekstong Argumentatibo
Ang pinakasimple at diretso sa puntong balangkas ng tekstong argumentatibo ay binubuo ng
limang bahagi.Una, ang introduksyon pa lang ay makukuha na ang atensiyon at interes ng mambabasa
tungkol sa paksa, bahagi pa rin sa introduksyon ang pagbibigay ng pang-unang impormasyon sa
mambabasa para lubusan nilang maunawaan ang nilalaman ng isusulat , katawan ng teksto ang tig-
iisang talakay ng bawat ebidensya-dito tatalakayin ang bawat ebidensyang sumusuporta sa argumento, at
panghuli ang kongklusyon. Maglaan ng isang bahagi para sa pagtalakay ng bawat ebidensya. Sa

2
pagtalakay ng bawat ebidensya y kinakailangan pa ring magtampok ng pamaksang pangungusap at
maayos na suportang detalye. Panghuli ay ang konklusyon ng teksto upang lagumin ang mga
pangunahing punto upang muling ipaalala sa mga mambabasa.
II. Mga Gawain
Gawain 1
Panuto: Ibigay ang sariling ideya sa mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
1. Ano ang kahalagahan ng tekstong argumentatibo sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat
indibidwal?
2. Ano ang kaibahan ng tekstong Nanghihikayat sa tekstong Argumentatibo?
3. Paano naiiba ang tekstong argumentatibo sa iba pang teksto batay sa kayarian nito?
4. Paano nakatutulong ang pangangalap ng ebidensya sa pagbuo ng tekstong argumentatibo?
5. Sa anong pagkakataon magagamit mo ang katangian ng tekstong Argumentatibo?
Gawain 2
Panuto: Basahing mabuti ang halimbawang editoryal at suriin pagkatapos. Isulat ang sagot sa kuwaderno.

EDITORYAL - Bakuna ng Russia


(Pilipino Star Ngayon ) - September 13, 2020 - 12:00am
Mabilis ang mga Ruso sa paggawa ng bakuna laban sa COVID-19 at hindi nila ito ipagkakait sa mga
bansa kapag naaprubahan. Isa ang Pilipinas sa mga bansa na unang makikinabang sa bakuna kapag
pinayagan na. At hindi lamang ito, ayon kay Russian Ambassador Igor Khovaev, ang Pilipinas ay magiging
Southeast Asian hub para sa produksiyon ng kanilang bakuna. Sinabi ni Khovaev na ang ang Russia pa
lamang ang tanging bansa sa buong mundo na nag-offer na dito sa Pilipinas magpo-produce ng bakuna
na tatawaging SPUTNIK V.
Sabi pa ng ambassador, nasa ikatlo at huling phase na ang trial ng SPUTNIK V at maaaprubahan na ito.
Magsasagawa rin ng trial dito sa susunod na linggo, ayon pa kay Khovaev. Bukod sa Pilipinas, nagkaroon
na rin ng clinical trial ang SPUTNIK sa Brazil, Saudi Arabia at United Arab Emirates (UAE). Isang Pinoy
ang nakasama sa trial sa UAE at ayon dito wala siyang kakaibang nararamdaman mula nang bakunahan.
Ayon sa Pinoy, pumayag siyang sumali sa trial para malaman ang magiging epekto at nang tuluyan nang
malabanan ang coronavirus. Kung wala raw maglalakas ng loob para sumali sa trial, paaano malalaman
ang bisa nito.
Magandang balita nga kung dito ipo-produce ang SPUTNIK V. Ibig sabihin malaki ang pagnanais ng
Russia na maipamahagi ang kanilang teknolohiya. Hindi raw sila basta pupunta sa Pilipinas para ibenta
ang kanilang bakuna at pagkatapos ay aalis na. Hindi raw ganito ang kanilang panuntunan kaya nilikha
ang SPUTNIK. Sabi pa ng ambassador, sa kasalukuyan, 40 bansa na ang nakiki-cooperate sa Russia
para labanan ang COVID-19.
Idinagdag ng ambassador na bagama’t marami ang nagdududa sa kanilang bakuna, inaanyayahan nila
ang mga ito na sumali sa joint clinical trials para malaman kung gaano ito kaepektibo.
Maraming bansa ang nag-produce ng kanilang bakuna, at tanging ang Russia ang masugid na nag-aalok
sa Pilipinas. Tama ang ambassador na sila lamang sa buong mundo ang bansang nag-alok sa Pilipinas.
Ibig lamang sabihin, may matibay na ugnayan ang Russia at Pilipinas.
Sana nga maging mabilis ang huling clinical trial ng SPUTNIK at nang maaprubahan na agad ng
regulatory board ng FDA. Tanging ang bakuna lamang magpapabalik sa normal na buhay ng mga tao sa
buong mundo. Kung walang bakuna, hindi gagalaw ang ekonomiya, patay ang negosyo sapagkat
maraming natatakot at nangangamba.

Suriin ang mga sumusunod:


 Tesis :____________________________________________________________
 Unang Argumento
_________________________________________________________________
Mga suportang detalye o karagdagang impormasyon
____________________________________________________________
 Ikalawang Argumento
_________________________________________________________________
Mga suportang detalye o karagdagang impormasyon
____________________________________________________________

3
 Konklusyon
_________________________________________________________________

III. Pagtataya/Tayahin
PANUTO: Lagyan ng ekis (X) ang mga pahayag na nagsasabi ng katotohanan at tsek (/) naman kung ito ay mali. Isulat
ang sagot sa iyong kuwaderno.
1. Ang pagbibigay ng sariling opinyon ay magagawa sa pamamagitan ng paglalarawan o pagbibigay-deskripsyon
sa mga bagay o paksa.
2. Isa sa kailangang tandaan sa pagbibigay ng matibay na argumento ay ang pagiging subhektibo ng manunulat.
3. Hihina ang pagbibigay ng argumento kung walang inilalahad na mga ebidensya o pansuportang impormasyon
ang manunulat.
4. Kailangan ng masinsinang pag-aaral at paghihimay-himay ng mga datos upang maging malinaw at malakas ang
mga argumento.
5. Ikaw ay naatasang bumuo ng mga argumento tungkol sa isang isyu dahil mayroon kayong pagdedebate,
mahalagang malaman mo ang mga opinyon ng mga kasama mo upang maging batayan ito ng iyong mga
argumento.
6. Isa sa mga katangian ng isang mahusay na pagsulat ng mga argumento ay ang pagiging mabulaklak nito sa mga
pahayag gaya ng pagbuo ng mga pangungusap gamit ang mga tayutay at mga idyoma upang mahikayat ang
mambabasa.
7. Malaki ang kinalaman ng kahandaan ng isang manunulat tungkol sa kanyang nalalaman sa isang isyu kung
papaano niya epektibong maiisa-isa ang mga argumento nito.
8. Ang pagiging matapat, simple, may direksyon, at maayos na balangkas ang ilan sa mga katangian ng tekstong
nagpapahayag ng matibay na argumento.
9. Mahalagang tandaan na ang mga talata sa pagsulat na may argumentong perspektibo ay magkakaugnay, may
paninidigan, at malinaw na pagkakahanay ng mga ideya ng manunulat.
10. Ang mga kakailanganin sa pagsulat ng tekstong may mga argumentong kaisipan ay impormasyon tungkol sa
isyu, wastong balangkas ng pagsulat, at direksyon sa konstruktibismong pamamaraan.
11. Ang mga dapat iwasan sa pagsulat ng tekstong naglalahad ng mga argumento ay ang pagbibigay ng mga
mahihinang batayan tungkol sa isyu, paggamit ng maraming mga deskripsyon, pagkawala ng direksyon ng mga
talata, at hindi pagsunod sa kayarian nito.
12. Upang maging malinaw sa mga mambabasa ang mga argumentong tinatalakay sa isang teksto, kailangang
maging maayos ang mga pangungusap, bantas, wasto ang paggamit ngmga salita at tama rin ang gramatika.
13. Si G. Pedro Penduco ay isang guro. Naisip niyang magpagawa ng tekstong naglalahad ng mga argumento ang
kanyang mga mag-aaral. Nagbigay siya napapanahong paksa na magiging batayan sa pagsulat ng mga mag-
aaral. Mas maraming paksa, mas maraming maipapaliwanag sa iisang sulatin.
14. Naatasan kang sumulat ng isang editoryal. Ito ay isang sulatin na ginagawa sa mga pahayagan tungkol sa
boses nito sa mga napapanahong isyo. Ito ay maikokonsidera ng nasa mga uri ng sulatin na naglalahad ng mga
matitibay na argumento.
15. Ang isang argumento ay masasabing mahina kung ito ay nakabatay lamang sa opinyon din ng iba.
Orbiso 2020
IV. Karagdagang Babasahin/Kasunduan/Takdang Aralin (Performance Task)

Panuto: Sumulat ng isang tekstong argumentatibo sa napapanahong isyo. Gamitin ang halimbawang balangkas
upang magsilbing gabay sa pagsasaayos ng isusulat na teksto.
 Paraan ng pagsisimula ng teksto:
 Tesis:
 Unang Argumento
Mga suportang detalye o karagdagang impormasyon
 Ikalawang Argumento
Mga suportang detalye o karagdagang impormasyon
 Konklusyon
V. Sanggunian
Atanacio, Heidi C. 2016. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Quezon City: C & E
Publishing House.
De Laza, Crizel S. 2019. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.Manila: Rex Book
Obiso, Jerson Jhon. 2020. www.academia.edu.

4
https://www.academia.edu/43343022/MODYUL_2_Tekstong_Argumentatibo. January 3,2020

Inihanda ni:
MILDRED A. CORALAT

You might also like