You are on page 1of 2

Ang Tekstong Argumentatibo

Sa nakalipas na aralin, nalaman natin na ang isang tekstong nangungumbinsi ng mambabasa na tanggapin
ang punto ng may-akda ay tinatawag na tekstong persuweysib. Subhetibo ang ton ng isang tekstong persuweysib
sapagkat nakabatay ito sa damdamin at opinyon ng manunulat. Sa araling ito ay tatalakayin natin ang tekstong
argumentatibo na naglalayon ding kumbinsihin ang mambabasa ngunit hindi lamang ito nakabatay sa pinyon o
damdamin ng manunulat, batay ito sa datos o impormasyong inilatag ng manunulat. Sa tatlong paraan ng
pangungumbinsi- ethos, pathos, at logos, ginagamit ng tekstong argumentatibo ang logos. Upang makumbinsi ang
mambabasa, inilalahad ng may-akda ang mga argumento, katwiran, at ebidensiyang nagpapatibay ng kanyang
posisyon o punto.

Hindi nagkakalayo ang tekstong argumentatibo at persuweysib, kapwa ito nangungumbinsi o nanghihikayat.
Gayumpaman, may pagkakaiba rin ang mga ito.Suriin ang talahanayan sa ibaba:

Tekstong Argumentatibo Tekstong Persuweysib

Nangungumbinsi batay sa datos o impormasyon Nangungumbinsi batay sa opinyon


Nakahihikayat dahil sa merito ng mga ebidensiya Nakahihikayat sa pamamagitan ng pagpukaw ng
Obhetibo emosyon ng mambabasa at pagpokus sa
kredibilidad g may-akda
Subhetibo

Isiping ang pagsulat ng isang tekstong argumentatibo ay parang pakikipagdebate nang pasulat na bagama't may
isang panig na pinatutunayan at nais panindigan ay inilalatag pa rin ang mga katwiran at ebidensiya ny kabiling
panig.

Hakbang sa Pagsulat n Tekstong Argumentatibo

1. Pumili ng paksang isusulat a angkop para sa tekstong argumentatibo.

Halimbawa: Ang pagpapatupad ng K to 12 Kurikulum

2. Itanong sa sarili kung ano ang panig na nais mong panindigan at ano ang

mga dahilan mo sa pagpanig dito.

3. Mangalap ng ebidensiya. Ito ay ang mga impormasyon o datos na susuporta

sa iyong posisyon.
4. Gumawa ng borador (draft).

Unang talata: Panimula

Ikalawang talata: Kaligiran o ang kondisyon o sitwasyong nagbibigay-dan sa paksa.

Ikatlong talata: Ebidensiyang susuporta sa posisyon. Maaaring magdagdag ng talata kung mas maraming
ebidensiya.

Kaapat na talata: Counterargument. Asahan mong may ibang mambabasang hindi sasang-ayon sa iyong
argumento kaya ilahad dito ang iyong mga lohikal na dahilan kung bakit ito ang iyong posisyon.

kalimang talata: Unang kongklusyon na lalagom sa iyong isinulat

Ikaanim na talata: Ikalawang kongklusyon na sasagot sa tanong na ano ngayon kung yan ang iyong
posisyon?"

5. Isulat na ang draft o borador ng iyong tekstong argumentatibo.

6. Basaching muli ang isinulat upang maiwasto ang mga pagkakamali sa gamit ng wika at mekaniks.

7. Muling isulat ang iyong teksto taglay ang anumang pagwawasto, Ito ang magiging pinal na kopya.

You might also like