You are on page 1of 18

TEKSTONG

ARGUMENTATI
BO
Aralin: 6
Ang tekstong argumentatibo ay isang uri ng teksto
na ang pangunahing layunin ay makapaglahad ng
katuwiran. Sa tekstong ito, ang manunulat ay
kailangang maipagtanggol ang kaniyang posisyon
sa paksa o isyung pinag-uusapan. Kinakailangang
may matibay na ebidensya ang manunulat upang
mapatunayan ang katotohanan ng kaniyang
ipinaglalaban. Ang ilan sa mga ebidensya na
pwede niyang gamitin ay sariling karanasan,
kasaysayan, kaugnay na mga literatura, at resulta
ng empirikal na pananaliksik.
Heto ang ilang mga halimbawa ng
Tekstong Argumentatibo:

•Tesis
•Posisyong Papel
•Papel na Pananaliksik
•Editoryal (nababasa karaniwan sa bahaging
editoryal ng mga magasin at dyaryo)
Petisyon
•Debate (pakikipagtalo na maaaring nakasulat o
binibigkas gaya ng Balagtasan)
Hakbang sa Pagsulat ng
Tekstong Argumentatibo
1.Pumili ng paksang isusulat na angkop para
sa tekstong argumentatibo.
Halimbawa: Ang pagpapatupad ng K to 12
Kurikulum
2.Itanong sa sarili kung ano ang panig na
nais mong panindigan at ano ang mga
dahilan mo sa pagpanigdito.

3.Mangalap ng ebidensya. Ito ay ang mga


impormasyon o datos na susuporta sa iyong
posisyon.
4.Gumawa ng burador (draft).

•Unang talata: Panimula


•Ikalawang talata: Kaligiran
•Ikatlong talata: Ebidensyang susuporta sa
posisyon. Maaaring magdagdag pa ng talata
kungmaraming ebidensya.
•Ikaapat na talata: Counter argument.
Asahan mong mayroong ibang
mambabasa na hindisasang-ayon sa
iyong argumento kaya ilahad dito ang
iyong mga lohikal na dahilan kungbakit
iyon ang iyong posisyon.
•Ikalimang talata: Unang kongklusyon
na lalagom sa iyong sinulat.
•Ikaanim na talata: Ikalawang konglusyon na
sasagot sa tanong na “E” ano ngayon kung
‘yanang iyong posisyon?”
5.Isulat na ang draft ng iyong tekstong
argumentatibo.

6.Basahing muli ang isinulat upang maiwasto ang


mga pagkakamali sa wika at mekaniks.

7.Muling isulat ang iyong teksto taglay ang


anumang pagwawasto. Ito ang magiging pinal na
kopya.
May dalawang elemento ang
pangangatwiran, ito ay ang
proposisyon at argumento.
Proposisyon
Ayon kay Melania L. Abad (2004) sa “Linangan: Wika at
Panitikan”, ang proposisyon ay ang pahayag na inilalatag
upang pagtalunan o pag-usapan. Ito ay dapat
mapagkasunduan bago magsimula ang pagbibigay ng
argumento ng dalawang panig. Kung walang itatakdang
proposisyon, magiging mahirap ang pangangatwiran
sapagkat hindi magkakaisa sa mga batayan ng isyu ang
dalawang panig. Sa ibaba, iyong mababasa ang ilan sa mga
halimbawa ng proposisyon.
Argumento
Ang argumento ay ang pangalawang elemento
ng pangangatuwiran. Ito ay ang pagpapahayag
ng mga dahilan at ebidensya upang
maipagtanggol ang katuwiran ng isang panig.
Ang nangangatwiran ay kailangang may sapat
na kaalaman sa proposisyon upang
makapaglahad ng mahusay na argumento.
Katangian at Nilalaman ng
Mahusay na Tekstong
Argumentatibo
Mahalaga at napapanahon ang paksa

Ang pagpili ng paksa sa tekstong


argumentatibo ay napakahalaga dahil dito
iikot ang buong diskusyon. Kapag pumipili
ng paksa, dapat isaalang-alang kung ito ba
ay napapanahon sa mga isyu o kaganapan
sa lipunan.
Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa
tesis sa unang talata ng teksto

Sa unang talata, dapat ipaliwanag ng mabuti ng


manunulat ang buong konteksto ng paksa sa
pamamagitan ng pagtatalakay nito sa pangkalahatan.
Makikita rin sa bahaging ito ang kahalagahan ng
paksa at kung bakit kailangang makialam ng
mambabasa sa nasabing isyu.
Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng
mga bahagi ng teksto

Transisyon ang magpapatibay ng pundasyon ng isang


teksto. Ito rin ang nagbibigay ng koneksyon sa pagitan ng
mga kaisipan sa bawat talata. Kung walang lohikal na
pagkakaayos ng kaisipan, maaring hindi makasunod ang
mambabasa sa argumento at hindi maging epektibo ang
kabuuan ng teksto. Ang transisyon ay nakakatulong din
upang ibuod ang ediya ng naunang bahagi ng teksto at
magbigay ng introduksyon sa susunod na bahagi.
Maayos ang pagkakasunud-sunod ng mga talatang
naglalaman ng mga ebidensya ng argumento

Ang nilalaman ng bawat talata ay dapat umiikot sa iisang


pangkalahatang ideya lamang. Ito ang magbibigay ng linaw
at direksyon sa buong teksto. Upang magkaroon ng
kaayusan, kinakailangan ding isaalang-alang ang lohikal na
koneksyon sa bawat talata. Dagdag pa, ang pagkakaroon ng
maikli ngunit malaman na talata ay makakatulong upang
mas maintindihan ng mambabasa ang teksto.
Matibay na ebidensya para sa argumento

Ang tekstong argumentatibo ay kinakailangang


maging detalyado, tumpak at napapanahon ang
impormasyon. Sa pagkakaroon ng matibay na
ebidensya, masisigurado ng manunulat ang
katotohanan ng kaniyang sinulat na argumento.

You might also like