You are on page 1of 3

BANGHAY-ARALIN FILIPINO 11

I. Layunin

Sa loob ng 60 minuto na talakay na sa mag-aaral ang inaasahan na matatamo sa diskusyon:

 nakapagbibigay ng kahulugan at layunin ng Tekstong Argumentatibo


 nabibigyang-halaga ang gamit ng Tekstong Argumentatibo sa pang-araw-araw
 nakapagsusulat ng isang halimbawa ng Tekstong Argumentatibo

II. Paksang Aralin

Paksa: Tekstong Argumentatibo (Kahulugan at Layunin)

Kagamitan: Laptop at Prodyektor

Sanggunian: Kahulugan ng Tekstong Argumentatibo. (n.d.). PPT.


https://www.slideshare.net/dchuy123/kahulugan-ng-tekstong-argumentatibo

III. Pamamaraan

1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pag-tsek ng lumiban sa klase
4. Pagbabalik sa aral sa nakaraang aralin

A. GAWAIN (Activity)

Paglalahad ng Aralin: Video Presentation

 Ipanood sa kanila ang isang video na may pamagat “Paggamit ng mga Hayop sa
Pananaliksik ng Makabagong Gamot”.

 Pagkatapos ng video ay ipanood ang isang slide presentation ukol sa paksang pinanood na
naglalahad ng tekstong argumentatibo.

B. PAGSUSURI (Analysis)

Talakayin:

a) Ano-ano ang nilalaman ng video at ng lathain na nabasa?

b) Paano napanindigan ng video/lathain ang nais nitong mapabatid sa manonod?.

c) Ano-ano ang mga datos o impormasyon na ibinigay upang mahikayat ang


manood/mambabasa?

d) Bakit mahalaga ang pagbibigay ng datos o impormasyon upang mahikayat ang


mambabasa/manonod?

 Ipaliwanag na ang tekstong napanood/nabasa ay halimbawa ng tesktong argumentatibo.


C. Paghahalaw at Paghahambing (ABSTRACTION AND COMPARISON)

Magpakita ng Venn diagram na naglalahad ng ugnayan Tekstong Argumentatibo at Tekstong


Persuweysib.

Itanong:

Batay sa Venn diagram, ano ang tekstong arguemntatibo?

D. Paglalapat (APPLICATION)

Pangkatang Gawain:

Balikan ang mga paksang ginamit sa pagganyak.

 Bawat pangkat ay magkakaroon ng brainstorming upang makapagsulat ng isang tekstong


argumentatibo.

 Maaring silang bigyan ng outline sa magiging bahagi ng kanilang tekstong argumentatibo


tulad ng nasa sa ibaba.

 Ipaalala ang mga dapat tandaan sa isang pangkatang gawain tulad ng pagtutulungan at
paggalang sa opinyon ng kapwa miyembro. Panatilihin din ang kaayusan at kalakasan ng
boses habang nagtatalakayan.

Paksa/Pamagat:
Unang Talata Panimula
Ikalawang Talata Kaligiran
Ikatlong Talata Ebidensiyang susuporta sa posisyon.

( Maaring magdagdag ng maraming talata kung maraming ebidensya.)


Ikaapat na Talata Counter-Argument

(Ilahad ang lohikal na dahilan na sasagot sa mga hindi sasang-ayon sa


iyong argumento)
Ikalimang Talata Unang Konklusyon
Ikaanim na Talata Ikalawang konklusyon na sasagot sa tanong na,

“E ano ngayon kung ‘yan ang iyong posisyon?”

 Bawat pangkat ay pipili ng reporter na magbabasa ng kanilang naisulat na tekstong


argumentatibo.

 Bigyang ang mga mag-aaral ng pagkakataon na magbigay ng puna o suhestiyon sa mga


nabasang teksto.

E. Paglalahat (Generalization)

Itanong:

 Ano ang tekstong argumentatibo?

 Bakit sinabing hindi nagkakalayo ang tekstong argumentatubo at tekstong persuwaysib?


 Bakit mahalaga ang mga tekstong argumentatibo sa mga usaping panlipunan?

F. Pagtataya

Ibigay ang mga sumusunod na paksa at hayaan ang mga mag-aaral na pumili ng isa upang
gawan ng tekstong argumentatibo.

Diborsyo

NCoV

Fake News

Paghahanda sa Kalamidad

Teenage Pregnancy

G. Kasunduan

Mangalap sa mga lumang diyaryo na may mga tekstong argumentatibo at basahin ito sa
susunod na pagkikita.

You might also like