You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Filipino 11

I. Layunin

Pamantayang Pangnilalaman:
· Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa sarili, pamilya,
lomunidad, bansa at daigdig.

Pamantayan sa Pagganap:
· Nasusuri ang kalikasan, katangian at anyo ng iba’t ibang teksto.
Mga Kasanayang Pampagkatuto:
Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa (F11PB-IIIa-98)
Batayang Kasanayan:
· Nalilinang ang ksanayan at kaalaman sa proseso ng pagsulat
· Nakasusulat ng isang payak at masining na tekstong argumentatibo
Nauunawaan ang mga pamantayan sa pagsulat ngtekstong argumentatibo’
· Naiuugnay ang mga kaisipang nakikita at napakinggan sa sariling karanasan

II. Paksang-Aralin

A. Pagsulat ng Tekstong Argumentatibo

B. Dayag, Alma M., del Rosario, Mary Grace G.(2016). Pinagyamang Pluma. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t
Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. QC:Phoenix Publishing House, pp. 89-111

C. Chart, TV, Laptop, Manila paper

D. Pagtutulungan/Paggalang sa Opinyon ng Iba


III. Pamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagganyak
Laro: Charade
· Pangkatin ang mga lalake at babae.
· Ang dalawang pangkat ay pipili ng isang miyembro na bubunot ng papel kung saan nakasulat ang
mga isyung panlipunan (korapsyon, aborsyon, atbp) na maaring maging paksa sa pagsulat ng tekstong
argumentatibo.
· Bawat pangkat ay bibigyan ng isang minuto upang iarte ang nabunot na paksa.
· Ang pangkat na may pinakamaraming tamang sagot ay siyang panalo sa laro.
· Pagkatapos ng laro talakayin ang mga sumusunod na tanong:
1. Ano-ano ang mga salitang pinahuluaan sa laro?
2. Mahalaga ba itong pag-usapan at bigyang-pansin bilang mag-aaral? Bakit?
3. Kung ikaw ay nasa kinauukulan, ano-ano ang maaring gawin sa mga maiinit na paksang ito?
B. Panlinang na Gawain
1. Gawain (ACTIVITY)
a. Paglalahad ng Aralin: Video Presentation
· Ipanood sa kanila ang isang video na may pamagat “Paggamit ng mga Hayop sa Pananaliksik ng
Makabagong Gamot”.
· Pagkatapos ng video ay ipanood ang isang slide presentation ukol sa paksang pinanood na
naglalahad ng tekstong argumentatibo.
2. Pagsusuri (ANALYSIS)
· Talakayin:
a) Ano-ano ang nilalaman ng video at ng lathain na nabasa?
b) Paano napanindigan ng video/lathain ang nais nitong mapabatid sa manonod?.
c) Ano-ano ang mga datos o impormasyon na ibinigay upang mahikayat ang manood/mambabasa?
d) Bakit mahalaga ang pagbibigay ng datos o impormasyon upang mahikayat ang
mambabasa/manonod?
· Ipaliwanag na ang tekstong napanood/nabasa ay halimbawa ng tesktong argumentatibo.
. Paghahalaw at Paghahambing (ABSTRACTION AND COMPARISON)

Magpakita ng Venn diagram na naglalahad ng ugnayan Tekstong Argumentatibo at Tekstong


Persuweysib.

Itanong:
Batay sa Venn diagram, ano ang tekstong arguemntatibo?
4. Paglalapat (APPLICATION)
Pangkatang Gawain:
Balikan ang mga paksang ginamit sa pagganyak.
· Bawat pangkat ay magkakaroon ng brainstorming upang makapagsulat ng isang tekstong
argumentatibo.
· Maaring silang bigyan ng outline sa magiging bahagi ng kanilang tekstong argumentatibo tulad ng
nasa sa ibaba.
Ipaalala ang mga dapat tandaan sa isang pangkatang gawain tulad ng pagtutulungan at paggalang sa
opinyon ng kapwa miyembro. Panatilihin din ang kaayusan at kalakasan ng boses habang
nagtatalakayan.
5. Paglalahat (Generalization)
Itanong:
· Ano ang tekstong argumentatibo?
· Bakit sinabing hindi nagkakalayo ang tekstong argumentatubo at tekstong persuwaysib?
· Bakit mahalaga ang mga tekstong argumentatibo sa mga usaping panlipunan?
IV. Pagtataya
Ibigay ang mga sumusunod na paksa at hayaan ang mga mag-aaral na pumili ng isa upang gawan ng
tekstong argumentatibo.
Diborsyo
NCoV
Fake News
Paghahanda sa Kalamidad
Teenage Pregnancy
V. Kasunduan
Mangalap sa mga lumang diyaryo na may mga tekstong argumentatibo at basahin ito sa susunod na
pagkikita.

You might also like