You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Caraga Administrative Region
Division of Surigao del Sur
MATHO INTEGRATED SCHOOL

BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO FILIPINO XI


(Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto tungo sa Pananaliksik)

Nilalaman : Mga Uri ng Teksto


Pamantayang Pangnilalaman: Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa
kaugnayan nito sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig.
Pamantayan sa Pagganap : Nasusuri ang kalikasan, katangian at anyo ng iba’t ibang teksto
Kasanayang Pampagkatuto : Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa.
Koda : F11 PB – IIIa - 98
I. Layunin
Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod;

a. Naipaliliwanag ang mga katangian ng tekstong impormatibo at ang ikinaiba nito sa ibang
uri;
b. Natutukoy ang mga uri ng tekstong impormatibo;
c. Nakapagbibigay ng halimbawa sa bawat uri ng tekstong tinalakay.
II. Paksang Aralin
Paksa: Tekstong Impormatibo: Para sa iyong Kaalaman
Sanggunian: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto tungo sa Pananaliksik, p-31-43
Kagamitan: Aklat, Powerpoint Presentation, Laptop

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
 Paglalahad sa mga kasanayang pampagkatuto

B. Paglalahad ng Aralin
a. Pagganyak (Activity)
Bumuo ng apat na pangkat at gumawa ng isang pagtatanghal katulad ng programang
TV Patrol kung saan magbahagi ang bawat pangkat ng isang balita patungkol sa kung
ano ang nabunot na pangyayari. Ito ay biglaang pagganap pagkat wala itong iskrip na
sinusunod. Patalasan at pabilisan lang ito ng isip upang maisagawa nang maayos ang
naturang gawain.
Gabay na tanong:
1. Ano ang nangyari?
2. Sino ang mga kasangkot?
3. Saan nangyari?
4. Kailan nangyari?
5. Paano nangyari?
b. Instruction Delivery (Analysis)
Pagtalakay sa sumusunod:
 Kahulugan at katangian ng tekstong impormatibo
 Uri ng tekstong impormatibo

c. Abstraksiyon (Abstraction)
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong batay sa naunawaan sa aralin.
1. Ano ang layunin ng tekstong impormatibo?
2. Bakit mahalaga ang malawak na bokabularyo sa pag-unawa ng tekstong
impormatibo? Ipaliwanag.

d. Paglalapat (Application)
Panuto: `Isulat ang T kung wasto ang kaisipang ipinahahayag sa sumusunod na
pangungusap at M kung hindi. Kung M ang sagot, salungguhitan ang nagpapamali sa
pahayag.
1. Hindi mahalaga ang katumpakan ng nilalaman at mga datos sa isang
impormatibong teksto. M
2. May iba’t ibang uri ng tekstong impormatibo depende sa sanhi at bunga ng
paglalahad nito. M
3. Hindi sinasagot ng tekstong impormatibo ang tanong na “Bakit”. T
4. Iisa lamang ang sinusunodna estruktura ng mga tekstong impormatibo. M
5. Ang tekstong impormatibo ay tinatawag ding ekpositori. T

e. Takdang Aralin (Assignment)


Pag-aralan ang iba’t ibang halimbawa ng tekstong impormatibo ayon sa
estruktura nito sapagkat kinabukasan ay magkakaroon tayo ng maikling pasulit.

Inihanda ni:

ANNA ROSE B. BATAUSA


SHSTII

Iniwasto at Pinagtibay ni:

MARIA ELENA F. MORALES Ed.D.


School Head

You might also like