You are on page 1of 8

PAGBASA AT PAGSUSURI SA IBA’T IBANG

TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK-YUNIT I


Tekstong Deskriptibo
Linggo 2
Barobo District I
Division of Surigao del Sur
Learning Resource Management Section

PAGBASA AT PANANALIKSIK SA IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK


3rd Quarter – Week 2
Competency:
1. Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong binasa. (F11PS-IIIb-
91)
2. Nakasusulat ng ilang halimabawa ng iba’t ibang uri ng teksto. (F11PU-IIIb-89)

Layunin: Pagkatapos ng isang linggo, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:


1. Natutukoy ang pagkakaiba at pagkakapareho ng mga uri at paraan ng
paglalarawan aralin tungkol sa tekstong deskriptibo sa pamamagitan ng “Venn
Diagram”
2. Nakakasulat ng isang halimbawa ng isang Tekstong Deskriptibo na nakabatay sa
isang halimbawang sitwasyom.
3. Nakabubuo ng isang sariling lathalain sa pamamagitan ng isang sulat paglalarawan.

Iskedyul Mga Gawain Sanggunian/


Mapagkukunan
Araw 1 GAWAIN 1SUBHEKTIBO
Gamit ang Venn Diagram, tukuyin
KARANIWAN ang pagkakaiba at
OBHEKTIBO
MALIKHAIN
pagkakapareho ng mga uri at paraan ng paglalarawan batay sa Sumangguni sa
iyong naunawaan sa bagong aralin tungkol sa tekstong deskriptibo. enclosure 1
TEKSTONG DESKRIPTIBO
Araw 2 GAWAIN 2.
Sumulat ng isang tekstong deskriptibo batay sa sumunod
na sitwasyon.

Ikaw ay isang mahusay na


manunult sa isang Advertising
Company . Naatasan ka ng iyong
boss na gumawa ng isang brochure
na may kaugnayan sa mga larong
SITWASYO pambata sa Pilipinas. Ang mga
N brochures ay ipinbamudmod sa
mga mgulang sa isang subdibisyon
kung saan bibihira na lang ang mga
batang kalye. Maari mo ring dikitan
ng mga larawan o guhitan ng mga
imahe upang mas magiging kawili-
wili ang iyong brochure.

Ang pagbibigay ng puntos ay nakabase sa pamantayang nasa


ibaba.
PAMANTAYAN SA PAGBIBIGAY NG PUNTOS
Kaukulang Puntos
Batayan Nakuhang

Angkop ang pagpili ng larawan sa nais


iparating na mensahe ng brochure 10
Malinaw at masining ang paglalarawan sa
mga kalakip na larawan 10
Napapanahon at kapaki-pakinabang ang
napiling paksa 10
Malikhain at nakatatawag ng atensyon ang 10
kabuuan ng brochure
Malinaw, may kaugnayan ang mga detalye
at 10
at mabisa ang paglalarawan
Kabuuan: 50 puntos
HALIMBAWA NG ISANG BROCHURE

Araw 3 GAWAIN 3.
Unawain nang mabuti ang sitwasyon at ibigay ang
hinihingi nitong paglalarawan.
1. Mahaba ang itinagal ng Community Quarantine sa bansa
dahil sa COVID-19. Marahil samut-saring emosyon ang iyong
naramdaman sa panahon ng krisis na ito. Ilahad ang mga ito sa
pamamagitan ng isang masining na paglalarawan. Pagkatapos ng
huling pangungusap ng paglalarawan, isulat ang
#quarantinestories.
___________________________________________________
___________________________________________________
Kaukulang Puntos
Batayan ng Grado Nakuhang
Punto
s
Malinaw at masining na
paglalarawan 5
Kahusayan sa paggamit ng wika 5
Kalinawan, kaugnayan ng mga
detalye at 5
bisa sa paglalarawan
Kabuuan: 15 puntos

Araw 4 Sariling Pagmamarka sa lahat ng gawain (guided by parents or


learning facilitators)
Susi ng Pagwawasto

Gawain 1 – Nasa guro na ang Pagbibigay ng Marka


Gawain 2 - Nasa guro na ang Pagbibigay ng Marka
Gawain 3- Nasa guro na ang Pagbibigay ng Marka

MGA AKLAT

Atanacio, Heide C., Yolanda S. Lingat, and Rita D. Morales. 2016. Pagbasa at
Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Quezon City: C & E
Publishing Inc.
Bandril, Lolita T., Voltaire M. Villanueva, Alma T. Bautista, and Diana F. Palmes.

2016. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.

Quezon City: Vibal Group Inc.


MGA WEBSITES

https://tl.wikipedia.org/wiki/Mark_Zuckerberg

https://nineplanets.org/questions/how-much-does-the-earth-weigh/

https://viceprovost.tufts.edu/ehs/files/October2014.VI2-Backpacks.pdf

https://www.wattpad.com/9047403-essay-ang-karanasang-di-ko-malilimutan

https://www.slideshare.net/marlonorienza/tekstong-deskriptibo

https://www.google.com.ph/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fronancapistrano.word
press.com%2F2013%2F12%2F03%2Fbrochure-mga-sikat-na-larong-pinoy-sa-san- jose-
batangas%2F&psig=AOvVaw2-xopv3ipCnWir-
rMtqfps&ust=1591260123066000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTC
Njj04eg5ekCFQAAAAAdAAAAABAD
TEKSTONG DESKRIPTIBO

KAHULUGAN
Ang tekstong deskriptibo ay isang pagpapahayag ng mga impresyon at
kakintalang likha ng pandama. Sa pamamagitan ng pang-amoy, panlasa, pandinig,
paningin, at panlasa, itinatala ng sumusulat ang paglalarawan ng mga detalye na
kanyang nararanasan.
LAYUNIN
Ito ay naglalayong makapaglahad ng kabuuang larawan ng isang bagay,
pangyayari o kaya naman ay makapagbigay ng isang konseptong biswal ng mga
bagay, pook, tao, o pangyayari.
MGA ELEMENTO (DALAWANG PARAAN NG PAGLALARAWAN)
1. Karaniwang Paglalarawan – tahasang inilalarawan ang paksa sa
pamamagitan ng pagbanggit sa mga katangian nito gamit ang mga pang-uri
at pang-abay. Inilalahad sa tekstong ito ang mga pisikal na katangian ng
inilalarawan sa pamamagitan ng obserbasyon
2. Masining na Paglalarawan – ito ang malikhaing paggamit ng wika upang
makabuo ng kongkretong imahe tungkol sa inilalarawan. Tinatangka nitong
ipakita, iparinig, ipaamoy, ipalasa at ipadama ang isang bagay, karanasan o
pangyayari.

PAGGAMIT NG TAYUTAY UPANG MAGING MALIKHAIN SA PAGGAMIT NG


WIKA SA MASINING NA PAGLALARAWAN.
a. Simile o Pagtutulad – paghahambing ng dalawang magkaibang
bagay, tao at pangyayari sa pamamagitan ng mga salitang tulad ng,
parang, kagaya, kasing, kawangis, kapara, animo’y at katulad.
Halimbawa:

b. Metapora o Pagwawangis – tuwirang paghahambing kaya’t hindi na


kailangang gamitan ng mga salitang nagpapahayag ng pagtutulad.

Halimbawa:

c. Personipikasyon o Pagsasatao – tumutukoy sa paglalapat ng mga


katangiang pantao sa mga bagay na abstrakto o walang buhay.
Halimbawa:

d. Hayperboli o Pagmamalabis – eksaherado o sobra sa mahinahong


katotohanan at hindi dapat kunin ang literal na pagpapakahulugan.
Halimbawa:

e. Onomatopeya o Paghihimig – paggamit ng salitang may


pagkakatulad sa tunog ng bagay na inilalarawan.

Halimbawa:

URI NG PAGLALARAWAN
1. Subhektibo – ang manunulat ay nakabatay lamang sa kanyang mayamang
imahinasyon at hindi nakabatay sa katotohanan.

Halimbawa:
Sa gulang na dalawampu ay maaaninag sa binata ang kasipagan
dahil sa matipunong pangangatawan at magaspang na palad na pinanday ng
kahirapan.
2. Obhektibo – may pinagbabatayang katotohanan.

Halimbawa:
Ang perpektong kono ng Bulkang Mayon ay isang tanawing binabalik-balikan ng
mga turistang nagmumula pa sa iba’t ibang panig ng bansa at mundo. Itinuturing
itong pinakaaktibong bulkan sa bans

You might also like