You are on page 1of 14

Filipino sa Piling

Larang (Akademik)
Unang Markahan – Modyul
2: Pagkilala sa mga
Akademikong Sulatin

i
Balikan

Sa iyong nakaraang pag-aaral kaibigan, tinalakay ang pagbibigay kahulugan ng


Akademikong Sulatin, muli natin itong alalahanin. Tara! Subukan natin.

I. Suriin ang mga pahayag na naglalarawan sa kahulugan ng


Akademikong Sulatin. Lagyan ng S kung ikaw ay sumasang-ayon at DS
naman kung ikaw ay di sumasang- ayon sa patlang. Isulat ang sagot sa
inihandang papel.

1. Ang akademikong sulatin ay isang komprehensib na


kakayahang naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan at
retorika.

2. Ang akademikong sulatin ay dapat maglahad ng


importanteng argumento.

3. Ang akademikong pagsulat ay isang masinop at


sistematikong pagsulat tungkol sa karanasang panlipunan.

4. Kinakailangan malinang at mapaunlad ang kritikal na pag-


iisip, pagsusuri, paggawa ng sintesis, pagtataya sa
akademikong sulatin.

5. Ang akademikong sulatin ay nangangailangan ng mataas na


antas ng mga kasanayan.

II. Magtala ng mga salitang nagbibigay ng kahulugan sa salitang


akademiko ayon sa inyong tinalakay gamit ang dayagram sa ibaba.
Isulat ang sagot sa inihandang papel.

Akademikong
Sulatin

Magaling! Naalala mo pa ang nakaraang aralin. Handa ka na bang muli kaibigan


sa ating bagong tutuklasin?

Mahalagang malaman natin ang taglay mong kaalaman sa paksang iyong


pag-aaralan para maging batayan ng iyong guro kung papaano ka tutulungan o
di kaya kung papaano ka higit na pagyayamanin ang iyong kaalaman.
2
Tuklasin

Gawain 1: Panuto: Ilagay sa loob ng kahon ang mga inaakala mong mga
uri ng Akademikong Sulatin at bigyan ng pahapyaw na deskripsyon ayon
lamang sa iyong nalalaman at isulat sa tapat ng salitang iyong napili.
Isulat ang iyong sagot sa inihandang papel.

adyenda memorandum tula bionote


sintesis/buod dalit posisyong epiko
papel
lakbay- nobela abstrak talumpa
sanaysay ti
panukalang proyekto maikling kwento alamat

Salitang Napili Pahapyaw na Deskripsyon

Gawain 2: Panuto: Sa loob ng hugis puso magtatala ka ng tatlong


propesyon na nais mo sa hinaharap. Pagkatapos nito, pumili ka lang ng
isa sa mga naitala mo. Sa loob naman ng kahon, dito mo isusulat ang
dahilan kung bakit ito ang iyong napili. Isulat ang iyong sagot sa
inihandang papel.

Halimbawa: guro, doktor, pulis, bumbero at marami pang iba.

Gawain 3: Panuto: Isa-isahin ang mga katangiang dapat taglayin ng


Akademikong Sulatin gamit ang Mind Map sa ibaba. Isulat ang iyong
sagot sa inihandang papel.

Katangian ng Akademiko ng
Sulatin
Ang galing! Nalagpasan mo na ang ilan sa mga pagsasanay. Tiyak na
makatutulong nang lubos sa pagharap mo sa totoong hamon ng buhay ang
susunod na aralin lalo na sa larangan ng edukasyon at sa iyong tatahaking
propesyon.
Pagyamanin

Sa tulong ng halimbawa ng abstrak sa ibaba. Itala ang mga


impormasyon sa dayagram sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa
inihandang papel.

Pangunahing layunin sa pag-aaral na ito ay upang makalikha ng


gabay na makakatulong sa mga guro at tagapangasiwa sa
edukasyon sa pagpapaunlad ng asignaturang Filipino sa Dibisyon
ng Lungsod Quezon. Salig ang pag-aaral na ito sa Technological
Pedagogical and Content Knowledge (TPACK) nina Mishra at Koehler
(2006), binibigyang konsiderasyon ang iba’t ibang uri ng kaalamang
kinakailangan at kung papaano maaring linangin ng mga guro ang
mga kaalaman na ito sa tulong ng teknolohiya. Ang paggamit ng
TPACK ay isang produktibong paraan upang isaalang-alang kung
papaano gagamitin ng guro ang pang-edukasyon na teknolohiya sa
silid-aralan. Sa pamamaraang kuwalitatibo tinakang sagutin upang
matukoy ang karanasan ng mga guro sa Filipino kanyang pang-araw
–araw na pagtuturo gamit ang Instruksiyonal na Teknolohiya (IT).
Ang naitalang katugunan mula sa 25 kusang-loob na kalahok para sa
indibidwal na panayam at focus group discussion (FGD) ay
ginamitan ng transcription upang lubos itong maunawaan. Ang
katugunan ng mga kalahok sa pagtukoy ng kanilang mga karanasan
ay ginamitan ng tatlong pamamaraan na dekonstruksyon,
interpretasyon at rekonstruksyon mula kay Creswell (1998). Ang
resulta batay sa kanilang ginamit na IT sa pagtuturo ay laptop na
may 72 na bahagdan mula sa 18 kalahok dahil sa ito ay madaling
dalahin sa kahit na saang silid na pagtuturuan.Batay naman sa
kanilang naging karanasan sa paggamit ng IT ay karamihan sa
katugunan ay may kakulangan ng sapat na pasilidad sapagkat may
pagkakataon ang silid-aralan ay walang saksakan(outlet). hango
mula sa tesis ni Cabanas 2019.
Pamagat Layunin Resulta

Kaibigan, subukan nating sagutin ang mga tanong. Isulat ang iyong sagot sa
inihandang papel.

1. Paano nakatutulong ang mga akademikong sulatin sa ating napiling


propesyon?

2. Bilang isang mag-aaral, ano-ano ang mga kabutihang dulot ng


akademikong sulatin partikular sa buhay sa hinaharap?
Ang husay mo, kaibigan. Walang palyang nasagot mong lahat ang katanungan.
Isaisip

Gawain 1: Panuto: Ipagpalagay natin na ikaw ang nasa ibaba. Ilahad mo


kung paano nabago ng araling ito ang iyong sarili sa pagsusulat. Ilahad
mo ang iyong dating kahinaan at ang iyong kalakasan sa ngayon sa
pagsusulat. Isulat ang iyong sagot sa inihandang papel.

Kahinaan (Dati) Kalakasan (Ngayon)

Gawain 2: Panuto: Dugtungan natin ang pahayag.

Sa tulong ng mga natutuhan ko sa aralin sa Akademikong


Sulatin sisikapin kong
Isagawa

Gawain 1: Panuto: Gamit ang iyong cellphone, gumawa ng blog kung


saan gumagawa ng DIY at marami pang iba. Layunin nito na maipakita
mo ang paraan ng paggawa ng isang bagay sa pamamagitan ng kanyang
katangian, gamit at layunin.

Pamantayan sa Pagganap 5 4 3 2 1
A. Dapat malinaw ang pagkakagawa ng blog at madali
itong
maintindihan.
B. Gumamit ng payak ngunit pormal na salita sa
paggawa.
C. Maipakita ang wastong pagkakasunud-sunod ng
paggawa.
D. Maging malikhain at impormatibo sa paglalahad.

Gawain 2: Isa ka sa mapalad na napili ng iyong paaralan na gumawa ng


isang Pictorial –Essay na gagamitin sa darating na Filipino Exhibit. Ang
paksa ay tumatalakay sa sitwasyong panlipunan sa panahon ng
pandemya. Angkupan ito ng mapanghikayat na pamagat. Isulat ang
iyong sagot sa papel.

Kraytiria 5 4 2 1
Nagbibigay Ilang Kawili-wili Walang
natatanging ngunit kaugnayan
Malikhain ng natatangi at kawili-wili hindi
at aspekto sa mga
natatangi.
lamang ang
kawili-wiling larawan.
maliwanag.
pagtalakay sa
paksa.
Nailalahad Nailalahad Nailahad Hindi
nang wasto nang ang kwento nagpapakita
Daloy ng gamit ang ngunit ng kaugnayan
Pagkukuwen elemento ng wasto mahina ang
to kuwento nang gamit ang kaugnayan sa
may elemeto sa sa larawan. larawan
panghihikayat. pagbuo
ang nabuong
ng kwento. paglalahad.
Nakasusulat Teknikal na Nailahad Walang
nang mahusay ngunit kaugnayan
Pagkakasulat wasto di sa paksa
na ang
gamit ang angkop
nailahad na
anyo ng nakasusulat
pagsulat.
gamit ang ang anyo
anyo at ng
pagsulat, bantas. pagsulat
gramatika sa
at larawan.
bantas.
Ang mga Ang Malinaw Taliwas ang
larawang ang ginamit na
Potograpiya ginamit larawang larawan larawan
ginamit ay ngunit
ay may malinaw sa paksa.
nagpapakita na di
ng malinaw at paglalarawan tiyak
may estilo sa
batay sa napiling ang
napiling paksa. pagtalakay
paksa. sa paksa.
Tayahin

Kaibigan, madali lang ito, basahin at unawain mo ang bawat


katanungan sa bawat aytem at tinitiyak ko na maaalala mo ang
kasagutan nito. Tara! Subukan na natin.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang letra
ng tamang sagot sa inihandang papel.

1. Ano ang paraan ng pagpapahayag sa pangungusap na: Ang


tuberkolosis ay sakit dulot ng mikrobyong Mycobacterium
Tuberculosis.
A. Paglalahad C. Pagsasalaysay
B. Paglalarawan D. Pangangatwiran

2. Ano ang paraan ng pagpapahayag kung ang teksto ay


nagkukuwento ng mga magkakaugnay na pangyayari?
A. Paglalahad C. Pagsasalaysay
B. Paglalarawan D. Pangangatwiran

3. Ano ang paraan ng pagpapahayag na nagbibigay ng posibleng


sagot sa pamamagitan ng paliwanag at ebalwasyon?
A. Pag-aanalisa C. Pagbigay ng impormasyon
B. Pag-oorganisa D. Panghihikayat

4. Ito ay nagbibigay ng posibleng sagot, dahilan at ebidensyang


maaaring paniwalaan o hindi. Ang pahayag na ito ay .
A. Pag-aanalisa C. Pagbigay ng impormasyon
B. Pag-oorganisa D. Panghihikayat

5. Naghahangad ito na makapagbigay impormasyon at


makapagpaliwanag. Ang nilalarawan sa pahayag ay .
A. impormatib na pagsulat C. malikhaing pagsulat
B. malayang pagsulat D. Mapanghikayat na pagsulat

6. Alin sa sumusunod ang maaaring gamiting matibay na ebidensya


para sa argumento?
A. balitang napanood C. narinig na kuwento
B. likhang kwento D. Sariling karanasan
7. Ano ang pinagkaiba ng talumpati at posisyong papel?
A. Ang talumpati ay walang limitasyon samantalang ang
posisyong papel ay limitado.
B. Ang talumpati ay isinulat upang bigkasin samantala ang
posisyong papel ay isinulat upang basahin lamang.
C. Ang talumpati ay gumagamit ng pagsasalaysay habang ang
posisyong papel ay gumagamit naman ng pangangatwiran.
D. Ang talumpati ay dapat makapanghikayat ngunit ang
posisyong papel ay dapat maglarawan ng isang partikular na
isyu.

8. Alin sa mga pangungusap ang TAMA ayon sa mga akademikong sulatin?


A. Ang talumpati ay isang akademikong teksto na binibigkas sa
harap ng mga tagapakinig.
B. Agenda ang tawag sa mga aksyong gagawin na makikita sa
katitikan ng pulong.
C. Ang tekstong naglalarawan ay nagkukuwento ng isang
pangyayaring magkakaugnay at may karakterisasyon o pag-
unlad ng tauhan.
D. Mas epektibo ang posisyong papel kung mabulaklak ang
pananalita upang maitago ang tunay na kahulugan ng mga
pahayag.

9. Tinawagan ni Jonathan ang kanyang guro upang humingi ng


personal na impormasyon para sa pagpapakilala sa darating na
programa sa paaralan na siyang panauhing pandangal. Ang
kanyang gagawin ay .
A. bionote C. posisyong papel
B. editoryal D. sanaysay

10. Ito ay ang paggamit ng wika sa mas mataas na diskurso sa akademya.


A. debate C. pagsulat
B. intelektwalisasyon D. papel-pananaliksik

11. Sa kabuoan ng pananaliksik , nakita sa pag-aaral na ang biswal na


sining ay epektibong iugnay sa pagtuturo.
A. abstrak C. layunin
B. konklusyon D. nakalap na datos

12. Kung ang memo ay isinusulat ng boss upang paalalahanan ang


mga empleyado, anong uri naman ng sulating teknikal ang
ginagamit sa larangan ng kalakalan.
A. Liham pangkaibigan C. Menu ng Pagkain
B. Liham pangnegosyo D. Memorandum
13. Si Ana at ang kanyang kamag-aral ay nagtungo sa silid-aklatan ng
kanilang paaralan. Agad silang kumuha ng isang tesis na
gagamitin. Nais nilang malaman ang naging resulta ng
pananaliksik. Saang bahagi ng tesis nila ito makikita?
A. abstrak C. sanggunian
B. metodo ng pag-aaral D. talaan ng nilalaman

14. Alin sa sumusunod na pangungusap ang HINDI nangangatwiran?


A. Dapat wakasan na ang korapsyon sa bansa.
B. Hindi talaga mawawakasan nag korapsyon sa bansa.
C. Mahalagang wakasan ang korapsyon para umunlad ang bansa.
D. Itinalaga ang kawani upang mapaunlad ang anumang
programa ng bansa.

15. Sinisigurado ng mga mag-aaral sa pagbuo ng isang akda na may


tiyak na artikulasyon ng ideya, paksa o tema, konsepto at may
sapat na datos ang isinasagawang pananaliksik.
A. impormatibo C. mapanuri
B. mapanghikayat D. organisado

Magaling! Napagtagumpayan mo ang ating naisagawang aralin. Sabi ko


na kayang- kaya mo.
Karagdagang Gawain

Gawain 1: I- Timeline Mo.

Bilang isang mag-aaral sa kasalukuyan na nag-aaral ng


akademikong sulatin, Gamit ang iyong facebook account, magbigay ka
ng mga babala bilang paalala sa kapwa mo mag-aaral upang mapigilan
ang pagkalat ng tinatawag na fake news sa social media kung paanong
maging responsableng manunulat at makapagbibigay ng inspirasyon sa
ating nararanasan sa panahon ng pandemya.

Pamantayan sa Pagganap

5 3 1
Mahusay at malinaw ang Malinaw ang pagbigkas Maligoy ang
pagbigkas ng naging
ng mga pahayag upang mga pahayag. pahayag.
maunawaan.
Organisadong Kulang ang Walang sapat
nailalahad na naipakitang na datos ukol
may sapat na impormasyon o datos sa paksa.
impormasyon o datos ukol
na sa paksa.
ipinahahayag sa paksa.
Naipapakita ang layunin o Maligoy ang Di angkop
intensyon ng panawagan na layuning ang
angkop sa paksa. ipinahahayag. layuning
sa
ipinahahayag.
Natatangi at kawili- Kawili- wiling Matamlay at
wiling nakapanghihikayat sa nakakapanghihikayat walang dating
madla. sa madla.
sa madla.

Gawain 2: Tala-Basa! Bumuo ng tala ukol sa isang binasa o pinanood na


teksto. Maaaring ito ay galing sa talk show, talumpati, sanaysay, balita sa
telebisyon o radyo at iba pa. Gamit ang dayagram sa ibaba. Isulat ang
iyong sagot sa papel.

Katangian at Nilalaman ng Teksto Layunin ng Teksto


Estruktura

Pamantaya sa 5 3 1
n
Pagganap
Estilo Malinaw ang Maayos at Walang pokus
detalye ng mga malinaw. sa pagbuo
sa Pagbuo ng pahayag at ng diwang nais
Diwa may pokus. ipahayag
Nilalaman/ Malinaw at may May Hindi malinaw at
Impormasyon pokus ugnayan limitado ang detalye
ang mga detalye. ang detalye
Mabisa at angkop Nakakukuh Di konsistent at di
Paglalaha ng ang mga salitang a ng angkop ang mga
d wika ginamit. salitang ginamit.
atensyon
ang
mga
salitang
ginamit.

You might also like