You are on page 1of 6

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 11

I. Layunin

Pamantayang Pangnilalaman: Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa
kaugnayan nito sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig
Pamantayan sa Pagganap: Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang
kultural at panlipunan sa bansa

Kasanayan:Nagagamit ang cohesive device sa pagsulat ng sariling halimbawang teksto (F11WG


– IIIc – 90)

II. Paksa: Tekstong Deskriptibo ( Gamit ang Cohesive Device)


Saggunian: Pinagyamang Pluma p. 25 – 30,
Alma M. Dayag at Mary Grace G. del Rosario,
Phoenix Publishing House.

III. Mga Kagamitang Pampagtuturo:


Batayang Aklat
Powerpoint Presentation
Video Presentation

IV. Pamaraan

A. Balik-aral
a. Itanong sa mga mag-aaral:

1. Ano ang teksong deskriptibo?

Tekstong Deskriptibo – ay maihahalintulad sa isang larawang


ipininta o iginuhit kung saan kapag Nakita ito ng iba ay parang Nakita na rin nila
ang orihihinal na pinagmulan ng larawan.

o Mga pang-uri at pang-abay ang karaniwang ginagamit ng manunulat


upang mailarawan ang bawat tauhan, tagpuan, mga kilos o galaw, o
anumang bagay na nais niyang mabigyang-buhay sa imahinasyon ng
mambabasa.
o Ang pagsulat ng paglalarawan ay maaaring subhetibo o obhetibo.
o Karaniwang bahagi lang ng ibang teksto ang Tekstong Deskriptibo.

2. Bakit mahalagang magkakaroon ng sapat na kaalaman tungkol sa tekstong


deskriptibo?

o Mahalang may sapat na kaalaman tungkol sa tekstong deskriptibo


upang magamit ang kaalamang ito sa maayos at mabisang
paglalarawan.

b. Pangganyak
Panonood ng video clip. www.youtube.com

B. Gawain
Pangkatang Gawain
Buuin sa limang pangkat ang mga mag-aaral. Magtala ng mga
salitang naglalarawan na makikita mula sa video clip na napanood. Ibahagi ang
sagot sa klase.

C. Pagsusuri/Analisis
1. Ano ang inyong nakita?
2. Ano anong mga salita ang inyong nababasa at nakikita na may kaugnayan sa
paglalarawan?
3. Mahalaga ba ang mga salitang ito sa pagsulat ng isang tekstong deskriptibo?

D. Pagtalakay sa Aralin/Abstraction
“Kahit hindi ka pintor ay makabubuo ka ng isang larawan. Gamit
ang mga salitang titimo sa damdamin at isipan”.

a. Gamit ng mga Cohesive Devices o Kohesyong Gramatikal sa Pagsulat ng


Tekstong Deskriptibo.
- Ang mga teksto ay hindi lang basta binubuo nang magkahiwalay na
pangungusap, parirala, o sugnay, bagkus ang mga ito ay binubuo ng
magkakaugnay na mga kaisipan kaya’t kinakailangan ang mga salitang
magbibigay ng kohesyon upang higit na lumitaw ang kabuluhan at kahulugan
nga bawat bahagi nito.

b. Limang Pangunahing Cohesive Devices na ginagamit sa Pagsulat ng


Tekstong Deskriptibo

1. Reperensiya/Pagpapatungkol
a. Anapora
b. Katapora
-Pagbibigay ng mga halimaw sa bawat Kohesyng Gramatikal o Cohesive Devices
E. Paglalahat
 Tutugunan ng mga mag-aaral ang mga di-tapos na pahayag upang maipakita ang
kanilang pagka-unawa sa aralin gamit ang angkop na cohesive devices.

1. Ag tekstong deskriptibo ay maihahalintulad sa isang larawang ipininta. Kapag


nakita____________ ng iba ay parang Nakita na rin nila ang orihinal na pinagmulan ng
larawan.
2. Ang mga Cohesive Devices ay ang _________ at _________.
F. Paglalapat/Aplikasyon
 Panonood ng mga mag-aaral sa isang video clip mula sa www.youtube.com .

Panuto: Bumuo ng isang tekstong deskriptibo gamit ang mga cohesive device na tinalakay.
Tatayain ang inyong ginawa batay sa pamantayang makikita sa ibaba.

PAMANTAYAN 4 3 2 1
Husay ng Napakahusay at Nakagamit ng May kakulangan Kulang na kulang
Pagkakasulat at lubhang nakaakit mga salitang ang pagkakagamit at hindi angkop
Paglalarawan ang pagkakagamit mahuhusay at ng mahuhusay na ang mga salitang
ng mga salita sa nakakaakit sa salita sa pagsulat ginamit sa
pagsulat ng pagsulat ng kaya naman hindi paglalarawan
paglalarawan. paglalarawan. gaanong nakaaakit kaya’t hindi ito
ang paglalarawan. nakaaakit sa
sinumang
makababasa.
Paggamit ng Nakagamit ng Nakagamit ng Kakaunting datos Walang nasaliksik
angkop na datos angkop at mga datos na na nasaliksi ang ma datos ang
patungkol sa maraming datos mula sa nagamit at naisama at pawing
lugar mula sa pananaliksik. karamihan sa mga opinyon lang ng
pananaliksik. nakalahad ay manunulat ang
opinyon lang ng nailahad.
manunulat.
Paggamit ng Nakagamit ng Nakagamit ng Nakagamit ng Hindi gumamit ng
angkop na angkop na cohesive deviceso ilang cohesive anumang cohesive
Cohesive Devices cohesive devices o kohesyong devices o devices o
o Kohesyong kohesyong gramatikal sa kohesyong kohesyong
Gramatikal gramatikal na pagbuo ng gramatikal subalit gramatikal subalit
lalong nagbigay paglalarawan. hindi ito sapat hindi ito para sa
ng maayos na para sa maayos na maayos na daloy
daloy ng daloy ng ng paglalarawan.
paglalarawan. paglalarawan.

G. Pagtataya

Tukuyin kung ang paggamit ng panghalip sa mga pangungusap ay anaphora o katapora. Isulat
ang inyong sagot sa isang-kapat na papel.

1. Siya ang bunso kong kapatid, si Boy.


2. Si Mang Indo ay masipag sa pagtatrabaho sa bukid. Siya ay isang magsasaka.
3. Ito ang matagal ko ng pangarap ang pagiging guro.
4. Si Manny Pacquiao ay magaling sa boksing. Siya ay tinaguriang pambansang kamao.
5. Si Coco Martin ay magaling na artista. Siya ay iniidolo ng lahat.

H. Takdang Aralin

Isaliksik ang tekstong impormatibo at ibigay ang kahulugan nito.

You might also like