Professional Documents
Culture Documents
Bangcaya - Pfep311 Banghay Aralin
Bangcaya - Pfep311 Banghay Aralin
College of Education
Banghay-Aralin sa Filipino
Baitang 6
I. OBJECTIVES
II. CONTENT: Ang Pagkakaiba ng Kathang Isip at Di-Kathang Isip na Teksto (Piksyon
at Di-Piksyon)
A. Review
• Pagbabahagi ng mga kaalamanan at mga natutunan sa iba’t ibang klase ng
Panitikang Pilipino; maikling kwento, nobela, dula, alamat, pabula,
talambuhay, sanaysay, at editoryal.
B. Motivation
• Sisimulan ang diskusyon sa pagbibigay ng guro ng kard na may nakasulat na
iba’t ibang uri ng panitikan.
• Bawat mag-aaral na may hawak na kard ay dapat kilalanin kung ang panitikan
na hawak nila ay kathang isip o di-kathang isip (pikson o di-piksyon) at ibahagi
sa klase kung ano ang basehan ng kanilang napiling sagot.
• Ang mga makakakuha ng tamang sagot ay makakatanggap ng limang puntos
sa kanilang takdang-aralin.
C. Activity
• Kaugnay sa motivational activity, ang klase ay manunuod ng video na
nagpapakita ng tekstong kathang isip at tekstong di-kathang isip.
• Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng katangian ng tekstong kathang isip at
tekstong di-kathang isip na kanilang napansin mula sa pinanuod.
• Ang guro at mga mag-aaral ay magkakaroon ng diskusyon kung ano ang
pinagkaibahan ng kathang isip sa di-kathang isip o piksyon sa di-piksyon na
teksto.
D. Abstraction
Ang guro ay magpapakita ng ilan pang halimbawa at tatanungin ang kanyang mga
mag-aaral:
1. Mula sa nabanggit na mga kahulugan ng piksyon at di-piksyon, saan
napapabilang ang panitikang inyong nakikita?
2. Madali bang tukuyin ang isang babasahin kung ito ba’y piksyon o di-piksyon?
Bakit?
3. Sa iyong sariling palagay, alin sa dalawa ang mas nakakaaliw basahin, piksyon
o di-piksyon?
E. Application
Paggawa ng Venn Diagram: Base sa ating naging diskusyon, ibigay ang pinagkaiba at
pagkakatulad ng kathang-isip sa di-kathang isip o ng piksyon sa di-piksyon. Gamiting
basihan ang rubriks sa pag-gawa.
RUBRIKS:
10 5 3
Nababasa ang mga salita Hindi gaanong nababasa Hindi mabasa ang mga
Organisasyon at maayos ang ang mga salita at hindi salita at hindi maayos
pagkakaorganisa ng mga gaanong maayos ang ang pagkakaorganisa ng
naibigay katangian pagkakaorganisa ng mga mga naibigay katangian
naibigay katangian
V. ASSESSMENT
Panuto: Isulat ang P kung Piksyon at DP kung Di-Piksyon ang mga sumusunod.
Kalidad ng Ang piraso ay isinulat Ang piraso ay Ang piraso ay Ang piraso ay
Pagsulat sa isang hindi isinulat sa isang isinulat na may isinulat na walang
pangkaraniwang kawili-wiling istilo maliit na estilo estilo
estilo
Bahagyang Nagbibigay ng Hindi nagbibigay
Nagbibigay kaalaman nagbibigay kakaunting ng kaalaman at
at maayos ang kaalaman at kaalaman at walang istraktura
istraktura ng mga bahagyang maayos kakaunting ang mga salita
salita ang istraktura ng istraktura ng mga
mga salita salita
Paggamit ng Walang maling Kakaunti lamang Maraming maling Mali mali ang
gramatika baybay, bantas, at ang maling baybay, baybay, bantas, at baybay, bantas, at
balarila bantas, at balarila balarila balarila
Inihanda ni:
Geraldine A. Bangcaya
BEEd 3-A-1