You are on page 1of 6

Pateros Catholic School

Pateros, Metro Manila


JUNIOR HIGH SCHOOL
FILIPINO 9 MODYUL
UN ANG MARKAHAN

Modyul bilang: 4
Pangalan: _______________________________ Petsa:___________________
Pangkat: ____________________________ Guro: __________________

Panimulang Pagsasanay 1: Tuklas-Salita

PANUTO: May mga salitang magkakasingkahulugan subalit may iba’t ibang tiyak na katangian ang bawat isa.
Magsaliksik upang matukoy ang tiyak na pagkakaiba ng sumusunod na salitang kasingkahulugan ng
“BAGABAG”, at ipaliwanag ang pagkakaiba ng kahulugan at magbigay ng sariling halimbawang pangungusap
para sa bawat salita.

BAGABAG

SINDAK BALISA

TAKOT PANGAMBA

HILAKBOT

Basahin at unawain ang sanaysay na may pamagat na “Pista ng Tubig”, mula sa bansang
Myanmar sa batayang aklat na Punla, pahina 42- 46

GAWAING PANGPANITIKAN
Pagsasanay 2: (Pang-unawa sa binasa)
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan at isulat sa patlang ang inyong sagot.

1. Ano sa palagay mo ang pinakamahalagang kaisipan na ibinabahagi ng sanaysay na iyong binasa?

2. Paano mo ilalarawan ang bansang Myanmar batay sa nabasa mong sanaysay?

3. Ano sa palagay mo ang dahilan ng pagsulat ni Suu Kyi ng karanasang niya sa Pista ng Tubig sa
kanyang bansa? Ipaliwanag.

4. Bakit sinabi ni Suu Kyi na “may higit pa sa Thingyan kaysa sa pag- aaliw at sa pagbubuhusan ng
tubig”? Ano ang tinutukoy niya ritong “higit pa”?

5. Mayroon bang pagkakatulad o pagkakaiba ang pagdiriwang ng Pista ng Tubig ng mga taga- Myanmar
sa paraan ng pagdiriwang ng pista ng tubig nating mga Pilipino? Ipaliwanag.

6. Sa iyong palagay, ano ang pagkakatulad o pagkakaiba ng ugali ng mga Pilipino sa pagdiriwang ng Pista
ng Tubig sa mga taga- Myanmar sa kasalukuyan?

7. Ano- ano ang pinakamahahalagang aral na mapupulot sa pagbabahagi ni Suu Kyi ng sanaysay ng Pista
ng Tubig?

PAGSASANAY 2: Pagpapalalim- Hamunin ang Iyong Sarili!

PANUTO: Sagutin ang mga tanong at isulat sa patlang ang iyong kasagutan.

1. Ano- anong pagpapahalagang kultural ang masasalamin sa sanaysay na binasa mula sa Myanmar?
2. Bakit sa palagay mo kailangang ilahad ni Suu Kyi ang pagkakaiba at pagkakatulad ng pagdiriwang ng
Pista ng Tubig sa sanaysay na kanyang ginawa?

3. Magbigay ka kulturang lumutang sa sanaysay na iyong binasa ng mga taga- Myanmar?

PAGSASANAY 3: IUGNAY MO!

PANUTO: Paghambingin ang uri ng pagdiriwang ng tradisyunal na Thingyan ng Myanmar sa Pista ni San
Juan sa Pilipinas, ayon sa mga sumusunod:

MYANMAR PILIPINAS

“THINGYAN” “PISTA ni SAN JUAN”

Petsa kung kailan ginaganap

Papel ng kababaihan

Papel ng kalalakihan

Uri ng ginagamit sa pambasa

Uri ng kasiyahang
ipinagdiriwang

PAGSASANAY 4: MAGSALIKSIK KA! MALALAMAN MO!

PANUTO: Magsaliksik ng mga Tiyak na Uri ng Sanaysay ayon sa nilalaman o paksa nito, at tukuyin kung
saan ito nabibilang sa dalawang uri ng sanaysay. Isulat ito sa loob ng kahon na inilaan kasama ang kahulugan
ng bawat isa. (5 pataas sa bawat uri ng sanaysay)

HAL:

Editoryal – pormal na sanaysay, naglalaman ng mga tiyak na impormasyon na naaayon sa mga pangyayari
sa ating lipunang ginagalawan.
PORMAL IMPORMAL

GAWAING PANGWIKA

PAGSASANAY 5: Pagsusuri
Panuto: Basahin ang sumusunod na artikulo. Bumuo ng sariling pananaw tungkol sa paksang tinalakay. Punan ang mga
inilaang patlang upang makabuo ng sariling pananaw.
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2019/01/29/1888965/kultura

1. Ukol sa pagmumulta sa kasambahay sa Hong Kong, ______________________ (pang-ugnay) ay

________________________________________________________________ (pananaw).

2. Ukol sa pagkakaiba ng pagpapatupad ng batas sa Hong Kong at sa Pilipinas, ____________ (pang-

ugnay) ay _________________________________________ (pananaw).

3. Ukol sa pagiging “pasaway” ng mga Pilipino, ____________________________ (pang-ugnay) ay

_________________________________________ _____________________(pananaw).

4. Ukol sa pagkakaroon ng disiplina sa lansangan, _________________________ (pang-ugnay) ay

______________________________________________________________ ( pananaw).

5. Ukol sa pagpapasunod sa mga Pilipino, _______________________________ (pang-ugnay) ay

_____________________________________________________________ (pananaw).
PANGWAKAS NA GAWAIN

GAWAIN 2: Sulatin bilang 1


Panuto: Natunghayan natin sa araling ito ang mga halimbawa ng sanaysay ukol sa katapangan at sa
pagsunod sa mga batas. Maliban dito, ano- ano pa kaya ang dapat o hindi dapat taglaying ugali, at kilos ng
isang kabataan Asyano? Gamit ang iyong natutuhan tungkol sa mga bahagi ng sanaysay, uri nito at tungkol sa
mga pang- ugnay sa pagpapahayag ng sariling pananaw, sumulat ng sarili mong komposisyon. Gawing
batayan ang temang “Ang Asal at Gawi ng isang Kabataang Asyano.” Isulat ito sa papel na inilaan para sa
gawain.

GAWAIN 3:
PANUTO: Pumili ng isa sa mga sumusunod na mga isyu na mayroon sa kasalukuyang panahon na nais mong
bigyang pansin. Bumuo ng sariling pananaw tungkol dito. Sumulat ng mga talatang nagpapaliwanag ng
nasabing pananaw. Gamitan ito ng limang mga pang- ugnay sa pagpapahayag ng sariling pananaw.
Magsaliksik kung kinakailangan. Maaaring gumamit ng makukulay na papel sa gawain, o panibagong papel na
nilagyan ng mga desenyo na angkop sa paksa.

 Paggamit ng marijuana bilang gamot: Dapat bang payagan o hindi?

 Kailangan bang tapos sa kolehiyo ang isang kandidato bago tumakbo sa eleksiyon?
Diborsiyo: Dapat na nga bang gawing legal sa Pilipinas?

 Online class/No to Face to Face class o Face to Face class?

 Diborsiyo: Dapat na nga bang gawing legal sa Pilipinas?

 Online class/No to Face to Face class o Face to Face class?


PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

MAHUSAY NATUGUNAN UMUUNLAD NAGSISIMULA


PAMANTAYAN
5 4 3 2-1

NILALAMAN Detalyado at natalakay Natalakay ang Di- gaanong natalakay Hindi naging
nang husto ang paksang napili sa ang paksang napili sa malinaw ang
paksang napili sa sanaysay na naisulat sanaysay na naisulat. pagtalakay sa
sanaysay na naisulat. paksang napili sa
sanaysay na
naisulat.

Nakatulong nang Gumamit ng Kaunti lang ang mga Simple at


husto sa ikagaganda masisining na salita sa salitang masisining na karaniwan
MASINING NA ng sanaysay ang pagsulat ng sanaysay ginamit sa pagsulat ng lamang ang mga
PAGPAPAHAYAG paggamit ng sanaysay salitang ginamiyt
masisining na salita sa pagsulat ng
tula

Kawili-wili, kaabang- Malinaw at maayos May ilang bahaging Hindi maayos


abang at napakalinaw ang paglalahad ng hindi naging malinaw ang paglalahad
ORGANISASYON ang paglalahad ng mga pahayag mula ang ugnayan ng mga ng mga pahayag
mga pahayag mula simula hanggang pahayag bagamat mula simula
simula hanggang katapusan maayos naman ang hanggang
katapusan paglalahad nito. katapusan ng
sanaysay.

Kahanga-hanga ang Maayos ang paggamit May mga pagkakataon Di-wasto ang
paggamit ng istruktura ng istruktura ng wika na di-wasto ang paggamit ng
GRAMATIKA ng wika (bantas at (bantas at paggamit paggamit ng istruktura istruktura ng
paggamit ng angkop ng angkop na salita sa ng wika (bantas at wika (bantas at
na salita sa mga mga pahayag) paggamit ng angkop paggamit ng
pahayag) na salita sa pahayag) angkop na salita
sa pahayag)

KABUUAN

You might also like