You are on page 1of 18

Sa pantulong na kagamitang ito, inaasahan na

ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng:

 Pagsasaalang-alang ng etika sa
binubuong akademikong sulatin.

 Paggamit ng kasanayan sa pananaliksik


upang makasulat ng makabuluhang
akademikong sulatin na naayon sa
larangang pinili.

 Pagpapatibay sa mga natamong


kasanayan sa pagsulat ng mga
akademikong sulatin sa pamamagitan ng
sariling mga halimbawa na may kalidad
at integridad.

 Pagbuo ng sulating may batayang


pananaliksik ayon sa pangangailangan
 Pagsulat ng organisado, at kapani-
paniwalang sulatin na nakabatay sa
maingat, wasto at angkop na paggamit
ng wika
 Pakikiisa at pakikisangkot sa mga
gawaing pagsulat.

2
Termino 2, A.Y. 2021-2022 Filipino sa Piling Larangan (Akademik) Pahina
Ilang aralin na rin ang iyong natapos
pag-aralan patungkol sa akademikong
pagsulat. Ngunit hindi pa riyan natatapos ang
mga dapat mong malaman.

Malamang ay ilang beses mo na rin


naranasan ang pagsulat gaya na lamang ng
sanaysay, Ngunit ang tanong naging madali
ba para sa iyo ang pagsisimula ng pagsulat
ng mga ito? Sapat na ba ang iyong
kaalaman upang maging maayos at
organisado ang nilalaman ng sulating ito?

Lalo pang makatutulong sa iyo ang


patuloy na pag-aaral sa ganitong uri ng
sulatin. Marami ka ring mapagkukuhanan ng
 Inaasahang Pagkatuto p. 2
iyong mga ideya sa iyong isusulat batay na rin  Subukan Mo Nga p. 4
sa iyong karanasan gayundin sa karanasan ng  Mahahalagang tanong p. 4
 Ano ang Sanaysay p. 5
mga taong nasa iyong paligid.  Ano ang Replektibong Sanaysay p. 6
Sa araling tatalakayin ay marahil  Mga bahagi ng Replektibong Sanaysay
p. 7
pamilyar ka na ngunit mainam pa rin na ito ay  Halimbawa ng Replektibong Sanaysay p. 8
 Ano ang Lakbay-Sanaysay p. 10
iyong pag-aralan upan lubusang maunawaan
 Mungkahi sa pagsulat ng
ang wastong pagsulat nito, ang mga paksang Lakbay-sanaysay p. 11
 Halimbawa ng Lakbay-sanaysay p. 12
tatalakayin ay patungkol sa Replektibo,
 Ano ang Larawang-Sanaysay p. 13
Labkay-Sanaysay at Larawang Sanaysay.  Mungkahi sa pagsulat ng
larawang-sanaysay p. 14
 Halimbawa ng larawang-sanaysay p. 15
Halina’t simulan mo ng aralin at  Gawaing Pampagkatuto p. 16
 Buod ng Aralin p. 17
lubusang unawain ang mga uri ng sanaysay
 Sanggunian p. 18
na ito.

Padayon!
3
Termino 2, A.Y. 2021-2022 Filipino sa Piling Larangan (Akademik) Pahina
Tingnan ang larawan na makikita sa iyong
kanan. Batay sa iyong nakikita suriin ang
nilalaman ng nito sa pamamagitan ng
pagsagot sa mga sumusunod na katanungan.

1. Ibigay ang mga katangian na nakikita sa


larawan.

2. Ano ang nais iparating ng larawan sa iyo?

3. Mayroon bang kaugnayan ang bawat


larawan sa isa’t isa? Ipaliwanag.

Mula sa iyong mga kasagutan, maaari ka na


ring makabuo ng isang konsepto, gamitin ito
upang makasulat ng isang salaysay tungkol sa
larawan.

1. Bakit mahalagang malaman ang


pagkakaiba-iba ng Replektibo,
Lakbay-sanaysay at ng Larawang-
Snaysay?

2. Paano nga ba natin nagagamit


ang mga sulating ito sa ating
pang-araw-araw na ginagawa?

4
Termino 2, A.Y. 2021-2022 Filipino sa Piling Larangan (Akademik) Pahina
Nakailang beses ka na bang sumulat
ng sanaysay? Naging madali ba sa iyo ang
proseso ng pagsulat nito o naging malaking
hamon ba para iyo ang pagsisimula sa
pagsulat ng sanaysay? Ano nga ba muli
ang pagsulat ng sanaysay?

Ang sanaysay ay anyo ng


pagsasalaysay na mas maikli kompara sa
ibang anyo nito tuiad ng maikling kuwento
at nobela. Isang likas na katangiang
itinatampok ng sanaysay ay ang tahas na
paglalaman nito ng pananaw, pagsusuri, at
Ang tahas na katangian ng
opinyon ng manunulat sa isang pangyayari
sanaysay ay maaaring makapagdulot
o isyu na nakapukaw ng kanyang interes o
ng kalituhan sa iba’t ibang uri ng
damdamin Ayon ito kina (Baello, Garcia,
sanaysay at kayarian ng mga ito. Isa
Valmonte 1997). Hindi naman ito
sa mga maaaring maging
nangangahulugang ang ibang uri ng
katanungan ng mga nagsisimulang
pagsasalaysay ay malaya mula sa opinyon
manunulat ay kung dapat din ba
o pagsusuri ng manunulat. Sadya lamang
itong taglayin ng isang Replektibong
na sa estruktura, anyo, at ikli ng katawan
Sanaysay.
ng isang tipikal na sanaysay ay
mapapansin kaagad ang itinatampok na
mga punto ng opinyon at argumento,
lawak ng pananaw, at metikulosong
pagsusuri ng manunulat.

5
Termino 2, A.Y. 2021-2022 Filipino sa Piling Larangan (Akademik) Pahina
Ang replektibong
sanaysay ay pumapaksa sa mga
pangkaraniwang isyu,pangyayari, o karanasan
na hindi na nangangailanagn pa ng
mahabang pag-aaral. May kalayaan ang
pagtalakay sa mga puntong nilalaman nito na
karaniwan ay mula sa karanasan ng
manunulat o pangyayaring kanyang
nasaksihan (Baello, Garcia, Valmonte 1997).

Isinaad naman nina (Arrogante, Golla, Honor-


Ballena 2010) na kaiba sa pagsulat ng
talambuhay na tumatalakay sa buhay ng
isang tao, ang pagsulat ng replektibong
Subukan muna natin kung
naunawaan mo nang husto ang sanaysay ay naglalayong bigyang-katwiran,
kahulugan ng posisyong papel. Sagutin ipaliwanag, o Suriin ang partikular na salaysay
ang mga sumusunod na katanungan at
ipaliwanag. at palutangin ang halaga nito o ang
maidudulot nito, depende sa layon ng
1. Anong anyo mayroon ang isang
manunulat, sa buhay ng tao, at sa lipunan.
sanaysay?
Sa puntong ito, maaari nang sabihin na ang
2. Anong katangian mayroon ang isang
sanaysay? tahas na katangian ng karaniwang sanaysay
ay tinataglay rin ng replektibong uri nito dahil
3. Bakit mahalagang pag-aaralan ang
ang pagsasalaysay ng subhetibong paksa ay
nilalaman at uri ng sanaysay?
dumadaan sa masusing pagsusuri upang
makita ang kahulugan at kahalagahan sa
obhetibong pamamaraan.

6
Termino 2, A.Y. 2021-2022 Filipino sa Piling Larangan (Akademik) Pahina
Ngayong nalaman at naunawaan mo na ang
kahulugan ng isang replektibong sanaysay,
hindi pa riyan natatapos ang ating talakayan
dahil upang lubos pang maunawaan ito, narito
ang mga nilalaman ng bahagi ng
Replektibong Sanaysay.

1. Panimula

Ang panimula ay sinisimulan sa pagpapakilala


o pagpapaliwanag ng paksa o gawain.
Maaaring ipahayag nang tuwiran o di tuwiran
ang pangunahing paksa. Ang mahalaga ay
mabigyang-panimula ang mahalagang
bahagi ng buhay na pupukaw sa interes ng
mambabasa.
3. Kongklusyon

Sa pagtatapos ng isang replektibong


2. Katawan
sanaysay, dapat mag-iwan ng isang

Katulad ng maikling kuwento, sa bahaging ito kakintalan sa mambabasa. Dito na

ay binibigyang-halaga ang maigting na mailalabas ng manunulat ang punto at

damdamin sa pangyayari. Ang katawan ng kahalagahan ng isinasalaysay niyang

replektibong sanaysay ay naglalaman ng pangyayari o isyu at mga pananaw niya

malaking bahagi ng salaysay, obserbasyon, rito.. Dito na rin niya masasabi kung ano ang

realisasyon, at natutuhan. Ipinaliliwanag din ambag ng kanyang naisulat sa

dito kung anong mga bagay ang nais ng mga pagpapabuti ng katauhan at kaalaman

manunulat na baguhin sa karanasan, para sa lahat.

kapaligiran, o sistema.

7
Termino 2, A.Y. 2021-2022 Filipino sa Piling Larangan (Akademik) Pahina
Finish Line
Sa dami nga niyon, hindi ako napagod sa
Abril 2005 nang makapagtapos ako ng paghabol upang marating ang finish line.
kolehiyo, BSE, nagpakadalubhasa sa Filipino. Hindi sa pagmamalaki ay nakapagkamit
May titser na sina Aling Auring at Mang Primo. ako ng karangalan—ang diploma ko.

Tandang-tanda ko pa ang butas ng karayom Binalikan ko rin ang PUP para sa aking
na aking pinasok sa pag-aaral. Labis man, programang master at doktorado. Doon
sinuong ko ang bagyong signal kuwatro. ay nagpakapantas at nakipaghabulan sa
isa pang laban.
Kung hihilahin pabalik ang nakaraan, ako’y
karaniwang mag-aaral lamang noon na Isang hapon iyon nang ikuwento ko sa
nagsikap makapasa sa entrance exam sa RTU. aking mga mag-aaral na
Hindi kasi ako nakapasa sa EARIST. Isa rin ako sa nagpapakadalubhasa rin sa Filipino ang
kasamaang-palad na hindi umabot sa quota aking paghahabol. “Sir, kaya pala lagi
course ng PUP. Banta ko sa unibersidad na kang pawisan sa harap ng klase,” biro pa
iyon, babalik ako ngunit wala akong ng mga mambobolang Filipino major.
duduruging anuman (may himig yata iyon ng
pagka-GMA telebabad). “Parati tayong may hinahabol. lyon ay
dahil sa may gusto tayong makamit. Ang
Nakapasa ako. Namuhay nga ako ng apat na mahalaga matapos ng paghahabol na
taon sa RTU. Nakipaghabulan ako sa mga iyon, alam mo kung kailan at saan ka
propesor para sa ulat at grado. Naghabol din babalik. Ako ay inyong guro pero babalik
ako sa pasahan ng mga proyekto. Marami at babalik ako sa pagiging mag-aaral ko.
akong hinabol. Hinabol ko ang pagbubukas at May mga pagkakataong ako ang inyong
pagsasara ng cashier at registrar. Maikli pa mag-aaral. Natututo ako sa mga
naman ang pila noon. Humahabol ako sa mga pinagdadaanan ninyo. Nakikita ko ang
kasamang kadete sa ROTC tuwing mahuhuli sa aking sarili,” dagdag-hirit ko sa kanila.
formation. Hinabol ko ang aking mga kamag-
aral. Lahat sila ay aking hinabol at ako’y “Ok, klase, inabot na natin ang finish line.

nakipaghabulan. Pati guwardiya ay hinabol na Magkikita tayo bukas.”

rin ako. Nalimutan ko kasi noon ang aking ID.

8
Termino 2, A.Y. 2021-2022 Filipino sa Piling Larangan (Akademik) Pahina
Matapos mong basahin ang halimbawa
ng replektibong sanaysay, suriin naman
natin ang nilalaman nito.

1. Nakapukaw ba ng interes ang


panimula ng sanaysay na ito?

2. Sa katawan ng sanaysay naipaliwanag


ba ng manunulat ang pinakamahalagang
nilalaman nito?

3. At sa huling bahagi nito, nakapag-iwan


naman ba ng kakintalan sa isang
mambabasa at nailahad ang kahalagahan
ng isinasalaysay niyang pangyayari?

Kung oo ang lahat ng sagot mo at


nabigyan mo ito ng patunay, Binabati kita
dahil magiging handa ka na sa pagsulat ng
isang replektibong sanaysay ngunit bago
iyon mangyari aralin muna natin ang isa
pang uri ng pagsulat ng sanaysay ito ay ang
Lakbay-Sanaysay.

9
Termino 2, A.Y. 2021-2022 Filipino sa Piling Larangan (Akademik) Pahina
Tungkol nga ba kanino o saan ang lakbay-

May mga lugar ka na bang napuntahan na sanaysay?

noon pa man ay hinangad mo nang


marating? Magbigay ng isang natatanging Ayon kay Patti Marxsen, sa kanyang artikulong

lugar na iyo nang narating. Ipaliwanag kung “The art of the travel essay,” ang isang

ano ang iyong natuklasan sa lugar na ito at mapanghikayat na lakbay-sanaysay ay dapat

paano ito nakaapekto sa iyong sarili? makapagdulot hindi lamang ng mga


impormasyon kundi ng matinding pagnanais na

Pangalan ng Lugar: maglakbay. Maituturing na matagumpay ang


isang lakbay-sanaysay kung ito’y nakapag-

Ano-ano ang iyong natuklasan? iiwan sa mambabasa ng sariwa at malinaw na


alaala ng isang lugar bagama’t hindi pa nila ito

Paano ito nakaapekto sa iyong sarili? napupuntahan.

It’s more fun in the Philippines. Ito ang islogang Ang lakbay-sanaysay ay nagtataglay ng

isinusulong ng ating bansa, sa pangunguna ng mga pahayag na tungkol sa karanasan sa

Kagawaran ng Turismo, bilang pagmamalaki paglalakbay. Isinusulat ito upang ilahad sa

sa ating turismo. Ano nga ba ang mambabasa ang mga nakita at natuklasan sa

maipagmamalaki. ng bansang Pilipinas sa paglalakbay gamit ang pandama: paningin,

larangan ng turismo? Kung karanasan sa pakiramdam, panlasa, pang-amoy, at

kagandahan ng magagandang tanawin ang pandinig.

paksa sa lakbay-sanaysay, tiyak na patok na


Kadalasang pumapaksa sa magagandang
patok ang binanggit na pahayag.
tanawin, tagpo, at iba pang mga karanasan sa
paglalakbay ang lakbay-sanaysay. Gayundin,
Tunay na mayaman sa kasaysayan at
maaari din itong magbigay ng impormasyon
karanasan ang ating bansa hindi lamang sa
ukol sa mga karanasang di kanais-nais o hindi
taglay na likas na kagandahan kaya dito pa
nagustuhan ng manunulat sa kanyang
lamang ay marami ka nang maisusulat na
paglalakbay.
paksa para sa sulatin na lakbay-sanaysay.

10
Termino 2, A.Y. 2021-2022 Filipino sa Piling Larangan (Akademik) Pahina
Narito ang ilang mungkahi sa pagsulat ng lakbay-
sanaysay na maaari mong maging gabay.

1. Bago magtungo sa lugar na balak mong


puntahan ay dapat magsa!iksik o magbasa
tungkol sa kasaysayan nito. Pag-aralan ang
kanilang kultura, tradisyon, at relihiyon. Bigyang-
pansin din ang sistemang politikal at ekonomikal
ng lugar. Pag-aralan din ang Iengguwahe na
ginagamit sa lugar na iyon.

2. Buksan ang isip at damdamin sa paglalakbay,


lawakan ang naaabot ng paningin, talasan ang
isip, palakasin ang internal at external na
pandama at pang-amoy, sensitibong lasahan
ang pagkain.

3. Magdala ng talaan at ilista ang


mahahalagang datos na dapat isulat.

4. Kung susulat na ng lakbay-sanaysay, huwag


gumamit ng mga kathang-isip na ideya. Isulat ang
katotohanan sapagkat higit na madali itong
bigyang-paliwanag gamit ang mga malikhaing
elemento.

5. Gamitin ang unang panauhang punto de


bista at isaalang-alang ang organisasyon ng
sanaysay sa pagsulat. Magkaroon ng kritikal na
pananaw sa pagsulat sa pamamagitan ng
malinaw at malalim na pag-unawa sa mga
ideyang isusulat.

6. Tiyakin na mapupukaw ang kawilihan ng


mambabasa sa susulating lakbay-sanysay.

11
Termino 2, A.Y. 2021-2022 Filipino sa Piling Larangan (Akademik) Pahina
KAWASAN FALLS
Lakbay-Sanaysay na isinulat ni Jan Moises
Estrada sa Moalboal, Cebu
Ang daming taong nagagandahan sa lugar na
Ang masasabi ko lang dito bilang isang dayuhan ay
tinatawag na Kawasan Falls sa Badian. Ano ba
sobrang ganda talaga ng mga tanawin dito sa
tagala ang meron sa lugar na ito? Bakit kaya
Kawasan Falls. At sa paglakbay ko marami din
dinarayo ito nang mga dayuhan? Bakit
akong nakitang magandang lugar tulad nang
tinatawag nila ito na Beautiful Natural Wonders
Moalboal isa din siya dinarayo ng mga dayuhan
sa Cebu? Paano makakapunta sa Kawasan?
katulad namin. At dito ko din nalalaman ang lugar
na Moalboal ay isang sikat na atraksyong
panturista. Natuklasan ko sa aking sarili habang ako
ay naglalakbay na dapat tangkilikin ang mga lugar
na maipapagmamalaki natin sa iba.

Ito ang isa sa lugar na napuntahan namin sa


parte ng Badian. Para maka punta sa Badian
kailangan munang pumunta sa Cebu South Bus
Terminal at sumakay ng bus papunta sa Badian
o Moalboal. Ipaalam lamang sa driver o sa
konduktor na ihihinto ka sa harap ng Matutinao
Church. Mula roon, makakatagpo ka ng “Tour
Guide” na maaari kang samahan sa paglilibot
ng Area Falls o matulungan kang dalhin ang
iyong bagahe. Ngunit kung minsan, nakakainis
sila dahil pinipilit nila kami na samahan kahit
alam na naming ang daan. Pero masaya
naman ako dahil kasama ko ang aking mga
kaibigan na masayang naliligo sa falls.

12
Termino 2, A.Y. 2021-2022 Filipino sa Piling Larangan (Akademik) Pahina
Nagustuhan mo ba ang isinulat na Lakbay-
sanaysay ni Jan Moises Estrada? Malapit na
tayong matapos sa ating paksang tatalakayin.
Ang huling uri ng sanaysay na ating pag-
uusapan ay tungkol sa Larawang-sanaysay o
Pictorial Essay.

Ayon kay Amit Kalantri, isang nobelistang


Indian, “A photograph shouldn’t be just a
picture, it should be a philosophy: May
katotohanan nga naman, ang litrato ay isang
Ang larawan ay mahalagang kagamitan para
larawan sa pisikal na anyo. Subalit, ito ay may
sa isang guro dahil ito ay madalas niyang
katumbas na sanlibong salita na maaaring
gamiting pantulong na kagamitan sa
magpahayag ng mga natatagong kaisipan.
pagtuturo upang mapadali ang pagkatuto ng
Kaya naman, kahanga-hanga ang mahuhusay
mag-aaral. Kaya naman, hindi
kumuha ng mga larawan dahil higit nila itong
nakapagtatakang ang mga larawan ay
nabibigyang-buhay.
gamitin din bilang mga instrumento sa mga
gawaing pagsulat tulad ng photo essay o
larawang-sanaysay.

Ang larawang-sanaysay na tinatawag sa Ingles


na pictorial essay o kaya ay photo essay na
para sa iba ay mga tinipong larawan na
isinaayos nang may wastong pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari upang maglahad
ng isang konsepto.

13
Termino 2, A.Y. 2021-2022 Filipino sa Piling Larangan (Akademik) Pahina
Ang larawang-sanaysay ay gaya rin ng iba
pang uri ng sanaysay na gumagamit ng mga
pamamaraan sa pagsasalaysay. Sa
pagsasalaysay, maaaring gamitin mismo ang
mga binuong larawan o dili kaya’y mga
larawang may maiikling teksto o caption. Narito ang mga dapat mong isaalang-aiang sa
pagsulat ng larawang-sanaysay:
Malaki ang naitutulong ng larawang may
teksto sapagkat nakatutulong ang mga ito sa
1. Pumili ng paksa ayon sa iyong interes.
mga ideya kaisipang ipinakikita ng larawan.
2. Magsagawa ng pananaliksik sa iyong
paksang gagawin.
Ang mahalagang katangian ng larawang-
3. Isaalang-alang ang kawilihan at uri ng
sanaysay ay ang mismong paggamit ng iyong mambabasa.
larawan sa pagsasalaysay. Layunin nitong 4. Tandaan na ang isang istoryang nakatuon
magbigay ng kasiyahan o aliw sa taong sa mga pagpapahalaga o emosyon ay
madaling nakapupukaw sa damdamin ng
gumagawa ng salaysay, magbigay ng
mambabasa.
mahalagang impormasyon, at malinang ang
5. Kung nahihirapan ka sa pagsusunod-sunod
pagiging malikhain. ng pangyayari gamit ang larawan,
mabuting sumulat ka muna ng kuwento
at ibatay rito ang mga larawan.

6. Planuhing mabuti ang gagawing sanaysay


gamit ang mga Iarawan. Tandaan na
higit na dapat mangibabaw ang larawan
kaysa sa mga salita.

7. Palaging tandaan na ang larawang-


sanaysay ay nagpapahayag ng
kronolohikal na salaysay, isang ideya, at
isang panig ng isyu.

8. Siguraduhin ang kaisahan ng mga larawan


ayon sa framing, komposisyon, kulay, at
pag-iilaw. Kung minsan, mas matingkad
ang kulay at matindi ang contrast ng
ilang larawan kompara sa iba dahil sa
pagbabago ng damdamin na isinasaad
nito.

14
Termino 2, A.Y. 2021-2022 Filipino sa Piling Larangan (Akademik) Pahina
PAGMAMAHAL SA ISANG INA
Palagi tayong pinapagalitan dahil sa mga
kamalian natin. Papaluin kapag hindi natin
masagutan ang mga takdang aralin o di
kaya ay sisigawan kapag umuwi na nang
gabi. Siguro nga ay iniisip natin sa
panahong iyon na tama ang ating
ginagawa ngunit atin ring maiinitindihan sa
huli na kabutihan lamang ang ninanais nila
para sa atin.
Katibayan at katapangan ang palagi
nating nakikita sa mukha nila ngunit ang
hindi natin alam ay may kahinaan rin sila.
Habang tayo’y nagsasaya sa labas kasama
ang mga kaibigan ay maaaring iyon din
ang oras kung saan iniiyak nila lahat ng
bigat na naiipon sa kanilang dibdib.
Gagawin nila ang lahat upang maibigay
ang lahat ng kagustuhan natin kahit pa na
wala nang matitira para sa kanila. Ganyan
sila magmahal. Iniisip muna ang kapakanan
ng anak bago ang sarili. Kadalasan nga ay
nalilimutan na nila ang sariling kapakanan
dahil iniisip lamang nila kung paano tayo
mapapabuti.

Natural na sa tao ang konsepto ng pag ibig


at karamihan sa atin ay ninanais na
makahanap nito kung kaya’t sa ating
paghahanap ng pag ibig ay huwag nating
kakalimutan ang unang nariyan para sa
atin,ang taong gagawin ang lahat para sa
ating kapakanan, at ang taong labis ang
pagmamahal sa atin mula umpisa. Ang
ating mga ina.

15
Termino 2, A.Y. 2021-2022 Filipino sa Piling Larangan (Akademik) Pahina
Mula sa iyong pagsasanay at
mga pagsusuring ginawa, handang-
handa ka na upang magsulat ng
sarili mong Sanaysay.

Panuto:

Pumili lamang ng isang uri ng


sanaysay na iyong susulatin, makikita
sa ibaba ang pagpipilian sa
pagsulat ng sanaysay

Paano ang pagmamarka?


1. Sumulat ng isang replektibong
Organisasyon ng ideya – 5 pts.
sanaysay mula sa artikulong iyong
Kabuuang nilalaman – 5 pts.
mababasa na may kinalaman sa
Kalinisan ng gawa – 3 pts.
iyong strand.
Kakintalan o mensahe – 2 pts.
2. Sumulat ng lakbay- sanaysay mula
_______________________________________
sa pinakapaboritong lugar na iyong
Kabuuan – 15 pts.
napuntahan.

3. Pumili ng isang larawan na


naayon sa iyong interes na
gagamitin sa pagsulat ng larawang-
sanaysay.

16
Termino 2, A.Y. 2021-2022 Filipino sa Piling Larangan (Akademik) Pahina
Tandaan sa paggsulat ng
sanaysay, mayroon din itong iba’t ibang
uri at paraan na kung saan ay
magagamit sa iba’t ibang estilo. Mainam
na mas maunawaan ang proseso ng
pagsulat nito na naayon sa iyong interes o
pokus ng pagsulat. Narito muli ang mga
uri ng sanaysay na dapat mong tandaan.

Ang pagsulat ng replektibong


sanaysay ay naglalayong bigyang-
katwiran, ipaliwanag, o Suriin ang
partikular na salaysay at palutangin ang
halaga nito o ang maidudulot nito,
depende sa layon ng manunulat, sa
buhay ng tao, at sa lipunan.

Ang lakbay-sanaysay ay nagtataglay


ng mga pahayag na tungkol sa
karanasan sa paglalakbay. Isinusulat ito
Lakbay
upang ilahad sa mambabasa ang mga
nakita at natuklasan sa paglalakbay personal

gamit ang pandama: paningin, Larawan

pakiramdam, panlasa, pang-amoy, at malikhain


pandinig. Sanaysay

Ang larawang-sanaysay na tinatawag sa repleksyon

Ingles na pictorial essay o kaya ay photo Kronolohikal

essay na para sa iba ay mga tinipong bigyang-katwiran


larawan na isinaayos nang may wastong kritikal na pag-iisip
pagkakasunod-sunod ng mga pangkaraniwang-siyu
pangyayari upang maglahad ng isang
konsepto.
17
Termino 2, A.Y. 2021-2022 Filipino sa Piling Larangan (Akademik) Pahina
Aklat

Austero, C. S., et Al. (2013) Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Manila: Rajah
Publishing House.

Garcia, F. C., (2017) Filipino sa Piling Larang (Akademik). Quezon City: Sibs Publishing
House

Villafuerte, P.V., et. Al. (2014) Komunikasyon sa Akademikong Filipino, Quezon City:
Lorimar Publishing Company, Inc.

Online:

Pagsulat ng Replektibong Sanaysay (elcomblus.com)

Halimbawa Ng Photo Essay: 5+ Na Photoessay Sa Iba't-Ibang Paksa (philnews.ph)

Lakbay Sanaysay Halimbawa - 5 Halimbawa Ng Lakbay Sanaysay 2021 (proudpinoy.ph)

18
Termino 2, A.Y. 2021-2022 Filipino sa Piling Larangan (Akademik) Pahina

You might also like