You are on page 1of 2

TALAKAYIN NATIN: na humahantong sa komitment upang mapagbuti ang

isang pansarili o propesyonal na gawain.


Ayon kay Margaret Wheatley, Without
reflection, we go blindly on our way, creating more Bilang pagsusuma, ganito ang ginawang
unintended consequences, and failing to achieve paglalarawan sa Repleksyong Papel sa
anything useful. http://www.helium.com:

Sadyang napakahalaga ng pagmumuni-muni. In its purest form, a reflection essay is an introspective


Madalas o minsan mang gawin ito, hindi matatawaran contemplation of a frequently obscure topic that the
ang kapakinabangang hatid sa isang tao ng malalimang author is genuinely passionately about. Indirectly, the
pagmumuni-muni. Lalo na kung ang mga bunga ng essay’s form is thoughtful and almost poetic, indeed, a
gawaing ito ay maisasatitik sa papel provoking treatise grounded on experience.

A. ANG REPLEKTIBONG SANAYSAY: KAHULUGAN B. ANG PAGSULAT NG REPLEKTIBONG


AT KALIKASAN SANAYSAY

Ang replektibong sanaysay o repleksyong Si Maggie Mertens ay nagbigay ng sumusunod


papel (tinatawag ding Reflective Paper o Contemplative na Tips sa pagsulat ng repleksyong papel:
Paper) ay isang pasulat na presentasyon ng kritikal na
repleksyon o pagmumuni-muni tungkol sa isang tiyak 1. Mga Iniisip at Reaksyon. Kapag nagsusulat
na paksa. Ang repleksyong papel ay maaaring isulat ng repleksyong papel hinggil sa literatura o
hinggil sa isang itinakdang babasahin, sa isang lektyur karanasan, kailangang maitala ang iyong mga
o karanasan katulad ng internship, volunteer iniisip at reaksyon sa binasa o karanasan.
experience, retreat and recollection o educational tour. Maaari mong ilahad at ipaliwanag ang iyong
Kadalasan, ang repleksyong papel ay naglalaman ng mga damdamin hinggil sa binasa o karanasan.
mga reaksyon, damdamin at pagsusuri ng isang Maaaring gamitin ang repleksyong papel upang
karanasan sa napakapersonal na paraan, kaiba sa suriin ang isang binasang literatura. Katulad ng
paraan ng pormal na pananaliksik o mapanuring ibang papel o sanaysay, kailangang may
sanaysay (Bernales & Bernardino, 2013). kaisahan ang papel. Tukuyin ang mga
ispesipikong bahagi ng binasa o karanasang
Ang repleksyong papel ay hindi dayari o naging inspirasyon ng damdamin. Maaari ring
dyornal, bagaman ang mga ito (dayari at dyornal) ay maglahad ng mga personal na karanasan,
maaaring gamiting paraan sa pagpoproseso ng mga ngunit huwag umasa sa mga ito, dahil
repleksyon bago isulat ang repleksyong papel. Ito ay nararapat na ibatay ang papel sa iyong
isang impormal na sanaysay, at kung gayon, reaksyon at repleksyon sa materyal na iyong
nangangailangan ng sumusunod: 1) introduksyon; 2) paksa.
katawang malinaw at lohikal na naglalahad ng iyong
mga iniisip at/o nadarama; at 3) kongklusyon 2. Buod. Hindi simpleng pagbubuod ng binasa o
karanaasan ang repleksyong papel. Ito ay
Kadalasan, ginagamit ang unang panauhan isang malayang daloy ng mga ideya at iniisip.
(ako, tayo, kami) sa repleksyong papel dahil nirerekord Ang ideya ng repleksyong papel ay makasulat
dito ang mga sariling kaisipan, damdamin at karanasan. ng isang sanaysay na naglalarawan ng mga
Tandaan lamang na maaaring kailanganin ng in-text reaksyon at pagsusuri ng isang binasa o iba
references kung gumamit ng mga ideya ng ibang tao, at pang karanasan, ngunit higit na pormal ito
kung gayon, ang sanggunian ay kailangang maitala sa kaysa dyornal entri, kaya hindi angkop ang
katapusan. impormal na wika at anyo.
Ang repleksyong papel ay tala ng mga
kaalaman at kamalayan hinggil sa isang bagay. Kung 3. Organisasyon. Ang repleksyong papel ay
gayon, ito ay isang interaksyon sa pagitan ng mga kailangang maisaayos katulad ng iba pang uri
ideyang natanggap mula sa labas (libro, lektyur, ng pormal na sanaysay. Maglaan ng
karanasang pampaaralan, at iba pa) at ng iyong internal introduksyon, katulad halimbawa ng
na pag-unawa at interpretasyon sa mga ideyang iyon. paglalarawan ng iyong mga inaasahan bago
magbasa o gawin ang isang bagay. Ang
Higit sa lahat, ang repleksyong papel ay nag- katawan naman ng papel ay maaaring
aanyaya ng self-reflection o pagmumuni-muni. Ang magpaliwanag sa mga kongklusyong nabuo mo
kakayahang makapagmuni-muni ay isang mahalagang at kung bakit at paano, batay sa mga
personal at propesyonal na katangian. Ang konkretong detalye mula sa pagbabasa o
pagmumuni-muni sa kontekstong ito ay kinapapalooban karanasan. Maaaring tapusin ang papel sa
ng konstant na pagtatanong hinggil sa mga sariling pamamagitan ng pagbubuod ng iyong mga
haka at ng kapasidad na magsuri at magsintesays ng natamo mula sa binasa o karanasan. Maaaring
impormasyon upang makalikha ng mga bagong iugnay iyon sa iyong mga inilahad na
pananaw at pag-unawa. Ito ay isang patuloy na proseso inaasahan o ekspektasyon, o humantong sa
ibang kongklusyon o analisis ng binasa o d. mga liksyon, konsepto, at iba pa na agad
karanasan kaugnay ng iyong mga damdamin at na nahanapan ng paglalapat sa sariling
reaksyon. mga karanasan;
e. mga liksyon, konsepto, at iba pa na
nagdulot ng mga tanong na nais iharap ng
Ganito naman halos ang paglalarawan sa propeso ng mga mag-aaral para sa klase.
pagsulat ng repleksyong papel sa 3. Isa hanggang dalawang pahina lamang ang
http://www.helium.com: repleksyong papel. (Hindi masama kung aabot
ng tatlo. Kung higit pa sa tatlo ay labis na.)
Ang paggawa ng repleksyong papel ay 4. Dahil sa hindi mahaba ang repleksyong papel,
bahagyang naiiba sa iba pang uri ng papel sapagkat inaasahang hindi na magpapaligoy-ligoy pa.
ang kongklusyon ay sumusunod sa serye ng mga maaari naming maglaro sa anyo upang
kontemplatibong narasyon. Ang unang hakbang ay magkaroon ng sariling estilo.
pagpili ng paksang may malalim na personal na 5. Maaaring gumamit ng wikang pormal o
kahulugan sa awtor. Ang unang talata ay maaring ilaan kumbersasyonal, basta tiyaking malinaw kung
sa kaswal na obserbasyon sa paksa nang wala pang ano ang mga puntong pagmumulan ng
bahid ng ano mang emosyon. repleksyon at masusuportahan ito ng mga
konkretong paliwanag.
Matapos, dalhin ang mambabasa sa isang
6. Malaking tulong din ang pagbibigay ng mga
emosyonal na paglalakbay. Maaaring buuin ito ng tatlo
halimbawa o aplikasyon ng mga konseptong
o apat na talataang nag-uugnay, halos katulad sa isang
natutuhan sa klase. Dito papasok ang
panaginip, ng mga impresyon, obserbasyon, emosyon,
kaalaman sa context o intertext. Dapat ay may
o ideya.
mga halimbawang ibigay na hindi natalakay sa
Tapusin ang repleksyong sanaysay sa katulad klase.
na masining na talatang naglalahad ng imaheng vividly 7. Laging isaisip na ito ay papel na gagradohan
graphic na nag-aanyaya sa mambabasa sa para sa talas ng inyong pagmumuni-muni.
karagdagang introspeksyon. Bilang kongklusyon, Kung gayon, maaaring simple lang ang wika at
maaaring i-shift ang pokus sa mambabasa sa nagpapatawa o magaan ang tono, pero hindi
pamamagitan ng paglalahad ng personal na inkwiri nangangahulugang hindi ito magiging seryoso.
kung paanong ang paksa ay nakaapekto sa kanyang 8. Bagama’t personal na gawain ang repleksyong
pag-iisip sa intelektwal o emosyonal na lebel. papel, hindi ibig sabihin na maaari nang
balewalain ang mga tuntunin sa gramatika,
Ganito ang paglalarawan sa wastong baybay at pagbabantas, lalo na kung
http://www.helium.com sa isang mabuting repleksyong ito ay isang mamarkahang gawaing pasulat
papel: bilang isang rekwayrment sa kurso sa wika.
9. Ipaloob ang sarili sa micro at macro na lebel ng
Well-written reflection essays are comparable to
pagtingin sa mga konseptong tinalakay sa
impressionistic paintings, where the artist applies layer
papel. Maaaring magsimula ang
upon layer of color that conveys his or her emotions,
pagpapaliwanag sa sariling karanasan,
experience, belief, and ideas in a particular place and
pagkatapos ay sa mga napag-aralan sa ibang
time. The viewer encounters the painting and is
klase, pagkatapos ay sa mga usaping
ultimately engaged by the painter’s subtle messages
pambansa, at iba pa.
presented in dizzying perspective, symmetry, focus,
10. Kung gagamit ng mga impormasyong galing sa
abstraction, and subtlety. In the end, the viewer’s
mga website, libro, panayam, at iba pa,
thinking about the subject, be it a sea-scape, a flower
siguraduhing mababanggit sa papel ang mga
garden, water lily’s, or a bustling scene from a train
naging sanggunian (maaaring sa huling bahagi
station, cannot help but be changed, forever.
o sa katawan mismo ng papel).
Narito naman ang gabay para sa repleksyong papel na 11. Magpasa sa tamang oras at tamang lugar. Ito
hinalaw mula sa http://pinoynivlad.multiply.com: ay itinatakda ng guro nang may sapat na pag-
aabiso, kaya walang dahilan para hindi ito
1. Bigyan ng pansin ang panahong saklaw ng magampanan. Kung hindi makakapasok,
repleksyon. ipakisuyo ang iyong ginawa sa kaklase.
2. Mula sa saklaw na panahon, maaaring pansinin 12. Maaaring maglagay ng pamagat na angkop sa
at pagmuni-munihan ang mga sumusunod: ginawang repleksyong papel. Kung walang
a. Mga konsepto o aralin na lubhang maisip na pamagat, ilagay na lamang ang
sinasang-ayunan o tinututulan; “Sulatin Big__ o kung pang-ilang sulatin ito.
b. mga gawain sa klase, mga pinanood,
pinarinig, at iba pa na lubusang
nakaapekto o nakapagpaisip;
c. mga liksyon, konsepto, at iba pa na lubos
na nakapukaw ng interes at nais saliksikin
o aralin pa;

You might also like