Akademik Reviewer

You might also like

You are on page 1of 4

PAGSULAT NG AGENDA

Verizon Business (nasa The Perfect Meeting agenda, 2016),

• Ang pinakamdalas na pagkasayang ng oras sa mga


korporasyon ay nagaganap dahil sa mga ginagawang
pagpupulong.

AGENDA - ay talaan ng mga pag-uusapan sa isang pormal na


pulong. Sumusulat ng agenda upang bigyan ng impormasyon
ang mga taong kasangkot sa mga temang pag-uusapan at sa
mga usaping nangangailangan ng pansin at pagtugon.

• Kinakailangang maibigay ang agenda sa mga kasangkot


sa pulong bago pa dumating ang takdang panahon ng
pagpupulong.

Mga Konsiderasyon sa Pagdisenyo ng agenda

Sa artikulong How to Design an Agenda for an Effective


Meeting, nagpanukala si Swartz (2015) ng mga
konsiderasyong dapat tandaan sa pagdidisenyo ng isang
agenda. Ayon sa artikulong ito, kailangang isaalang-alang ang
mga sumusunod:

1. Saloobin ng mga kasamahan - Mahalagang malaman


ang saloobin ng mga kalahok upang mas maging Pulong – Mula sa isang maayos na agenda,
proaktibo ang pagpupulong. maisasagawa ang isang maayos na pulong o meeting
2. Paksang mahalaga sa buong grupo - Makabubuti
kung ang mga ito ay mga paksang mahalaga sa Pagpupulong – ang pagtitipon ng dalawa o higit pang
buong grupo o organisasyon. indibidwal upang pagusapan ang isang kmon na
3. Estrukturang patanong ng mga paksa - Dahil ang layunin para sa pangkalahatang kapakanan ng
paksa ay nasa anyong tanong, nangangahulugan din organisasyon.
na nangangailangan ito ng kasagutan.
4. Layunin ng bawat paksa - Dapat maging malinaw sa
mga kalahok kung ano ang layunin ng bawat paksa.
5. Ilagay ang nakalaang oras para sa bawat paksa -
Ayon sa nakaplano, ilagay ang nakalaang oras sa
bawat paksa.

KATITIKAN NG PULONG

Ano ang Memorandum?


• Replektibong Sanaysay

Sanaysay - ay tinatawag na “essay” sa wikang ingles. Ito ay


isang uri ng sulatin na nagpapahayag ng pananaw o opinyon
ng nagsulat nito. Ang isang sanaysay ay may pokus sa iisang
diwa at paksa. Ang mga sanaysay ay may layong magbahagi
ng impormasyon, magpahayag ng nararamdaman,
magbahagi ng opinyon, manghikayat ng ibang tao, at iba pa.

Ang replektibong sanaysay o repleksyong papel (tinatawag


ding reflective paper o contemplative paper) ay isang
pasulat na presentasyon ng kritikal na repleksyon o
pagmumuni-muni tungkol sa isang tiyak na paksa. (Bernales
& Bernardino, 2013).

ANG KATITIKAN NG PULONG • Ang repleksyong papel ay hindi dayari o dyornal,


bagaman ang mga ito (dayari at dyornal) ay
• Isang opisyal na record ng pulong ng isang
maaaring gamiting paraan sa pagpoproseso ng mga
organisasyon, korporasyon, o asosayon na isang tala ng
repleksyon bago isulat ang repleksyong papel. Ito ay
mga napagdesisyonan at mga pahayga ngunit hindi
isang impormal na sanaysay, at kung gayon,
werbatim na pagtatala sa isang nasabing pagpupulong.
nangangailangan ng sumusunod:

a. introduksyon
b. katawang malinaw at lohikal na naglalahad ng
iyong mga iniisip at/o nadarama
c. konklusyon.

• Kadalasan, ginagamit ang unang panauhan (ako,


tayo, kami) sa repleksyong papel dahil nirerekord
dito ang mga sariling kaisipan, damdamin, at
karanasan.

• Ang repleksyong papel ay tala ng mga kaalaman at


kamalayan hinggil sa isang bagay.
• Higit sa lahat, ang repleksyong papel ay nag-aanyaya Dapat Tandaan:
ng self-reflection o pagmumuni-muni.
1. Magkaroon ng kaisipang manlalakbay sa halip sa
Ang Pagsulat ng Replektibong Sanaysay ni Maggie Martens isang turista.
2. Sumulat sa unang panauhan punto de-bisita
1. Mga iniisip at reaksyon - Kapag nagsusulat ng
3. Tukuyin ang pokus ng susulating laknay-sanaysay
repleksyong papel hinggil sa literatura o karanasan,
4. Magtala ng mahahalagang impormasyon para sa
kailangang maitala ang iyong mga naiisip at reaksyon
dokumentasyon habang naglalakbay
sa binasa o karanasan
5. Ilahad ang realisasyon (Puso ng Sanaysay)
2. Buod - Hindi simpleng pagbubuod ng binasa o
6. Gamitin ang kasanayan sa pagsulat ng sanaysay.
karanasan ang repleksyong papel. Ito ay isang
malayang daloy ng mga ideya at iniisip. HAKBANG SA EPEKTIBONG PAGSUSULAT HABANG
3. Organisasyon - Ang repleksyong papel ay kailangang NAGLALAKBAY (Moore, 2013)
maisaayos katulad ng iba pang uri ng pormal na
1. Magsaliksik - tungkol sa iyong destinasyon bago
sanaysay. Maglaan ng introduksyon, katawan at
dumating sa lugar.
kongklusyon.
2. Mag-isip ng labas sa ordinary - kailangan mong
LARAWANG SANAYSAY magpakita ng mas malalim na anggulong hindi basta
namamalas ng mat
Ito ay tinatawag din bilang photo essay. Isa itong kamangha-
3. Maging isang manunulat
manghang anyo ng sining na nagpapahayag ng kahulugan sa
pamamagitan ng paghahanay ng mga larawang sinusundan ng Mga Gabay sa Pagsulat ng Isang Lakbay-Sanaysay (Dinty
maiikling deskripsyon o kapsyon kada larawan. Moore, 2013)

Mga Katangian ng Mahusay na Pictorial Essay 1. Hindi kailangan pumunta sa ibang bansa
2. Huwag piloting pasyalan ang napakaraming lugar sa
1. Malinaw na Paksa
iisang araw lamang
2. Pokus
3. Ipakita ang kwentong-buhay ng tao
3. Orihinalidad
4. Huwag magpakupot sa mga normal na atraksyon at
4. Lohikal na Estruktura
pasyalan.
5. Kawilihan
5. Hindi lahat ng paglalakbay ay positibo at puno ng
6. Komposisyon
kaligayahan.
7. Mahusay na Paggamit ng Wika
6. Alamin mo ang mga natatanging pagkain na sa lugar
Ang Paggawa ng Larawang Sanaysay lamang na binisita matitikman at pag-aralang lutuin
ito.
1. Pumili ng paksang tumutugon sa pamantayang 7. Sa halip na mga popular at malalaking katedral,
itinakda ng inyong guro. bisitahin ang maliliit na pook- sambahan ng mga
2. Isaalang-alang ang iyong awdiyens. taong hindi gaanong napupuntahan at isulat ang
3. Tiyakin ang iyong layunin sa pagsulat at gamitin ang kapayakan ng pananampalataya rito.
iyong mga larawan sa pagkakamit ng iyong layunin 8. Isulat ang karanasan at personal na repleksyon sa
4. Kumuha ng maraming larawan upang maraming paglalakbay
mapagpilian.
5. Piliin at ayusin ang mga larawan sa lohikal na Panukalang proyekto o Project Proposal
pagkakasunod-sunod.
- Ginagawa ito kapag kailangan itong marebyu ng
6. Isulat ang iyong teksto sa ilalim o sa tabi ng bawat
isang indibidwal o grupo para sa kaniyang aprubal.
larawan.
Aprubal - ay kailangan para mabigyang hudyat ang opisyal na
Lakbay-Sanaysay – pahayag tungkol sa karanasan sa
pagsisimula ng proyekto. Karaniwang naghaharap ng
paglakbay. Maaring pumaksa sa tao o mamamayang lugar.
panukalang proyekto para sa pinansyal na suporta sa
Mga Dahilan: paggawa nito.

1. Itaguyod ang isang lugar at kumite sa pagsusulat


(Travel Vlog)
2. Makalikha ng patnubay para sa posibleng
manlalakbay
3. Pagtatala sa pansariling kasaysayan sa paglalakbay
4. Maidokumento ang kasaysay
A. Kahulugan at Kalikasan ng Panukalang Proyekto 8. Pagsasagawa ng mga pulong at porum sa
komunidad.
Panukalang Proyekto - Ayon kay Besim Nebiu, ang
panukalang proyekto ay isang detalyadong deskripsyon
D. Mga Elemento ng Panukalang Proyekto
ng mga inihahaing gawaing naglalayong lumutas ng isang
I. Titulo ng Proyekto
problema o suliranin
II. Nilalaman
Ang isang panukalang proyekto ay kadalasang nakasulat; III. Abstrak
minsan ito ay sa anyong oral na presentasyon, o kaya ay IV. Konteksto
kombinasyon ng mga ito. Maaari itong internal o yaong V. Katwiran ng Proyekto
inihahain sa loob ng kinabibilangang organisasyon, o VI. Layunin.
eksternal na isang panukala para sa organisasyong di- VII. Target na Benepisyaryo.
kinabibilangan ng proponent VIII. Implementasyon ng Proyekto

Maaari itong solicited o unsolicited.


V. Katwiran ng Proyekto
Solicited proposal - kung ang panukalang proyekto ay
isinagawa dahil may pabatid ang organisasyon sa • Pagpapahayag ng Suliranin
kanilang pangangailangan. • Prayoridad na Pangangailangan
• Interbensyon
Kung wala naman at kusa o nagbakasakali lamang ang • Mag-iimplementang Organisasyon
proponent ay maituturing itong unsolicited proposal.
Tinatawag ding invited o imbitado ang solicited, at VIII. Implementasyon ng Proyekto
prospecting ang unsolicited
• Iskedyul
B. Mga Tagubilin sa Pagsulat ng Panukalang Proyekto • Alokasyon
• Badyet
1. Magplano nang maagap. • Pagmonitor at Ebalwasyon
2. Gawin ang pagpaplano nang pangkatan. • Pangasiwaan at Tauhan
3. Maging realistiko sa gagawing panukala. • Mga Lakip
4. Matuto bilang isang organisasyon.
5. Maging makatotohanan at tiyak.
6. Limitahan ang paggamit ng teknikal na jargon.
7. Piliin ng pormat ng panukalang malinaw at madaling
basahin.
8. Alalahanin ang prayoridad ng hihingian ng suportang
pinansyal.
9. Gumamit ng mga salitang kilos sa pagsulat ng
panukalang proyekto. Halimbawa: Simulan,
Ikumpara, organisa, suportahan, magpakahulugan,
gumamit, gumawa at iba pa.

C. Mga Dapat Gawin Bago ang Pagsulat ng Panukalang


Proyekto

1. Pag-interbyu sa dati at inaasahang tatanggap ng


benepisyo.
2. Pagbalik-tanaw sa mga naunang panukalang
proyekto.
3. Pagbalik-tanaw sa mga ulat sa ebalwasyon ng mga
proyekto.
4. Pag-organisa ng mga focus group.
5. Pagtingin sa mga datos estadistika.
6. Pagkonsulta sa mga eksperto.
7. Pagsasagawa ng mga sarbey at iba pa.

You might also like