You are on page 1of 11

FED 326 - MALIKHAING PAGSULAT e.

Ito ay ang paglilipat ng mga nabuong salita sa mga bagay o


kasangkapan tulad ng papel. Ito ay naglalayong mailahad ang
MIDTERM kaisipan ng mga tao. - Sauco et al., (1998)

Pagsulat f. Ang pagsusulat ay isang sistema ng interpersonal na

✔️ Anyo ng komunikasyon komunikasyon na gumagamit ng mga simbolo. Maaaring ito


ay maukit o masulat sa makinis na bagay tulad ng papel, tela,
✔️ Pagsasalin ng ideya at kaalaman sa pamamagitan ng mga maging sa malapad at makapal na tipak na bato. - Badayos
(1999)
titik at simbolo

✔️ Nagbibigay-daan para maihayag ng mga tao ang kanilang g. Ang pagsulat ay isang proseso na mahirap unawain
(complex). Ang prosesong ito ay nag-uumpisa sa pagkuha ng
mga saloobin sa tekstuwal na pamamaraan.

✔️ Paraan ng pagsasalin sa papel o ano mang kasangkapang


kasanayan, hanggang sa ang kasanayan na ito ay aktwal nang
nagagamit. - Rivers 1975
maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita,
simbolo, ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning h. Ito ay isang sistema ng humigit kumulang na permanenteng
maipahayag ang nasa kanyang isipan. panandang ginagamit upang kumatawan sa isang pahayag

✔️ Walang katapusan, paulit-ulit na proseso sa layuning


kung saan maaari itong muling makuha nang walang
interbensyon ng nagsasalita. - Peter T. Daniels
makalikha at makagawa ng maayos na sulayin; isang
kasanayan. i. Ito ay isang set ng nakikitang simbolong ginagamit upang
kumatawan sa mga yunit ng wika sa isang sistematikong
Sa sosyo-kultural na konteksto, ito ay isang proseso ng pamamaraan, na may layuning maitala ang mga mensahe na
pag-aaral at produktong konteksto na nakaaapekto sa maaaring makuha o mabigyang-kahulugan ng sinuman na may
pagkatuto; maipahiwatig ang ating nadarama na di natin alam sa wikang ginamit at mga pamantayang sinusunod sa
kayang sabihin. Ito ay para libangin ang sarili at ang kapwa, pag-eenkoda. - Florian Coulmas
magturo at magbahagi ng kaalaman at magkumbinsi ang ibang
tao sa katotohanan ng ibinibigay na opinyon. j. Ito ay isang proseso ng pag-iisip na inilalarawan sa
pamamagitan ng mahusay ng pagpili at pag-oorganisa ng mga
Ang pagsulat ay isang mental at pisikal na aktibidad na karanasan. Ito ay isang tao-sa-taong komunikasyon at paraan
isinasakatuparan para sa iba't ibang layunin. Ito ay mental na ng paghubog ng damdamin at isipan ng tao. - Arapoff
aktibidad sapagkat pinapairal dito ang kakayahan na ng isang
tao na mailabas ang kanyang mga ideya sa pamamagitan ng KAHALAGAHAN NG PAGSULAT
pagsasatitik ng mga ito. Ito naman ay maituturing na pisikal na
1. Kahalagahang Panterapyutika
aktibidad sapagkat ginagamitan ito ng paggalaw ng kamay.
2. Kahalagahang Pansosyal
KAHULUGAN NG PAGSULAT AYON SA IBA'T IBANG
TAO 3. Kahalagahang Pang-ekonomiya

a. Ang pagsulat ang bumubuhay at humuhubog sa kaganapan 4. Kahalagahang Pangkasaysayan


ng ating pagiging tao. (William Strunk, E. B White)
LAYUNIN NG PAGSULAT

🌷 Pansariling Pagpapahayag o Ekspresiv


b. Ang pag-iisip at pagsusulat ay kakambal ng utak, gayundin
naman, ang kalidad ng pagsulat ay hindi matatamo kung
walang kalidad ng pag-iisip. (Kellogg)
- pagsulat o pagtataya ng mga bagay na nakikita, naritinig o
c. Ang pagsulat ay kabuuan ng pangangailangan at nababasa. Ito rin ay pagpapahayag ng nararamdaman at
kaligayahan. (Helen Keller) nasasaloob ng mga tao. May malayang pamamaraan, hindi
gasinong pinagtutuunan ng pansin ang ispelling ng mga salita
d. Ito ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng bagkus mas mahalaga ang mailabas ang tunay na iniisip at
wastong gamit ng talasalitaan, pagbuo ng kaisipan, at retorika. nadarama ng isang tao. Kinapapalooban ito ng sariling
- Xing Jin karanasan at mga pala-palagay ng manunulat hinggil sa ilang
pangyayari sa paligid. Hal. Talaarawan, jornal, personal na 🌷 Ang mga gawaing tulad ng brainstorming ay nagpapalabas
liham, mga reaksyon at mapa o diagram. ng ideya na nakatutulong sa mga manunulat na masabi ang

🌷 Pagpapahayag na Impormasyonal o Transakyunal nasa kanyang iskema.

a. Pagfofokus - pangkalahatang layunin sa pagsulat tungkol sa


- ginagawa ito kung nais magpaabot ng mensahe, balita o paksa
magpaliwanag, magpayo o makiusap. Gumagamit ito ng mas
pormal at kontroladong paraan sapagkat may istilo na dapat b. Pag-iistraktura - pag-oorganisa at muling pag-aayos ng
isaalang-alang upang maihatid ang mensahe sa target niyang teksto upang mailahad ang ideya sa paraang tatanggapin ito ng
mambabasa. Hal. Memorandum, reviewer, risets, mga mambabasa
komentaryo, kritiko, ulat, report, poster o slogan at sanaysay.

🌷 Malikhaing Pagsulat
c. Paggawa ng Burador - transisyon ng kaisipan mula sa
manunulat patungo sa tekstong para sa mambabasa

- sa tulong ng imahinasyon ng kaisipan ng manunulat at d. Pagtataya o Evalwasyon - paggamit ng tseklist upang


kapangyarihan sa register ng wika, nagagawang ilarawan ng makuha ng fidbak at mga puna na makatutulong upang
manunulat ang lipunang kanyang ginagalawan. May sapat na maisaayos muli ang binuong burador
lakas ang mga salita upang ipadama sa mga mambabasa ang
panaromic na larawan ng buhay. Kabalikat din ang mga e. Muling Pagtingin - matiyak kung tama ang ginagawa.
maretorikang salitang gagamitin upang mabatak ang Layunin nitong makalikha ng makabuluhan at mabisang
kuryosidad at inspirasyon ng mambabasa. pagsulat na makabuo sa kasanayan ng manunulat.

APAT NA DIBISYON NG KASAYSAYAN NG 1. Imbensyon o Pag-asinta


PAGSUSULAT
a. Brainstorming - paglalahad ng mga ideya sa papel upang
🌷 Ekspresiv na Pagsulat maibigayang posibleng maging paksa

- nakafokus sa pangangailangan ng manunulat na malayang b. Paglilista - paglilista ng mga ideyang ikaw ay interesadong
maipahayag ang kanyang sarili gamit ang sariling gawin
pamamaraan. Walang ginagamit na teorya ngunit
c. Klaster - pagmamapa ng mga ideya
nakaimpluwensya sa inobasyon sa pagtuturo ng pagsulat.

🌷 Kognitiv 2. Pangangalap ng impormasyon o pagtatanong at


pag-uusisa
- tumitingin sa pagsulat bilang isang pag-iisip at isang
● a. Pangangalap ng mga ideya
kompleks na gawain. May makalayuning oryentasyon at
naniniwalang ito'y isang pabalik-balik na gawain. ● b. Paghahanap at pagsusuri ng mga pananaliksik
🌷 Sosyal na Antas ● c. Pagsasagawa ng interbyu
- ang mga manunulat ay hindi lamang kumikilos nang nag-iisa ● d. Maaari ring mabuo rito ang paksa
kundi bilang kasapi ng isang sosyal at kultural na pangkat na
nakakaimpluwensya sa kung ano at paano sila sumulat. 3. Pala-palagay

🌷 Komunidad ng Diskurso a. Habang wala pang tiyak na balangkas at daloy ng


pagtalakay sa paksang susulatin, naghahain muna ng
- nabuo ng maniwala na ang pagsulat ay isang gawaing sosyal. haka-haka ang manunulat
Ang pagkaunawa ng mambabasa at ang genre ay
napakahalaga rito. Ang atensyon ay nakatuon sa b. Iisa-isahin ng manunulat ng sanhi at bunga ng pangyayari
pantersyaryang pagsulat kung saan kailangang makasulat sila habang nag-iisip kung paano bubuuin ang balangkas ng
nang katanggap-tanggap sa akademik na komunidad. paksang napili

PROSESO NG PAGSULAT c. Nakararamdam ng pagkabalisa ang manunulat sa yugtong


ito dahil patuloy siyang naghahanap ng kasagutan sa kanyang
mga tanong at maaari pang biglang sumulpot ang iba pang ii. Sekondaryang Datos – Kinalap ang mga datos mula sa
tanong mga manuskrito, ensayklopidya, tesis, disertasyon, magazine,
pahayagan at iba pang aklat na naisulat ng mga awtor.
d. Kadalasan, itong pinakamahabang bahagi sa proseso ng
pagsulat a.k.a Incubation Period. Tatlong istratehiya sa paghahalo ng sariling pagaaral sa
pinagkunang material
4. Pag-oorganisa
1. Direktang Sipi – eksaktong salita o pahayag ng isang
a. Balangkas awtor. Kinopya nang direkta, salita-sa-salita, mula sa
sanggunian. Ginagamit ito ng mananaliksik kapag nais niyang
b. Pagsasaayos ng mga Datos
1.1 Idagdag ang kapangyarihan ng salita ng awtor upang
Balangkas
suportahan ang argument
- maituturing na pinakakalansay ng isang sulatin. Lubha itong
1.2 Nais pabulaanan o hindi sang-ayunan ang argument ng
mahalaga upang maiwasan ang paglayo sa pagtalakay sa isang
awtor
paksang napili. May dalawang klase ang pagbabalangakas:
1.3 Bigyang-diin particular ang isang malinaw o
(1) Pangungusap na Balangkas – nakatuon sa mga
makapangyarihang pahayag o sipi
makadiwang pangungusap na siyang kumakatawan sa
mahalagang bahagi ng isang sulatin at 1.4 Naghahambing ng mga ispesipikong punto de vista

(2) Talatang balangkas – nakapokus sa mga 2. Parapreys o Hawig – pagsasabing muli ng nakuhang ideya
pinag-uugnay-ugnay na mga kaisipan, ayon sa mula sa ginamit ng sanggunian gamit ang sariling
pagkakasunud-sunod. pangungusap. Ginagawa ang pagpaparapreys kapag:

1. Introduksyon 2.1 Nais gumamit ng mga impormasyon sa nowtkard at


umiwas sa panggagaya o pangongopya
1.1 Pangganyak
2.2 Nais iwasan ang masyadong paggamit ng direktang sipi
1.2 Paglalahad ng Tesis
2.3 Nais gamitin ang sariling boses sa paglalahad ng
2. Katawan
impormasyon
2.1 Paglalahad ng mga Punto
3. Sinopsis o Buod – pinagsama-sama ang pangunahing ideya
2. 2 Paglinang ng mga ideya ng isa o maraming manunulat gamit ang sariling pangungusap.
Mas maikli ito kaysa sa orihinal at naglalaman ng kabuuang
2.3 Pantulong sa pangunahing Katwiran kaisipan ng pinagkunang material. Gumagawa ng synopsis
kapag:
3. Kongklusyon
3.1 Nais magbigay ng bakgrawnd at pananaw hinggil sa isang
3.1 Muling-pagdidiin sa pangunahing ideya paksa

Pagsasaayos ng mga Datos 3.2 Nais maglarawan ng pangkalahatang kaalaman mula sa


maraming sanggunian tungkol sa paksa nais na determina ang
◦ Dalawang Uri ng Mapagkukunan ng mga Datos:
pangunahing ideya ng pinagbatayang teksto
i. Pangunahing Datos – Nagmumula ang mga impormasyon
5. Pagsulat ng Burador
sa mga indibidwal na tao, mga akdang pamapanitikan, mga
pribado o publikong organisasyon, batas, dokumento at iba • Bigyan ng sapat na panahon ang iyong sarili na magawa ang
pang orihinal na talaan. iyong sulatin.

• Humanap ng komportableng lugar ng pagsusulatan.


• Iwasan ang distraksyon o abala 2.1 Tuldok (.)

• Magpahinga a. Ginagamit bilang panapos sa mga paturol o pasalaysay,


pakiusap at pautos ng mga pangangausap
Ang mga Paraan sa Pagpapalabas ng Ideya:
b. Ginagamit din ito sa mga pinaikli o dinaglat sa salita. Hal.
a. Pagtatala – paglilista ito ng mga kaisipan sa pamamagitan Editor –Ed. Pahina – ph.
ng pagdadaglat, pagguhit, pagsipi. Masusundan dito ang
pagkakasunund-sunod at pagkakaugnay-ugnay ng mga detaly 2.2 Tandang Pananong (?) – Ginagamit itong panapos sa
tungkol sa paksa kapag magsususlat. mga pangungusap na patanong.

b. Palitang-kuro – grupo ang karaniwang gumagawa rito. 2.3 Tandang Padamdam o Eksklamasyon (!)
Malawak nilang titingnan ang paksa sa iba’t ibang anggulo at
ang kaligiran ng usapin. Ang mga potensyal na opinion ang a. Pangungusap na padamdam
bibigyang konsiderasyon at pagkakaisahan ang mga
b. Ekspresyong padamdam
hakbangin para marating ang mapagkakasunduang layunin.
2.4 Kuwit o Koma (,)
c. Malayang Pagsulat –pamamaraan itong kung ano ang
basta lumabas na ideya sa isip ay isinusulat. Huwag munang a. Pagitan ng petsa ng buwan at taon
maging mapaghatol sa isinusulat. Huwag magwawasto.
Pabayaang malayang dumaloy ang isipan nang walang b. Pagitan ng pangalan ng kalye at pangalan ng lungsod
anumang pagkontrol,sa gayon, maging ang mga di-inaasahang
nakabaong ideya ay lumitaw. c. Pagitan ng pangalan ng bayan at pangalan ng lalawigan

d. Pamamaraang Tanong-Sagot – Tinatanong ang sarili d. Bating panimula ng liham pangkaibigan


tungkol sa paksa at tiyak makakaipon ng laksang
e. Bating pangwakas ng liham pangkaibigan at liham
impormasyon. Pinaplano ang mga katanungan at ang mga
pangangalakal
ito’y pinagsunud-sunod at pinag-ugnay-ugnay. Napapalalim
nito ang pag-unawa sa paksa at nakapagbibigay ng mga f. Paghahanay pahalang ng mga salita
kawili-wiling kaisipang maisususlat.
g. Magkakasunod na parirala
6. Pagrerebisa
Ribyu ng Higher order na tuon: h. Pagitan ng tuwirang sabi at ibang bahi ng pangungusap

1. Malinaw na pagpapahayag ng mga ideya i. Pagitan ng antesidente na iyo at ng pangalan

2. Organisasyon ng Sulatin j. Pagkatapos ng ngalang panawag

3. Istraktura ng mga talata k. Pagitan ng pangalan o panghalip at ng pamuno

4. Matibay na introduksyon at kongklusyon 2.5 Tutldok o kolon (:)

7. Proofreading o Pagwawastong-Basa ◦ a. bating panimula ng liham pangangalakal

Ribyu ng later-order na tuon: ◦ b. pagsulat ng oras


◦ c. pagtatala ng iisa-isahing bagay
1. Ispeling
◦ d. pagpapakilala ng tuwirang sipi
2. Bantas
2.6 Kudlit o Apostrofi (‘) – ginagamit sa pag-aangkop ng
3. Istraktura ng mga pangungusap kataga sa sinusundang salita
4. Istilo ng Dokumentasyon 2.7 Panaklong o Parentesis ( ) – ginagamit na pangkulong sa
mgapinamimiliang salita o parirala
ii. Wastong Paggamit ng mga Bantas:
2. 8 Panipi o kotasyon (“ “) 8. Pinal na Papel
- pagtapos ng masusing pagsusuri ang teknikal na bahagi ng
a. Diyalogo nilalaman, maaari na itong ipasa sa guro o sa iba pang susuri
nito
b. Pamagat ng aklat, kuwento, pelikulat atbp.
PAMAMARAAN NG PAGSULAT
c. Mga susing salita sa isang pinarafrasong tala
- Ang pagsulat ay isang komplikadong gawain. Hindi ito
d. Direktang pagkopya ng isang salita, parirala o pangungusap
madaling mailarawan. Wala kasing tiyak na pormula sa
2.9 Gitling (-) pagsulat. Wika nga, ang dami ng pamamaraan o teknik sa
pagsulat ay sinadami ng bilang ng mga manunulat. Idagdag pa
a. Mga salitang inuulit, ganap o parsyal na ang pamamaraan o teknik ng isang manunulat ay, maaaring
mag iba-iba depende sa mood, layunin, genre, panahon at iba
b. Mga tambalang salita dahil sa pagkaltas ng isang kataga o pang salik.
salita kaya pinag-iisa na lamang na maaaring manatili ang
kahulugan kaya’y magkaroon ng ikatlo Bahagi ng Pagsulat

c. Mga magkasalungat na salita na inaalis ang pang-ugnay na a. Titulo o Pamagat- – naglalaman ng titulo o pamagat ng
at papel, panglan ng sumulat, petsa ng pagsulat o pagpasa,iba
pang impormasyon
d. Mga salitang-ugat na nagsisimula sa patinig na inuunlapian
ng panlaping nagtatapos sa katinig b. Panimula o Introduksyon- karaniwang isinasaad nito ang
e. Mga pangngalang pantangi na inunlapian paksa, kahalagahan ng paksa, dahilan ngpagsulat ng paksa at
pambunga na pagtatalakay sa daloy ng papel. Ito ang
f. Panlaping ika-ikasunod ng tambilang o numero pinakamukha ng sulatin. Dito hinahatulan, kung
magtatagumpay o mabibigo, ang isang katha. Kailangan sa
g. Fraksyong isinusulat nang pasalita
sulyap palamang ng babasa, ito’y kaakit-akit na –
h. Pagsasama sa apelyido ng pagkadalaga at ng napangasawa nakakapukaw, nakakaganyak, nakakahatak na ng kuryusidad –
para tuluyang titigan, tunghayan hanggang sa ang malay, kung
i. Paghahati ng salita sa dulo ng linya maari pa nga’y pati buhay, ay matangay nang buong
kasabikan.
2. 10 Tuldukuwit (;) – ginagamit sa dalawang malalayang
sugnay na hindi pinangangatnigan o hindi pinagdurugtong ng Mabibisang Panimula
pang-ugnay
1. Pasaklaw na Pahayag - sa panimulang ito, ang resulta o
2.11 Elipsis (…) – pagsisipi kung may tinatanggal na salita; kinalabasan na muna ang sinasabi bago isa-isahin at
(….) – sa huli ng pangungusap o katapusan ng sipi pagsunod-sunurin mula sa di gaanong mahalaga hanggang sa
pinakamahalagang detalye.
2.12 Braket ([]) – binago sa isang tuwirang sipi at dito ito
ipinaloloob, gayundin, ang kapaliwanagan sa kung ano ang - ang panimulang ito ay karaniwang makikita sa araw-araw na
ginawa binabasang mga balita bilang pamatnubay. Dito'y agad agad
matatagpuan ang bawat kasagutan sa mga katanungang; Ano?
2.13 Asteriko (*) – may tinanggal na isa o mhigit pang talata Sino? Saan? Bakit?
sa isang sinipi, pagkatapos ng isang listahan at pagpapakitang
may karagdagang impormasyon nakatalababa o nakfutnowt 2. Pagbubuod - Ang panimulang ito ay naghahayag muna ng
pinakadiwa bago tuntunin ang sadyang talakay
2.14 Salungguhit (__) – gamit sa mga pamagat ng aklat, dula,
novella, maikling kuwento, awitin, tula, sanaysay; pangalan ng 3. Pagtatanong - Ang panimulang ito'y kalabisan nang
babasahin (dyaryo, magasin, jornal, polyeto at mga ipaliwanag pa.
programang panradyo at pantelevisyon); at banyagang salita.
4. Tuwirang Sinabi - ang panimulang ito ay karaniwang
nakikitang nakapanipi sapagkat mula ito sa tapat na pagsipi sa
tiyak na pahayag ng isang taong bantog, dalubhasa, awtoridad
at maaari din namang karaniwang tao lamang ngunit ang tungkol sa mga bagay-bagay o isyu tungo sa isang
sinabi'y naghahayag ng mahalagang bagay na magagamit na obhektibong paglalagom. Sa isang isyu, ang tatlong anggulo
lundayan sa pinakapaksa ay sapat na para makabuo ng isang komposisyon

5. Panlahat na Pahayag - isang uri ito ng panimula at 3. Paespesyal o Pagaagwat - pagsasaayos itong pinauunlad
nagtataglay ng kahalagahang unibersal na maaaring hanguin ang paglalahad sa pamamaraang sa malapit sinisimulan dahil
sa mga salawikain, sa mga kawikain, at maging sa mga ang mga bagay-bagay dito'y alam na alam na, patungong
pamilyar at pang-araw-araw na makatotohanang kaalaman ng malayo o palayo kung saan ang mga bagay-bagay ay hindi
lahat na nagtataglay ng diwa o aral. masyadong kilala o vice versa, halimbawa, kung ang paksa ay
tungkol sa kapitbahayan, simulan ang pagtalakay sa sariling
6. Paglalarawan - ang mga panimulang ito'y ginagamit kapag bahay, tuloy-tuloy sa mga bahay na malayo sa sariling bahay
nagtatampok ng tao. Sapagkat nagbibigay deskripsyon, mga
malarawan at maaksyong salita ang ginagamit. 4. Paghahambing - sa pamamaraang ito ang pagpapaunlad ay
isinasaayos nang paseksyon. Sa unang seksyon, sinimulan
7. Pagkakaligiran - ito naman ang ginagamit na panimula muna ang pagkakaiba tungo sa ikalawang seksyon na ang mga
kung ang bibigyang-larawan ay pook pagkakapareho naman. Ito'y vice versa o puwedeng paglipatin
o pagpalitin ang ayos, iyong pagkakapareho muna bago ang
8. Pagsusumbi - bihira ang panimulang ito. Maikli lamang, na
pagkakaiba
karaniwan nang binubuo ng isang salita. Masorpresa itong
parang suntok kung tumimo sa kuryusidad ng bumabasa 5. Palamang o Pasahol - sa pamamaraang ito ang bagay
munang lalong mahahalaga ang binabanggit bago ang
9. Pagsasalungat - sa panimulang ito, ang binibigyang-diin ay
di-gaanong mahahalaga o vice versa.
ang pagkakaiba. Ang tuntuning sinusunod dito ay mas malaki
ang pagkakaiba, mas matindi ang bisa. 6. Patiyak o Pasaklaw - isinasaayos naman ito sa
pamamaraang sinasabi muna ang partikular o depinidong
10. Pagsasalaysay - ang panimulang ito'y anyong malumanay
detalye bago ang pangkalahatang mga pahayag. Ito'y
na pagkukukwento
naisasa-vice versa rin
11. Makatawag-pansing Pangungusap - ito'y isang
7. Papayak o Pasalimuot - gayundin sa tatlong sinusundan
mapanggitlang panimula dahil di-karaniwang sinasabi o
ang mga pamaraang ito lamang sinisimulan itong iayos sa mga
naririnig sa araw-araw, ang pamamariralang ginagamit dito.
bagay na komplikado kasunod ang mga bagay na simple o
Ito'y isang patayutay na pagpapahayag.
vice versa
12. Analohiya - ang panimulang ito ay nagtutulad o
d. Konklusyon o Wakas-nakasaad naman sa bahaging ito ang
nagwawangis
mahahalagang puntos ng papel. Inilalahad din ang
13. Anekdota - isang panimulang nagkukuwento ng maikling napatunayan o napagalaman batay sa paglalahad at pagsusuri
istorya para pasiglahin ang babasa, di kaya'y gamiting tularang ng mga impormasyong ginamit sa papel o sa pananaliksik.
lundayan ang kaugnayan sa paksang tatalakayin Dito makikita ang kabuuan ng sulatin.

14. Pagsasalitaan - ang panimulang ito ay dinaraan sa usapan Mabibisang Wakas


o diyalogo, na ayon kay Rufino Alejandro, mas mabuti itong
1. Tuwirang Sinabi
gamitin sa paglalahad ng pagkatao.
2. Panlahat na Pahayag
c. Katawan
3. Pagbubuod - ito ang pinakagamitin sa mga pangwakas. Sa
Mabibisang Katawan
halip na sa simula binubuod ang kabuuang diwa ng
1. Pakronolohikal - pagsasaayos ito ng paraan ng komposisyon, dito nama'y sa katapusan
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari mula pinakamatagal
4. Pagpapahiwatig ng Aksyon - ito'y isang pangwakas na
na hanggang sa pinakakasalukuyan
tuwiran o di-tuwirang nagpapakilos sa mga mambabasa ayon
2. Paanggulo - ang pamamaraan ng pagsasaayos na ito ay sa hinahangad na inaakalang mahalaga sa ikatatamo ng
ibinabatay sa personal na masasabi o reaksyon ng bawat tao kabutihang lahat
5. Mahalagang Insidente - ito'y isang madulang pangwakas pananaw ng manunulat. Halimbawa: adbertisment at
na maaaring magpakita ng pagbabago sa takbo ng mga sanaysay.
pangyayari at katauhan ng mga nasasangkot sa katha
7. Anyong Eksposisyon - pagpapahayag na may tungkuling
6. Pagtatanong ipaliwanag ang pangyayari, opinyon, kabatiran at mg kaisipan

7. Pagsisipi - pangwakas itong kumukopya ng isang taludtod o 8. Anyong Ekspresyon - pagpapahayag ng saloobin para
mahigit pa sa isang akda, patula man o patuluyan, na ang mapagaan ang loob bilang isang positibong pagbuhos ng
sinasabi ay angkop sa tinalakay na paksa. emosyon

8. Kongklusyon 9. Anyong Refleksyon - nilalaman ang sarili ng distansya at


9. Prediksyon inilalagay sa perpektibong malinaw na masukat ang sariling
10. Suliraning sa simula pagkatao. Tinutuklas dito ang kahalagahan ng mga karanasang
11. Pahiwatig o simbolo nagdaan at ang mga pangyayaring nagaganap sa kasalukuyan
sa buhay
MGA URI NG SULATIN
10. Anyong Direksyon o Panuto - naipapakita ng manunulat
MGA ANYO NG PAGSULAT ang kanyang pag-intindi sa mga mambabasa, gayundin,
naipasusunod niya ang tamang pagsasaayos ng mga
1. Anyong Pangangatwiran o Argumentasyon – layuning bagay-bagay sa proseso ayon sa mga tuntuning dapat gabayin.
bigyang-paliwanag ang paksa, kasysa sa bigyan-panlunas,
para Makita at mapakilalang mabuti ang particular na bagay MGA URI NG PAGSULAT
na tinatalakay sa pamamagitan ng mgapruweba’t patunay, sa
gayon, malinawan at maintindihan nang walang pagpapasubali 🌷 Akademik- formal ang istraktura. Maayos na inihahanay
ang pinagmamatuwirang posisyon o pahayag. May isang ang mga pangungusap upang maging malinaw ang
pahayag na mapagtatalunan pagkakabuo ng mga ideya. Kadalasang seryoso, nakabatay sa
sinaliksik na kaalaman. Ang pagbuo ng ganitong uri ng
2. Anyong Klasipikasyon o Pag-uuri-uri – pinararaan ang kritikal na pagsulat ay nakadepende sa kritikal na pagbasa ng
mga ito sa iba-ibang sistema ng pag-uuri, at walang ibang isang indibidwal. Ang mga pamanahaunang-papel, tesis,
pinakabasehang magagawa kundi ang paghahanap na disertasyon, suring-basa, panunuring pampanitikan,
kategorya na napagsama-sama ang mga bagay na maaaring malikhaing pagsulat o anumang sulating may paksang
magkakahiwalay at mapagbubuklud-buklod ang mga pag-akademik ay nabibilang sa uring ito.
magkakaiba.
🌷 Jornalistik – Ang mga salitang hango sa mga pahayagan
3. Anyong Pagsusuri o Analisis – isang pagtataya sa gaya ng balita, editorial, lathalain at mga balitang isports ay
nilalaman ng akda ang pagsusuri. Dalawang importanteng halimbawa ng jornalistik na pagsulat.
gampanin ang kailangan isakatupara: una, pagmamasid at
pangalawa, pasulat ng mganaobserbahan. Ang pagsulat sa 🌷 Teknikal– pagsulat o pag-draft ng teknikal na
anyong pagsusuri ay hindi lamang isang pag-uulat ng mga komunikasyon na ginagamit sa mga larangang panteknikal at
naobsrebahan kundi isang kasanayan sa pagmamasid. pantrabaho. Ito ay pakikipag-usap tungkol sa mga teknikal o
dalubhasang paksa, gaya ng mga aplikasyon sa kompyuter,
4. Anyong Pasalaysay – pagpapahayag na naglalayong mga prosesong medikal, o mga regulasyong pangkapaligiran,
maghayag nang sunod-sunod ng isang pangyayari, mga tauhan pakikipag-usap din itogamit ang teknolohiya, gaya ng mga
at may tagpuan. Halimbawa: maikling kuwento, talambuhay, web page, mga help file, o mga site ng social media, at
dyornal, kasaysayan, kathangisip. pagbibigay ng mga panuto sa kung paano gawin ang isang
bagay, hindi alintana kung gaano kateknikal ang gawain.

🌷
5. Anyong Paglalarawan – pagpapahayag na naglalayong
magsaad ng larawan ng kabuuan ng isang bagay, pangyayari o Referensyal- Ang pagtatala ng mga sangguiniang
magbigay ng isang biswal na konsepto nga mga bagay-bagay, gagamitin ay nakatutulong nang malaki sa pagpapadali ng
pook, tao o pangyayari. gagawing pagsulat. Maaring ang mga ito’y mulasa mga aklat,
pahayagan,magazine, on-layn sorses, diksyunaryo, jornal, tesis
6. Anyong Panghihikayat – pagpapahayag na naglalayong at disertasyon.
mahikayat ang mambabasa na makiayon o tanggapin ang
i. Nobela ng Pangyayari – ang mahalagang kinakatawan ay
ang pagkakasulat o pagkakagawa ng nasa pangyayari ng
A. Malikhain nobela.

1. Tuluyan ii. Nobela ng Tauhan – ang kahalagahan ay ang pangunahing


tauhan at hangarin ng mga tauhan
A. Malikhain- ang tawag sa genreng may kaugnay sa
malikhaing pagsusulat. Ito ay may dalwang uri\: iii. Nobela ng Romansa- ang binibigyang halaga rito ay ang
pag-iibigan
1. Tuluyan o komposisyong nagsasalaysay ng watong
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari na lagi nang may iv. Nobela ng Pagbabago – ang mga ibig manyaring
tauhan, tagpuan atpaksa. May iba’t ibang uri ito: pagbabago sa lipunan o pamahalaan na kanyang
kinabibilangan ang hangad ng may-akda.
a. Maikling kwento – isang akdang nagsasalaysay ng mga
pangyayari na kadalasan nang may suliraning nilulutas ng v. Nobela ng Kasaysayan – ang binibigyang halaga ng
pangunahing tauhan, may tagpuan, kasukdulan at wastong may-akda ay ang kasaysayan n gating pinagmulan at ang
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Nababasa sa paglalarawan ng mga bayaning may malaking ambag sa
sangdaling panahan lamang. pagtatanggol sa bayan.
i. Kwento ng Katutubong Buhay – ang binibigyang c. Talambuhay- isang akdang nagsasalaysay tungkol sabuhay
pagpapahalaga ay ang tungkol sa uri ng pamumuhay, na pinagdaanan ng isang kilalang tao.
kapaligiran, hanapbuhay at pananamit.
d. Dula- isang uri ng akda na nagsisimula sa tula o sa tuluyang
ii. Kwento ng Madulang Pangyayari – ang mga pagngungusap na naglalarawan ng buhay o ugali sa
kapana-panabik na pangyayari na nakapagbabago sa katauhan pamamagitan ng mga usapan at kilos ng mga tauhang
ng tauhan ang binibigyang linaw sa nasabing kuwento. tumutupad upang itanghal sa dulaan.

iii. Kuwento ng Pakikipagsapalaran – ang matinding interes e. Anekdota- isang uri ng akdang tuluyan na karaniwang
at kawilihan ay nasa balangkas at walasa mga tauhang kakatwa, maikli, subalit nag-iiwan ng aral.
nagbibigay kulay sa kuwento.
f. Talaarawan- isang kalipunan ng mga salaysay
iv. Kuwentong Kababalaghan – ang mga opangyayaring naranasan ng mayakda.
di-kapani-paniwalang pangyayari at ang katatakutan ang
nilalaman ng kwento. g. Sanaysay- ito ay isang akdang tumatalakay sa isang
mahalaga aat napapanahong usapin sa lipunan.Malawak ang
v. Kuwento ng Tauhan – ang interes nito ay nakasalalay sa saklaw nito dahil anumang bagay tungkol sa pagbabagong
pangunahing tauhan. ekonomika, pulitika, sosyal, kultural at maging personal ay
maaaring talakayin.
vi. Kuwento ng Sikolohiya – mangilan-ngilan lamang ang
sumusulat ng kuwentong ito sa kadahilanang may kahirapan h. Talumpati- isang akdang pasalita na naglalayong talakayin
ilarawan ang pag-iisip ng isang tao. Ang higit na ang isang napapanahong isyu sa lipunan.
kakailanganin ay maipadam sa mga bumabasa ang damdamin
ng isang tao sa harap ng isang pangyayari. i. Pabula- ang mga karakter ay mga hayop, naglalayong
gisingin ang isipan ng mga bata sa mga pangyayaring
vii. Kuwento ng Katatawanan – ang magpatawa at bigyang makahuhubog ng kanilang ugali.
aliw ang mga bumabasa ang tanging layunin ng nasabing
kuwento. j. Parabola- mga hango sa bibliya na tulad ng anekdota ay
nagbibigay aral sa mga mambabasa.
b. Nobela – isang akdang naiiba, higit na marami ang mga
tauhan, may masalimuot na mga pangyayari at may kahabaan 2. Patula – isang akdang pampanitikan na nagpapahayag ng
ang sakop na panahon. Kadalasang nahahati sa mga kabanata. tiyak na diwa’t damdamin na kaugat sapagkatanaw at
pagkaunawa ng makata sa mga karanasan niya sa buhay.
Maaaring may sukat o tugma o di kaya’t Malaya.
a. Tulang pasalaysay – nag lalarawan ng makhulugang mga ii. Melodrama –Karaniwang para sa musical, kasama na ng
tagpo sa buhay opera, ang sangkap ay malungkot, ngunit aksiya-siya ang
katapusa para sa pangunahing tauhan ng dula.
i. Epiko – nagsasalaysay ng mga kabyanihang halos hindi
mapaniwalaan pagkat nauukol sa nga kababalaghan. iii. Trahedya – Tunggaliang nagwawakas sa pagkasawi o
pagkwasak ng pangunahing tauhan ng dula.
ii. Awit at korido – may mga paksang hango sa pangyayaring
tungkol sa pagkamaginoo at pakikipagsapalaran at ang mga iv. Parsa – naglalayong magpasiya sa pamamagitan ng mga
tauhan ay mga hari’t reyna, prinsipe at prinsesa. Ang awit ay kawing-kawing na pangyayaring nakatatawa.
may sukat na 12 pantig at inaawit nang matagal sa saliw ng
gitara o bandurya samantala, ang korido ay may sukat na v. Saynete – paksa ay mga karaniwang pag-uugali ng tao o
walong pantig at binibigkas sa kumpas ng martsa. pook.

iii. Balad – Himig na awit dahil ito ay inaawit habang may d. Tulang Patnigan – karaniwan ng may pantig ang bawat
nagsasayaw. Ito ay nilikha noong unang panahon. Sa taludturan at tumatakay sa isang paksang pinagtatalunan.
kasalukuyan ito ay na sa mga tulang kasaysayan na may anim
i. Karagatan – batay sa alamat ng sensing ng isang prinsesa
hanggang walong pantig.
na naihulog niya sa dagat sa hangaring makapang-asawa ang
b. Tulang Pandamdamin – Nagpapahayag ng damdaming kasintahang mahirap. Ang makakuhkuha ng singsing ay
maaaring sarili ng sumulat o ng ibang tao, o kaya’y likha ng pakakasalan siya.
maharaya o mapangaraping guniguni ng makata na batay sa
ii. Duplo – humahalili sa karagatan, paligsahan ng husay sa
karanasan. Karaniwang maikli, likas at medaling maunawaan.
pagbigkas at pangangatwiran nang patula. Ang
i. Awiting Bayan – karaniwang paksa ay pag-ibig, kawalang pangangatwiran ay hango sa Bibliya, sa mga sawikain at sa
pag-asa o pamimighati, kaligayahan, pag-asa at kalungkutan. mgakasabihan. Karaniwang nilalaro upang aliwin ang
namatayan.
ii. Soneto – May labing-apat na taludtod hinggil sa damdamin
at kaisipan, may malinaw na batiran ng likas na pagkatao, at sa iii. Debate o Balagtasan – isang pagtatagisan ng katuwiran sa
kabuuan, ito’y naghahatid ng aral sa mambabasa. anyong pasalita ukol sa isang paksa o usapin pinag-uusapan.
Kaiba naman ang balagtasan sa debate bagamat isa ring
iii. Elehiya – Nagpapahayag ng damdamin o guniguni tungkol pagtatalo ngunit ang mga pangangatwiran ditto ay kailangang
sa kamatayan o kaya’y tula ng pananangis lalo na sa paggunita may sukat at tugma.
ng isang yumao.
C. Teknikal – Ito ay genre na may layuning magbigay ng
iv. Dalit – Awit ng pumupuri sa Diyos o Mahal na Birhen at impormasyon sa anyong transaksyunal, prosidyural, pag-uulat,
nagtattaglay ng kaunting pilosopiya sa buhay. ekspositori at panghihikayat.

v. Pastoral – naglalayong maglarawan ng tunay na buhay sa 1. Transaksyonal – ito ay teknikal na genre na ginagamit sa
bukid. anumang transaksyon o komunikasyong nangangailangan
ngpagtugon o tuwirang sagot. Halimbawa: E-Mail,
vi. Oda – nagpapahayag ng papuri, panaghoy o iba pang Liham,Pagbati, imbitasyon, text message at pakikipanayam
masiglang damdamin, walang tiyak na binibilang na pantig o
tiyak na bilang ng taludtod sa isang saknong. i. Liham – ito ay pagbibigay ng mensahe o impormasyon sa
pamamagitan ng pagsulat.
c. Tulang Pandulaan – Ang tulang ito’y karaniwang
itinatanghal sa isang dulaan o entablado. Ang usapan ng mga Bahagi ng Liham
gumaganap ay patula.
1. Pamuhatan
i. Komedya – Ang sangkap ay piling-pili at ang pangunahing 2. Patunguhan ng Sulat
tauhan ay may layong pukawin ang kawilihan ng manonood. 3. Bating Panimula o Pambungad
Nagwawakas nang Masaya, ang tunggalian ay karaniwang 4. Ang Katawan ng Liham
nagtatapos sa pagkakasundo ng mga tauhan na siyang 5. Bating Pangwakas
nakapagpasiya ng damdamin ng manonood. 6. Istilo ng Pagsulat
6.1 Istilong Blak magbabahagi ng natutunan at magbigay ng kasagutan sa
6.2 Istilong semi-blak katanungan. Halimbawa: press release, lektyur, talakayan sa
6.3 Istilong nakabitin o baligtad klase, sarbey at artikulo.
Uri ng Liham G. Panghihikayat – genre na naglalayong hikayatin ang taong
sumuporta o maniwala sa isang bagay o pagkilos. Nilalayon
i. Liham-pangkaibigan
nitong pumanig ang tao sa mga argument at balakin ng isang
a. Liham Pangangamusta
tao o grupo. Halimbawa: advertisement, proposal, editorial at
b. Liham Pasasalamat
argument.
c. Liham Paanyaya
d. Liham Pagbati H. Sulatin na Nangangailangan ng Pagsusuri sa Pormat,
e. Liham Paghingi ng Payo Nilalaman, Pananalita at Layunin
f. Liham Pakikiramay
g. Liham Paumanhin 1. Memorandum: karaniwang tinatawag na memo o
ii. Liham Pangangalakal paabot-ulat, pasulato limbag na nakikita araw-araw sa opisina
a. Liham Pagpapakilala na karaniwang may tiyak na mensahe o nagtatanong.
b. Liham Aplikasyon
c. Liham Pamimili 2. Agenda ng Pulong: pag-uusapan o tatalakayin ang isang
d. Liham Subskripsyon sulatin na ginagawa ng mga kapisanan o organisasyon sa
e. Liham Pagrereklamo buwanang pulong batay sa napagkasunduan ng mga pinuno.

3. Katitikan o Minits ng Pulong: ito ay pabuod na


D. Prosidyural- teknikal na genre na naglalahad ng proseso sa
pinaguusapan sa nakaraang mga pulong batay sa agenda.
pagsasagawa ng isang bagay o kilos o Gawain. Halimbawa:
Malaki ang papel na ginagampanan ng kalihim sapagkat siya
recipe, pagsunod sa direksyon at panuto.
ang kumukuha ng mga tinatalakay habang nagpupulong. Ito ay
E. Ulat – teknikal na genre na naglalayong magbigay ng may lagda ng pangulo. Ito ay babasahin muli bago magsimula
impormasyon batay sa isinasagawang pananaliksik o ang susunod na pulong. Pinagtitibay ito ng mga nasa pulong.
pag-aaral, pagmamasid, pagbabasa, pakikinigg sa paraang Kung may pagwawasto, ipahahayag ang pagtatama bago
pasalit o pasulat. Halimbawa: ulat ng media, deskriptiv, pagtibayin.
imbestigasyoon, rebyu at grap o tsart.
4. Paanyaya sa isang kapulungan o seminar: mahalaga ang
Pagsusulat ng Ulat mga kumprehensya sapagkat dito nabibigyan ng kaukulang
aksyon o solusyon ang hangarin ng isang proyekto.
1. Kombensyunal na Pamamatnubay – ito ay karaniwang
sumasagot sa mga tanong na: sino, ano, bakit, kalian, saan at 5. Tamang Ulat ng isang Kompanya (Statement of
paano. Condition): ito ay isang sulatin na karaniwang ginagawa ng
mga kompanya, katulad ng bangko, kooperatiba, Insurrance
2. Di-kombenyunal na Pamamatnubay – isang uri ng Company. Dito isinasaad ang assets, pananagutan o liabilities,
patnubay kung saan ang mga reporter ay taal na di sumusunod gastusin o equity. Huling araw ng Disyembre ginagawa ang
o lumilihis sa pamatnubay. ulat

3. Ang mahalagang mga impormasyon, kapag nakuha ito, ay 6. Proposal (Pagbabalak ng Gawain): ang sulating ito ay
isulat kaagad. makatutulong sa pagsasakatuparan ng balak na proyekto na
nais magawa.
4. Ang katumpukan o pagkatotoo sa paraang pagpapahayag ay
higit na kailangan. PERSONAL NA SULATIN

5. Iwasan ang pagbibigay ng sariling opinion, ideya o lohika, 🌷 LAKBAY SA SANAYSAY


maligoy na pananalita, sa kadahilanang ang pagdududa ay
mananatili sa kanilang isipan. Ang layunin ng lakbay sanaysay ay ang mga sumusunod:

F. Ekspositori – genre naglalayong magbunyag o maglabas ng ✔️ Maitaguyod ang isang lugar na karaniwang ang lugar na
kinalabasan ng isang pag-aaral, maglahad ng nasasaisip, pinuntahan ng manlalakbay.
✔️ Gumawa ng gabay para sa mga maaring manlalakbay. 2. Gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw –

✔️ Pagtatala ng sariling kasaysayan sa paglalakbay na


Halimbawa nito ang daan at ang mga modo ng transportasyon. tandaan, laging gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw
sa pagsulat ng bionote kahit na ito pa ay tungkol sa sarili.
kabilang dito ang espiritwalidad, pagpapahilom, o pagtuklas sa Halimbawa: “Si Juan dela Cruz ay nagtapos ng BSEd at

✔️
sarili. MAEdFilipino sa Batangas State University – Pablo Borbon
Pagdodokumento ng kasaysayan, kultura, at heograpiya ng Campus. Siya ay kasalukuyang nagtuturo ng Malikhaing
isang lugar sa malikhaing pamamaraan. Pagsulat sa parehong pamantasan.”

🌷 TALAARAWAN 3. Kinikilala ang mambabasa – kailangang isaalang-alang

✔️ kalipunan ng mga bugto-bugtong o baha-bahaging sulatin ang mambabasa sa pagsulat ng bionote. Kung ang target na
mambabasa ay mga administrador ng paaralan, kailangang
na nakasulat at nakaayos sa sunod-sunod na petsa o araw, na hulmahin ang bionote ayon sa kung ano ang hinahanap nila.

✔️
sumusunod sa porma ng kalendaryo. Halimbawa na lamang ay kung ano ang klasipikasyon at
Ilan sa pinagkakagamitan ay ang mga sumusunod: kredibilidad mo sa pagsulat ng batayang aklat.

1. Mala journal na listahan. 4. Gumagamit ng baligtad na tatsulok – katulad sa pagsulat


2. Listahan ng dapat gawin ng balita at iba pang obhetibong sulatin, unahin ang
3. Listahan ng mga nagawa pinakamahalagang impormasyon. Ito ay dahil sa ugali ng
4. Listahan ng saloobin o nadarama at iniisip. maraming taong basahin lamang ang unang bahagi ng sulatin.
5. Listahan ng pantasya Kaya naman sa simula pa lamang ay isulat na ang
6. Listahan ng kabiguan unod na petsa o araw, na sumusunod pinakamahalagan impormasyon.5. Nakatuon lamang sa mga
sa porma ng kalendaryo. angkop na kasanayan o katangaian – mamili lamang ng mga
kasanayan o katangian na angkop sa layunin ng iyong bionote.
IWASAN ito: “Si Pedro ay guro/ manunulat/ negosyante/

🌷 BIONOTE environmentalist/ chef.” Kung ibig pumasok bilang guro sa


panitikan, halimbawa, hindi na kailangan banggitin sa bionote

💡isang uri ng sulatin kung saan taglay nito ang pinaikling ang pagiging negosyante o chef.

buod ng mga tagumpay, kakayahan, edukasyong natamo at 6. Binabanggit ang degree kung kailangan – kung may PhD

💡
mga pagsasanay na natanggap ng isang may akda. sa Filipino, halimbawa, at nagsusulat ng artikulo tungkol sa
isang maiksing tala ng personal na impormasyon ukol sa ganda ng dayalektong Batangueno, mahalagang isulat sa
isangawtor. bionote ang kredensyal na ito.

🌺 Mga Dapat Lamanin ng Bionote 7. Maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon –


walang masama kung paminsan-minsan ay magbubuhat ng

💡Personal na impormasyon (pinagmulan, edad, buhay sariling bangko kung ito naman ay kailangan upang
matanggap sa inaaplayan o upang ipakita sa iba ang
kabataankasalukuyan)
kakayahan. Siguraduhin lamang na tama o totoo ang
💡 Kaligirang pang-edukasyon (paaralan, digri, at karangalan) impormasyon. Huwag mag- iimbento ng impormasyon para

💡 Ambag sa larangang kinabibilangan (kontribusyon at


lamang bumango ang pangalan at makaungos sa kompetisyon.
Hindi ito etikal at maaaring mabahiran ang reputasyon dahil
adbokasiya) dito.

Katangian ng Mahusay na Bionote

1. Maikli ang nilalaman – karaniwang hindi binabasa ang


mahabang bionote, lalo na kung hindi naman talaga
kahanga-hanga ang mga dagdag na impormasyon. Ibig
sabihin, mas maikli ang bionote, mas babasahin ito. Sikaping
paikliin ang iyong bionote at isulat lamang ang mahahalagang
impormasyon. Iwasan ang pagyayabang.

You might also like