You are on page 1of 12

NAVOTAS POLYTECHNIC COLLEGE

Bangus St. Cor., Apahap St. Brgy. NBBS, Navotas City

Dalumat ng/sa Filipino

Mga Dapat tandan


sa mga
Konseptong Diskurso

Mga Mananaliksik:

(BEED-2A)

Manansala, Elda B.

Iglesia, Jayselle

Baluca, Carmela

Ipinasa kay:

Gng. Marichu E. Demerin

Propesor sa Dalumat ng/sa Filipino


TALAAN NG NILALAMAN
Paksa

Introduksyon / Panimula

Nilalaman / Kabatiran

Kahulugan | Mga halimbawa | Uri, Anyo, Katangian, Bahagi Atbp

Pang-wakas na Gawain / Pagsasanay

Karagdagang Impormasyon

Video link | Trivia | Talasalitaan

Pasasalamat
Bibliograpiya | Sanggunian
PAKSA

Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa Mga Dapat Tandaan sa mga Konseptong Diskurso.

Mahalaga ang paksa na ito sapagkat ito ay naglalayon na malaman at maging responsable
ang bawat indibidwal sa kani-kanilang ibinabahaging impormasyon. Sa pamamagitan rin nito
nagkakaroon ng tiyansa na maging mas makabuluhan at magkaroon ng saysay ang kanilang
komunikasyon tungo sa ibang tao.

INTRODUKSYON / PANIMULA

Kaakibat na ng pang-araw araw na pamumuhay ng tao ang pakikipag-usap sa iba. Ito ang
ginagamit ng natin upang matalakay ang mga bagay na mayroong kinalaman sa mga suliraning
panlipunan at maipaabot sa kinauukulan upang matugunan ang mga pangunahing
pangangailangan ng mamamayan. Ang pagkakaroon ng ugnayan sa ibang tao ay nagdudulot
upang tayo ay magkaunawaan, maipaabot ang ating mga ideya at suhestiyon sa isang mabisang
paraan. Sa pamamagitan ng mahusay at maayos na pakikipag-usap at pakikisalamuha sa kapwa,
mas lalo tayong nagkakaroon ng pagkakaintindihan at pagkakaunawaan.

Sa ating araw-araw na pakikipag-ugnayan sa iba hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng di-


pagkakaunawaan at kung minsan ay nauuwi pa sa isang seryosong away. Ang ilan sa mga
nagiging dahilan nito ay ang paglalahad ng maling impormasyon, hindi maayos na pagde-deliber
ng mga salita at kung minsan ay nadadala lang ng bugso ng damdamin kung kaya’t nakakapag
bitaw ng hindi angkop na pahayag. Mahalaga na maging mapanuri tayo sa mga impormasyong
ating ilalahad upang maiwasan ang mga sitwasyon na makakasira at makakaabala sa atin.

Komunikasyon Isa sa mga pinakadakilang tuklas ng tao ang komunikasyon. Kapag inalis ito,
para nating pinahinto ang mundo. Kumikilos ang tao dahil sa bias ng komunikasyon. Dahil
sapaghahatiran at pagpapalitan ng ideya, impormasyon, karanasan at mga saloobin ng tao,
nagaganap ng mabuti at di- mabuti na syang pinagmumulan ng pag- unlad ng pamumuhay ng
tao.
NILALAMAN / KABATIRAN

A. KAHULUGAN
Ang salitang diskurso ay mula sa wikang Latin na “discursus” na nangangahulugang
“running to and from” na maiiugnay sa pagsalita at pagsulat na komunikasyon. Ito ay
interaktibong gawain tungo sa mabisang paglalahad ng mga impormasyon.

Ayon kay Webster (1974) ang diskurso ay tumutukoy sa berbal na komunikasyon


tulad ng kumbersasyon. Maaari rin daw itong isang pormal at sistematikong
eksaminasyon ng isang paksa, pasalita man o pasulat, tulad halimbawa ng disertasyon.
Samakatwid, masasabing ang diskurso ay isang anyo ng pagpapahayag ng ideya hinggil
sa isang paksa. Masasabi rin, kung gayon, na ang diskurso, ay sinonimus sa
komunikasyon.

Ang diskurso ay tumutukoy sa kinagisnang paraan ng pakikipagtalastasan gayun din


naman sa malalim na pagtingin sa mga ideyang inilalahad (Milrood 2002).
Layunin nito na makalikha ng imahe sa isipan ng kanyang mambabasa o tagapakinig
upang maiparating ang tunay na mensahe ng akda. Layunin din nito na makapag bigay ng
isang sapat at matibay na pagpapaliwanag ng isang isyu o panig upang makahikayat o
makaengganyo ng mambabasa at tagapakinig.

Sa konsepto ng diskurso, may mga dapat tandaan upang magkaroon ng isang mabisa
at makabulubang pag-uusap. Mahalaga ang maging mapanuri hindi lamang sa salita
kundi sa kulturang nakapaloob dito. Nararapat din na mahusay tayong maghinuha ng
impormasyon gaya ng integrasyon ng kilos sa salita at sikaping magkaroon ng kritikal at
malalim na kakayahan sa pag-unawa ng mga mensahe.
B. MGA HALIMBAWA
Disertasyon - ito ay isang dokumentong ipinasa bilang suporta sa kandidatura para sa
isang akademikong antas o propesiyonal na kwalipikasyon na nagpapakita ng nasaliksik
at natuklasan ng manunulat.

Sanaysay - ito ay sang piraso ng sulatin na kadalasang naglalaman ng punto de vista


(pananaw) ng may katha. Ang mga sanaysay ay maaaring magkaroon ng mga element ng
pagpuna, opinyon, impormasyon, obserbasyon, kuru-kuro, pang-araw-araw na
pangyayari, ala-ala ng nakaraan at pagmumuni-muni ng isang tao.

Panayam - Pag-uusap sa pagitan ng dalawa o higit pang mga tao (ang tagapakinayam at
ang kinakapanayam) kung saan ang mga katanungan ay nanggagaling sa
tagapakinayam(interviewer) upang makakuha ng impormasyon mula sa
kinakapanayam(interviewee) pakikipag-usap.

Artikulo - ay isang seksiyon na naglalaman ng impormasyon, maaaring may disenyo o


wala. At kalimitan ay makikita sa magasin, dyaryo, internet o kaya sa anumang uri ng
publikasyon.

Talumpati - ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa


pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat ng mga tao.

Salaysay - ay isang paglalahad ng pagkakasunod ng mga pangyayari na maaring gawa-


gawa lamang o di kaya ay nakabase sa totoong buhay.
C. URI, ANYO KATANGIAN, BAHAGI ATBP.
Dalawang Anyo ng Diskurso:

1. Pasulat - mas nakatuon ang atensyon ng nagsusulat sa kanyang kakayahang


pangwika upang matiyak na malinaw niyang maipapahayag sa kanyang isinulat
ang kanyang mensahe dahil maaaring maging iba ang pakaunawa ng tatanggap
nito. Ngunit sa pagsulat, mayroon ding mga salik na dapat isaalang-alang tulad ng
anyo ng sulatin o format, uri ng papel at iba pa. Mahalagang wasto ang gramatika
dahil ito ay nakasulat. maaaring ikapahiya o di kaya ay maging ugat ng gulo.

o Dito naman gumagamit ng mga simbolo at grammatiko upang maipamalas


ang saloobin. Isang magandang halimbawa nito ay si Gat. Jose Rizal na kung
saan ginamit niya ang kakayahan sa pagsulat upang maipamalas ang kanyang
opinyon at pagiging malikhain laban sa mga kastila.
o
2. Pasalita - mahalaga ang kakayahang pangwika sa pakikipag-usap ngunit minsan
ay naaapektohan ang kahulugan kung hindi bibigyang-pansin ang kalagayang
sosyal habang nagaganap ang diskurso kung kaya't mahalaga rin ang kakayahang
komunikatibo. Dapat na iangkop ang sasabihin sa panahon, sa lugar at maging sa
taong kausap upang makamit ang layunin.
o Dito gumagamit ng isang berbal na kumbersasyon upang maipamalas ang
ideya, opinyon at iba pa ang isa sa halimbawa nito ay mag magdedebate.

Mga Elemento ng Diskurso:

1. Nilalaman
o May pagbatid o mahalagang mensahe
o May mahalagang impormasyon
o May kaalamang mapapakinabang
o Makalilibang
2. Pananalita
o Madaling maunawaan
o May tatlong bagay na makatutulong upang madaling maunawaan ng isang
pahayag.
o Maraming gumagamit ng mga salitang may tiyak na kahulugan.
Apat na Paraan ng Pagdidiskurso:

1. Pagsasalaysay/Narativ- pangungusap na naglalahad ng isang katotohanang


bagay. Dapat bigyang katuturan ang sinasabi.

Layunin nito, na mailahad ang mga detalyeng kalakip ng isang pangyayari sa


isang maayos at sistematikong kaayusan.
2. Paglalahad/Ekspositori- ay isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong
mabigyang-linaw ang isang konsepto o kaisipan, bagay o paninindigan upang
lubos na maunawaan ng nakikinig o bumabasa.
Layunin nito na makapagbigay ng impormasyon.
3. Pangngangatwiran/Argumentatib- may layuning manghikayat at
magpapaniwala sa pamamagitan ng makatwirang mga pananalita. Kailangan na
maging masuri at naayon.
Layunin nitong makahikayat ng tao sa isang isyu o panig.
4. Paglalarawan/Deskriptiv- isang anyo ng diskurso na nagpapahayag ng sapat na
na detalye o katangian ng isang tao, bagay, pook o damdamin upang ang isang
mambabasa ay makalikha ng isang larawan na aayon sa inilalarawan.
Layunin nito na makalikha ng imahe sa isipan ng kanyang mambabasa, upang
maging sila ay maranasan din ang naranasan ng manunulat.
PANG-WAKAS NA GAWAIN / PAGSASANAY

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot sa loob ng kahon at isulat ito sa patlang.

A.Kontekstong Interpersonal B. Kontekstong Pangmasa C.Pananalita

D.Pangangatwiran E.Diskurso F. Pasulat G. Paglalahad

H. Kontesktong Interkultural I. Kontekstong Panggrupo J.Pasalaysay

_____1. Konteksto ng diskuro na Tumutukoy sa dalawang indibidwal na nagpapalitan ng mga


ideya batay sa karanasan, trabaho at mga kaugnayan nito.
_____2. Anyo ng diskurso na mas nakatuon ang atensyon nito sa kanyang kakayahang pangwika
upang matiyak na malinaw niyang maipapahayag ang kaniyang menshae.
_____3. Ito ay anyo ng diskurso na nakatuon sa pakikipag-usap ngunit minsan ay naaapektohan
ang kahulugan kung hindi bibigyang-pansin ang nagaganap na diskurso.
______4. Ito ay kontekstong gumagamit ng mass-media, radio, telebisyon at pahayagan.
_____5. Pangungusap na naglalahad ng isang katotohanang bagay na kinakailangang bigyan ng
katuturan ang sinasabi.
_____6. May layuning manghihikayat at magpapaniwala sa pamamagitan ng makatwirang mga
pananalita.
_____7. Ito ay libel ng kontekstong diskurso na kinasasangkutan ng 3 hanggang 20 tao, kung
saan ang proseso ng diskurso ay pwedeng gawin sa mediated o face to face na pamamaraan.
_____8. Ito ay nag mula sa wikang Latin na “discursus” na nangangahulugang “running to and
from” na maiiugnay sa pagsalita at pagsulat na komunikasyon.
_____9. Isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong mabigyang-linaw ang isang konsepto o
kaisipan upang lubos na maunawaan ng nakikinig o bumabasa.
_____10. Ito ay tumutukoy sa konteksto ng diskursyon sa pagitan ng mga taong nabibilang sa
ibat-ibang kultura, kabilang na din ang ibat-ibang kultura na matatagpuan sa ibang bansa.
Sagot:

1.A 6.D

2.F 7.I

3.C 8.E

4.B 9.G

5.J 10.H
KARAGDAGANG IMPORMASYON

Tandaan na ang konsteksto ng isang diskurso ay


maaaring interpersonal, pang-grupo, pang-organisasyon,
pang-masa, interkultural at pangkasarian.

Iba pang impormasyon tungkol sa Diskurso:

https://www.youtube.com/watch?v=BDeMCd6qMFg
TALASALITAAN:

1. Kumbersasyon - Ito ay isang proseso kung saan ang dalawang tao o higit pa ay nag
uusap.

2. Suhestiyon - isang bagay na nagpapahiwatig ng isang tiyak na katotohanan o


sitwasyon.

3. Mapanuri - mapagsiyasat, mapaganalisa, pinag aaralang mabuti ang mga bagay bagay
o mga sitwasyon.

4. Integrasyon – pagsama-sama o pag-uugnay-ugnay ng mga nakaraan at bagong


karanasan

5. Interkultural - uri ng komunikasyon na nagpapakita ng integrasyon ng dalawa o higit


pa na nabibilang sa iba’t ibang kultura, kabilang na din ang iba’t ibang kultura na
matatagpuan sa isang bansa.

6. Konteksto - y isang salitang ginagamit upang ilarawan ang buod ng isang bagay na
nais iparating.

7. Interpersonal - komunikasyon na maaring maging berbal, o di-berbal.

8. Manghikayat – naglalahad ng isang opinyon na ang layunin ay makumbinsi ang mga


manunulat o mambabasa

9. Disertasyon - ay ang paglalantad ng isang pangangatuwiran sa isang nakaayos na


paraan para sa mga layunin ng pagsisiwalat o debate.

10. Diskursyon - Ito ay isinasagawa upang bigyang kasagutan ang isang mahalagang
usapin o pag-usapan ang isang bagay upang makamtan ang isang layunin
PASASALAMAT

Ang proyektong ito ay nabuo at naging makatotohanan dahil sa pagkakaisa at pagtutulungan


ng mga kasapi sa grupo.

Pangunahin naming gustong ipahayag ang aming napakalaking pasasalamat sa aming


makapangyarihang Diyos na binigyan kami ng lakas at katalinuhan upang matapos ang gawaing
ito nang matagumpay.

Nais naming ipahayag ang aming pasasalamat sa aming butihing propesor sa asignaturang
Dalumat ng/sa Filipino na si Gng. Marichu E. Demerin sa pagbibigay sa amin ng patnubay sa
paggawa ng gawaing ito.

Ang aming pasasalamat at pagpapahalaga rin sa bawat isa sa mga miyembro ng pangkat
para sa kanilang pagsusumikap at kahusayan para sa pagtatapos ng proyektong ito.

MGA SANGGUNIAN

https://www.slideshare.net/abigailcabanzadayrit/filipino-reportdiskurso

https://prezi.com/1izvwxgcfseq/konsepto-ng-diskurso/

https://www.scribd.com/doc/285114484/diskurso

https://www.academia.edu/42071209/Aralin_6_DISKURSO_Reynalyn_P_Loriega_

https://www.youtube.com/watch?v=BDeMCd6qMFg

You might also like