You are on page 1of 7

TOPIC

Kakayahang Pragmatik:

7  Antas ng Komunikasyon
 Komunikasyong Berbal at Di-Berbal

WEEK 10 DURATION 180 mins

LAYUNIN

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. Naipaliliwanag ang mga domeyn ng kakayahang komunikatibo.


2. Naipaliliwanag ang mga antas ng komunikasyon.
3. Napipili ang angkop na mga salita at paraan ng paggamit nito sa mga usapan o
talakayan batay sa kausap, pinag-uusapan, lugar, panahon, layunin, at grupong
kinabibilangan.
4. Nahihinuha ang layunin ng isang kausap batay sa paggamit ng mga salita at paraan ng
pagsasalita sa kahulugang ipinapahayag ng mga teksto / sitwasyon ayon sa konteksto.
5. Nakabubuo ng mga kritikal na sanaysay ukol sa iba’t ibang paraan ng paggamit ng
wika ng iba’t ibang grupong sosyal at kultural sa Pilipinas.

PANIMULA

Mahalagang Tanong

Ano ang kahalagahan ng paglinang sa kakayahang pangkomunikatibo?

Simulan Natin

Manood ng isang news report o isang eksena sa telenobela mula sa YouTube na pwedeng i-
replay. Ilagay sa pinakamahina ang volume o iyong wala na talagang marinig. Hulaan kung ano
1 Fil 01: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
ang sinasabi ng artista o reporter. Isulat ito kahon sa ibaba.

I-replay muli ang news report o ang eksena sa telenobela at sagutin ang sumusunod:

● Tama ba ang iyong isinulat? ___________________________________

● Kung mali ang iyong isinulat, bakit ka kaya nagkamali?


_________________________________________________________________________

● Kung tama ang iyong isinulat, ano-anong mga bagay ang nakatulong sa iyo upang
maging tama ang iyong hinuha?_____________________________________________

● Sapat bang gumamit ng wika upang maging epektibo ang pakikipagtalastasan?


Ipaliwanag ang iyong sagot.
________________________________________________________________________

PAGTALAKAY

Alam mo ba?

Tunay ngang masalimuot ang kalikasan ng komunikasyon kaya ang mga dalubwika ay gumamit
ng mga modelo ng komunikasyon upang lalo itong maipaliwanag. Narito ang modelo at mga
sangkap ng komunikasyon:

2 Fil 01: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


Napakaraming kahulugan ng salitang komunikasyon. Kung gagamitin mo ang mga
talatinigan makukuha mo ang ganitong depinisyon: ang komunikasyon ay ang akto ng
pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa pamamagitan ng pasalita o pasulat na paraan.

Ito ay proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng


mga simbolikong cues na maaring berbal o di-berbal. Maliwanag na sa isang sitwasyon
ng pakikipagtalastasan ay may tagapaghatid ng mensahe at may tagatanggap.

KAKAYAHANG PRAGMATIK

Sa mga nakalipas na dalawang aralin ay nabatid natin ang ilang kakayahang


pangkomunikatibo tulad ng lingguwistiko o gramatikal at sosyolingguwistiko na tutulong
sa atin upang maging epektibo sa pakikipagtalastasan. Ang mga kakayahang
pangkomunikatibo ay batay sa mga modelong binuo ng mga lingguwista. Sadyang may
pagkakaiba ang mga modelo ngunit makikita natin ang pagkakatulad ng mga ito at ang
layunin nitong magdebelop ng mga epektibong komyunikeytor. Sa araling ito ay
tatalakayin natin ang isa pang kakayahang pangkomunikatibo, ang kakayahang
pragmatik. Bagama’t ang mga kakayahang komunikatibo ay magkakaugnay, inisa-isa
natin ang pagtalakay rito upang lubos na maipaliwanag at maunawaan. Kung ang isang
tao ay may kakayahang pragmatik natutukoy nito ang kahulugan ng mensaheng sinasabi
at di sinasabi, batay sa ikinikilos ng taong kausap. Natutukoy rin nito ang kaugnayan ng
mga salita sa kanilang kahulugan, batay sa paggamit at sa konteksto.

Sa pakikipagtalastasan, mahalagang maunawaan ang intensyon ng nagsasalita dahil


mahuhulaan ang mensahe nito ng tagapakinig. Mahalaga ang kakayahang pragmatik
bilang daan sa pagiging epektibo ng pakikipagtalastasan, sapagkat nililinaw nito ang
relasyon sa pagitan ng intensyon o nagpapahatid ng mensahe at ang kahulugan nito.

Nararapat ding malaman na may iba’t ibang salik pa na isaalang-alang sa pag-unawa,


kasama na rito ang intelektwal na kalagayan ng decoder , kalinawan ng encoder, at ang
pagtatagpo ng kani-kanilang interpretasyon.

Mga Antas ng Komunikasyon

Ang kakayahang pagbibigay ng ideya, pananaw, at saloobin ay nagsisilbing batayan sa


isang matagumpay na komunikasyon . Ang komunikasyon ay isang proseso na maaring
berbal o di-berbal sa paghahatid at pagtanggap ng mensahe. Saklaw ng prosesong ito
ang sumusunod na mga antas ( Resuma at Semorlan, 2002 at Galang et al, 2009):

ANTAS PALIWANAG HALIMBAWA

❖ Ito ay gawaing Pagbulong sa sarili, pag-


kinasasangkutan ng iisip, pagsusuri, pag-
Pansariling pakikipag-usap sa sarili alaala, repleksyon o
Komunikasyon meditasyon, pagdarasal
at ibang pakiramdam

3 Fil 01: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


❖ Ito ay pakikipag-ugnayan Pakikipag-usap sa kapwa,
sa kapwa o maliit na pagtatanong, interbyu,
pangkat ng tao upang pagbabahagi ng ideya sa
Komunikasyon
ibigay ang mensahe, kagrupo, atbp.
sa Kapwa
kaisipan, ideya, pananaw
sa paraang berbal o di-
berbal,

❖ Ito ay tinatawag sa Ingles Pagtatalumpati sa


na “mass communication” 0 publiko, panonood ng
Komunikasyong public communication” . Ito telebisyon o pelikula,
Pangmadla o ay paghahatid ng mensahe pakikinig sa radio,
Pampubliko sa madla o publiko. pagbabasa ng magasin,
aklat o dyaryo

Uri ng Komunikasyon

Paano tayo nakikipagkomunikasyon? Ginagawa ito sa dalawang paraan: berbal


at di-berbal na komunikasyon . Madaling makikilala ang pagkakaiba ng dalawang uri
ng komunikasyon. Ang komunikasyong berbal ay tumutukoy sa lahat ng uring
nasusulat at sinasalita, samantalang ang di-berbal naman ay tumutugon sa lahat ng
aspektong hindi ginagamitan ng mga salita.

Ang berbal na kamunikasyon ay ang paggamit ng wikang sinasalita o sinusulat.


Dahil dito ginawang malinaw na maiparating ng tao ang kaniyang naisip at nadarama.
Ito ay ginagamitan ng mga tunog at pinagsama-samang mga salita ng tao na
nakapagpapalitan ng mga pahayag o pangungusap sa komunikasyon. Ang mga
ipinapahayag na nais iparating ng tao sa kaniyang kaharap o kausap ay binubuo muna
sa isipan ng nagsasalita . Ang mga pahayag ay maaaring paglalahad, pagsasalaysay,
paglalarawan, pangangatuwiran, pag-uutos, pagmumungkahi, pagpapayo,
pagtatanong, at pagpapahayag ng matinding damdamin. Karaniwan itong ginagawa sa
pag-uusap o dayalog, paglelektyur, pagtatalumpati, pagbati, pag-aaway, at iba pa.

Ang di-berbal na komunikasyon naman ay maaaring sa paggamit ng galaw o


kilos ng katawan, ekspresyon ng mukha gaya ng pagngiti, pagsimangot, pagtango,
pag-iling, pagngiwi; ang mga simbolo at senyas, paggalaw ng mga mata gaya ng
pagkindat, pagmulagat, tunog, kulay, galaw ng mga kamay at iba pang paraang
ginagamit upang maipahatid natin ang gusto nating maiparating. Hindi sa lahat ng
pagkakataon laging pasalita o pasulat ang pagpapahayagng tao. Ipinapahayag din niya
ang kaniyang damdamin o saloobin sa pamamagitan ng di-berbal na pagpapahayag.

Sinasabing ang di-berbal na komunikasyon ay mas malakas o mas matindi pa kaysa


berbal na komunikasyon. Maraming bagay at mensahe ang maihahatid sa

4 Fil 01: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


pamamagitan ng di-berbal na komunikasyon at may mga mensaheng higit na
nauunawaan nang hindi kailangan ang mga salita.

Maituturing na ang totoong lengguwahe ay ang kilos o gawi “action speaks louder
than words”, wika nga. Bawat galaw ng tao ay maglalantad o magpapakita ng kaniyang
totoong ugali at damdamin. Kadalasan sa komunikasyon ay di-berbal. Malimit itong
nagpapakita sa totoong nararamdaman ng tao kaysa kaniyang sinasabi.

Mga Katangian ng Komunikasyong D-Berbal


1. Ang ating di-berbal na kilos ay impluwensya ng ating kultura at ito ay sumasalamin sa
kultura na ating kinagisnan. Halimbawa may mga kultura na pwedeng umiyak ang
mga lalaki pero sa ibang kultura, tinuturuan silang magpigil ng kanilang emosyon o
pag-iyak.
2. Maaaring pang-unibersal ang di-berbal na komunikasyon gaya ng paggamit ng
ekspresyon ng mukha para makapagpahayag ng emosyon.
3. Ang di-berbal ay nagbibigay ng iba’t ibang kahulugan batay sa kulturang
nagpapahayag o gumagamit nito.
4. Ang pagkakaroon ng kamalayan sa iba’t ibang di-berbal ng komunikasyon ay
nagpapatalas ng ating kakayahan bilang interkultural na komunikador.

Iba’t ibang Pag-aaral sa mga Anyo ng Di- Berbal na Komunikasyon

1. Kinesika (Kinesics) – Ito ang pag-aaral ng kilos at galaw ng katawan. Hindi man tayo
bumigkas ng salita, sa pamamagitan ng pagkilos ay maipararating natin ang mensaheng
nais nating ipahatid.

2. Ekspresyon ng mukha (Pictics) – Ito ang pag-aaral sa ekspresyon ng mukha upang


maunawaan ang mensahe ng tagapaghatid. Sa paghahatid ng mensaheng di-berbal,
hindi maipagwawalang-bahala ang ekspresyon ng mukha. Ang ekspresyon ng mukha,
kadalasan, ay nagpapakita ng emosyon kahit hindi man ito sinasabi. Sa ekspresyon ng
mukha ay mahihinuha natin ang nararamdaman ng isang tao, kung ito ay masaya,
malungkot, galit, o natatakot.

3. Galaw ng mata (Oculesics) – Ito ay pag-aaral ng galaw ng mata. Nakikita sa galaw ng


ating mga mata ang nararamdaman natin. Sinasabing ang mata ang durungawan ng
ating kaluluwa, nangungusap ito. Ipinababatid ng ating mga mata ang mga damdaming
nararamdaman natin kahit hindi natin ito sinasalita.

4. Vocalics – Ito ay ang pag-aaral ng mga di linggwistikong tunog na may kaugnayan sa


pagsasalita. Kasama rito ang pagsutsot, buntong-hininga, at iba pang di linggwistikong
paraan upang maipabatid ang mensahe. Tinutukoy rin nito ang tono, lakas, bilis, o bagal
ng pananalitang nagbibigay linaw sa berbal na komunikasyon.

5. Pandama o Paghawak (Haptics) – Ito ay pag-aaral sa mga paghawak o pandama na

5 Fil 01: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


naghahatid ng mensahe. Isang anyo rin ito ng di- berbal na komunikasyon: Ang tapik sa
balikat, ang paghablot, pagkamay, o pagpisil, ito ay mga paraan upang mapabatid ang
isang mensahe.

6. Proksemika (Proxemics) – Ito ay pag-aaral ng komunikasyong gamit ng espasyo, isang


katawagang binuo ng antropologong si Edward T. Hall (1963). Ito ay tumutukoy sa layo
ng kausap. Sinasabing may kahulugan ang espasyong namamagitan sa magkausap.
Ang magkausap ay may iba’t ibang uri ng proxemic distance na ginagamit sa iba’t ibang
pagkakataon. Ang distansiyang ito ay maaring magpahiwatig kung anong uri ng
komunikasyon ang namamagitan sa magkausap.

7. Chronemics – Ito ay pag-aaral na tumutukoy kung paanong ang oras ay nakaaapekto sa


komunikasyon. Ang paggamit ng oras ay maaaring kaakibat ng mensaheng nais
iparating. Ang pagdating nang maaga sa isang job interview ay nangangahulugang may
disiplina ang nag-aaplay at interesado siya sa inaaplayan. Ang pagtawag sa telepono sa
dis-oras ng gabi ay maaaring mangahulugan ng pang-iistorbo o maaaring emergency
ito.

Pag-usapan natin
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang kayang gawin ng isang taong may kakayahang pragmatik?


2. Sa anong sitwasyon nagagamit ang kakayahang ito?
3. Sa pakikipagtalastasan, bakit mahalagang maunawaan ang intensyon ng nagsasalita?
4. Ano-ano ang mga salik na dapat isaalang-alang upang maunawaan ng tagatanggap
ang mensahe ng tagapaghatid? Ipaliwanag ang mga ito?
5. Ano ang ibig sabihin ng komunikasyon?
6. Ano ang dalawang uri ng komunikasyon?
7. An0-ano ang iba’t ibang anyo ng di-berbal na komunikasyon?
8. Alin sa mga anyo ng di-berbal na komunikasyon ang madalas mong gamitin?
9. Sa iyong palagay, sapat bang gamitin lamang ang di-berbal na komunikasyon upang
maiparating ang iyong mensahe ? Ipaliwanag.

6 Fil 01: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


GAWAIN

Buoin Natin: Pinipili ang angkop na mga salita at paraan ng paggamit nito sa mga
usapan o talakayan batay sa kausap, pinag-uusapan, lugar, panahon, layunin, at
grupong kinabibilangan

Pag-aralan ang ibinigay na detalye sa ibaba at bumuo ng diyalogo batay rito. Isulat
ang diyalogo sa loob ng kahon . Piliing mabuti ang angkop na mga salita at paraan ng
paggamit nito.

Magkausap: Isang kandidato sa pagka-pangulo at isang mag-aaral sa senior high school

Pinag-uusapan: Kalagayan ng edukasyon sa bansa

Lugar: Opisina ng kandidato

Panahon: Panahon ng pangangampanya

Layunin: Nais malaman ng mag-aaral ang balak ng kandidato sa kalagayan ng


edukasyon ng bansa at nais namang kumbinsihin ng kandidato ang mag-aaral na siya
ang nararapat na mahalal na lider ng ating bansa.

Grupong Kinabibilangan: Ang mag-aaral ay galing sa isang mahirap na pamilya; ang


kandidato ay bagong mukha sa politika.

MGA SANGGUNIAN

Mga Aklat
Alma M. Dayag at Mary Grace G. del Rosario. 2016. Pinagyamang PLUMA (Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino). Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.

Alvin Ringgo C. Reyes. 2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Makati
City: Diwa Learning System Inc.

Montera, Godfrey and Plasencia, Norly. 2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kultura:
Para sa Senior High
School. Cebu City: SoLINE Publishing Company Inc.

Inihanda ni:

Charlotte D . Lisondra
Instructor, Senior High School

7 Fil 01: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

You might also like