You are on page 1of 29

KOMUNIKASYON

KOMUNIKASYON
Mula sa salitang Latin na “COMMUNIS” na
nangunguhulugang “karaniwan” o
“panlahat”.
N:
S Y O
I NI
DE P
Ang komunikasyon ay:
– ang akto ng pagpapahayag ng ideya sa
pamamagitan ng pasalita o pasulat na paraan.
(Webster)
– Isang intensyonal o konsyus na paggamit ng
anumang simbolong tunog o anumang uri ng
simbolo upang makapagpadala ng katotohanan,
ideya, damdamin o emosyon mula sa isang
indibidwal tungo sa iba. (Greene at Petty)
– Proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng
mensahe sa pamamagitan ng simbolikong cues
na maaaring berbal o di-berbal. (Bernales, et al., 2002)
HALAGA:
Upang maging epektib na
komyunikator, kailangang
idebelop natin ang kasanayang
reseptib at ekspresib.

Pakikinig Pagsasalita

Pag-iisip
Mga Kasanayang Mga kasanayang
Pagmamasid
Reseptib Ekspresib
Pagdanas

Pagbasa Pagsulat
Ang komunikasyon ay maaring magamit para sa mabuti o masamang layon.

Kapag tinatangka sa komunikasyon ang tuklasin ang


katotohanan, pagyayamanin at igloripay ang mga aspetong
nagpapabuti sa kalidad ng buhay ng tao, ang komunikasyon
ay mabuti.

Ngunit kapag sinisira o binabaluktot ang


katotohanan sa komunikasyon, nililito o nililihis ang
mga mamamayan sa kabutihan, ang komunikasyon
ay masama.

Hindi sapat na alam natin gamitin ang komunikasyon nang mabisa at


mapanghikayat. Kailangan din nating maging matapat, makatotohanan,
matapang upang ang komunikasyon ay magbunga ng mabubuting epekto at
transpormasyonh intelektwal, sosyal at ispiritual.
URI:
KOMUNIKASYONG INTRAPERSONAL
• Ito ay tumutukoy sa komunikasyong pansarili.
- pag-iisip, pag-aalala, pagdama, mga prosesong nagaganap sa
internal nating katauhan.
• Ito ang syang pinakabatayan ng dalawa pang uri ng komunikasyon.

KOMUNIKASYONG INTERPERSONAL
• Ito ay tumutukoy sa komunikasyong nagaganap sa pagitan ng dalawang
tao, sa pagitan ng isang tao at maliit na pangkat.
• Ito ang humuhubog ng ating uganyan o relasyon sa ating kapwa.

KOMUNIKASYONG PAMPUBLIKO
• Ito ay tumutukoy sa komunikasyong nagaganap sa pagitan ng isa at
malaking pangkat ng mga tao.
• Ito ang uri ng komunikasyon sa pamamagitan ng mga midyang pangmasa
tulad ng telebisyon, radyo, pahayagan, at pelikula.
1
2
3 KATANGIAN
4
5
6
KATANGI
AN:
1 ANG KOMUNIKASYON AY ISANG PROSESO.

• Encoding - ano ang mensahe, paano ipadadala, anu-


anong salita ang gagamitin, paano isasaayos, anong
daluyan ang gagamitin at ano ang inaasahang
reaksyon ng tatanggap.

• Decoding – ano ang kahulugan ng mensahe, ano ang


inaasahang reaksyon mula sa kanya, paano niya
tutugunan at paanong paraan niya ito tutugunan.
KATANGI
AN:
2 ANG PROSESO NG KOMUNIKASYON AY
DINAMIKO.

Nagbabago ang komunikasyon dahil sa impluwensya


ng lugar, oras, mga pangyayari at mga taong sangkot
sa proseso.

3 ANG KOMUNIKASYON AY KOMPLIKADO.

Ito ay dahil sa : persepsyon ng isa sa kanyang sarili, sa


kausap,
Iniisip niyang persepsyon ng kanyang kausap sa kanya
at
KATANGI
AN:
4 MENSAHE, HINDI KAHULUGAN, ANG NAIPADADALA AT
NATATANGGAP SA KOMUNIKASYON.

Ang pagpapakahulugan ay depende sa tumatanggap nito.

5 HINDI TAYO MAAARING UMIWAS SA KOMUNIKASYON.

Hindi man tayo magsalita, sa ating mga kilos, galaw,


kumpas at anyo, hindi man sinasadya ay nakapagpapadala tayo
ng mensahe.
KATANGI
AN:
6 LAGING MAY DALAWANG URI NG MENSAHE SA PROSESO NG
KOMUNIKASYON.

• Relasyunal – di berbal na pagpapahiwatig ng


damdamin o pagtingin sa kausap.

• Panlinggwistika – pasalita, gamit ang wika.


1 Nagpadala ng Mensahe

SANGKAP 2 Mensahe

3 Daluyan o Tsanel ng
Mensahe
AT
4 Tagatanggap ng Mensahe

PROSESO 5 Tugon o Pidbak

NG 6 Potensyal na Sagabal sa
Komunikasyon

KOMUNIKASYON
1 Nagpadala ng Mensahe
Sender
Tao o pangkat ng mga taong pinagmumulan
ng mensahe.

2
Mensahe
Inpormasyon
Dalawang uri ng mensahe:
a) mensaheng pangnilalaman/panlinggwistika.
b) mensaheng relasyunal o mensaheng di-berbal.
3
Daluyan o Tsanel ng Mensahe
Kategorya ng daluyan
a) daluyang sensori o tuwirang paggamit ng
paningin, pandinig, pang-amoy, panlasa at
pandama
b) daluyang institusyunal – mga kagamitang
elektroniko tulad ng telepono, e-mail, fax, mobile

4
phone.
Tagatanggap ng Mensahe
Receiver
Nagbibigay-kahulugan o magde-decode sa
mensaheng kanyang natanggap.
5 Tugon o Pidbak
Ang pagbibigay tugon o pidbak ay isang mahalagang
paraan ng pagkontrol sa mga sagabal sa
komunikasyon.
Tatlong uri:
(a)tuwirang tugon (b)di-tuwirang tugon (c)naantalang tugon

6
Potensyal na Sagabal sa Komunikasyon
Communication noise o Filter
Ito ang mga dahilan kung minsan ng hindi
pagkakaunawaan.
Apat na uri:
a) semantikong sagabal
b) pisikal na sagabal
c) pisyolohikal 
d) saykolohikal
KOMUNIKASYONG
BERBAL
Ang Komunikasyong Berbal ay anyo ng
paghahatid ng mensahe sa pamamagitan ng mga
salitang simbolo na kumakatawan sa mga ideya at
bagat-bagay.
Nakapaloob dito ang pagsulat,pagbasa,
pagsasalita, at pakikinig.

Simbolisasyon – isang proseso ng pagtutumbas ng ideya,


pangyayari, lugar, o bagay.
Ito ay maaaring sa pamamagitan ng berbal na simbolo, di-berbal na
simbolo o sa magkasabay o kumbinasyunal na ppaggamit ng dalawa.
Ayon kay Gerald (1960), ginagamit ang berbal na
komunikasyon sa mga sumusunod na sirkumstanses:

1. Kung may sunud-sunod na datos na kailangang lutasin,


ang paggamit ng pandinig ay higit na mabisa kaysa
biswal na pamamaraan sa paglikha ng temporal na
diskriminasyon.

2. Kapag ang tatanggap ng mensahe ay abala sa ibang


gawain o kondisyon, ang kanyang alertness ay
nababawasan.

3. Kapag ang mga mensahe ay mahahalaga, maiikli o


madadali, mas madali iyong mauunawaan at
matatandaan kapag napakinggan o nabasa.
4. Kapag mahalaga ang pleksibiliti ng transmisyon ng
mensahe, mahalaga ang paggamit ng tinig lalo na
sa pagbibigay ng iba’t ibang impleksyon at empasis.

5. Kapag nais nating maglahad ng impormasyong


kaugnay ng isang tiyak na usapin o isyu, ang
paggamit ng berbal na paraan ay napakabisa.

6. Kapag ang resepsyong biswal ay hindi mabisa sa


kadahilanang maiuugnay sa kondisyong
pangkapaligiran, ang paggamit ng berbal na paraan
ay mas lalong angkop.
Sa pagpapakahulugan o pag-iinterpret ng mga simbolong
berbal, mahalagang maisaalang-alang ang maaaring
pagmulan ng kahulugan ng bawat salita:

1. Referent ang tawag sa bagay o ideyang kinakatawan


ng isang salita.
2. Common Reference ang tawag sa parehong
kahulugang ibinibigay ng mga taong sangkot sa isang
sitwasyong pangkomunikasyon.
3. Kontekstong Berbal ang tawag sa kahulugan ng isang
salita na makukuha batay sa ugnayan nito sa iba pang
salita sa loob ng isang pahayag.
4. Ang paraan ng Pagbigkas o Manner of Utterance ay
maaari ring magbigay ng kahulugang konotatibo.
KOMUNIKASYONG
DI - BERBAL
Ang Komunikasyong Di-Berbal
ay naipapakita sa pamamagitan ng
galaw ng katawan, pagtingin,
tikas o tindig, ekspresyon ng mukha at
paralanguage (pitch, volyum, bilis at
kalidad ng tinig).
MAHALAGA ANG KOMUNIKASYONG DI-BERBAL DAHIL:

1. Inilalantad o ipinahihiwatig nito ang


kalagayang emosyunal ng isang tao.

2. Nililinaw nito ang kahulugan ng isang


mensahe.

3. Pinananatili nito ang interaksyong resiprokal


ng tagapagpadala at tagatanggap ng
mensahe.
IBA’T IBANG ANYO NG KOMUNIKASYONG DI-BERBAL:

1. Oras (Chronemics)
– ang paggamit o pagpapahalaga ng oras ay
maaaring kaakibatan ng mensahe.
2.    Espasyo (proxemics)
– maaaring may kahulugan ang espasyong inilalagay
natin sa pagitan ng ating sarili at ng ibang tao.  Intimate,
personal, social o public
Espasyo sa pakikipag-usap, fisikala na kaayusan ng mga
bagay-bagay sa isang lugar.
3.   Katawan (kinesics)
– kilos ng katawan:  mata, mukha, pananamit at
kaanyuan, tindig at kilos, kumpas ng kamay.
4. Pandama (haptics)
– paggamit ng sense of touch sa paghahatid ng mensahe;
Hawak, pindot, hablot, pisil, tapik, batok, haplos at
hipo.
5.     Simbulo (Iconics)
– mga simbolo sa bilding, lansangan, botelya, reseta atbp.
6.     Kulay (Chromatics)
– maaaring magpahiwatig ng damdamin o oryentasyon.
7.     Paralanguage
– paraan ng pagbigkas sa isang salita.
8.     Bagay (objectics)
– paggamit ng mga bagay o objects sa komunikasyon.
MGA KONSIDERASYON
SA MABISANG
KOMUNIKASYON:

Ayon kay Dell Hymes (Bernales, et al., 2002), kailangang


isaalang-alang ang ilang konsiderasyon upang matiyak
na magiging mabisa ang komunikasyon.  Ginamit niya
ang akronim na SPEAKING.
S etting (saan nag-uusap?) ay maaaring mapagkamalang-bastos o walang pinag-
aralan. – ang lugar ay may malaking impluwensya sa komunikasyon. Kung hindi ito
isaalang-alang
P articipants (Sino ang kausap?) – pabagu-bago ang paraan n gating pakikipag-usap
depende sa kung sino ang kinakausap.  Binibigyang pansin ang edad,
kasarian, katungkulan, propesyon atbp.
E nds (Ano ang layunin sa pag-uusap?) – ibagay ang pananalita sa layunin gaya ng
pagiging malumanay, may awtoridad, seryoso, masaya atbp.
A ct Sequence (Paano ang takbo ng Pag-uusap?) – ang komunikasyon ay dinamiko,
samakatuwid ang isang usapan ay nagbabago.  Kasama ditto ang
pagbabago ng paksa at paraan ng pag-uusap.
K eys (Formal ba o informal ang usapan?) – pagpili ng salitang gagamitin na babagay
sa formalidad ng okasyon. 
I nstrumentalities (Ano ang midyum ng usapan?) –tsanel o daluyan ng komunikasyon.  Ang
midyum ang humuhubog at naglilimita sa isang mensahe.
N orms (Ano ang paksa ng usapa?) – Mahalagang maisaalang-alang ang paksa ng
usapan. 
G enre (Nagsasalaysay ba? Nakikipagtalo o nagmamatwid? Naglalarawan? O
nagpapaliwanag?).  Mahalagang batid ng isang tao kung ano ang genre na
ginagamit ng kanyang kausap, nang sa gayo’y malaman din niya kung anong
genre ang kanyang gagamitin.
Iba pang pangangailangan sa isang prosesong
pangkomunikasyon upang maging mga epektibong
partisipant:

1. Kailangang maunawaan nila ang proseso ng komunikasyon.


2. Kailangang may positibong perseption siya sa knayang sarili, sa
tagatanggap ng kanyang mensahe o pidbak, sa kaniyang mismong
mensahe o pidbak at sa kabuuan ng prosesong pangkomunikasyon.
3. Kailangang marunong silang mag-encode at mag-decode ng mga
mensahe.
4. Kailangang may sapat din syang kaalaman at kasanayan sa paggamit at
pagpapakahulugan ng mga simbolong di-berbal sa
pakikipagkomunikasyon.
5. Kailangang mauunawaan niya ang mga batayang konsepto at simulain
sa komunikasyon at kailangan alam niya kung paano gagamitin ang mga
iyon sa mga partikular na sitwasyon at sa iba’t ibang antas o uri ng
komunikasyon.
1
2
3 THE
4
5
END
6 BY: Alejandro Medina Atienza

You might also like